You are on page 1of 3

Ang Ugali Ng Mga Tagalog

‘Relacion delas costumbres que los yndios solian tener en estas yslas hecha’
ni Juan de Plasencia, frayleng Franciscan, nuong 1589

ANG MGA TAGALOG ay kauri ng mga Malay, ayon sa kanilang wika. Mula pa nuong unang panahon, sila ay pinamunuan ng mga
tinawag nilang dato, iginalang na ‘hari’ at sinunod, lalo na sa panahon ng digmaan. Ang sinumang sumuway sa dato ay pinarusahan
nang malupit, kahit pumintas lamang sa pandinig ninuman, kahit na ng sariling asawa at mga anak niya.
Maliit lamang ang sakop ng dato, may namamahala sa bandang 100 bahay-bahay, ang iba ay sakop ang 30 familia lamang.
Ang sakop na ito ay tinawag sa Tagalog na ‘baranggay,’ katulad sa tawag nila sa bangkang pandagat na sinakyan nila papunta sa
lupang ito. Kaya masasabing ang pinuno ng bangka ang naging o dati nang dato ng mga sakay na kamag-anak at mga alipin at patuloy
na namuno sa kanila pagkarating dito.

Maraming mga baranggay sa bawat nayon, o kung saka-sakaling hindi bumuo ng nayon ang mga baranggay, magkakalapit pa rin ang
mga ito dahil sa kampihan nila sa digmaan. Subalit hiwa-hiwalay man o sama-sama sa isang nayon, hindi nagpasakop ang isang dato sa
ibang dato at ang ugnayan nila ay batay lamang sa pagiging kamag-anak, kaibigan, o kakampi sa bakbakan.
Ang Dato at ang mga Maharlica
Ang mga dato ay kahambing ng ating mga magiting (knights). Maliban sa kanila, may 3 uri(clase, caste) ng tao - ang mga alalay
ng dato na tinawag na maharlica, ang mga karaniwang mamamayan na tinawag na aliping namamahay, at ang mga tunay na alipin
na tinawag na alipin sa guiguilir.
Ang mga maharlica ay mga malaya (free-born) at hindi nagbabayad ng buwis (tribute) sa dato. Subalit kailangan silang umalalay
sa dato sa sarili nilang pundar (ng pagkain, sandata at bangka) kapag may digmaan. Karaniwan, pinapakain silang lahat ng dato bago
magpunta sa digmaan. Pagkatapos, hinahatian pa sila ng mga nakurakot sa labanan.
Kapag naglakbay ang dato, kahit na walang digmaan, kailangang magsilbi ang mga maharlica bilang tagasagwan (oarsmen)ng
bangka. Kailangan din silang tumulong sa pagtayo ng kubo ng dato, at kailangan naman silang pakainin nito. Ganuon din ang gawa sa
paghanda ng bukid na taniman ng dato.
Hatian ng mga Lupa
Ang lupa ng baranggay ay pinaghahati-hatian ng mga tao, unang-una na ang mga lupa na may patubig (irrigation) at kinikilala ang
karapatan ng bawat ‘may-ari.’ Hindi maaaring gamitin ng sinumang hindi taga-baranggay ang lupa, maliban na lamang kung binili o
minana nila. Ang lupa sa mga tingue (tinggi, gulod o bundok ang tawag ngayon) ay ari ng buong baranggay at hindi pinaghahati-hati, at
kahit sino na nagtanim duon ay maaaring mag-ani nang hindi pina-aalis.
Bagaman at hindi nagbu-buwis ang mga maharlica sa dato, sa ibang puok, halimbawa ang Pila dela Laguna (Pila sa lalawigan
ng Laguna), nagbibigay sila ng 100 ganta ng palay bawat isa. Kasi, nuong unang dating nila, pag-aari ng ibang dato ang mga bukid at
binili lamang ng dato nila, gamit ang sarili niyang ginto, upang magkaroon ng taniman ang bagong baranggay. Pinaghati-hatian ang
biniling bukid at sinumang nabigyan ng sakahan ay naghuhulog taon-taon ngayon upang mabayaran ang ginasta ng kanilang dato.
Natigil ang ganitong hati-hatian ng lupa simula nang dumating tayong mga Espanyol at inangkin natin lahat ng lupa bilang pag-aari ng
hari ng Espanya.
Sa ibang baranggay, may mga palaisdaan ang mga pinuno, binakuran nila at pinagpira-piraso ang sakop nilang mga ilog. Nagtayo din
sila ng mga palengke (mercado, market) ng isda para sa mga tagabaranggay. Ang mga tagalabas na mangisda o maglako duon ay
pinagbabayad ng upa at buwis.

