You are on page 1of 5

KOMUNIKASYONG BERBAL

Ang pagpapahayag ng damdamin sa paraang pasalita o pasulat ay kumakasangkapan sa mga ideya at


impormasyon na naiisip ng tao. Ito ay tumutukoy sa mabisang ugnayan ng tao sa kanyang
pang-arawaraw na pakikisangkot sa mundo sapagkat ang berbal na komunikasyon ang pinakagamitin sa
lahat ng pagkakataon, disiplina at larangan.

Ginagamit ang komunikasyon berbal sa iba't ibang angulo ayon kay Gerald (1960):

1. Kapag ang mga datos ay dapat na bigyan ng solusyon, linawin, at bigyan ng kahulugan.
2. Kapag ang tagatanggap ng mga ideya, impormasyon o mensahe ay may ginagawa o abala sa iba
pang mga gawain.
3. Kung ang mga ideya, impormasyon, mensahe ay madali, maikli at mahalaga,
4. Kapag mahalaga ang palitan ng mga mensahe.
5. Kapag maglalahad ng mga impormasyon sa mga tiyak na pangyayari at usapin; at
6. Kapag ang simbolong ginamit tulad ng biswal ay hindi ay nauunawaan at nabibigyan ng kahulugan.

Pagpapakahulugan sa mga Simbolong Berbal:


1. Referent - Mga bagay o ideya na kinakatawan o inaaksyunan ng isang salita. Sa ibang paliwanag, ito
ay tumatalakay sa mga katangian at tiyak na aksyon kung saan ipinapakita ang ugnayan ng mga bagay
sa iba pang bagay.
2. Common Reference - Tawag sa parehong kahulugan na ibinibigay ng mga taong sangkot sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon.
3. Verbal Content - Nabibigyan ng kahulugan ang isang salita na makukuha batay sa ugnayan nito sa
iba pang salita sa loob ng isang pahayag.
4. Manner of Utterance - Paraan ng pagbigkas ng mga salita. Maaring ang pagbibigay kahulugan ay sa
paraang konotatibo.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ang mga simbolo tulad ng mga larawan, galaw ng mga bahagi ng katawan, mga letrang nakalimbag at
mga ekspresyon na hindi ginagamitan ng tunog ay matatawag na komunikasyong di-berbal. Ito ay kung
paano tinatanggap at binibigyan ng kahulugan ng tao ang mensahe na nakabatay sa kanyang nakikita o
naramdaman.

Ayon kay E. Sapir "Ang di-berbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi
nakasulat ngunit nauunawaan". (Davis,2014) Samakatuwid, ang komunikasyong di-berbal ay isang
larangan ng paghahatid ng mga mensahe na di-direktang naipaparating ang mga ideya o impormasyon
ngunit sa pamamagitan ng mga simbolo o signs na ipinapakita tulad ng pagkilos ng mga katawan,
ekspresyon ng mukha o paggamit ng mga bagay na agarang nabigyan kahulugan ng tumatanggap ng
mensahe ay maituturing na komunikasyong di-berbal.

Mula naman kay Albert Mehrabian (1971), sinasabi niya na "siyamnapu't tatlo o (93%) ng mga
mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di-berbal na komunikasyon" gaya ng mga normal
na gawain ng tao na pagtango kung umaayon, ang madalas na pagkumpas ng mga kamay, ang
pagsusulat ng mga ideya o anu pa man mga bagay na ginagamit upang maiparating lamang ang mga
saloobin o ideya sa tatanggap ng mensahe.
Ilan sa mga halimbawa ng komunikasyong di-berbal ay ang mga mahahalagang sensora na bahagi ng
ating katawan tulad ng pag-amoy na maaring magparating ng kasarapan o kakulangan, sensora ng
panlasa na nagbibigay kahulugan ng tamis, tabang, alat, pait at asim, ang sensora ng paningin na
tumutukoy sa mga nakikitang kagandahan at di-kagandahan, ang sensora ng pandinig na nagbibigay ng
kahulugan sa malakas at mahina at ang sensora ng pandama na maaring sa pagitan lamang ng hawak
ay naibigay na ang kahulugang nais.

