uri at mga nasa mababang-uri ng tao. Ito ay isang sistema kung saan mayroong ugnayan ang Panginoong may-ari ng lupa at kaniyang mga alipin. Mahinang tagapamahala ang mga tagapagpamana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Dahil sa walang lakas na pamahalaan,bumuo ng sistema upang ipagtanggol ang mamamayan at ang kanilang lupa. Ang kapangyarihan ay nasa panginoong may lupa na may sariling hukbo na magtatanggol sa kanila.Ang tawag dito ay feudalism/piyudalismo. Ang sistemang ito ay pulitikal,sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa panahon ng kaguluhan. Nakasalalay sa basalyo ang mga gawaing pampulitika at pangkabuhayan. • Ito rin ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ay ibabahagi sa vassal at bibigyan ng proteksyon, at bilang kapalit manunungkulan ang vassal ng tapat at pagsisilbihan ang kanyang hari. Pinakamataas sa lipunan ng pyudalismo. Tawag din na liege o suzerain, siya ang nagmamay-ari ng lupa. Nagbibigay siya ng lupa sa mga taong sumusuporta sa kanya, ang mga taong ito ay tapat na panunungkulan sa hari Ang basalyo o vassal ay ang mga taong tumatanggap ng lupa mula sa lord, maaari ring dugong-bughaw Lupang ipinagkaloob sa isang basalyo o vassal Feudalism o Piyudalismo • Ito ay hango sa salitang “feodus” o “fief”,salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal) . Homage o seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng kamay ng lord at mangangako na siya ay magiging tapat na tauhan nito I promise on my faith that I will in the future be faithful to the lord never cause him harm and will observe my homage to him completely against all persons in good faith without deceit Kapag naisagawa na ng lord at ng vassal ang Oath of Fealty sa isa’t isa, gagampanan nila ang tungkuling nakapaloob sa kasunduan.
Tungkulin ng lord sa vassal na suportahan
ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din ng lord na ipagtanggol sila laban sa mga kaaway at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng alitan. Investiture, ang seremonya kung saan bibigyan ng lord ang vassal ng tingkal ng lupa at gamit ang espada ipapatong niya ito sa balikat ng vassal. Sila ay ang nobles, barons, at bishops, sila ay nagiging vassal ng hari dahil sila ay nabibigay suporta,pera at payo sa hari • Ang mga noble o dugong bughaw, ang kumukontrol sa mga lupain at nagtataglay ng kapangyarihang politikal, ekonomiko, hudisyal, at militar.
• Tungkulin din nila na mangolekta ng buwis at mga multa,
tumayo bilang huwes sa mga pagtatalong legal, at magpanatili ng hukbo ng mga kabalyero sa loob ng kanyang teritoryo.
• Sila rin ang nangangasiwa sa pagtatanim sa mga manor
kung saan naroon ang kanyang lupain. Ang mga may-ari ng fief ang siyang nagharing-uri sa Europa sa loob ng 400 na taon. • Nakapaloob sa kodigo ang kagandahang asal, katapangan, kahinahunan, pagiging marangal, at maginoo lalong-lalo na sa nakakataas.
• Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na
“cheval”,para sa kabayo,”chevalier”,para sa mandirigmang nakasakay sa kabayo.Ang mga nagnanais maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng papaging kabalyero.
• Isang magandang alaala ng pyudalismo ang
sistemang kabalyero (KNIHGTHOOD). Ito ay propesyon na pinagpala ng simbahan.Tungkulin nila ang ipagtanggol at ipatupad ang Kristiyanismo. Proseso sa Pagiging Knight Mula sa Habang bata siya ay kapanganakan tatanggap ng pagsasanay upang hanggang 7 taong maging isang ganap at gulang, siya ay nasa malakas na knight pangangalaga ng ina balang araw Pagsapit ng 7 taong Bilang squire, tungkulin gulang siya ay niyang sumama sa ipapadala sa isa pang kanyang master sa mga lord para maging tournament. 21 taong PAGE. Sasanayin sa gulang siya ay ganap na paggamit ng sandata at KNIGHT pagsakay sa kabayo Mga Alintuntunin sa Kilos at Asal ng Kabalyero • Ang knight ay isang mandirigmang sanay sa pagsakay sa kabayo at sumumpa ng katapatan sa kanyang Lord. • Layunin ng knight sa pakikidigma ay gawing bilanggo ang kalaban ng lord upang mapilitan ang kanyang vassal na magbayad ng malaking pantubos. • Chivalry-tawag sa alintuntunin sa kilos at asal na sinusunod ng isang magiting na knight. • Ang knight ay tapat at magalang. Siya ay kilala sa pagiging matapang at malakas. Hindi niya inaalintana ang anumang hirap. Sa harap din ng kanyang kasamahan, siya ay isang tunay na kaibigan at likas na pinuno. • Ang knight ay nakasuot ng chain mail o isang uri ng baluti na binubuo ng magkakabit na bakal upang bigyan siya ng proteksyon nito pag may digmaan. Mahalaga sa kanya ang galing sa paggamit ng espada at ang pagsasakay sa kabayo. Alipin/ Pesante • Ito ang pinakamababang antas ng lipunan. Nabibilang dito ang mga magsasaka at nagtatrabaho sa bukid. • Bumubuo sa pinakamalaking bahagdan sa kabuuang populasyon. • Kinakailangang magtrabaho sa lupang kanilang kinagisnan at umaasa lamang sa mga noble. • Nagsisibak ng kahoy, nagkakamalig ng palay, at nag- aayos ng mga kalye at tulay. • Maraming binabayarang buwis at renta. • Nakatira sa isang dampa at pinagbabawalang mangaso at mangisda dahil sa pag-aari ito ng panginoon. Bilang mga mag-aaral mahalagang ating tandaan na ang pagiging tapat sa ating mga gawain ay nagbubunga ng isang matiwasay na pamumuhay hindi lamang sa ating pamilya kundi sa lipunang ating ginagalawan. Panitikan Tungkol sa Chivalry
Chanson de geste-tawag sa panitikan ng chivalry
Ito ay tungkol sa mga:dakilang gawain ng knight,dangal at panlilinlang,pag-ibig at digmaan at tagumpay at pagkatalo Noong ika-12 siglo, sinulat ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga knight ng Round Table.
