You are on page 1of 99

KABANATA 2

SULYAP SA KATUTUBONG PANITIKAN

Magkaugnay ang panitikan at kasaysayan. Isinasaad ng


kasaysayan ang mga naganap na pangyayari at tinutukoy ang tiyak na
panahon. Inilalarawan naman ng panitikan ang kultura, pamumuhay,
hanapbuhay, paniniwala, kaugalian at karanasan ng mga tao.
Ipinahahayag ng panitikan ang iba’t ibang mukha ng buhay at damdamin
ng bawat nilalang katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
tagumpay, kabiguan, poot at iba pang damdaming maipahayag sa
pamamaguitan
SANLIGANG KASAYSAYAN
Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay may panitikan na tayo. Ang ating
mga ninuno ay mayroon ng mga salawikain, bugtong, palaisipan, alamat, kuwentong bayan,
awiting bayan at epiko. Ang mga sumusunod ang mga pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas
bago dumating ang mga Kastila.
1. Ang Mga Ita o Mga Negrito
Ayon sa kasaysayan, sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Tinatawag silang
Negrito, Ita, Aetas o Baluga. Wala silang kultura at wala rin silang nalalaman sa agham, sining,
paghahanapbuhay, pagsulat, at pamumuhay. Sila’y walang palagiang tirahan . May 25,000 taon na
n ag nakalilipas, sila’y nakarating sa mga pulong sakop ng Pilipinas dahil sa ugali nilang
maglakbay. Sinasabi sa kasaysayan na ang mga pulo sa Pilipinas at ang mga pulo sa Asya ay dating
magkakadugtong. Sila’y matatagpuan sa mga kagubatan at kabundukan sa ating bansa katulad ng
Bicol, Pangasinan at Pampanga.
Ang mga sinaunang Ita ay gumamit ng mga busog at pana sa paghahanap ng kanilang
pagkain. Wala silang kaalaman sa pamahalaan ngunit mahigpit ang bigkis ng kanilang
pagsasamahan.
MGA ITA o MGA NEGRITO

• MAITIM
• KULOT
• SARAT ANG ILONG
• MALIIT
2. Ang mga Indonesyo
• Nakarating sa Pilipinas ang mga
Indonesyo may 8,000 na ang
nakaraan. May sarili na silang
sistema ng pamahalaan,
nagsusuot ng damit, marunong
gumawa ng apoy sa
pamamagitan ng pagkikiskis ng
dalawang patpat ng tuyong
kahoy, at may mga alamat,
pamahiin at mga epic. May higit
silang kabihasnan kaysa sa mga
Ita.
3. Ang mga Malay
Tatlong pangkat ng mga Malay ang
dumayo sa Pilipinas. Ang unang pangkat ang
mga ninuno ng lahing Igorot, Tinggiyanes at
Bontoc. Ang ikalawang pangkat ay ang mga
ninuno ng mga Tagalog, Kapampangan,
Bicolano, Bisaya, Ilokano, Pangasinense, Ibanag
at iba pa. May dala silang alpabeto na nakilala sa
tawag na Alibata, mga karunungang bayan,
alamat at kuwentong bayan. Nagdala sila sa
Pilipinas ng sistema ng pamahalaan na tinawag
na Balangay na hinango sa sinakyan nilang
balsa. Nang lumaon ay tinawag na itong
Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay napadpad sa
Mindanao, sila ang mga ninuno ng mga Muslim.
May dala silang epiko, alamat, kuwentong bayan
gayundin dinala ang pananampalatayang
Muslim.
4. Ang Mga Intsik na Manggugusi
Nakarating dito sa Pilipinas ang
mga Intsik mula sa taong 30 hanggang
800 A.D. Tinawag silang manggugusi
sapagkat inilagay nila sa gusi ang mga
namatay na kaanak at ibinabaon sa
kanilang bakuran. Nanggaling sa
kanila ang mag salitang gusi, susi,
kawali, talyasi, kawa, kuya, diko,
sangko, ate, ditse at iba pa. nasakop
ng mga Intsik ang Pilipinas noong
taong 1405 hanggang 1417. Binigyan
nila ng pangalang Luzon o Lusong ang
pinakmalaking pulo sa Pilipinas.
5. Ang mga Bumbay
Nakarating sa Pilipinas ang
unang pangkat ng mga Bumbay
noong mga ikalabindalawang
dantaon, A. D. Sila’y ,may
pananampalatayang Beda at
sinasamaba nila ang Araw at ang
Kalikasan. Ang ikalawang pangkat
ay dumating noong ikalabintatlong
dantaon. Sila’y may
pananampalatayng Bramin.
Nagdaan sila sa Java at Bomeo sa
panahon ng paghahari ni
Madjapahit.
6. Mga Arabe at Persiyano
Sila’y mga biyaherong dumayo
at naninirahan sa katimugan ng
Pilipinas mula nang taong 890 A.
D. hanggang ikalabindalawang
danaton. Ang mga misyonerong
Arabe at Persiyanong nagsiparito
upang ikalat ang Mohometanismo
sa Malaysia at Pilpinas ay
nandayuhan dito noong
ikalabinlimang dantaon na. Sa
Mindanao at Sulu sila
nagsipanirahan.
MGA KARUNUNGANG BAYAN

MGA SALAWIKAIN
Ang mga saliwikain ay mga butil ng karunungang hango sa
karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa
kagandahang asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian.
Patalinghaga ang mga nilalalman ng mga ito at pasalin-salin sa bibig ng
mga ito.
ILOKANO SALIN

1. Habang basit iti kumot agururay mga • Habang maigsi ang kumot magtiis kang
agbalukto. mamaluktot.

2. Iti hipong maturog tartarayun iti agos. • Ang hipong nakakatulog ay tinatangay ng
agos.
3. Nu inayab na utang mapilitan ka
• Kapag tinawag na utang sapilitang babayaran
agabayad.
• Ang pag-ibig sa kaaway ang tunay na
4. Naku apaon iti pinaggayat ket isu katapangan. 
iti napigsa
• Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng
5. Iti sakit iti aminamin ket Awaten amin buong katawan.
iti bagi.  
Bikolano SALIN

•1. An nagtitius na pobre Igiwang •Ang nagtitiis ng hirap may ginhawang


ginhawang makukua.  hinahangad.
•2. Dai ka man mana sa kwarata •Hindi ka man magmana ng salapi
Magmana ka sa marahay na ugali. magmana man lang ng mabuting
•3. An gapong buhay sobrang tagas Sa ugali. 
ugali na maraot matutunaw.  •Ang batong buhay na sakdal tigas sa
•4. Mayong masakit sa tatao.  ulang tikatik ay maaagnas. 
•5. An binotsan na horonDai na •Walang mahirap sa taong may alam.
mababawe •Kung anong nasabi na, hindi na
  maaaring bawiin pa.
•  
Cebuano SALIN

•1. Ang pasayan mga natulog Naanod sa sulog.  •Ang hipong natutulog,natatangay ng agos 
•2. Ayaw paghinanlig, Baki sa dakong linaw: •Huwag magtiwala, Palaka, sa lawang
Muabot ang dakong hulaw, sa ugang liki mga malaki; darating ang tagtuyot, sa tigang na
yuta ka mupauli. 
lupa ka mauuwi. Inyo ang lantay, inyo ang
•3. Imong lantay, imong bantay, Imong pantaw,
bantay;
imong lantaw. 
•4. Ang kabugnaw sa pulongSa kalayo • Inyo ang batalan, inyo ang
makapalong. pagmamanman. 
•5. Ang samad sa kumingking Pagbati-on sa •Ang lamig ng salita sa apoy ay
tibuok lawas. makapupuksa.
  •Sugat sa kalingkingan dama ng buong
katawan.
Kapampangan SALIN

• Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. 