Komunikasyong Di-berbal: Kilos ng Katawan


May mga pagkakataon na ang body language o kilos ng katawan ay salik na ginagamit ng tao upang
maiparating niya ang kanyang saloobin. Sa pamamagitan ng iba't ibang mga kilos nabibigyan ng diin ang
mga salitang nais pahalagahan o bigyan ng punto.

Halimbawa:
pagtaas ng kilay - pagsang-ayon o galit.
pagyakap sa kapwa- pag-ibig o pag-aalala.
paghalik sa noo - paggalang o pagmamahal.
pagtitig sa tao - pantasya, galit.
pagsasabi ng totoo pagkunot ng noo - di sang-ayon, pagtataka, galit.
paghawak sa kamay - pag-iingat, pag-aalala, paghihigpit pagtikom ng bibig ayaw magsalita,
nagsisinungaling.
pagpalakpak ng malakas - pagbibigay puri o pang-aasar.
pagunguso - ayaw, inis, galit
pagtikom ng bibig - pananahimik, pagkainis, pagsisinungaling.
pagtatakip ng ilong - may naamoy na mabaho, may nararamdaman.
pag-iwas sa tao - pagkainis, galit, ayaw kausap, pagkautang.

Komunikasyon Di-berbal:
Larawan Ang mga larawan ay daan ng mga artista sa larangan ng sining at humanidades upang pukawin
ang interes at imahinasyon ng tao. Sa pamamagitan ng mga larawan naipaparating ang mga saloobin sa
malikhaing paraan ng tao, ito man ay likha ng panulat at papel o makabagong teknolohiya ay maituturing
na komunikasyong di-berbal.

Halimbawa: Ang nakakaantig na larawan ng "The Prodigal Son". Ipinakita kung paano ang pagmamahal
ng dakilang lumikha ay hindi mapapantayan ng kahit anong yaman sa mundo. Inilalarawan sa likhang
sining na ito na kailanman walang mayaman o mahirap sa mata ng Diyos, lahat ay pantay-pantay na may
tungkulin na dapat gampanan sa paraiso na kaniyang ipinagamit sa tao.

Ang isa sa pinagmamalaking larawan na iginuhit ni Luna ang "Spolarium" na kung susuriin ang tumatakay
sa madugong karanasan ng mga Pilipino sa mga mananakop, kung paano sila nakipaglaban at
nakipagsapalaran para sa kalayaan ng Inang bayang Pilipinas.

Komunikasyong Di-berbal: Kulay


"Ang kulay ay hindi nakikita, ito ay nararamdaman" (Colors, Miranda, 2015) ang bawat kulay ay
ekspresyon ng damdamin ng tao mula sa kanyang nakikita, nararamdaman at pinaniniwalaan. Ang kulay
ay nabibigyan ng kahulugan batay sa mga makabuluhang pag-unawa ng tao kung paano ito. binibigyan
ng sariling interpretasyon.
Halimbawa:
pula - katapangan, pag-ibig, galit puti -lungkot, liwanag, kalinisan.
dilaw - init, galit, saya rosas - pag-ibig, tapat
asul - payapa, malinis
berde - luntian, tahimik, saya
itim - lungkot, pighati, dilim.
ube - lungkot, tahimik

Komunikasyong Di-berbal: Pisikal na Kaanyuan


Ang taglay na pisikal na kaanyuan ay may iba't ibang kahulugan ngunit may pagkakataon na
nagkakaroon ito ng negatibong katuturan kung hindi nauunawaan ang tunay na kahulugan ng mga salita
o simbolong ginamit.

Halimbawa:
matangos ang ilong - tisoy
nunal sa paa - layas
nunal sa bibig - madaldal
balat sa puwet - malas
nunal sa mata - nakakakita ng ibang imahe
nunal sa Bumbunan - matalino
malapad ang noo - matalino
malamlam na mata - nakikiusap

Ano ang Kahalagahan ng Komunikasyong Di-berbal?

