You are on page 1of 48

MGA

SINAUNANG
LIPUNANG
PILIPINO
Inihanda ni:
Bb. Karen M. Cervantes
ORGANISASYONG
PANLIPUNAN
BARANGAY

-ay mula salitang balangay.

-ito ay umiral sa mga lalawigan sa Luzon


at Visayas Binubuo ng 30 hanggang 100
na pamilya ang bawat barangay noon.
May pinuno at mga batas ang bawat
barangay.
DATU

-ang tawag sa pinuno ng barangay.

MGA TUNGKULIN:
• tagapagpaganap
• tagapagbatas
• tagahukom
TAGAPAGPAGANAP

-Siya ang nagpapanatili


ng kapayapaan at
kaayusan.
TAGAPAGBATAS

- Siya ang lumilikha at nagpapatupad ng


batas.

-Katulong niya ang mga matatanda o


Council of Elders sa paggawa ng mga batas.

-Ang mga bagong batas ay ipinapaalam sa


mga mamamayan noon sa pamamagitan ng
isang umalohokan.
TAGAHUKOM

- Siya ang punong hukom ng


barangay.
-Maingat na pinag-uusapan at
pinagpapasiyahan ang mga parusang
ibibigay sa mga napatunayang
lumabag sa batas.
Ang pagpili sa nagiging datu
ng barangay ay nakabatay sa
• edad,
• lakas,
• talino,
• Tapang, at
• yaman.
Kailangang ang datu ay may kaalaman
sa mga:
• batas,
• kaugalian, at
• tradisyon

Isang MAHARLIKA ang karaniwang


napipiling datu ng Barangay.
SULTANATO

• Abu Bakar –nagtatag ng


unang sultanato sa Sulu.

• Sharif Kabungsuan –nagtatag


ng sultanato ng
Maguinadanao.
Tungkulin ng Sultan:
• pangalagaan ang kabanalan ng
pananampalatayang Islam
• tiyaking mananatili sa kanyang
nasasakupan ang mga kaugaliang
Muslim.
Sultan din ang tagagawa ng
mga batas sa sultanato.

Ang mga batas na ginagawa


niya ay ayon sa Koran.
Mayroon silang shariah o
katipunan ng mga sagradong
batas

adat, isang kaugalian o


tradisyunal na batas sa isang
nayon
UGNAYAN NG
MGA TAO SA
IBA’T IBANG
ANTAS
May TATLONG URI NG TAO sa
lipunan noon

• maharlika,
• timawa at
• alipin.
MAHARLIKA -ang pinakamataas
na antas sa lipunan

-nabibilang ang datu, pamilya at


kamag-anak ng datu, maginoo
at mga mandirigma.
TIMAWA -ang mga malayang
mamamayan na nagtataglay ng
mga karapatan.

-nabibilang sa antas na ito ang


mga manggagawa, magsasaka,
mangangaso at mangingisda.
ALIPIN -ang pinakamababang
antas.

DALAWANG URI NG ALIPIN

1. Aliping namamahay at
2. Aliping saguiguilid.
ALIPING NAMAMAHAY -ay hindi
naninirahan sa kanyang
panginoon.

-Siya ay may sariling tirahan at


ari-arian. Ipinapatawag siya ng
kanyang panginoon upang
maglingkod.
ALIPING SAGUIGUILID -anak ng
isang alipin

• bilanggo matapos ang digmaan,


• May hindi nababayarang utang, at
• Naparusahan sa nagawang
kasalanan.
Ang aliping saguiguilid ay
walang tirahan at ari-arian.
Nakatira siya sa kanyang
panginoon. Maaari siyang
ipagbili ng kanyang
panginoon.
Nagiging malaya ang isang alipin
noon kung:

• kusang palalayain ng kanyang


panginoon
• makababayad sa utang
• nakagawa ng kabayanihan sa
digmaan
MGA
BATAS
NOON
DALAWANG URI NG BATAS
NOON:

1.Nakasulat na batas,
2. Di-nakasulat na batas
Ang ilan sa mga ito ay:

• Kodigo ng Maguindanao at Kodigo


ng Sulu
• Copperplate na natagpuan sa
Siniloan, Laguna noong 1989
• Kodigo ni Maragtas noong 1225
• Kodigo ni Kalantiyaw noong 1943
Ang ilan sa mga batas na pinairal noon
ay:

• Dapat sundin ang kaugalian ng lahi.