• 1. Atiw queng Dios ing lunus, atiw queng tau
ing gawa,  • Kaya matibay ang walis sapagkat nakabigkis. 
• 2. Nya matibe ya ing palis uli nang pirmi yang • Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong
macabigkis.  gawin sa iba.
• 3. Ing emu buring gawan da queca, emy •  Hindi man magmana ng salapi, tama na yong
gagawan careng aliwa. mabuting ugali.
• 4. Eca man magmanang salapi, usto me ing • Aanhin mo ang bahay na bato, kung ang
mayap a ugali. nakatira'y kwago, mabuti pa ang bahay na
kubo, kung ang nakatira'y tao.
•  5. Naman me bale batu, nung ing
macatucanang cuago, mayap ya pa ing  
bale kubo, nung ing matucnang tau.
 
Iba Pang Mga Salawikain sa Katagalugan

•1. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. 


•2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. 
•3. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin. 
•4. Ang walang hirap magtipon walang hinayang magtapon.
•5. Kung ano ang lakad ng alimangong matanda ay siyang lakad ng alimangong bata.
• 6. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. 
•7. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. 
•8. Huli man daw at magaling ay maihahabol din. 
•9. Ang taong nagigipit sa patalim man ay kakapit. 
•10. Bago mo pansinin ang uling ng iba ang sariling uling ay pahirin muna.
 
 
MGA BUGTONG
Inilalarawan sa bugtong ang bagay na pinahuhulaan, nangangailangan ito ng mabilisang pag-iisip.

ILOKANO SALIN
• 1. Nakadumdumog iti reyna, Saan matirtir • Nakayukung-yuko ang reyna, di nalalaglag
mag iti korona. ang korona. (bayabas)
• 2. Duwa mga gayum makiparpartak. • Dalawang magkaibigan, unahan nang
unahan. (paa)
•  3. Mangmangtud hagarudlen bitbitinin
dapay. • Nagbibigay na'y sinasakal pa. (bote)
• 4. Ginuyod ko iti bagi makariyawriyaw iti • Hinila ko ang baging nag-iingay ang
bakus. matsing. (kampana)
• 5. Kulay rosas iti pulsureas • Kulay rosas ang pulseras ng reyna,
pumuputok walang bala. (kamatsili)
iti reyna, pumapaltog awan iti bala.
Bicolano Salin
 
•May paa'y hindi makalakad, may
•1. Igwang bitis dae makalakaw, igwang
pakpak, hindi makalipad. (aparador) 
pakpak dae makalayog. (aparador) 
•Dalawang bola, malayo ang nakikita.
•2. Dwang bola, harayo ang natatan-aw.
(mata) 
(mata)
•Eto na si kaka, bubuka-bukaka.
•3. Ani-on na si kaka, bubuka-bukaka.
(gunting) (gunting) 
•4. Ako igwa ki sorogoon, halangkaw pa •Ako'y may alipin, mataas pa sa akin.
sakuya. (calo)  (sumbrero) 
•5. Kan naghali naglalayog, kan •Nang umalis ay lumilipad, nang
naghabot nag-uusad. (uran) dumating ay umuusad. (ulan) 
 
Kapampangan Salin

•1. Ene man hari, ene man pari, •Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng
magmalan yang sarisari (sablayan) sarisari. (sampayan) 
•2. Metong a balong malalim, mitmo •Isang balong malalim, puno ng
yang pataram. (asbuk)  patalim. (bibig)
•3. Bale ng Santa Ines, sapak yang •Bahay ni Santa Ines punung-puno ng
perdigones. (capaya)  perdigones. (papaya) 
•4. Anac ya pa si Huli, biasa neng manai, •Bata pa si Huli, marunong nang
(babagwa)  manahi. (gagamba) 
•5. Malati ya pa i kumrapare, •Maliit pa si kumpare, nakaaakyat na
makaukyat na quing tore. (panas)  sa tore. (langgam)
Cebuano SALIN

•1. Gilubag ang walang sala, Nagpatulo ng •Pinilipit ang walang sala, Tumulo ang
daghang luha.   maraming luha, (damit na nilabhan,
•2. Gisukgay ang linugaw Midagan ang tinap- pinilipit) 
anan.   •Hinalo ang nilugaw, Tumakbo ang tinapa.
•3. Maadlaw morag haligi Magabii morag (bangka) 
pagi. •Sa araw ay parang poste,Sa gabi'y parang
• 4. Kon molingkod taas, Kon motindog pagi.(banig) 
mubo.   •Pag umupo'y tumatangkadPag tumayo'y
•5. Isda sa maribilis, Naa sa sulod ang himbis. pumapandak. (aso) 
  •Isda sa Maribeles, Nasa loob ang kaliskis.
 
(puwersa)
•  
•  
 
Iba Pang Mga Bugtong sa Katagalugan
•1. Binaltak ko ang bagting nagkakarang ang matsing. Sagot: kampana 
•2. Ang manok kong pula umakyat sa puno ng sampaka nang umuwi ay gabi
na. Sagot: araw
•3. Buhayin mo ako't agad akong mamamatay patayin mo ako't hahaba ang
aking buhay. Sagot: kandila 
•4. Dalawang bolang itim malayo ang nararating. Sagot: mata 
•5. Isang balong malalim punung-puno ng patalim. Sagot: bibig 
•6. Isang butil na palay sikip sa buong bahay. Sagot: ilaw
•7. Isang bayabas pito ang butas . Sagot: ulo 
•8. Nang umalis ay lumilipad nang dumating ay umuusad. Sagot: ulan
•9. Hinalo ko ang nilugaw nagtatakbo ang inihaw. Sagot: pagsagwan, sakay ng
bangka 
•10. Nang maliit ay gulok nang lumaki na'y sandok. Sagot: niyog
Mga Tulong sa Pag-aaral
 

•A. Talasalitaan
1. mukha ng buhay
2. bigkis ng pagmamahalan
3. pamahiin
4. balsa
5. butil ng karunungan
6. nakapupuksa
7. kaulayaw
8. talinghaga
 
B. Pagtalakay sa aralin

• 1. Bakit sinasabing magkaugnay ang panitikan at kasaysayan?


