You are on page 1of 14

Ang Pamumuhay ng mga

sinaunang Pilipino
Pamahalaan
• May dalawang Pangunahing anyo ang pamahalaan sa ating bansa
bago pa dumating ang mga Dayuhan

• Ang Pamalaang Barangay


• Ang Sultanato
BARANGAY
• Ang bawat pamayan ay binubuo ng 30-100 pamilya na pinamumunuan
ng datu o rajah.
• Hango ang barangay sa sa litang balangay na isang sasakyang pandagat.
• Ang bawat barangay ay mga kanya-kanyang mga batas at alituntunin.
• Datu ang tawag sa namumuno sa maliit na barangay at rajah naman
ang namumuno sa mas malalaking barangay.
• Ang rajah ang tagapag batas, hukom at tagapag patupad ng batas.
• May konseho ang datu na binubuo ng mga matatanda na tumutulong
sa kanyang pagpapasya.
Ang sanduguan

• Ang sanduguan ay isang ritwal na ginagawa ng mga pinuno ng barangay.


• Hinihiwa ng mga pinuno ang kanilang bisig at ilalagay ito sa isang
lalagyan at iinumin. Hinahalo ito minsan sa alak .
• Ang ritwal na ito ay nangangahulugan na ang mga barangay ay
makikitipan sa mga batas at kasunduan na napagpasyahan ng bawat
barangay.
• Nagkakaroon din ng hidwaan ang mga barangay dahil sa ilang mga
kadahilanan ang paghihiganti, pagdukot sa asawa at pagpaslang ng
walang kadahilanan kung minsan ay sa hidwaan ng mga kabilang sa mga
barangay.
Ang datu
• Ang datu ng pinuno ng barangay.
• Namamana ang pagiging datu
• Kinakailangang ang datu ay pinaka makisig, pinakamalakas at
kayang ipagtanggol ang kanyang barangay.
• Ang babae ay maaring maging datu kung walang lalaking anak ang
datu.
Ang sultanato
• Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga muslim na nag simula sa
Lanao at Cotabato sa Mindanao.
• Ang sultanato ay mas Malaki sa barangay na umaabot sa 10-12
nayon o higit pa.
• Sultan ang tawag sa Pinuno ng sultanato
• Namamana ang pagiging sultan dahil naniniwala ang mga Muslim na
ang sultan ay dapat mag mula sa angkan ng kanilang Propetang si
Mohammed. Maari din maging sultan ang pinakamayaman sa
pamayanan. Sia din ang tagapag batas, tagapagpaganap at hukom sa
pamayanan.
Ang Pamahalaang sultanato
• Tungkulin ng sultan na pamahalaan ang kanyang nasasakupan.
• Namumuno din siya sa labanan
• May tungkuling pang relihiyon
• Ruma Bechara ang konsehong binubuo ng mga mayayaman na
tumutulong sa usapin ng pananalapi, pagpaplano at pagbabatas ng
Sultan.
• Ang hukom ay tinatawag na Qadi at ang ulema ay iskolar na aral sa
Koran ang banal na aklat ng mga muslim tumutulong sila sa gawaing
pang Relihiyon.
Ang Pamahalaang sultanato
• Ang rajah muda ay ang tagapag mana ng trono.
• Wazir ang pinunong ministro
• Mulik Bandarasa ang kalihim.
• Mukik cajal kalihim sa pakikidigma
• Pandita, iba pang tagapayong pang relihiyon
• Panglima, kumakatawan sa datu sa malalayong lugar.
Antas ng Lipunan
• Maharlika
• Gat o lakan sa barangay
• Sultan sa mga muslim
• Ang pamilya ng datu at ng sultan
• Timawa
Mga taong laya, mga mangangalakal sundalo o kasama ng datu.
Kapag ang alipin ay nakabayad ng utang nagiging timawa sila.
Antas ng Lipunan
• Alipin
• Namamana ang pagiging alipin.
Aliping saguigilid
Pinaka mababang alipin. Karaniwang bihag o nakagawa ng isang pag-kakamaling ang
kaparusahan ay pagiging alipin.
Aliping namamahay
Tinatawag lamang kapag kailangan ng tulong ng datu.
May mga ari-arian din at sariling bahay.

Hindi permanente ang antas ng isang tao sa lipunan ng sinaunang Pilipino.


Depende ito sa pagpupursigi o sa pagkakamaling nagawa.
Batas
• Ang mga batas ay maaring
• Pasalita
• Nasusulat- isang halimbawa ay ang luwaran ng mga muslim
• Ang umalohokan ang tagasigaw ng batas na napagkasunduan ng
konseho o ng datu
• Aang mga batas noon ay maaring nagpasalin-salin mula sa mga
naunang henrasyon na mahigpit na pinapatupad sa barangay.
Kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino
• Pagsasaka
• Gumagamit ng kaingin bilang Sistema ng pagsasaka.
• Tinatamnan din nila ang mga bundok isang halimbawa nito ang
hagdang hagdang palayan sa Banaue na ginawa ng mga Ifugao.
• Pangngisda
• Gumagawa sila ng mga baklad at sumisisid ng mga korales at perlas
na ikinakalakal sa mga mangangalakal.
Kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino
• Pagmimina
• Nagmimina din sila ng tanso, pilak at ginto na ikinakalakal.
• Pagngangaso
• Nanghuhuli sila ng mga hayop gaya ng usa baboy-ramo at mga maiilap
na hayop
• Industriyang Pangtahanan’gumagawa ng mga palayok, basket na gawa
sa Abaka at maging sasakyang pangdagat na ginagamit sa pangangalakal
at pakikidigma.
• Barter ang uri ng pakikipagkalakalan noon ito ay pagpapalitan ng
produktong may parahong halaga.
Pagmamay-ari ng Lupa
• Noong stone age ay malayang mag may-ari ng lupa ang mga Pilipino.
• Nang magsimula ang barangay ay barangay ang ang nag mamay-ari
ng mga lupain.
• Ang datu ang may pinaka mainam at pinaka malaking lupain.
• Ang datu ang nag paparte-parte ng lupa sa barangay upang sakahin
ng mga tao. Nagbiibigay ng buwis at parte ang mga tao sa datu.

• Ang mga lupa sa paanan ng bundok ay malayang pag taniman ng


mga tao.

You might also like