You are on page 1of 2

MGA GAWAIN 3:

UNANG GAWAIN:

1.Ano-ano ang matitingkad na pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng tsismisan, umpukan, talakayan,


pulong-bayan, at pagbahay-bahay sa isa’t isa?

 Ang pagkakatulad ng tsismisan, umpukan, talakayan, pulong bayan, at pagbabahay


bahay ay ang pagpapalitan ng impormasyon o ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang
tao.
Ang pagkakaiba naman nila sa isat isa ay ang tsismisan, umpukan, talakayan, ay may
itinakda silang lugar kung saan sila magkita kita para sa palitan ng impormasyon,
pakikipagkwento, atbp. At ang pagbabaha-bahay naman ay ang pagbibisita ng isang
tao o groupo sa isang bahay para makipagkwento o makipagpalit ng impormasyon.

2. Alin sa mga gawaing pangkomunikasyon na nabanggit sa unang tanong ang madalas mong
maobserbahan sa inyong pamayanan at bakit? Sa inyong palagay, bakit madalas itong maganap?

 Sa aking palagay ang Pakikipag tsismisan ang madalas kong maobserbahan sa aking
pamayaan, sapagkat sa panahong ngayon marami rami na rin ang mga balitang hindi
totoo at gawa gawa lamang na kumakalat sa pamamagitan ng tsismis lalo na sa ating
bansa mahilig tayo maki pag kwentuhan at magbigay ng komento na kung minsan ay
napag hahalo halo na ito ng iba at nabibigyan ng ibang interpretasyon ang totoong
pangyayari.

3.Ano-ano ang kahalagahan ng di-berbal na komunikasyon at lokal na ekspresyon at ugnayan ng mga


Pilipino sa isa’t isa?

 Ang komunikasyong Di berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa


pamamagitan ng samo't saring bagay maliban sa mga salita. Mahalaga rin ito sapagkat
ito ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi naka sulat ngunit nauunawaan ng
lahat.
-Ang Ekspresyong lokal naman ay ang mga salita o parirala na nasasambit ng mga
pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, pagka bigla,
pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak.

4.Paano napagyayaman ng mga tinalakay na gawaing pangkomunikasyon ang kulturang Pilipino?

 Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao


habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila nito.
Kasamang nahuhulma at humuhulma sa lipunan ang kultura, na ayon kay Salazar (1996),
ay siyang "kabuuan ng isip, lipunan ng kultura, gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao". Hindi mahuhulma ang
isang lipunan kung walang nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga taong
naninirahan dito. Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kultura na tumatagos sa
lahat ng aspekto ng isang lipunan, political, ekonomiya, at iba pa.
Kailangan din ng mga taong wika bilang behikulo ng komunikasyon para sa panlipunang
pagkakaintindihan at pagkilos (Constantino at Atienza 1996). Ang wika ang "daluyan,
tagpagpahayag at impokan khanan" ng isang kultura (Salazar, 1996) na umiiral at
nakakahugis sa proseso ng komunikasyon ng mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan
at pakikisalamuha sa isa't isa. Malinaw na mahigpit ang pagkakatahi-tahi ng
komunikasyon, kultura, at wika na nagbibigay sa isang lipunan ng sariling kakayahan.

5.Paano nagagamit ang mga gawaing pangkomunikasyonng ito para sa mga gawaing pangkaunlaran sa
isang pamayanan?

 Ito ay magagamit o makakatulong sa kaunlaran dahil kapag ang isa't-isa sa inyong


pamayanan ay may komunikasyon at pagkaka intindihan mapapadali ang inyong mga
gawain dahil kayo ay nagtutulungan at nagkaka unawaan.

6.Paano mapapa-unlad ng paggamit ng pambansang wika ang mga gawaing pangkomunikasyon na tatak
Pilipino?

 Unang una ay sa pamamagitan ng pag tangkilik ng sariling atin, pag bigay importansya at
pagmamahal sa kung ano man ang meron tayo na ikauunlad natin. Sa pagpapakita ng
pagtangkilik ng ating sariling wika ay maipapakita rin natin kung gaano tayo katatag
bilang mga Pilipino. Kailangan natin ang wika bilang behikulo ng komunikasyon para sa
panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos at kasabay ng pag iral ng matatag na wika at
komunikasyon nailikha ang isang kulturang matatag at tumatagos sa lahat ng aspeto ng
isang lipunan, politika, ekonomiya at iba pa.

You might also like