You are on page 1of 29

Sa ibang grupo ng mananampalataya, layunin ng mga

pagbabahay-bahay sa relihiyon ay ang mga sumusunod:


1. Magpahayag ang balita o kautusan ng dakilang lumikha;
2. Magkaroon ng ugnayan ang pamilya at relihiyon;
3. Mabigyan ng sapat na mga kaalaman ang bawat isa
hinggil sa pananampalataya;
4. Maghanap ng mga taong handang maglingkod sa
simbahan;
5. Paghingi ng tulong sa pagpapa-unlad ng kanilang
simbahan; at
6. Pagsasagawa ng mga pagdiriwang na may kinalaman sa
relihiyon.
MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON GAMIT
ANG WIKA
MGA GABAY NA KATANUNGAN:
1. Ano ang usaping pambayan ang pinag-uusapan ng
mga senador at ilang mga kawani ng gobyerno?

2. Ano ang mga napansin mo sa palitan ng kuro-kuro


ng mga senador at ilan mga kinatawan ng gobyerno
hinggil sa usapin na kanilang pinagtatalunan?

3. Paano nilulutas ng mga senador at kinatawan ng


gobyerno ang usaping pambayan?
Ano nga ba ang “Mga Tiyak na Sitwasyon
Pangkomunikasyon?”

Sa mga tiyak na sitwasyon na nangyayari sa lipunan ay


nagkakaroon ng mga usapin na dapat pagusapan at
solusyunan. Dahil sa mga kaganapan ito, ang mga tao
ay nararapat na makialam sa nagyayari sa kanyang
paligid mula sa mga pagtatanong sa kanyang kapwa
hanggang sa pakikinig sa iba’t ibang mga usapin na
may kinalaman sa kanyang pinaniniwalaan at
pinamumuhayan.
Sa paghahayag ng damdamin ng tao sa kanyang
lipunan ang wika ay kanyang daan upang iparating ang
saloobin sa mga usapin na kanyang naririnig at
nararanasan sa paligid. Sa katotohanan dahil sa wika
ang mga isyung panlipunan man o pang-akademiko ay
napaguusapan.
Samantala, sa mga sitwasyong pangkomunikasyon
gamit ang wika, pinapanatili ng mga tagapagsalita na
ang wika ay nararapat na nuunawaan at nagagamit ng
lahat batay sa hinihingi ng kapaligiran at panahon.
May mga pagkakataon naman na ang wika ay hindi
nauunawaan lalo kung may iba’t ibang
pinaniniwalaan, teorya, interpretasyon, salita at gawa
ang mga tao.
Sitwasyong Gamit ang Komunikasyon sa Iba’t Ibang
Talakayan

