You are on page 1of 44

Araling Panlipunan 8

Jessica A. Malandac
Mga Layunin:
▪ Nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo at manoryalismo sa Europe;
▪ Napaghahambing ang konsepto ng piyudalismo at manoryalismo;
▪ Naipapaliwanag ang prosesong dinaraanan upang maging isang knight;
▪ Nailalarawan ang uri ng pamumuhay ng isang manor;
▪ Napahahalagahan ang sakripisyong ginagawa ng mga taong nabubuhay sa
pagbubungkal ng lupa; at
▪ Nakagagamit ng pelikula upang higit na maunawaan ang kulturang nabuo sa lipunang
Ang
Piyudalismo
Ang Piyudalismo
❑ Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari.
❑ Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord
ay liege o suzerain.
❑ Samantala, ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay tinatawag na fief.
❑ Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may- ari ng lupa. Ang kanyang vassal ay
maaari ring isang dugong bughaw.
Ang Piyudalismo
❑ Ang homage ay isang seremonya kung
saan inilalagay ng vassal ang kanyang
kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord
at nangangako rito na siya ay magiging
tapat na tauhan nito.
Ang Piyudalismo
❑ Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o ang
seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.

❑ Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.


Ang Piyudalismo
❑ Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng

pagkakaloob ng fief.

❑ Tungkulin din niya na ipagtanggol ang kanyang vassal laban sa mga mananalakay o

masasamang- loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan.


Ang Piyudalismo
❑ Tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar.

❑ Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransomo

pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.

❑ Tumulong sa paghahanap ng dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin

ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord.


Ang Piyudalismo
❑ Ang knight ay isang mandirigmang

nakasakay sa kabayo at nanumpa ng

katapatan sa kanyang lord.


Kasaysayan ng Daigdig

Proseso ng
Pagiging Knight
Ang Proseso ng Pagiging Knight
❑ Habang bata pa, ang isang lord o vassal ay tumatanggap ng pagsasanay upang maging isang

ganap at magaling ng knight.

❑ Pagsapit ng ikapitong taon, siya ay ipapadala sa isang lord upang maging page o isang batang

lalaki na tagapaglingkod habang nagsasanay maging knight.

❑ Sa loob ng pitong taon, sasanayin siya ng lord sa paggamit ng mga sandata at pagsakay sa

kabayo.
Ang Proseso ng Pagiging Knight
❑ Pagkatapos nito, siya ay sasailaim sa pitong taon pang pagsasanay bilang squire.

❑ Tulad ng page, ang squire ay sumasama sa kanyang master sa mga tournament o paligsahan ng

mga knight.

❑ Sumasama rin ang squire sa pangangaso. Ito ay mahalagang gawain upang patuuoy na tustusan

ng karne ang hapag-kainan ng lord.


Ang Proseso ng Pagiging Knight

❑ Sumasama rin ang squire sa mga labanang kinasasangkutan ng kanyang master.

❑ Sa pagsapit ng kanyang ika-21 taong gulang, siya ay idineklarang isang ganap na knight sa gitna

ng isang marangyang seremonya.


Kasaysayan ng Daigdig

Mga Alituntunin sa
Kilos at Asal ng
Knight
Mga Alituntunin sa Kilos at Asal ng Knight
❑ Ang layunin ng knight sa pakikidigma ay kunin at gawing bilanggo ang kalaban ng lord upang

mapilitan ang kanyang mga vassal na magbayad ng malaking pantubos.

❑ Sa ibang pagkakataon, nakikipaglaban ang knight upang manatili ang kanyang galing sa

pakikipaglaban.

❑ Ang knight ay sumusunod sa alituntunin ng kilos at asal ng isang knight. Ang tawag dito ay

chivalry.
Mga Alituntunin sa Kilos at Asal ng Knight
❑ Ang salitang ito ay hango sa salitang cheval (salitang French para sa kabayo) at chevalier

(salitang French para sa mandirigmang nakasakay sa kabayo). Ang layunin ng knight sa

pakikidigma ay kunin at gawing bilanggo ang kalaban ng lord upang mapilitan ang kanyang mga

vassal na magbayad ng malaking pantubos.

❑ Ang knight ay tapat at magalang, kilala sa pagiging matapang at malakas.