• 2. Patunayang may panitikan na tayo bago dumating ang mga Kastila.
• 3. Talakayin ang iba't ibang pangkat ng mga taong dumating sa Pilipinas
bago dumating ang mga Kastila.
• 4. Ipaliwanag kung ano ang salawikain. Magbigay ng iba pang mga
halimbawa ng salawikain bukod sa nasa aklat at ipaliwanag.
• 5. Ano ang bugtong? Magdala ng iba't ibang mga halimbawa ng mga
bugtong sa iba't ibang rehiyon.
 
C. Pagpapalawak ng kaalaman
 

• 1. Magsaliksik ng mga akdang magpapatunay na magkaugnay ang panitikan at


kasaysayan.
• 2. Paghambingin ang pamumuhay ng mga Ita bago dumating ang mga Kastila sa
pamumuhay ng mga Ita sa kasalukuyan.
• 3. Ihambing ang sistema ng pamahalaan na tinawag na baranggay na dala ng
ikalawang pangkat ng mga Malay sa baranggay sa kasalukuyang panahon.
• 4. Magsaliksik ng iba pang mga salawikain at bugtong mula sa iba pang rehiyon
at talakayin sa klase.
• 5. Pangkatin at makipagpaligsahan sa pagsagot sa bugtong.
 
 
Mga Palaisipan
Ang mga palaisipan ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng
bugtong ay nangangailangan ng talas ng isip. 
Mga halimbawa:
•1. Sa duklay ng isang sanga, Limang ibon ang kumakanta Lumipad ang isa, ilan ang
natira?  Sagot: Lima pa rin sapagkat hindi naman umalis ang isang ibon, lumipad
lamang ngunit hindi lumayo.
• 2. May isang prinsesang sa tore ay nakatira balita sa kanyang pambihirang ganda bawal
tumingala upang siya ay makita ano ang gagawin ng binatang sumisinta?  Sagot: linom
ng tubig upang kunwa'y mapatingala at makita ang prinsesa. 
•3. Sa isang tulay ay may dalawang bantay magkabilang dulo'y mahigpit na tinatanuran
dapat magbayad ang sinumang daraan si Lando'y walang pera sa lukbutan paanong
kanyang ginawa at siya'y nakaraan?  Sagot: Sa unang bantay ay sinabi niyang sa
ikalawang bantay na siya magbabayad, pagdating niya sa ikalawang bantay ay sinabi
niyang nagbayad na siya sa unang bantay.

May mga palaisipan ding hindi patula ang pagkakasulat.


Mga Kasabihan o Kawikaan
 

Ang mga kasabihan o kawikaan ay ginagamit sa pamumuna ng kilos


o gawi ng ibang tao,
  Mga halimbawa: 
• 1. Utos sa pusa, utusan ang daga. 
• 4. Ang lahat ng gubat tirahan ng ahas. 
• 2. Ubus-ubos biyaya pagkatapos nakatunganga. 
• 5. Kung ano ang bukambibig siyang laman ang dibdib.
• 3. Tulak ng bibig kabig ng dibdib.
Mga Kantahing Bayan
Sa panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga pang araw-araw na
usapan ay nagtataglay ng magagandang kaisipan at mga talinghaga. Ito’y
mapapansing ginagamit pa hanggang ngayon sa mga lalawigan at nayon.
Mula sa mga karununganng bayan ay sumilang ang mga kantahing bayan na
inaawit ng ating mga ninuno sa saliw ng mga makalumang instrument. Ang
mga ito’y nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan,
pananampalataya, kaugalian at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
isang pook.
Ayon sa aklat na “Panitikan ng Pilipinas” nina Jose Villa Panganiban
at C.T. Panganiban, ang mga uri ng kantahing bayan noong unang panahon
ay ang mga sumusunod:
a. Soliranin (rowing songs)
b. Talindaw (boat songs)
c. Diona (nuptial or courtship songs)
d. Oyayi o Oyayi (lullaby)
e. Dalit (hymns)
f. Kumintang (war o battle songs)
g. Sambotani (victory songs)
h. Kundiman (love songs)
• Ang mga sumusunod na awiting bayan ay mula sa malalayong pook, mga liblib na nayon at mga
kabundukan. Igorot Chua-ay (Awit na Pangkasalan) Lalaking matapang, lalaking malakas Ikaw’y
siya naming tinatawagan .. Hoy! Halika, halika’t tinatawag ka .. Hoy! Matapang lumaban, malakas
gumawa Halika na rito … Hoy! Magpasan ng bigas, dalhin sa bayan … Hoy

Ilokos
Buat, Buat, Buat Buhat!...
Buhat!... Buhat!
Sabay-sabay!.. Buhat, lahat! Taas!..
Buhat nang mabigat! Pigil!...
Baka mapabagsak!
Sa parang ma’t maging gubat
Sa pintunga’t mga landas,
Kung nasa’y buhay at bigas Gumawa ka at magsikap
Pangasinan
Oalay Manoc Con Taraz
Ako ay may ibong Taras
Ako ay may ibong Taras Munting ibong
Minamahal Kapag ako’y may kausa,
Sa harap koy humaharang, Taras, na mahal ko, taras
Ano’t ikaw’y nagagalit?
Hindi kita gigiliwin Kung di ka iniibig. Tinggiyan Bati Bati ko’y magiliw,
Bati ko’y malambing Ikaw’y parang araw Ikaw’y nagniningning
Maging iyo’y kapalaran At pati kaligayahan
Magiliw na parang buwan
At parang gabing malamla
Muslim
Muslim
Pag-ibig nati’y walang katapusan,
Saksi natin ang kalangitan,
Ikaw’y ubod na kadalisayan,
Isang walang nakapantay.

Bisaya
Ang Binhi
Tra, la, la, la
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay. Di nalao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi.
Leyte

Awit ng Magtutuba

Pumupukpok ako sa mga kahuya

Rat – a – tat – tat – tat Rat – a – tat – tat – tat

Pinakikintab ko’y tukli ng kawayan

Ang pinupukpok koy tuktok ng niyugan

Pampanga

Ati Cu Pung Singsing

Ati cu pung singsing

Metong yang timpucan

Amana que iti Ong indung ibatan

Sangcan queng sinunup

Ong metong acaban, Mewala ya iti

Ecu camalayan
King sukal ning lub ku

Susukdul king banwa,

Pikurus kung gamat

Bebo ning lamesa;

Ninu mang manaki

Kalulung pusu ku Manginu ya keya

Bicol
Sarong Banggi
Sarong banggi sa higdaan

Nakadangog ako, hinuni nin sarong gamgam

Sa liba ko, katorongan

Bako kunid simong voces iyo palan.