Ang talakayan ay isang paraan upang ipaliwanag,


panatilihin at patunayan ang mga katotohanan ng
usapin batay sa mga reyalistikong basehan na
magsisilbing katibayan upang ibahagi sa iba ang mga
impormasyon.
Ang pagsasagawa ng mga talakayan ay lubos na
kailangan lalo na sa mga usapin na dapat pag-aralan
tulad ng mga usaping panlipunan, pang-agham, pang-
sining, pang-teknolohiya at pangakademiko, ang mga
aspetong ito ay dapat bigyan ng linaw ng mga
mahuhusay na tagapaghatid ng mga impormasyon sa
kanyang mga tagapakinig. Layunin ng pagsasagawa ng
mga talakayan na linawin ang mga katibayan,
tanggalin ang mga agam-agam na gumugulo sa isipan
at mangibabaw ang mga katotohanan na likha ng tao
mula sa kanyang naiisip hanggang sa kanyang
nararanasan sa lipunan.
Ang Makabuluhang Talakayan
1. Ang paksang tatalakayin ay kapaki-pakinabang sa
lahat ng tagapakinig.
2. Ang mga suliranin sa talakayan ay nabibigyan ng
karampatang solusyon.
3. Ang bawat tagapagdaloy sa talakayan ay may sapat
na kaalaman sa mga paksang tinatalakay.
4. Ang mga tanong ay nararapat na nababalangkas
upang mas mabigyan ng agarang tugon.
5. Ang wikang gagamitin ay kinakailangan na
nauunawaan ng mga tagapakinig.
6. Ang pakikilahok ng bawat kasapi ay daan sa
makabuluhang talakayan.
Sa bawat talakayan iminumungkahi ang mga sumusunod
na dapat tandaan kung makikisangkot sa usapin.
1. Makinig at suriin maigi ang mga sasabihin ng bawat
tagapagdaloy ng mga impormasyon;
2. Kung may pagkakataon na makakapagbahagi ng mga
ideya ay huwag matakot at mahiya na ito ihayag sa lahat
lalo na kung ito ay makakabuti para sa lahat; 3. Sa
pagtatanong ng mga impormasyon o ideya man, iwasan
ang pagiging maligoy na magiging sanhi ng di-
pagkakaintindihan;
4. Iwasan na ilihis ang mga paksang tinatalakay ng mga
tagapagdaloy ng magiging sanhi ng pagbagal ng
talakayan;
5. Maging bukas ang kaisipan sa mga ideya ng bawat
kalahok sa talakayan;
6. Kung mangangatwiran, siguraduhin na ito ay
makakabuti sa lahat ng kasapi ng talakayan sapagkat
may mga pagkakataon na hindi na dapat ipaglaban
ang katwiran kung ito man ay sinang-ayunan ng
nakakarami; at
7. Iwasan ang pagiging mayabang na dahilan ng
pagkakagulo at di-pagkakaunawaan ng bawat isa.
Etika sa Pakikipag-Usap
Ang mahusay na ugnayan ng mga kalahok sa
talakayan ay tulay ng magandang pangitain ng pag-
unlad ng bawat isa. Kung isaalangalang ng mga tao
ang tamang pag-uugali, sila’y magkakaroon ng
matagumpay na solusyon sa mga usapin na dapat
tuklasin, solusyunan at pagyabungin.
1. Maging magalang sa bawat isa;
2. Matutong makinig sa ideya at saloobin ng ibang
kalahok;
3. Maging matapat sa layunin sa pakikipagtalakayan;
4. Marunong na kumilala ng paniniwala, tradisyon at
kultura ng iba;
5. Magkaroon ng bukas na kaisipan at bukal na
kalooban sa pagbabahagi ng mga ideya.
6. Magbahagi ng kaalaman na may pagkilala sa
identidad at kasarian ng iba.
IBA’T IBANG URI NG TALAKAYAN
Pulong-Bayan
Pagtitipon na ginagawa sa isang bayan o lalawigan.
Ang mga nagsasagawa nito ay ang mga taong may
kapangyarihan sa lipunan. Sa pulong bayan karaniwan
na pinag-uusapan ang mga usaping pambayan tulad
ng kanilang progreso ng pag-unlad, buwanang balita o
kita at mga usaping suliraning pambayan.
Sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga kawani ng
pamahalaan, sektor at ahensya ng mga pribadong
organisasyon ang mga usaping pambayan ay
nasusolusyunan tulad ng mga sumusunod na:
1. Ang mga suliranin sa pananalapi;
2. Kalusugan ng mamayan;
3. Pamumuhay ng mga taong napapabilang sa
mahihirap;
4. Mamamayan na walang trabaho;
5. Mga usaping pang-agrikultura;
6. Di matakatarungan paglaganap ng krimen; at
7. Mga usapin sa karapatang pantao.
Forum
Ang pagsasagawa ng forum ay isang pagpupulong
upang bigyan ng kalutasan ang mga usapin hindi
lamang sa akademiko kundi sa mga napapanahong
usaping pampulitikal at pang-teknolohiya. Karaniwan
ang forum ay binubuo ng mga eskperto sa iba’t ibang
larangan upang tugunan ang mga suliranin na pinag-
uusapan.
Sa forum, ang bawat tagapakinig ay may pagkakataon
upang magbahagi ng kanilang mga ideya at saloobin.
Sa pamamagitan din ng pagsasagawa ng forum, ang
mga agam-agam sa isipan ay maaring itanong sa
tapagdaloy ng mga impormasyon upang mabigyan ng
kahit panandaliang solusyon.
Lektyur