2 Uri ng Alipin
Ang mga karaniwang tao ay tinatawag na aliping namamahay. May mga asawa at familiasila, at nakatira sila sa mga sariling tahanan.
Kanila rin ang ginto, lupa at anumang yaman na makamit nila, na maaari nilang ipamana sa kanilang mga anak. Hindi sila
maaaring ipagbili ng kanilang panginoon (dueno, master), kahit ang kanilang mga asawa at mga anak.
Maaari silang manahin ng anak ng kanilang panginoon, subalit kung lumipat ang nagmana sa ibang baranggay, hindi sila
maaaring kaladkarin duon. Nananatili sila sa dating baranggay, patuloy na nagsasaka ng kanilang bukid. Ganuon din ang kanilang mga
anak.
Nagsisilbi sila sa kanilang mga panginoon, dato man o hindi, na binibigyan nila ng bahagi ng kanilang ani ng palay (arrozal, rice harvest),
kalahati o kung anuman ang napagkasunduan nilang hatian. Nagsisilbi rin sila bilang tagapag-sagwan ng bangkatuwing lalaot ang
kanilang panginoon.
Ang mga aliping sa guiguilir (saguiguilid, “sa gilid-gilid” ang taguri ngayon) ay nagsisilbing tagasaka (tinawag ding sacada) at
tagabukid, o alila

sa bahay ng kanilang panginoon. Duon sila nakatira, sa mga kubo-kubo o kubakob sa gilid-gilid ng bukid o bakuran. Ang mga alila ay
pakainin ng panginoon. Ang mga tagabukid ay binibigyan ng bahagi ng palay na ani bilang pagkain nila.
Karaniwan silang mga nabihag sa digmaan at inalipin, pati na ang kanilang mga anak. Maaari silang ipagbili, pati na ang kanilang mga
anak, lalo na ang mga tagabukid, subalit ang mga anak ng mga alila sa bahay ng panginoon ay karaniwang hindi ipinagbibili.
Dapat kilatisin ang pagkakaiba ng 2 uri ng alipin na karaniwang hindi alam ng mga alcaldes mayor (provincial governor). Napansin ito
ng mga indio at sinamantala nila ang lito ng mga Espanyol upang ipagbili o gamiting alila sa bahay ang mga anak ng mga aliping
namamahay.
Bawal ito, batay sa kanilang gawi, at umangal ang mga namamahay. Subalit pagharap sa Espanyol, patutunayan nitong alipin nga
ang namamahay at papayagang ipagbili o alilain ang kanilang mga anak dahil hindi nila alam ang kaibahan
ng namamahay sa saguiguilirna tanging maaaring alilain o ipagbili.

Pautangan, Patubuan, Alipinan kailangang magbayad ang maharlica ng kalahating tael na