Sabi ng iba ang pagmamahal raw ay mas masarap na damhin kung ang salitang "I love you" o "mahal
kita" ay pinararamdam at hindi sinasabi lamang, sabi nga "action speaks louder than words" tulad ng
komunikasyong di-berbal mas nabibigyan ng diin ang mga impormasyon kung ito ay gagamitan ng mga
simbolo bilang pagpapatunay o pagtatago ng saloobin ng isang tao. Mahalaga ang konteksto ng
komunikasyong di-berbal upang muling sariwain ang pahayag sa salitang berbal. Dahil din sa di-berbal
na komunikasyon gamit ang mga simbolo, nabibigyan ng diin, kulay at kahulugan ang mga salitang nais
iparating sa mga tagatanggap ng mensahe. Nagsisilbi rin itong pamalit sa mga salitang di masabi ng
hayagan o direktahan na nagiging paunang senyales sa pahayag na nais iparating.

Ngunit, dahil sa mga simbolo na ginagamit ng tao, madalas nabibigyan ng iba’t ibang kahulugan ang nais
ng nagpadala ng mensahe. May mga pagkakataon na ang gamit ng body language, larawan, kulay at
akda, ay isang paktor ng hindi pagkakaunawaan batay sa iba’t ibang interpretasyon ng mga tao. Dahil
dito, ang mga maling interpretasyon ay maaring magdulot ng di magandang signal ng pagkakaunawaan
na maaring humantong sa di inaasahang negatibong pangyayari.
Ano ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Komunikasyong Di-berbal?

1. Huwag maging salat sa bokabularyo - Sapagkat maaaring maging sanhi ito ng maling pagkaunawa sa
mga kahulugan o simbolo na inihahayag ng isang tao.
2. Analisahin ang mga simbolo ayon sa gamit - Ang mga simbolo ay may iba’t ibang kahulugan batay sa
iba’t ibang larangan o propesyon, panatilihin lamang ang mga salitang nauunawaan ng lahat.
3. Kilalanin ang taong sangkot sa komunikasyon - Marapat lamang na kilalanin ang katangian ng isang
tao, ang kanyang kilos, galaw at pananalita sapagkat maaring mabigyan ng ibang interprestasyon ang
mga mensahe gamit ang kilos at katangian ng isang tao lalo na kung ito ay hindi lubos na kakilala.
4. Maging mapanuri at alerto - Ang ganitong katangian ay higit na dapat isipin sapagkat ang bawat
simbolo na ginagamit ng mga tao ay maaring magdala ng kamalian sa komunikasyon kung ito ay hindi
nasuri ayon sa tamang gamit. Kinakailangan na maging alerto sa bawat simbolo gaya ng mga kilos ng
katawan sapagkat ang mga simpleng kilos lamang ay may makabuluhan ng kahulugan.
5. Pagkilala sa mga simbolo at gamit nito - Ang maling interpretasyon sa mga simbolo ay may malaking
epekto sa pagkakaunawaan ng mga sangkot sa komunikasyon. Ang mabisang usapan ay gumagamit ng
mga simbolong hindi nagbibigay ng kalituhan sa tagatanggap ng mensahe.

Anyo ng Komunikasyong Di-berbal.

1.Ang pag-aaral ng galaw at ekspresyon ng mukha. (Kinesics o Kinesika) - ang bawat galaw ay may
kahulugan, simpleng pagkindat, pagtaas ng kilay, pagtango, o pag-iling ay maaring may positibo o
negatibong tugon.

Ekspresyon ng Mukha - Isa sa pinagbabatayan ng emosyon ng tao ay ang kilos at pigura ng kanilang
mukha. Ang taong nakakaramdam ng galit madalas ay nakasimagot o nakataas ang kilay, kapag
malungkot ay umiiyak samantalang ang mga taong maligaya ay nakangiti at tila maaliwalas ang mukha.

2. Pag-aaral ng espasyo, distansya o layo - (Proxemics o Proksemika) Ayon kay Prof. E.T. Hall (1969) ang
paggamit ng espasyo o distansya ay daan upang matukoy ang hangganan ng dalawang taong nag-uusap
at kung paano sila magsasalita, gagalaw o kikilos batay kung paano sila naapektuhan.
a. Halimbawa, may isang crew ng isang fastfood chain na kinakausap ng kanyang boss o manager
hinggil sa isang reklamo ng isang customer laban sa kanya. Ang kanyang magiging paliwanag sa
pangyayari ay nakabatay kung paano niya itinuturing ang kanyang amo na may mataas na posisyon at
isinaalang-alang rin niya ang kultura ng kanyang kinabibilangan na kompanya.