Mga Alituntunin sa Kilos at Asal ng Knight
❑ Sa harap ng kanyang mga kasamahan, siya ay isang tunay na kaibigan at likas na pinuno.

❑ Inaasahang pakikitunguhan niya nang mabuti ang kanyang mga bilanggo at kung mabihag ay hindi

magtatangkang tumakas.

❑ Inaasahan din na ipagtatanggol ang simbahan, poprotektahan ang mga kababaihan, mga bata,

mahihina, at mahihirap.
Mga Alituntunin sa Kilos at Asal ng Knight
❑ Ang knight ay nakasuot ng chain mail o isang uri

baluti na binubuo ng magkakabit na bakal upang

bigyan siya ng proteksiyon sa pag-atake ng

kanyang mga kalaban.

❑ Marahil, ang pinakamahalaga niyang pag-aari ay

ang kanyang kabayo.


Kasaysayan ng Daigdig

Panitikan Tungkol
sa Chivalry
Panitikan Tungkol sa Chivalry
❑ Ang panitikan tungkol sa chivalry ay tinatawag na chansons de geste.

❑ Ito ay mahabang tula tungkol sa mga dakilang gawain ng mga knight; sa mga tema ng dangal at

panlilinlang; pag-ibig at digmaan; at tagumpay at pagkatalo.

❑ Noong ika-12 siglo, sinulat ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga knight

ng Round Table.
Panitikan Tungkol sa Chivalry
❑ Ang trahedyang pag-iibigan nina Tristan at Isolde ay sinulat ng German na si Gottfried von

Strassburg.

❑ Ang paboritong chanson ng mga French ay ang The Song of Roland (circa 1100) na ukol sa

pakikibaka ni Roland at ng Twelve Peers, ang mga pinaka-tapat na vassal ni Charlemagne.


Kasaysayan ng Daigdig

Ang
Manoryalismo
Ang Manoryalismo
❑ Ang pang-ekonomiyang katapat ng piyudalsimo ay ang manorialism o manoryalismo.

❑ Ito ay ang sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay mga magbubukid, at ng

kanilang ugnayan sa isa’t isa at sa lord ng manor.

❑ Ang yaman ng mga lord ay mula sa pawis ng mga magbubukid.


Ang Manoryalismo
❑ Maraming magbubukid ang nagkaloob ng kanilang lupa sa lord kapalit ng proteksiyon laban sa

mga tulisan at masasamang- loob.

❑ Mayroon namang nawalan ng lupa dahil sa pagkakautang sa mga dugong bughaw.

❑ Kinalaunan, ang mga lupa ay napasakamay ng lupa. Ang mga lupaing ito ay bumubuo ng isang

manor.
Kasaysayan ng Daigdig

Ang Manor
Ang Manor
❑ Ang ay isang malaking lupaing sinasaka.

❑ Ang malaking bahagi ng lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga

magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.

❑ Ang common at lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop ng mga karaniwang

tao.
Kasaysayan ng Daigdig

Ang
Pagsasaka sa
Manor
Ang Pagsasaka sa Manor
❑ Noong panahon ng piyudalismo, ang buhay ay kadalasang pambukid at ang karamihan sa mga tao

at nakatira sa manor.

❑ Tatlong uri ng mga magbubukid:

• Ang una ay ang mga alipin na maaaring bilhin at ipagbili tulad ng hayop.

• Ang pangalawa ay ang mga serf na hindi maaaring umalis ng manor at hindi maaaring paalisin sa manor.

• Ang mga freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasan ay may sariling lupa.
Ang Pagsasaka sa Manor
❑ Nagtatrabaho ang mga magbubukid sa lupain ng

lord tatlong araw sa loob ng isang linggo.

❑ Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod sa manor

ay tinatawag na three- field system.


Kasaysayan ng Daigdig

Ang Nayon
Ang Nayon
❑ Sa tabi ng sinasakang bukid ay may isa o dalawang nayon kung saan naninirahan ang mga

magbubukid ng sinasakang lupa.