Labis na labis ang patubuan nila, laging doble ng inutang, ginto dahil hindi nakakapag-trabajo ang alipin habang buntis,
kaya nasasadlak sa hirap habang buhay ang umutang at dahil nasa panganib ang alipin na mamatay sa
hanggang maging lubusan alipin siya, pati na ang kanyang panganganak.
mga anak. Upang kumita agad, ipinagbibili pa kung minsan ang Hatian ng mga Pag-aari, Anak
utang sa iba tao, kaya lumalaki pa ang dapat bayaran at lalong Ang anak, sa ganitong pangyayari, ay kalahating alipin dahil
naghihirap ang may utang. alipin ang ina, at kalahating malaya, dahil malaya ang ama na
Ang mga naalipin sa guiguilir dahil sa digmaan o siyang tutustos sa palaki ng bata. Kung ayaw niyang tustusan,
pagpapanday ng ginto, maaari niyang tubusin ang sarili kung pahiwatig ito na hindi niya tinatanggap na siya ang ama ng
mayroon siyang sapat na ginto. Ang pangtubos ay hindi bata, at ito ay lubusang alipin.
bumababa sa 5 tael na ginto upang maging namamahay ang Kapag nag-asawa ang isang maharlica at isang
alipin. At kung 10 tael ang ibayad niya, nagiging lubusan alipin, namamahay man o sa guiguilir, pinaghahatian nang
siyang malaya. salit-salitan ang kanilang mga anak. Sa ama napupunta ang
Maliban dito, kalahati ng mga ari-arian niya ay ibinibigay niya mga anak na pang-una, pang-3, pang-5 atbp. Sa ina napupunta
sa kanyang panginoon sa isang pagtitipon na dinadaluhan ng ang pang-2, pang-4, pang-6 atbp. Ang katayuan ng mga
maraming tao bilang saksi sa pagpapalaya. Pati ang mga anak, maharlica o alipin, ay batay sa magulang na
palayok at banga at pinaghahatian, at kung mayroon naiwang pinuntahan nila.
nag-iisa, binabasag nila at pinaghahatian din ang pira-pirasong Kung isa lamang ang anak, o ang huling anak kung hindi
palayok o banga. Kung tela, pinupunit ito sa gitna at pantay ang hatian ng mga magulang, siya ay
pinaghahatian din. kalahating maharlica at kalahating alipin. Hindi pinaghahatian
Sa 3 uri ng tao, ang mga anak ng maharlika ay maharlika rin habang musmos pa ang mga anak, paiba-iba sa bawat puok
habang buhay at maaari lamang maging alipin sa ang gulang ng mga anak bago paghatian.
pamamagitan ng pag-aasawa. Kapag nagkaanak Kapag ang babaing malaya ay nabuntis ng alipin, ang lahat ng
ang maharlica sa kanyang alipin, nagiging malaya ang aliping anak niya ay malaya rin basta hindi niya asawa ang alipin na
ina at ang kanyang anak. Kung ari ng iba ang nabuntis nakabuntis.
na alipin,

Humihina ang mga Pinuno pang taga-baranggay. Kung sakaling masama ang loob ng nahatulan,
Pagkatapos mag-asawa, hindi maaaring lumipat sa ibang baranggay humihirang sila ng isang tagalabas, dato man o hindi, upang duminig
ang isang maharlica, maliban kung magbayad siya ng multa, batay sa habla. Ang mga tao na hinihirang ay ang mga kilala bilang
sa kasunduan subalit karaniwang 1 hanggang 3 tael ng ginto, at makatarungan at batikan sa mga dating gawi ng mga tao.Kung ang
magbigay siya ng piging (fiesta, banquet) para sa lahat ng mga taga- nag-aaway ay 2 dato o pinuno, kahit na magkaiba ang baranggay nila,
baranggay na iiwan niya. Kung hindi siya magbayad o magpa- tumatawag sila ng mga ibang dato at mga pinuno upang mamagitan
handaan, maaaring magkaroon ng digmaan ang 2 baranggay. sa away, at maiwasan ang digmaan. Sa pulong nila, panay ang inuman
Gawa ito babae o lalaki man ang lumipat, maliban lamang kung nag- nila ng alak, karaniwang alok ng naghablang dato o pinuno.
asawa ang lalaki ng babaing taga-ibang baranggay. At pagkatapos ng Sa batas nila, bitay ang parusa sa lalaki uminsulto o humamak sa
lipatan, ang mga anak ay pinaghahati sa 2 baranggay. Sa ganitong asawa o anak na babae ng dato o pinuno, kung hindi maharlica ang
paraan, hindi nauubusan ng alalay ang dato o pinuno ng baranggay. lalaki. Bitay din ang parusa sa mga mangkukulam (brujas, witches)
Subalit nababago na ugali ngayon. Kung ang dato o pinuno ay at iba pang mga gumagamit ng hiwaga upang saktan ang ibang tao, at
masipag magpasunod sa utos ng frayle o Espanyol, iniiwan siya agad ang mga kanilang mga anak at katulong ay ginagawang mga alipin
ng mga taga-baranggay na lumilipat sa dato o pinuno na ng dato o pinuno ng baranggay, ang nagbayad sa pinsala na ginawa
ipinagtatanggol sila laban sa mga utos ng mga Espanyol. Kailangang ng mangkukulam.
malunasan agad ito sapagkat nasisiraan ng loob ang mga dato at Maliban sa mga ito, wala na silang hinahatulan ng bitay. Sa kanilang
pinuno na nais sumunod sa mga frayle. mga batas, walang ring parusa na maging alipin maliban sa mga anak
ng mangkukulam o kung makiusap ang nahatulang mabitay na
Mga Batas at Hablahan magiging alipin na lamang siya. Karamihan ng mga nagiging alipin
Ang mga hatol ng dato ay kailangan sa harap ng mga naghahabla at ay nahatulang mamultahan subalit walang sapat na ginto na
iba pambayad. Pinagsisilbi na lamang siya bilang alipin ng sinumang
pininsala niya, hanggang mabayaran ang multa.