Daos ako is sakuyang mata imulat

Sa tahaw nin kadikluman ako nangangalagkag


Sakuyang mata ipinasiring ko sa itaas
Simong laong nahiling kong maluhaan.
Dumaan sa inaaya bantong buayahan
Lumangoy sinooy sa kalipongawan
Dai pigbabakli angmga tentasyon
Basta mahiling niya ang siyang kailusyon

Isa Pang Awit Mula sa Ilocos


Ti Ayat Ti Maysa Nga Ubing
Ti ayat ti masya nga ubing
Nasamsam-it ngem
Jasmin Casla sabong nga apag-ucrad Iti bulan ti
Abril Ti ayat di maysa nga lacay
Aglalo na agkabao Napait, napait,
Napait nga macasubkar.
Mga Awit Mula sa Katagalugan
Awit ng Pag-ibig
Nalulungkot ako kahit na nagsasaya
Ang kaulayaw ko’y dalamhati’t dusa
Sa sandaling oras na di ka
Makita Paglubog ng buwan ako ay sasama na.
Sasama na ako paglubog ng buwan
Ang kaulayaw koy libingang mapanglaw
Pagdating ko roon kitay tatawagin
Nasaan kai rog kay tamis mong magmahal.
Di ko iniaalis na ako ay ibigin
Sa daan pa lamang huwag kausapin
May tahanan kami upang doon panhikin
Kay amat kay ina sa kanila sabihin.
Pananapatan o Harana
Tao, tao po maqy bahay na bato
Buksan ang bintana
Tayo’y magpandanggo
Ang sadya po naming Hitso’t sigarilyo
Hindi pala hitso
Ang dalaga ninyo.
Ayaw paligawan
Pumasok sa silid
Nagsakit-sakitan Tinanong ng ina
Kung anong dahilan
Sumasakit daw po Ang kaniyang tiyan.
Nagpatawag na siya Dalawang medico pinagtig-isahan
Ang dalawang pulso Wika ng medico
Hindi raw sakit ito Sinta ng binatang Umakyat sa ulo.
Kundiman
Doon po sa aming maralitang bayan
Nagpatay ng hayp, niknik ang pangalan
Ang taba po nito ay ipinatunay
Lumabas na langis siyam na tapayan.
Ang balat po nito ay ipinakorte
Ipinagawa kong silya’t taburete
Ang uupo dito’y kapitang pasado’t
Kapitang lalaking bagong kahalili.
Pangangaluluwa
Nang si jesus ay maglakbay At tinanong pa mandin

Sa bundok at sa kaparangan; Kung sino ang ipagsasaing,

Ang nauna niyang dinatnan Kung ang matandang sugatin

Bahay ng isang mayaman Pagkakain ay palayasin.

Pagdating sa tarangkahan Ang pastora’y di na umimik


Ang sombrero’y pinugay Sa gayong ipinagsulit
Tao po anyang maybahay Ang bigas ay dalat bitbit
Painumin ang may uhaw Sa bahay ay ipinanhik.
Ang mayaman ay nanungaw Pagkapanhik isinaing
Ang matanda’y pinagmasdan Pagkaluto’y inihian
Nang Makita niyang sugatan Nuno po’y inyong pagdamutan
Di-pinapanhik ng bahay. Itong kaunting pagkain.
MGA ALAMAT
Tagalog

Si Malakas at Si Maganda

Ang kwentong bayan na "Si Malakas at si Maganda" ay parang kwento nina Adan at
Eba. Sila ang itinuturing na unang mga tao sa mundo. Nagsimula ang kwento na inilalarawan na ang
mundo noon ay madilim at isang malawak na kalawakan lamang. Hanggang sa ikinumpas ng
Panginoon ang kanyang kamay at nagkaroon ng mundo o Earth na may mga halaman at hayop. Isang
araw, habang malayang lumilipad ang isang ibon ay narinig niya ang sigaw ng saklolo. Ngunit ang tinig
ay nanggaling sa loob ng kawayan. Nang natuktok ng ibon ang kawayan ay lumabas si Malakas at nang
tuktukin niya muli ang isa pang kawayan ay siya namang lumabas si Maganda. Matapos pa ang ilang
usapan sa pagitan ni Malakas, Maganda at ng ibon ay dinala sila nito sa Perlas ng Dagat Silangan kung
saan sila namuhay bilang mag-asawa na pinagmulan ng lahing kayumanggi.
Pampanga

Bakit Maliwanag ang Araw Kaysa Buwan?

Si Bathala na lumikha ng daigdig ay may dalawang anak, isang lalaki na


nangangalang Apolaki at isang babae na nangangalang Mayari. Mahal na mahal ng mga tao
ang magkapatid sapagkat tinatanglawan ng kanilang mga mata ang daigdig. At nang mamatay
ang ama nina Apokali at mayari na si Bathala nagkaroon ng inggitan dahil sa gusto ng isa sa
kanila na siya lamang ang pang-ukulan ng pagmamahal ng mga tao sa daigdig. Higit na
malakas si Apokali sapagkat siya’y lalaki. Sinuntok niya sa isang mata si Mayari at itoy
kanyang ikinabulag. Labis na nagsisi si Apokali nang Makita niya ang nangyari sa kapatid.
Humingi siya ng tawad kay Mayari at upang maipakilala ang kanyang pagsisisi ay sinabi niya
sa kapatid na maghati sila sa kapangyarihan. Paghahatian nila ang pagbibigay ng liwanag sa
daigdig, si Apokali sa araw at si Mayari sa Gabi. Dahil sa iisa ang mata ni Mayari kaya
nahihigitan siya sa liwanag ni Apokali. Naging Araw si Apokali at naging buwan si Mayari.
Ilocos
Bakit Maalat ang Dagat?