Sinulat naman ng isang German
na si Gottfried von Strassburg ang trahedyang pag-iibigan nina Tristan at Isolde Ito ay ang paboritong chanson ng mga French na ukol sa pakikibaka ni Roland at ng Twelve Peer,ang mga pinakatapat na vassal ni Charlemagne Ito ay pang-ekonomiyang katapat ng piyudalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, sa buhay ng magbubukid at ugnayan sa lord ng manor Ang manoryalism o manoryalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang magbubukid ay nabibigay serbisyo sa isang piyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Ang yaman ng lord ay mula sa pawis ng mga magbubukid. Ibinibigay nila ang kanilang lupa kapalit ang proteksyon. Ang iba naman ay nawalan ng lupa dahil sa pagkakautang sa dugong-bughaw. Kinalaunan, ang lupa ay napasakamay ng lord, ang mga lupaing ito ay bumuo ng isang manor hayop ng karaniwang tao Ang pagtatanim ay ginagawa ng mga magbubukid. Sila ay nagtatrabaho sa lupain ng lord, tatlong (3) araw sa loob ng isang Linggo Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito
Three field system-sistema ng Ang sistemang ito
pagtatanim na sinusunod ng ay sinusunod manor: 1. maaring tamnan ng trigo upang mabawi ng 2. tataniman ng gulay lupa ang 3. hindi tatamnan. sustansya nito. Alipin- ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop
Serf-sila ay hindi maaring umalis at
paalisin sa manor. Nagsasaka sila ng walang bayad kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord.
Freeman- sila ay ang mga
pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Ang kastilyo ay ang tirahan ng lord, itinayo ito upang ipagtanggol laban sa kaaway Ang mga silid ng kastilyo ay madilim,malamig at amoy amag. Sa gabi,ang lord ng kastilyo ay inaaliw ng mga payaso,bukas ang kastilyo sa mga manlalakbay dahil nag-bibigay sila ng mga balita tungkol sa ibang lugar . Sa panahon ng taglamig,iilan lamang ang napapainitan.Kadalasan ang mga silid ay napupuno ng usok. Sadyang mahaba ang antas ng kalinisan sa panahong ito. Ang kastilyo ay bukas din para sa mga tumutugtog ng musika,tumutula o umaawit tungkol sa pag-ibig,pakikisapalaran at pakikipaglaban ng mga knight. Sapat sa pangangailangan ng kanyang mamamayan ang manor. Sapat sa pagkain, damit at tirahan. Ang inaalagaang tupa ay nagbibigay ng lana, ang mga kambing at baka ay nagigigay ng katad. Ang gubat ay pinagkukunan ng kahoy. Kakaunti ang karneng baka dahil salat sa dayami na ipinapakain sa baka tuwing tag- lamig. Pag namatay ang baka o masyadong mahina, kinakatay ito sa panahon ng tagalagas. Ang karneng baboy ay higit na marami dahil madali ito makahanap ng pagkain. Ang pangaraw-araw na kinakain sa manor ay dinadagdagan ng manok, prutas at mga gulay. Ang gatas ay hindi ginagamit sapagkat ginagawa itong keso. Ang pangunahing inumin ay cider, serbesa at alak. Ang sinilangan ng makabagong kalayaang pulitikal. Mula sa bayan lumitaw ang diwa ng malayang pagkamamamayan. Nagtagumpay ang mga mamamayan sa konsensyang pulitikal sa maharlika, kanilang tinamo ang karapatang gumawa ng kanilang sariling batas. Ang mga binhi ng pamahalaang parlamentaryo ay inihasik ng mga bayang medieval.