You are on page 1of 2

MGA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINO

ANG BARANGAY

- Pamahalaang itinatag ng mga Malay


- Hango sa salitang balangay (bangkang sinakyan ng Malay patungong Pilipinas)
- Ang isang barangay ay binubuo ng tatlumpu hanggang isang daang pamilya.
- pinamumunuan ng datu o rajah
o tinuturing na ama ng kanyang nasasakupan
o Pinakamakapangyarihan
o Ginagampanan ang tungkulin ng mambabatas, punong tagapagpaganap, hukom, at punong hukbo sa
panahon ng digmaan.
o Ito ay namamana ng anak na lalaki
o At kung ang isang datu ay namatay ay walang anak na lalaki, maaaring pumalit sa kanya ang asawa ng
panganay na anak niyang babae.
o Kailangang ipakita niya na kaya niyang ipagtanggol ang nasasakupan.
o Maaari ring maging datu ang isang walang dugong maharlika ngunit may angking lakas at dunong upang
pamunuan ang buong barangay.
ANG SISTEMA NG PAGBABATAS NG MGA SINAUNANG PILIPINO

- Ipinatupad ang mga batas na pasalita at pasulat


- Ang mga pasalita o ang di-nakasulat na mga batas ay mga kaugalian at tradisyon ng ating ninuno na nasalin sa
ibat ibang henerasyon.
- Ang mga batas na pasulat- ginawa ng datu sa tulong ng mga pantas o matanda sa nayon.
Karaniwan ang mga ito ay nasusulat sa inukit na balat ng puno, kahoy, dahon, o tela kaya ang mga ito ay hindi
natatago ng matagal.
- Kapag ang batas ay handa ng pairalin ng datu, tinatawag niya ang umalohokan (ang tawag sa taga-anunsyo ng
mga paalala at panawagan noon sa mga barangay)
ANG PAMAHALAANG SULTANATO

- Pinamumunuan ng Sultan
- Dala ito ng mga Arab na nakipagkalakalan sa mga katutubo ng Mindanao
- Ang pamahalaang ito ay sumusunod sa batas ng relihiyong Islam.

DALAWANG SULTANATO SA KAPULUAN BAGO DUMATING ANG MANANAKOP


1. Sultanato ng Sulu
- Itinatag noong Nbyembre 17, 1405 bilang bahagi ng Brunei
- Nasa tinog-kanluran ng Pilipinas
- Sakop nito ang maraming pulo sa Sulu Sea, ilang bahagi ng Mindanao, North Borneo at North Kalimantan (isang
lalawigan sa Indonesia)
- Noong 1578, lumaya mula sa Imperyo ng Brunei ang Sulu at nagsarili.
2. Sultanato ng Maguindanao
- Itinatag noong 1500
- Ang lupaing nasasakop nito ay mula sa Zamboanga Peninsula hanggang Sarangani Bay.
- Napalawak pa ito hanggang sa masakop ang buong pulo ng Mindanao.
- Ito ay nahati sa apat na sultanato:
a. Maguindanao
b. Kabuntalan
c. Buayan
d. Ganassi

o Binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon ang isang sultanato na pinaninirahan ng mga
pamilyang magkakamag-anak.
o Higit na malawak ang kapangyarihan ng sultan kaysa datu. Tungkulin niyang pangalagaan ang
pananampalataya at kabanalan ng kanyang nasasakupan.
o Ruma Bichara- ang konseho ng mga datu, at tumutulong sa mga pagpapasyang ginagawa ng sultan.
o Panglima- ang namumuno sa mga teritoryo.
 Tinutulungan ito ng mga:
1. Nahib- namamahala sa gawaing militar
2. Laksamana- tagahatid ng mga balita ng panglima
3. Parkasa- aide-de-camp- ng panglima
4. Bintala- tagapag-ugnay ng mga pari
o Bilang pinuno ng relihiyon, ang sultan ay binibigyang-payo ng kadi.
o KADI- ay itinuturing na pinakamarunong sa pagbibigay-kahulugan sa Qur’an (ang banal na aklat ng
Islam)
o PANDITA- ang nagsisilbing tagapayo ng panglima (ang namumuno sa mga teritoryo) ng mga bagay
tungkol sa relihiyon.
o Imam- ang pari ng mga Muslim.
o Maaring palitan ang sultan ng kanyang anak na lalaki, kapatid na lalaki, o di kayaý pamangking lalaki na
hinihirang ng mga namumuno sa konsehong kinabibilangan ng mga Imam.
ANTAS SA LIPUNAN
Tatlong antas ng lipunan sa tagalog
1. Maginoo- pinakamataas at sa antas na ito kabilang ang mga datu at rajah.
2. Maharlika- ay kinabibilangan ng kaanak ng datu hindi nagbabayd ng buwis.
- Ang timawa naman ay mamamayang pinagbabayad ng buwis.
- Tungkuling sumunod sa datu sa pakikipaglaban dala ang sarili nilang mga sandata at kagamitan.
3. Timawa- kagaya ng maharlika sila ay malayang mamamayan.
- Ngunit ang timawa ay nagbabayad ng buwis, at tumutulong sa datu sa pagsasaka at pakikidigma.
4. Alipin
Dalawang uri ng Alipin
a. Aliping namamahay- aliping may kalayaan, maaring mag-asawa at magkaroon ng sarili nilang ari-arian at
hindi sila maaring ipagbili ng kanilang panginoon.
Tatlong paraan ng pagiging aliping namamahay
1. Kung ang kapwa magulang ay namamahay
2. Kung bibilhin ang kayang kalayaan bilang aliping sa sisilid
3. Kung bababa ang antas ng pagiging timawa
Paraan upang maging Malaya ang aliping namamahay
1. Pagbili sa kanyang kalayaan
2. Kusang loob na pagpapalaya ng kanyang panginoon
3. Pagbibigya-gantimpala sa katapangang ipinamalas niya sa digmaan

b. Aliping sa gigilid
- pinakamababang uri ng alipin sapagkat wala siyang kalayaan at maaari siyang ipagbili.
- Hindi maaring mag-asawa
- Hindi maaaring magkaroon ng sariling ari-arian
- Gayon pa man, maaari silang maging namamahay kung babayaran ng kanilang panginoon.

Antas ng lipunan sa Bisaya


1. Datu o Rajah rin ang piankamataas sa lahat at siyang namumuno sa barangay.
2. Tumao- katuwang ng datu sa pamamahala, kinabibilangan ng atubang sa datu at sandag sa datu
3. Timawa- di tulad ng sa tagalog, sila ay anak ng mga binukot (babaeng maharlika), inapo ng datu, o kaya anak
ng datu sa hindi niya asawa.
Karaniwang mandirigma at mangangaso. Nagbabayad ng buwis sa datu at nagsasaka sa bukid kung kinakailangan. May
karapatan silang magkaroon ng sariling ari-arian at makipagkalakalan. Maari ring maging alipin ang timawa na hindi
nakapagbayad ng utang.
4. Oripun o Alipin- pinakamababang antas sa lipunan ng mga Bisaya.
Dalawang uri ng alipin
a. Ayuey- pinakamababang uri, ipinagbibili ng kanilang panginoon.
b. Tuhay- gaya ng mga aliping namamahay, may kalayaan sa pag-aasawa.

You might also like