Si Angalo ay isang higanteng mahal ng mga tao sa kanilang nayon sapagkat siya'y mabait at
matulungin. Isang araw, ang mga tao ay sumakay sa mga bangka at nagtungo sa kabilang ibayo ng dagat upang
bumili ng asin. Pabalik na sila sa dalampasigan nang masalubong nila si Angalo. Itinanong ng higante kung
saan sila nanggaling at ano ang kanilang mga dala. Sinabi ng mga tao na bumili sila ng asin. Iminungkahi ni
Angalo na huwag na silang magsisakay sa mgha bangka at nang mapadali sila sa pag-uwi. Hihiga raw siya sa
dagat at gawing tulay ng mga tao ang isa niyang binti. Tuwang-tuwang sumang-ayon ang mga naroon. Humiga
na ang higante sa dagat at nagsitulay na sa kanyang binti ang mga tao. Nang nasa gitna na ng dagat ang mga tao
ay kinagat ng mga langgam ang talampakan ni Angalo. Makating-makati na at masaki na masakit ang mga
kinagat ng mga langgam kaya pinagsabihan ng higante ang mga tao na magmadali at hindi na niya matiis ang
nararamdaman niyang pangangati. Nagmadali ang mga tao ngunit sila'y nasa kalagitnaan pa lamang ng binti ni
Anggalo. Hindi na natiis ni Angalo ang masidhing pangangati ng kanyang talampakan. Kumilos siya upang
kamutin iyon kaya't nahulog sa dagat ang mga tao, dala-dala ang binili nilang asin. Natunaw ang mga asin nang
mahulog sa dagat kaya't iyon ang dahilan kung bakit naging maalat ang dagat.
Kalinga
Ang Alamat ng niyog
Ang mag asawang katabog at Giningaan ay pinagkaloob ni kabunyan ng isang
malusog na sanggol na babae. Amiyaw ang ipinangalan nila sa bata. Matagal nang pangarap
ng mag-asawa na magkaroon ng anak kayat nang matupad ito ay gayon na lamang ang
pagmamahal ng mag-asawa sa kaisa-isang supling. Hindi na nasundan si Amiyaw kayat ang
pagingin ng mag asawa ay nabuhos na lahat sa kanya. Buong kaligayahang sinubaybayan ng
mga magulang ang paglaki ni Amiyaw. Nang sampung taong gulang na si amiyaw ay naisip
ni katabog na ang kanyang anak ay dapat na magkaroon ng mga isang pulseras na ginto
katulad ng anak ng pinakamayamang Kalinga sa kanilang pook. Ang ibig sabihin niya’y
maidulot sa anak ang anumang bagay na maaari nitong ikaligaya. Si tenganay lamang ang
tanging Kalingang marunong gumawa ng pulseras na ginto. Naglakbay nang malayo si
Katabog upang hanapin ito. Nagbaon siya ng salaping magugugol sa mahabang paglalakbay.
Mahigpit niyang ipinagbilin kay Giningaan ang maingat na pag – aaruga sa kanilang anak.
Lumipas ang mga taon, dalaga na si Amiyaw ngunit hindi pa bumabalik si Katabog. Malimit
itanong mg dalaga sa ina ang kanyang ama, walang maitugon si Giningaan kundi pawang
iling sapagkat hindi rin niya nalalaman kung nasaan ang asawa .
Isang araw ay dumating si Katabog. Nakaupo noon sa puno ng hagdan si
Amiyaw at namamahinga. Wala si Giningaan at may pinuntahan. Hindi nakilala ni
Katabog ang anak. Sa pag- aakalang kung sinong dalaga lamang ang nakaupong iyon
ay biniro niya. Niyakap niya ang hindi nakikilalang anak. Nawalan ng ulirat si Amiyaw
dahil sa matinding kahihiyan. Sa darating naman si Giningaan at nang makita nito
ang nakahandusay na anak ay napatili at lumuluhang sinaklolohan ang walang
malay-taong dalaga. Noon naliwanagan ni Katabog na anak pala niya ang dalaga.
Hindi na pinagbalikan ng ulirat si Amiyaw. Inilibing ng kanyang mga magulang ang
bangkay ng dalaga sa tabi ng kanilang bahay. Hindi nagtagal ay may tumubong isang
puno sa ibabaw ng puntod. Nang magkaroon ng bunga ang puno ay napansin ng
mag asawa na katulad iyon ng mukha ng tao. Ipinalagay nila na iyon ang mukha ni
Amiyaw. Magmula noon, ang bunga ay tinawag ng mga kalinga na anak ni Katabog.
Ang bungang ito ang ngayon ay tinawag na niyog.
BICOL
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Isang lalaking matapang, matapat, mapagmahal at makatarungan na nagngangalang Baltog ang


namumuno noon sa Bicol. Maligaya ang kanyang mga nasasakupan.Ang kanilang katahimikan ay ginamabala ng isang
dambuhalang baboy ramo na naminsala sa mga ta. Napatay ni Baltog ang baboy ramo dahil sa kanyang pambihirang
lakas ngunit hindi pa halos nalalagutan ng hininga ang kanyang kalaban ay napaharap na naman siya sa
pakikipagtunggali sa isang kakila-kilabot na pangkat ng mga higanteng alimango, mga pating na may pakpak at mga
dambuhalang buwaya. Dahil sa hapung-hapo na si Baltog at waring nakikini-kita ng mga taong siya’y maaari ng
magapi ay sinaklolohan siya ng pangkat na pinamumunuan ni Handiong. Nagapi nila ang mga kalaban at ang kanilang
tagumpay ay hindi nakalampas sa pandinig ni Oriol na isang mahiwagang ahas. Naisip ni Oriol na magbalatkayong
isang magandang babae at akitin si Handiong. Nabigo sin Oriol sa kanyang balak at sa halip ay nakatulong pa siya ni
Handiong sa pakikipaglaban sa masasamang espiritu.Hindi nagtagal ang kanilang katahimikan sapagkat sumulpot na
naman ang isang kalabang nagngangalang Rabut na may kapangyarihang gawing bato ang sinumang kalaban.
Ipinaubaya na ni Handiong kay Baltog ang pakikipagtunggali kay Rabut. Naghintay ng magandang pagkakataon si
Baltog upang malupig niya ang kalaban. Hindi naman nagtagal at unti-unting nakalapit si Baltog kay Rabut habang
natutulog ito. Bigla niyang tinigpas ang ulo ni Rabut sa pamamagitang ng kanyang tabak. Sumigaw ito nang
napakalakas at nagpapalag at dahil ditoy nayanig ang daigdig. Naligalig pati na ang tubig sa karagatan at nang
tumahimik na ay nakikita ang mga tao ng isang maganda at maayus na maayos ang hubog na isang malaking tumpok
ng lupa. Tulis ito sa taas at palaki nang palaki hanggang sa ibaba. Pambihira ang hubog nito na waring nililok ng isang
dalubhasang eskultor. Ito ang tinatawag sa ngayon na Bulkang Mayon.
 