❑ Ang mga tirahan ay yari sa mga sanga na binalutan ng putik. Ang iba ay may pausukan subalit ang

karaniwan ay mayroon lamang isang butas sa bubong kung saan lumalabas ang usok ng apuyan.
Ang Nayon
❑ Ang ilan sa mga nakaaangat sa buhay ay may higaan. Ang mga kasangkapang pambahay ay yari

sa kahoy.

❑ Ang bawat nayon ay may simbahan na nagsisilbing sentro ng buhay rito.

❑ May lugar din para sa mga karpintero, panday, at panadero.


Kasaysayan ng Daigdig

Ang Kastilyo
Ang Kastilyo
❑ Ang kastilyo ay tirahan ng lord. Ipinatayo ito upang ipagtanggol ang lord laban sa kanyang mga kaaway.

❑ Mayroon itong keep o malaking tore na lubos na pinagtibay upang maging ligtas na taguan ng mga tao

sa panahon ng pananalakay ng mga kaaway.

❑ Sa panahon ng labanan, maaaring tumayo sa mga rampart o isang mataas na bunton ng lupa malapit sa

itaas ng pader upang buhusan ng mainit na langis o maghagis ng mabibigat na bato sa mga kaaway sa

ibaba.
Ang Kastilyo
❑ Hinahadalangan ng isang moat o bambang sa labas ng pader ang sinumang nais pumasok ng kastilyo

nang walang pahintulot.

❑ Ang tanging paraan upang makapasok ng kastilyo ay sa pamamagitan ng pagbaba ng drawbridge sa

ibabaw ng bambang.

❑ Ang mga silid ng kastilyo ay madilim, malamig, at amoy- amag.


Ang Kastilyo
❑ Sa panahon ng taglamig, iilan lamang sa mga silid ang napapainitan. Kadalasan, ang mga silid na ito ay

napupuno ng usok.

❑ Ikinakalat ang dayami sa sahig nitong upang bawasan ang lamig subalit nagiging maramuni at mabaho

ang mga dayami dulot ng mga pira-pirasong pagkain na hinahagis ng lord sa kanyang alagang aso.
Ang Kastilyo
❑ Sa gabi, inaaliw ng mga payaso ang lord ng kastilyo. Ang mga manlalakbay ay kadalasang tinatanggap

sapagkat nagdadala sila ng balita mula sa iba’t ibang lugar.

❑ Bukas din ang kastilyo para sa mga tumutugtog ng musika o kaya tumutula o umaawit tungkol sa pag-

ibig, pakikipagsapalaran, at dakilang pakikipaglaban ng mga knight.


Kasaysayan ng Daigdig

Sapat na Pamumuhay
sa Manor
Sapat na Pamumuhay sa Manor
❑ Sapat sa pangangailangan ng kanyang mga mamamayan ang manor maliban sa asin, bakal, at

ilang kakaibang bagay tulad ng millstone na ginamit sa paggiling ng harina.

❑ Karamihan sa mga pagkain, damit, at tirahan ng mga taong naninirahan sa manor ay ginagawa o

kaya ay itinatanim doon.

❑ Ang mga inaalagaang tupa ay nagbibigay ng lana.


Sapat na Pamumuhay sa Manor
❑ Nagmumula ang mga katad sa mga kambing at baka.

❑ Ang mga gubat ay pinagkukunan ng mga kahoy sa panggatong.

❑ Ginagawa naman sa loob ng manor ang tinapay, serbesa, alak, at butil-pagkain.

❑ Kakaunti ang kinakain nilang karneng baka dahil salat ang dayami na ipinapakain sa mga baka

tuwing tagalamig.
Sapat na Pamumuhay sa Manor
❑ Sa halip na mamatay ang mga baka dahil sa gutom o kaya naman ay masyadong manghina, ang

mga ito ay kinakatay sa panahon ng taglagas.

❑ Ang karneng baboy ay higit na sagana dahil marami ang mga alagang hayop na madaling

hanapan ng pagkain sa paligid.


Sapat na Pamumuhay sa Manor
❑ Ang pang-araw-araw na pagkain ay dinaragdagan ng karne ng manok at mga prutas at gulay.

❑ Hindi gaanong ginagamit ang gatas bilang inumin sapagkat ito ay ginagawang keso.

❑ Ang pangunahing inumin ay cider, serbesa, at alak.

You might also like