You are on page 1of 2

Komunikasyon

ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang


sistema ng mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan
ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Uri ng Komunikasyon

A. Berbal na Komunikasyon
● Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa paraang pasalita
● Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa mga
kaisipan.
Hal:
Gising na! Tanghali na!, baka mahuli ka sa klase, aalis na ako, mag-ingat, umuwi ka agad.

Denotatibo at Konotatibo

a. Denotatibo- ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang salita.


Hal:
Simbahan- isang gusali na itinayo upang doon magsimba ang tao.
Tao- nilikha ng Diyos, binigyan ng buhay, kaluluwa at isip.
b. Konotatibo- maaaring magtaglay ng mga pahiwatig na emosyon o pansaloobin.
- Proseso ng pagpapahiwatig ng karagdagan o kahulugang literal.
- Ang pagkakahulugang konotatibo ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan
at sitwasyon ng isang tao.

Hal:
Bundok- mataas, marumi, madawag, masukal, naggugubat at iba pa
Puti- kalinisan
Berde- Malaswa o kabastusan
Pula- maalab, nag-aapoy, apoy, galit, pag-ibig
Dilaw- pagseselos, pagdududa at iba pa

Paraan ng Pagpapakahulugan o Interpretasyon ng mga Simbolong Berbal

1. Referent- tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita sa isang tiyak na aksyon,
katangian ng mga aksyon, ugnayan ng bagay sa ibang bagay.
2. Komong Referens- ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa
proseso ng komunikasyon.
3. Kontekstong Berbal- ang tawag sa kahulugang ng isang salita na matutukoy batay sa ugnayan
nito sa iba pang salita.
4. Paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance (Paralanguage)
Maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo

B. Di-Berbal na Komunikasyon
● Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay hindi lahat
lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na iniaangkop
sa mensahe.
Hal:
Kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-ibang uri ng pagtingi at pagtitigat iba
pa.

Uri ng Komunikasyong di-berbal


B.1. Galaw ng katawan (Kinesics)
- Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t
ibang bahagi ng ating katawan.
a. Ekspresyon ng Katawan (Kinesics)
- Nagpapakita ng emosyon
Hal:
Masaya kung siya ay nakangiti, malungkot kung umiiyak
b. Galaw ng Mata
- Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag-iiba ang mensaheng ipinahahayag batay
sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas “Galaw ng Kamay”- ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.
a. Regulative- kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro
b. Descriptive- kumpas na maaaring naglalarawan sa isang bagay.
Hal:
Laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay
c. Emphatic- kumpas na nagpapahiwatig ng damdamin
Hal:
Paghampas ng kamay sa mesa, pagpalakpalk, pagtaas ng kamay

d. Tindig o Postura
- Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay nan g hinuha kung anong klaseng
tao ang iyong kaharap o kausap.

B.2. Proksemika (proxemics) – Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang


binuo ni Edward T. Hall (1963) isang antropologo

Uri ng Proxemic Distance


1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.
2. Espasyong publiko 12 ft o higit pa
3. Espasyong sosyal- 4-12 ft
4. Espasyong Personal 1- ½ ft

B.3 Oras/ Kronemika (Chronomics)


a. Teknikal o siyentipikong oras- ginagamit lamang ito sa laboratory at kaunti lamang
ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
b. Pormal na oras

You might also like