• Dapat bigyan ang datu ng
pinakamataas na paggalang.
• Dapat igalang ang kasal.
• Dapat ay dalawa lamang ang anak ng
mag-asawa.
• Dapat bayaran ang anumang
inutang.
• Ang napatunayang nagnakaw ay
puputulan ng daliri.
• Ang napatunayang pumatay ay
papatayin din.
• Ang pagiging tamad ay magiging
sanhi ng pagiging alipin.
Ang paraan ng paglilitis sa mga kasong
kriminal ay sapamamagitan ng mga
pagsubok:

HALIMBAWA:
• Paglalagay ng bato sa kumukulong
tubig - Ang may pinakamaraming
paltos ay siyang may sala.
• Paghawak ng may sinding
ilaw - Ang unang
mamatayan ng ilaw ang
may kasalan.
• Sabay-sabay na pagsisid sa
ilog - Ang unang umahon
ang siyang may sala
Pagkatapos ng mga paglilitis, binibigyan
ng kaparusahan ang napatunayang
nagkasala.

HALIMBAWA NG MGA PARUSA:


• Pagbibilad sa araw nang ilang oras
• Pagpapakagat sa langgam
• Pagpapaluhod sa asin
• Pagpapatakbo nang pabalik-balik
Kabuhayan at
Kalakalan ng
Sinaunang
Pilipino
PAGTATANIM - pangunahing kabuhayan ng
mga Pilipino noon.
Sila ay nagtatanim ng abaka, gulay, niyog,
palay, tubo at iba pa.

DALAWANG URI NG PAGTATANIM


• sistemang kaingin, at
• patubig
SISTEMANG KAINGIN -
sinusunog ang mga
halamang walang
kabuluhan upang
magtanim muli ng ibang uri
ng pananim.
SISTEMANG PATUBIG -
gumagawa sila ng mga
daluyan ng tubig
patungo sa mga
pananim.
PANGINGISDA - Maraming yamang
tubig ang nakukuha ng ating mga
ninuno rito na nakatulong din sa
kanilang pamumuhay. Gumagamit
sila ng baklad, pana, sibat at iba pa
upang makahuli ng isda at iba pang
yamang tubig.
PAGGAWA NG BANGKA -
gumawa ng mga bangka
na ginagamit nila sa
paglalakbay, pakikidigma
at pakikipagkalakalan.
PAGMIMINA -Mayaman ang
Pilipinas sa iba't ibang uri ng mineral.
Ang ating mga ninuno ay nakakakuha
ng mga bakal, ginto, at pilak sa
kanilang pagmimina. Ginamit nila ang
mga ito upang makagawa ng iba't
ibang kagamitan. Ginawa rin nila itong
mga palamuti sa katawan.
PAKIKIPAGKALAKALAN - Ang
bawat produkto ay pinapalitan
ng produkto. Walang
binabayad na pera sa kanilang
pakikipagkalakalan. Ito ay
tinawag na barter.
PANGKAPULUANG KALAKALAN
– pagpapalitan ng kalakal sa
pagitan ng mga barangay at
pulo. Gamit ang mga bangka,
binabaybay ng ating mga ninuno
ang mga ilog at dagat upang
makipagkalakan.
PANDAYUHANG KALAKALAN –
pakikipagkalakan sa mga dayuhan tulad
ng mga Arabo at Tsino.

HALIMBAWA:
• bulak,
• banig,
• hinabing tela,
• kabibe,
• korales, at
• perlas
Pag
mamay-ari
ng Lupa
DALAWANG URI NG PAGMAMAY-
ARI NG LUPA

1. lupang pambarangay, at
2. lupang pansarili.
LUPANG PAMBARANGAY - pag-aari ng
tribo kung kaya ito ay tinatawag din na
lupaing pang-tribo.

Ang magsasakang nagtatanim sa lupaing


ito ay walang karapatang angkinin ang
pag-aari ng lupa. Ang kanyang mga
pananim lamang ang maituturing niyang
pag-aari.
LUPANG PANSARILI -ay lupang may
nagmamay-ari. Ito ay karaniwang
pagmamay-ari ng mga taong
nabibilang sa maharlikang antas. Ang
ganitong uri ng lupain ay karaniwang
may matatabang lupa at nasa
magagandang lugar.
TAKDA:
PANUTO: Sagutan
ang “GAWAIN 3” sa
AP 5 na nasa LMS.

You might also like