You are on page 1of 3

ANG MGA KATAYUAN NG MAMAMAYAN

1.ANGKAN NG DATU
2.MAHARLIKA
3.ALIPIN
1. ANGKAN NG DATU O MATAAS NA TAO
• Mataas-na-tao ang turing sa mga kabilang sa pangunahin at pinakamataas na
antas ng katayuan sa lipunan, kabilang dito ang angkan ng mga datu.
Mayayaman, makapangyarihan, at iginagalang sila sa buong barangay

• Bilang tanda ng paggalang sa datu, sila ay tinatawag na Gat o Lakan at ang


mga babae naman ay Dayang o Dayang-dayang. Tinatawag na panginoon ang
isang kasapi ng kanilang angkan kung siya ay nagmamay-ari ng maraming
bahay, Bangka, at alipin. Poon ang tawag sa kanilang pinakaninuno.

2. MAHARLIKA
• Ang ikalawa at panggitnang antas ng katayuan sa lipunan ay kinabibilangan ng
mga karaniwang tao na bumubuo sa barangay. Sila ang tinatawag na
maharlika(mahadlika sa mga pamayanang Tagalog). Timawa o timagua ang
tawag sa kanila sa ibat ibang bahagi ng bansa,tulad ng mga Bisaya at Ilokano.

• Ipinanganak na Malaya.
• Kabilang sa mga tagapagtanggol ng datu o sultan at mangangalakal.
• Hindi nagbabayad ng buwis.
• May karapatang mamili ng sariling hanapbuhay
. • Nakapag-aari ng Lupa.
• May karapatang mamili ng datu na kanyang sasamahan o paglilingkuran.
• May tungkuling samahan ng datu sa pakikidigma, sa paglalakbay ,paggawa ng
bahay, Pagsasaka pagsasagwan ng mga Bangka, at sa mga gawaing
pampamayanan.

3. ALIPIN
• Kabilang sa pinakamababang pangkat sa lipunan ang mga kasama o alaga na
tinawag na alipin. Ang kahulugan ng ng salitang Alipin noon ay “alaga”. Sa
pagdaan ng maraming panahon, ang salitang alipin ay nagkaroon ng ibang
kahulugan at naging alila. Sa mga Tagalog, dalawa ang uri ng alipin.

1.ANG ALIPING NAMAMAHAY


2.ANG ALIPING SAGUIGUILID
ALIPING NAMAMAHAY

• Nakatataaas ang aliping namamahay sa aliping saguiguilid. Siya ay:

1.May karapatang pumili ng kanyang mapapangasawa.


2.Hindi maaaring ipagbili.
3.Maaari ring manirahan sa sariling bahay .
4.Maaaring magkaroon ng ari-arian, maliban sa lupang kinatitirikan ng kanyang
bahay.
5.Binabayaran sa kanyang paglilingkod.

ALIPING SAGUIGUILID

• Ang aliping saguiguilid ang pinakamababang antas . Siya ay:

1.Hindi Malaya
2.Walang sariling tirahan.
3.Walang pag-aari
4.Maaring ipagbili ng kanyang amo
5.Nakatira sa tahanan ng kanyang amo.
6.Naglilingkod nang walang bayad.
7.Hindi maaaring mag-asawa nang walang pahintulot ng kanyang amo.

Nagiging alipin ang isang mamamayan kapag siya ay:

• Ipinanganak sa mga magulang na alipin.


• Nabihag sa digmaan
• Ipinambayad sa utang
• Nabili at naparusahan sa nagawang kasalanan

Ang pagiging alipin ay hindi panghabambuhay.

Maaaring maging Malaya ang isang alipin kung siya ay:

• Palalayain ng kanyang amo.


• Makapagbabayad ng karampatang halaga sa kanyang panginoon.
• Makapag-aasawa ng isang kabilang sa mas mataas na antas sa lipunan.
• Makapagpapakita ng kabayanihan sa digmaan..
The cultural achievements of pre-colonial Philippines include those covered by
the prehistory and the early history (900–1521) of the Philippine archipelago's
inhabitants, the indigenous forebears of today's Filipino people.

Hajji is an honorific title which is originally given to a Muslim person who has
successfully completed the Hajj to Mecca. It is also often used to refer to an
elder, since it can take time to accumulate the wealth to fund the travel, and in
many Muslim societies as an honorific title for a respected man. Wikipedia

You might also like