ANG ALAMAT NG BUNDOK KANLAON

Sa lalawigan ng Negros ay may napatanging baranggay na pinamumunuan ni Datu Ramilon. Napabantog ang sinabing
datu dahil sa kanyang katapangan, kabaitan, at pagiging makatarungan. Ngunit higit sa lahat ang dahilan ng kabantugan ng pinunong
ito ay ang kanyang napakagandang anak na si Kang. Maraming talisuyong dugong maharlika ang dalaga at tinatanggap naman sila ni
Datu Ramilon nang maluwag sa kanyang kalooban. Malimit sabihin ng Datu sa mga manliligaw ng anak na hindi siya tututol kung sino
man ang mamarapatin ni Kang ngunit ang dalaga ay may kasintahan na, ang makisig at matapang na si Laon na anak ng isang raha sa
karatig na barangay. Isang araw ay nagtapat kay Datu Ramilon ang magkasintahan at ipinasya ng ama ng dalaga na itakda ang kasal ng
dalawa sa pagbibilog ng buwan. Bilang pasalubong sa pag iisang dibdib nina Kang at Laon ay nagdaos ng isang pagdririwang ang buong
baranggay. Nang sumapit na ang sandali ng pagbubuklod ng puso ng magkasintahan ay isang humahangos na tauhan ang humarap kay
Datu Ramilon at nagsabing isang pangkat ng mga kawal ang umaahon sa dalampasigan sa pamumuno ni Datu Subanun ng Palawan na
isang masugid na manliligaw ni Kang. Natigil ang kasalan at nagkaroon ng madugong labanan. Nagapi sina Datu Ramilon at napatay
siya pati na ang lahat ng kawal. Magkasamang tumakas sina Kang at Laon upang humingi ng saklolo sa karatig na baranggay ngunit
hinabol sila ng mga kawan at nang abutan ay walang patumanggang pinagsisibat. Magkayakap na nalugmok ang magkasintahan.
Kinabukasan ay lumitaw ang isang munting burol sa pook na kinabuwalan ng nasawing mag sing-irog at tumawag ito ng pansin sa mga
kawal ni Datu Subanun. Ang burol ay lumaki nang malaki hanggang itoy naging malaking bundok na nang malaon ay tinawag na
bundok ng Kang at Laon at nang nagtagal na ay naging Kanlaon.
MINDANAO
ANG PINAGMIULAN NG SANSINUKOB

Noong unang panahon ay wala kundi langit at dagat lamang. Si kaptan at bathala ng langit at si Magwayen ang
bathala ng dagat. Si lahangin ang anak na lalaki ni Kaptan at ang anak na babae ni Magwayen ay si Lidagat. Ipinakasal ng
dalawang bathala ang kanilang mga anak. Sina Lihangin at Lidagat ay nagkaroon ng apat na anak na pawang mga lalaki , sina
Likalibutan, Ladlaw, Libulan, at Lisuga. Nang magsilaki na ang mga bata ay hinangad ni likalibutan na maging hari siya ng
sansinukob. Ipinagtapat niya kina Ladlaw, Libulan ang kanyang hangarin. Wala noon ang kapatid nilang si Lisuga. Sumama sina
Ladlaw at Libulan kay Likalibutan sa pagsalakay sa langit sapagkat matindi ang kanilang takot kay Likalibutan. Sapilitan nilang
binuksan ang pinto ng langit sa pamamagitan ng paggamit sa hangin. Matindi ang naging galit ni kaptan, inalpasan niya ang mga
kulog upang ihampas ang mga nagsipaghimagsik. Sina Libulan at Ladlaw ay naging bilog na parang bola samantalang
nagkadurog-durog naman ang katawan ni Likalibutan at kumalat sa dagat. Hinanap ni Lisuga ang mga kapatid nang siya’y
magbalik. Pumunta siya sa langit, nang makita siya ni kaptan ay kaagad na pinatamaan siya ng isang kulog. Nahati ang katawan ni
Lisuga at lumagpak sa ibabaw ng nagkapira-pirasong katawan ni Likalibutan Tinawag ni Kaptan ang asawa at sinisi ito sa
paghihimagsik ng mga anak. Sinabi ni Magwayen na hindi niya nalalaman ang nangyari sapagkat natutulog siya nang mga
sandaling iyon. Nnag humupa ang galit ni kaptan ay binuhay niyang muli ang mga pinarusahan. Ginawa niyang adlaw (araw) si
Ladlaw, naging silalak (lalaki) ang kalahati ng katawan ni Lisuga at ang kalahati ay naging sibabay (babae) sila ang unang lalaki at
babae sa daigdig.
BISAYA

ANG PINAGMULAN NG ARAW AT GABI

Noong unang panahon ay ay walang dilim, panay naliwanag sapagkat magkaisampalad pa noon sina Adlaw
at Bulan, kaya panay na araw lamang at walang gabi. Nagkaroon ng napakaraming anak ang dalawa, mga tala at
bituin na katulad ng kanilang mga magulang ay nagsipanirahan din sa langit kaya lalong nagliwanag ang daigdig.
Napakalilikot ang mga bituin kaya minsan ay nakagalitan sila ng kanilang amang si Adlaw. Sumama ang loob ni Bulan
sa asawa at silay nagkagalit hanggang mapagpasyahang maghiwalay sapagkat hindi na sila magkasundo. Pinapamili
ng mga magulang ang mga tala at bituin kun g kanino sila sasama. Pinili nila ang kanilang ina dahil sa mabait at hindi
sila pinarurusahan. Naghiwalay na sina Adlaw at Bulan. Sumama kay Bulan ang kanilang mga anak na mga tala at
bituin . Sumisikat sa araw si Adlaw ngunit umaalis siya kapag nakikita niyang nalalapit si Bulan. Pinababayaan niyang
si Bulan naman ang magbigay ng ng liwanag. Kaya sa gabi rin naman na maliwanag dahil kay bulan ngunit hindi
kasinliwanag ng araw. May mga gabi namang madilim na madilim sapagkat si bulan ay abalang-abala sa pag aalaga
sa kanyang mga anak na mga tala at bituin na may sakit.
 
 
MARANAW
NAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbasa sa mga Maranaw ---si Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggigilas nang makita si
Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumukislap na ginintuang tabak. ‘’Hindi ba’t itinapon ka na sa gitna ng dagat?’’
nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok’’. Siya pong tunay, mahal na sultan.’’ Ang magalang na
tugon ni Pilandok. ‘’Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap at nakadamit nang magara? Dapat ay
patay ka na nagyon’’, ang wika ng sultan. ‘’Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapagkat nakita
kop o ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang akoy sumapit doon. Sila po an gang nagbigay sa
akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng
bagay? Ang paliwanag ni Pilandok. ‘’ Marahil ay nasisiraan ka na ng bait, ‘’ang sabi ng ayaw
maniwalang sultan. ‘’ Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.’’
“ Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako nan a ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong
pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo, ang paliwanag ni Pilandok. ‘’ May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang
tanging paraan sa pagtungo noon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po’y aalis na at marahil ay hinihintay
na ako ng aking mga kamag-anak ‘’Umakmang umalis na si Pilandok. ‘’Hintay,’’ Sansala ng sultan kay pilandok. Isinama mo ako at
nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak’’. Tatawagin sana ng sultan ang
mga kawal ngunit pinigil siya ni pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay may mag-isang
pupunta roon ang sultan sa loon ng hawla. ‘’Kung gayon ay ilagay mo ako sa loon ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,’’ ang
sabi ng sultan. ‘’ Sino po ang namumuno sa kaharian ng inyong pag-alis? Ang tanong ni pilandok. ‘’Kapag nalaman po ng iba ang
tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay mag nanais silang magtungo doon’’. Sandaling nag-isip ang sultan at
nakangiting nagwika. ‘’ Gagawin kitang pansamantalang sultan. Pilandok. Mag iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang
pansamantalang hahalili sa akin.’’ Hintay, mahal na sultan,’’ ang pigil ni Pilandok .’’ Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga
ministro.’’ ‘’Ano ang nararapat kong gawin?’’ ang usisa ng sultan’’. Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin
ang inyong korona, singsing, at espada, pag nakita ang mga ito ng inyong mga kabig ay susundin nila ako.’’ Ang tugon ni pilandok.
Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi nito at nagtungo na sila sa tabing dagat. Ikinulong ni
Pilandok sa isang hawla ang sultan at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng
sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