Pagtubos Sa Pinuno Pamana sa Maraming Asawa


Pinagsasaka siya sa bukid at kalahati ng lahat ng ani niya, katulong Pantay-pantay ang mana ng mga anak mula sa kanilang mga
ang kanyang mga anak, ay bayad sa panginoon hanggang makatapos magulang bagaman at kung minsan, dinadagdagan ng magulang ng
siya ng pagbayad. Subalit sisingilin naman siya ng panginoon ng alahas o ginto ang mana ng anak na mas mahal nila. Kung ang anak
pagkain at damit na ibinigay sa kanya at mga anak niya habang ay nakasal sa anak ng dato o maharlica, hindi kasali sa mana na
nagsisilbi siya. Inaangkin ng panginoon ang kanyang mga anak paghahatian ang dagdag na bigay kaya dahil sa mataas na tao ang
bilang alipin din hanggang mabayaran niya ang ginasta para sa napangasawa. Hindi rin kasali sa mana ang anumang yaman na ilaan
pagkain at damit. ng magulang sa isang anak, kung ihahayag ng magulang na ito ay
Ang iba, sa halip na maging alipin ng ibang tao, inaako ng kamag- dahil sa pangangailan at hindi dahil sa pagpapalaki ng yaman ng anak.
anak o kaibigan ang bayad sa multa, at siya naman ang pagsisilbihan Kung may anak sa 2 o higit pang asawa, ang mana ng mga anak ay
hanggang mabayaran ang pinambayad, karaniwang doble ng halaga mula sa tinanggap ng kani-kanilang ina, kasama na ang mga bigay
ng multa. Sa gayon, ang nahatulan ay nagiging aliping kaya nila. Ang mga anak ng lalaki sa mga alipin niyang babae ay
namamahay ng kanyang kamag-anak o kaibigan, sa halip na aliping walang pamana subalit kailangang palayain ng mga tunay na anak ang
sa guiguilir ng naghabla sa kanya. mga inang alipin. Tapos, kailangan nilang handugan ang mga anak ng
Ganito nagiging alipin ang maraming tao kahit na hindi pagkaalipin aliping babae - tig-isang tael na ginto o isang alipin, kung ang ama ay
ang hatol sa mga batas nila. isang dato o maharlica. Kung hindi, ang halaga ng handog ay kung
ano ang pagkasunduan.