3. Pag-aaral hinggil sa paghawak o haplos ng kamay (Haptics o Haptika) - Isang primitibong bahagi ng
komunikasyong diberbal. Ang mga haplos at galaw ng kamay ay maaring magdulot ng mga positibo o
negatibong tugon batay sa isip ng tao.
Sa mga lalaki, ang mahigpit na pakikipagkamay ay nangangahulugan ng pagkatotoo sa kanyang saloobin
samantala kapag ang isang babae ay nakipagkamay sa lalaki at naging mahigipt ang pagkakahawak ng
lalaki sa kanyang kamay maaring ito ay magdulot ng di pagkakaunawaan sapagkat ang isipin ng babae
siya ay di na ginalang ng lalaki.

Ang pakikipag-handshake sa tao ay maaring magkaroon ng kahulugan gaya ng pakikiramay, paggalang o


pagbibigay papuri sa kapwa. Ang bawat haplos ng kamay ay iba’t ibang interpretasyon ayon sa gamit ng
panahon.
4. Ang pag-aaral sa kilos ng mata (Oculesis o Okulesis) - tumutukoy ito sa panksyon ng mata. Sa
pamamagitan ng mata naipapakita ang kagustuhan o interes ng isang tao batay sa kanyang
nararamdaman.
a. Ang hindi pagtingin sa kausap ay nangangahulugan ng pagsisinungaling sa isang pangyayari o bagay na
kinasangkutan.
b. Ang pagtitig sa isang tao na hindi kilala ay posibleng magdulot ng di magandang usapin o pagkakagulo.
c. Ang paglaki at pagiging bilugan ng mga mata ay nagpapahiwatig ng masidhing galit o inis ng isang tao.

5. Ang pag-aaral ng mga klu o paunang pahayag gamit ang tinig o boses. (Vocalics o Bokaliks) - Ang
mga di karaniwang salita tulad ng pagsinghal, pabulong, pasigaw ay mga pamalit na senyales sa mga
nararamdaman. Dahil sa mga klu na mula sa tinig, nagkakaroon ito ng negatibong impresyon sa kausap.
Ang mga halimbawang pasinghal ay nagpapakita ng inis o galit ng isang tao.

6. Ang pag-aaral ng makabuluhang oras at esensya ng panahon. (Chronemics o Kronemiko) - Ito ay


tumatalakay kung paano ang oras ay nagagamit ayon sa itinakdang panahon. Mahalaga ang oras
sapagkat ito batayan ng mabuting usapan o pangakuan. Sa isang taong di nagpapahalaga sa oras ay
maaring makatanggap ng pintas, panunuri o pambubuska sapagkat ang oras kailanman ay hindi na
maibabalik pa.
a. Ang pagdalo sa isang tagpuan na may oras na pinagusapan ay dapat pahalagahan sapagkat ito ay
pagpapakita ng kaugalian ng isang tao na siya ay tapat, totoo at marunong gumalang sa pagpapahalaga o
effort at oras ng isang napagkasunduan.

7. Ang paggamit ng mga bagay pamalit sa pakikipagtalastasan. (Objectives o Obhektibo) - Mahalaga


ang paggamit ng mga bagay upang lubos at mabilis na maunawaan ang mga pahayag sa paraang berbal.
Dahil sa mga bagay na ipinakikita nagkakaroon ng malalim na analisa ang mga tao sa pahayag.
a. Ang paggamit ng celpon ay isang mabisang alternatibo sa mabilis na transaksyon at
pakikipagkomunikasyon. Dahil dito, ang mga saloobin o ideya na hindi masabi ng harap ay maaring idaan
sa makateknolohiyang paraan.

8. Ang paggamit ng mga emoji. (EMOJI) - Ito ay isang makabagong paraan ng komunikasyong di-berbal
sa pamamagitan ng mga maliliit na mukhang larawan na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa text o
messenger.
a. Ang mga emoji ay mga nakakatuwang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng tao gaya ng pagngiti
kung umaayon sa kausap sa kabilang linya ng messenger o text, kabilang dito ang mga lumuluha,
nagagalit, naiinis na mga maliliit na larawan at iba pang ekspresyon ng damdamin. Tinatawag rin itong
mga emoticon o smiley face.

You might also like