 
TAGALOG
SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ni kanyang ina na si Aling Maria. ‘’Juan pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiiulamnatin sa pananghalian. ‘’Binigyan ng ina si Juan
ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin. Nang makarating si Juan sa
palengke ay lumapit siya isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng
matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera. Umuwi na si juan
ngunit dahil sa matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina juan sa palengke
ay naisipan ni juan na magpahinga sa ilalim ng isang punongkahoy na may malalabay na sanga.
Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang
mga alimango. ‘’ Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako , ituturo ko sa inyo ang
aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitonng kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang
unang bahay sag awing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo’’.
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang
magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas
ang hangin ay bakatulog na si juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag inat at at
tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali
nang umuwi si juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay
sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito
sa tarangkahan. ‘’Juan, bakit ngayon ka lamang umuwi, nasaan ang mga alimango? ‘’ Bakit
po? Hindi pa po ba umuuwi?’’ Nagulat ang ina sa sagot ni Juan, ‘’ Juan ano ang ibig mong
sabihin? ‘’Nanay , kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay
narito na.’’ ‘’Juan, paanong makakauwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.
‘’Hindi naunawaan agad ni juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi
nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi
katulad ng mga tao na may isip ay napag isip-isip ni juan na mali nga ang ginawa niyang pag
papauwi sa mga alimango.
BISAYA
ANG BATIK NG BUWAN

Mag asawa ang araw at ang buwan. Marami silang mga anak na bituin. Gustung-gusto ng araw
na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig din niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan
sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa
kanya. Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming damit. Ipinagbilin niya sa asawa na
bantayan ang mga anak ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga anak. Buong
kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na
hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang isang lipon ng maliliit na bituin na nang madikit sa kanya ay
biglang natunaw. Hindi naman nagtagal at umuwi na ang buwan. Nagtaka siya sapagkat malungkot ang asawa.
Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit hindi niya nakita ang maliliitb kaya’t hinanap niya ang mga itong kung
saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gago’y sinumbatan niya ang asawa. ‘’ Niyakap mo sila? Huwag
kang magsinungaling!’’ Hindi na naghintay ng sago tang buwan . Mabilis niyang binunot ang isang punong saging at
tinangkang ipukol sa asawa ngunit higit maliksi ang araw na nakalimutan na ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa
loob nasa isip niya ay kung paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng isang
dakot na bungin at inihagis sa mukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng
buwan .Hinabol ng buwan ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon ay hinahabol pa
rin ng buwan ang araw. 
KALINGA
SI KIWADA AT ANG SAWA
Isang araw, si Ikawayan ay nagtungo sa gubat upang kumuha ng mga dahon ng ikmo. Isang malaking
sawang nagngangalang Boklat ang biglang humarang sa kanyang daraanan. Pinakiusapan ni Ikawayan ang sawa,
‘’Paraanin mo ako, Sawa, at bibigyan kita ng isang kalabaw.’’ ‘’Hindi ko kailangan ang kalabaw. Lumapit ka sa
akin at nang makain kita. ‘’Ibinuka pang mabuti ng ahas ang kanyang bunganga kaya’t lalong natakot si
Ikawayan. Nakiusap ang dalaga na huwag siyang kainin at bibigyan niya ito ng mga gintong alahas ngunit
tumanggi rin ang sawa sapagkat hindi raw siya gumagamit ng mga gintong alahas. Inulit ni Ikawayan na
bibigyan niya ng isang kalabaw ang sawa ngunit muli itong tumanggi at sinabing humahalang daw sa kanyang
lalamunan ang mga sungay ng kalabaw. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagwika ang sawa, Hindi kakainin ngunit
kailangang pakasal ka sa akin. ‘’Tumanggi ang dalaga datapwat nang umakmang sakalin siya ng sawa ay nagsabi
sa ikawayan ng ‘’Pumapayag na akong pakasal sa iyo ngunit huwag kang sasabay sa akin sa pag uwi.’’ Sumang –
ayon ang sawa kaya’t magkasunod silang lumakad. Nang makita ni Angnganay , ama ni ikawayan, may kasunod
na sawa ang anak ay kinuha nito ang kanyang palakol upang patayin ang sawa. Natigil si Angnganay nang
magsalita ang sawa. ‘’ Kapag pinatay mo ako ay malalaman ito ng lahat ng ahas sa kagubatan. Papatayin kayong
mag-anal ng aking mga kampon.’’ Natakot ang lalaki at hindi na natuloy ang tangkang pagpatay sa sawa.
Magkasunod na pumanhik si Ikawayan at ang sawa. Tumatilis si Ikawayan nang nasa bahay
na sila. Tumakas siya at nagtungo sa bahay ng isang kamag-anak. Ang kanyang kaptid na si Kiwada, na higit
na matapang kaysa kanya ang nagpakain sa sa sawa. Kinabukasan, si Angnganay ay nagtungo sa kaniyan
taniman . Sumunod sa kanya si Boklat. Nang pumasok si Angnganay sa kanyang bahay-pahingahan ay nilinis
nng sawa ang taniman. Nang umuwi kinahapunan ang sawa ay maraming kahoy ang nadala niya sa
pamamagitan ng pagpupulupot ng mga ito sa kanyang buntot. Labis na nagtaka ang mag-anak. Gayon nang
gayon ang ginagawa ng sawa araw-araw kaya’t naisipang sundan ni kiwada. Isang araw, pag kaalis ni boklat ay
nagdudumaling sumunod si ikawada. Nang dumating ang dalaga sa taniman ng kamote ay may nakita siyang
makisig na lalaking nag-aayos ng mga pananim. Pumanhik si Ikiwada sa kanilang bahay-pahingahan at nakita
niya noon ang balat ng sawa. Noon niya nalaman na si Boklat pala ay isang makisig na lalaking nagbabaltkayo
lamang. Sinunog ni kiwada ang balat ng sawa at tinawag niya ang makisig na lalaki upang kumain. Nang
umakyat na ang makisig na lalake na ang pangalan pala ay Dulliyaw ay nangati ang buong katawan nito.
Magkasunod na nanaog ang dalawa at naging mag-asawa simula noon. Labis na nangimbulo si Ikawayan
nang malaman niya ang buong pangyayari. Naisip niyang siya sana ang napangasawa ni Dulliyaw kung hindi
siya tumakas.
Hindi nagtagal ay nagdalang tao si Kiwada . Nang sumapit ang araw ng kanyang pagsilang ay
ipinatawag niya si ikawayan upang siyang magpapa-anak sa kanya. Sa panganak. Kinuha niya ang isang kuting at
ikinubli sa kanyang tapis. Si ikawayan ang nagpapanganak kay Kiwada. Nang maisilang na ni kiwada ang sanggol
ay agad itong pinalitan ng kuting ni ikawayan. Pagkatapos ay nagdudumali siyang umalis at itinapon sa malayo
ang sanggol. Napulot nan i Magsalipa ang sanggol at inalagaan. Dalawang ulit pang nagdalang tao si kiwada at
lagging si ikawayan ang nag papa-anak sa kanya. Katulad ng unang sanggol , ang dalawang sumusunod ay
itinapon din ni ikawayan at pinalitan ng mga kuting . Napulot na muli ni Magsalipa ang dalawang sanggol na
katulad ng nauna ay inalagaan at pinalaki. Sa pag-aaruga nan i Magsalipa lumaki ang tatlong bata. Inalagaan
naman ni kiwada ang tatlong pusa sa paniniwalang ang mga iyon ay kaniyang mga anak. Nang malalaki na ang
tatlong bata ay naisipan nilang tatlo na maghanap ng makakain sapagkat nagugutom sila. Napagawi sila sa
tubuhan ni dulliyaw. Tuwang-tuwa ang tatlong bata. Nagsiputol sila ng mga tubo at nagsipangpangos. Walang
anu-ano’y dumating si dulliyaw at nang makitang may mga batang pumasok sa kanyang tubuhan ay galit nag alit
na hinabol ang mga ito. Naiwan ang bunso sapagkat mahinang tumkabo. Umiyak nang umiyak ito. Sa darating
naman noon si Magsalipa at nang makita ang batang umiiyak ay nagsalita, ‘’ Hindi nga kataka-takang saktan mo
sila sapagkat nagawa mong itapon sila noong mga sanggol pa.’’ 