‘Inaasaua,’ Anak ‘Sa Labas’ kamag-anak. Sila ang magtutustos kung mayroong mang anak
Inaasaua ang tawag nila sa dalaga na, kahit nabigyan ng bigay sa alipin ang namatay.
kaya ay hindi itinuturing na tunay na asawa. Ang anak niya ay Bayad, Mana ng mga Ampon
tinatanggap na tunay na anak subalit ika-3 bahagi lamang nakukuhang Kung ang babae ang nagkaanak ‘sa labas,’ kasama ito ng mga tunay
mana sa ama. Ang mga anak sa tunay na asawa ang nagmamana ng 2 na anak sa hatian ng mana, kung nahuli ang babae ng asawa at
sa 3 bahagi, o doble ng mana ng anak ng inaasaua. nagbayad ng multa ang ibang lalaki bilang parusa, dahil itinuturing
Kung walang tunay na anak, ang mga sa alipin ang nagmamana ng na bigay kaya ang multa. Subalit kung hindi naparusahan ang ibang
ika-3 bahagi, ang mga anak ‘sa labas’ ang nagmamana ng nalalabing lalaki, hindi tunay na anak ang turing sa anak ‘sa labas,’ at hindi ito
bahagi. Kung walang anak sa alipin, ang mga anak ‘sa labas’ ang tatanggap ng mana.
nagmamana ng lahat. Maraming anak dito ay mga ampon, at ang mana nila ay doble ng
Kung walang tunay na anak o anak ‘sa labas,’ ang mana ay ibinayad para ampunin sila. Subalit kung mauna silang mamatay
napupunta sa mga magulang, mga lolo at lola, mga kapatid o ang kaysa sa mga umampon sa kanila, walang pamana ang kanyang mga
malalapit na anak mula sa umampon, kahit na ang ibinayad na pang-ampon ay
hindi nakukuha.

Kasunduan, Kasalan, Divorcio ulila (huerfana, orphan) ang babae, sa kanya ibinibigay ang bigay
Ibinibigay ng ama sa kanyang anak na lalaki ang bigay kaya (dote, kaya. Kung sakaling mamatay ang mga magulang pagkatapos, ang
dowry) kapag malapit na itong mag-asawa. Kahit na bata pa ang anak, anumang nalalabi sa bigay kaya ay isinasama sa mga pamana na
ibibigay na rin ang kalahati ng salapi. Nangyayari na nagiging magulo pinaghahatian ng mga anak at mga kamag-anak, gaya ng naisulat ko
ang usapan, sapagkat may multa na dapat bayaran ang sinumang na.Ang mga babae na walang asawa ay hindi maaaring magkaroon ng
lumabag sa kasunduan ng pag-aasawa. ari-arian, lupa o salapi, sapagkat lahat ng yaman na makamit nila ay
Paiba-iba ang laki ng multa sa iba’t ibang puok, subalit laging inaasahang laan sa kanilang mga magulang.
pinakamalaki ang multa sa mga anak na ayaw magpakasal Kapag naghiwalay ang mag-asawa na walang anak, isinasauli
pagkatapos mamatay ang mga magulang na nakipagkasunduan ng ang bigay kaya sa lalaki kung ang babae and humiwalay. Kung mag-
kasalan. Ang buong bigay kaya ay isinasauli kapag nangyari ito. asawa uli ang babae, magbabayad siya sa lalaki ng dagdag na multa,
Kung buhay pa ang mga magulang nang tumangging mag-asawa ang katumbas ng bigay kaya.
anak, ang mga magulang ang nagbabayad ng multa sapagkat hinala Kung ang lalaki ang humiwalay, kalahati lamang ng bigay kaya ang
na sila ang may pakana na huwag ituloy ang pag-aasawa ng anak. makukuha niya. Kung may mga anak na ang mag-asawa nang
Ang bigay kaya ay hinahandog ng lalaki sa mga magulang ng babae. naghiwalay, sa mga anak napupunta ang bigay kayaat ang multa,
Kung hawak ng mga lolo o sinumang kamag-anak na magpapalaki sa mga
bata.

Para Sa Pamahalaan
Ang mga ito ang aking napag-alaman nang malinaw tungkol sa mga ugali ng mga katutubo sa buong Laguna at sa mga bundok, at sa
lahat ng mga Tagalog. Sinabi ng mga matatanda na sinumang dato o pinuno na sumuway sa mga ugaling ito ay hindi iginagalang.
Isinisiwalat ang lahat ng ginawa niyang kabuhungan, at pinaparatangan siyang masamang tao. Kaya ipinadala ko ito
sapagkat importante na mabatid ito ng mga alcaldes mayor nang maliwanagan ang kanilang pamamahala...
Sa Nagcarlan, (Laguna), Oct 21, 1589
Fray Juan de Plasencia

You might also like