Ang uri ng talakayan na ito ay nangangailangan ng
isang mahusay na tagapagdaloy ng mga
impormasyon. Kinakailangan na may sapat na
kaalaman o eksperto ang isang tagapagdaloy hinggil
sa paksang kanyang tatalakayin sa mga tagapakinig.
Ang lektura o lektyur ay maaaring ganapin sa isang
silid o maliit na bulwagan na kung saan ang
tagapaghatid ng mga impormasyon ang siyang may
pinakamahalagang tungkulin upang magkaroon ng
karagdagan kaalaman ang mga kalahok sa usapin. Sa
lektyur ang mga kalahok ay nakikinig sa mga
presentasyon na inihanda ng tagapagdaloy ng ideya at
kung may pagkakataon ang tagapagsalita, siya ay
nagtatanong ng mga kaugnay na katanungan sa
paksang tinatalakay na maari din naman sagutin ng
mga tagapakinig.
Seminar
Isang malaking talakayan ang tinatawag na seminar
na mayroon mga ekspertong tagapagsalita sa iba’t
ibang larangan. Ang seminar ay karaniwan na
ginagawa sa larangan ng edukasyon. Sa pagsasagawa
ng seminar ang mga tagapakinig ay maaring nagmula
sa iba’t ibang lugar, lahi at propesyon na kung saan
ang bawat isa ay nagsama-sama para sa isang layunin
na magagamit nila sa kinabibilangang organisasyon o
lipunan.
Sa seminar mas madalas na pinag-uusapan ay ang
pagpapalawak ng kaalaman sa mga makabagong
pamamaraan, pagpapaunlad ng mga sarili at
kamalayan at pagkilala sa iba’t ibang estratehiya dulot
ng mga makabong teknolohiya.
Worksyap
Ang worksyap ay isang masayang uri ng talakayan o
gawain sa isang partikular na paksa o usapin na ang
mga kalahok ay nagbabahagi ng kanilang mga
kaalaman at karanasan.
Dahil sa worksyap nabibigyan ng kulay ang talakayan
sa pamamagitan ng mga gawain na may kaugnayan sa
pinag-uusapang tema. Ang bawat kalahok ay
nagpapakita ng kanilang mga kakayahan at talento
upang matapos ang gawain sa itinakdang oras ng mga
tagapamuno ng worksyap.
Symposium
Ang symposium ay isang pormal na talakayan upang
pagusapan ang napapanahong isyu sa lipunan o
organisayon na tinatawag ding sampaksaan. Layunin
ng talakayang ito na magbigay ng kaalaman ukol sa
isang paksa o tema sa mga kalahok nito.
Sa pagtatalaga ng isang symposium karaniwan na
binubuo ito ng tatlo (3) hanggang (5) tagapagsalita
kung saan sila ay may iba’t ibang paksain at layunin na
tatalakayin sa oras lamang na itinakda.
Halimbawa ng symposium:
1. The 10th National Research Symposium of BulSU
2. Symposium in Legal Management
Kumprehensya
Isang malawakang talakayan ang pagsasagawa ng
komprehensya sapagkat maraming mga kalahok o
delegado ang nakikinig sa usapin upang masagot ang
kanilang katanungan. Ang pagsasagawa ng
kumprehensya ay madalas na makikita o maririnig sa
mundo ng bisnes at minsan sa larangan edukasyon.
Sa ganitong uri ng talakayan, ang mga tagapakinig ay
nagmula sa iba’t ibang lugar na kung saan sila ang
nagsisilbing representante ng kanilang samahan o
organisasyon upang makinig at pag-aaralan ang mga
ibinabahaging impormasyon ng tagapagsalita sa
kumprehensya.
Samantala, may tinatawag na “echo discussion” ang
mga taong lumahok sa kumprehensyang talakayan.
Dito ay itinituro ng mga kalahok ang kanilang
natutuhan sa mga kapwa nila kasamahan na maaring
sa paraang lektyur.
Roundtable Discussion
Isang maliit na pangkat na nag-uusap-usap para sa
isang gawain na nararapat matapos sa madaling
panahon. Sa ganitong uri ng talakayan, ang bawat
isang kalahok ay nagkakaroon ng pagkakataon na
magbahagi ng kanilang ideya sa bawat isa tungkol sa
paksang tinatalakay. Ang gawain ito ay madalas na
ginagamit sa larangang akademiko na kung saan ang
mga kalahok ay nagbabahagi ng kanilang mga opinyon
na na sinusuri at tinutugunan ng bawat kalahok.
Small Group Discussion
Ang uri ng talakayang ito ay masayang gawain sa loob
ng paaralan, ang bawat kalahok ay nakakapagbahagi
ng kanilang mga saloobin at ideya sa isang itinakdang
panahon ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro.
Asembliya
Ginaganap ang ganitong uri ng talakayan sa isang
malawakang usapin na dapat pag-aralan at pag-
usapan. Karaniwang isinasagawa ang asembliya sa
mga usaping pulitikal, edukasyonal at mga usaping
pangkalusugan.
Ang pagsasagawa ng asembilya ay hindi madalian, ito
ay nangangailangan ng mahabang panahon ng
preparasyon sapagkat ito ay isang malawakang
pagpupulong ng mga iba’t ibang tao na nagmumula sa
iba’t ibang lugar.

You might also like