 
Labis na nagtaka si Dulliyaw sa sinabi ni Magsalipa. Itinanong niya
rito kung ano ang ibig sabihin ni Magkalipa. Ipinaliwanag ni Magsalipa na
napulot niya ang tatlong sangge Ang akala niya ay talagang itinapon ng mga
magulang ang mga ito. Noon naliwanagan ni Dulliyaw ang lahat. Tinawag
niya ang dalawang anak na tumakb Tinawag din niya si Kiwada. Namuhay
sila nang maligaya. Ang tatlong pusa ay naging alaga ng tatlong bata. Si
Ikawayan naman ay lalong nainggit. Noon niya napatunayan na ang
masamang gawa ay hindi nagtatagumpay at ang mainggitin ay hindi
pinagpapala.
ILOCOS
Ang Diwata ng Karagatan
Sa isang nayon, ang mga taon ay masasaya at masaganang namumuhay.
Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pangingisda.
Sagana sa maraming isda ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa
mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang
makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila
ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit y nangamatay. Nagalit
ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na maliit na
isda ang mga tao, Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na
dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng
tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating
ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang
makasisira sa kalikasan. Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang
ganda ng karagatan al muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng
mga tao.
TINGGIYAN
Si Adlaw at Si Bulan

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at


pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni Adlaw na
lubha nang masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw
Bulan at sinabi sa asawa pagpapatayin nila ang iba nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang
tirahan. Tinutulan ni Bulan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng malimit nilang
pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila.
Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni
Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat
ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina. Kaya mula noon,
makikitang nag-iisang sumisikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay humilitaw si Bulan
(Bawaro kasama ang mga anak na bituin Kapag ang dating mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong
tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eklipse.
ANG MGA SINAUNANG TANGHAL O PANOORIN BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA

Walang tunay na dula bago dumating ang mga Kastila ngunit may
mga palabas na ginaganap noong panahong yaon. Ang mga pagtatanghal noon
ay ipinalalabas na may kasamang tugtog, sayaw at tula. Ang anumang
pagdiriwang ay hindi ganap na makulay kung wala ang tatlong nabanggit na
sining upang mapasigla ang pagdiriwang. Ang mga pagtatanghal sa panahong
iyon ay kulang sa mga katangian ng isang tunay na dula. Walang entablado o
tanghalan. Ginaganap ang palabas sa mga liwasang bayan o sa mga tahanan ng
mga raha at lakan o kahit sa mga tahanan ng mga karaniwang mamamayan.
Hindi nagsusuot ng angkop na damit ang mga tauhan. Ang karaniwang paksa ay
digmaan, pag-iibigan, mga alamat tungkol sa mga bathala at mga espiritung
kanilang sinasamba. pangangaso, papuri sa mga nabubuhay at pag-alaala sa mga
yumao.
Ang mga Unang Panoorin
1. Wayang Orang at Wayang Purwa ng mga Bisaya
Ang mga ito ay palabas na may kinalaman sa pananampalataya. Inilalarawan dito ang
kapangyarihan ng kanilang bathala sa pagpaparusa sa mga nagkasala. Patula ang usapan at
may kasamang awit at sayaw. Ang mga pagtatanghal ay may kaunting banghay (plot), na
karaniwan ay tungkol sa pagpaparusa ng bathala sa kalupitan ng sultan o datu sa mga aliping
babae.

2. Embayoka at Sayatan
Ang mga Muslim sa Lanao at Jolo ay may palabas na pagtatalong patula na katulad
ng balagtasan ng katagalugan. Ito'y ginagampanan ng isang lalaki at isang babae. Ang tawag
sa palabas na ito ay embayoka o bayok.
3. Bulong

Maaari ring isama ang bulong bilang isang pagtatanghal sapagkat


may diyalogo ito. Ginagamit ito ng ating mga ninuno sa iba't ibang
pagkakataon. Ang bulong ay ginamit noong panahong iyon sa katagalugan,
kabisayaan, kabikulan at sa Mindanao. Ayon sa matandang paniniwala, ang
punso ay bahay ng mga nuno, kapag sila'y natapakan ay nagagalit sila at
pagkakasakitin ang nakatapak kaya upang makaiwas sa gayong pangyayari ay
bumibigkas ng bulong kung napaparaan sa punso, halimbawa:
Nuno,makikiraan po Baka kayo po ay matapakan.
Mga Tulong sa Pag-aaral
A.Talasalitaan
1.duklay
2. Malamlam
3.Taburete
4. Pagdamutan
5. Kimpal
6. Ganap na makulay
7. Banghay(plot)
8. Malupig
B.Pagtalakay sa aralin

1. Ipaliwanag ang kaibahan ng palaisipan sa kasabihan. Magbigay ng mga


halimbawa.
2. Talakayin ang mga uri ng kantahing bayan.
3. Talakayin ang nilalaman ng mga alamat at kuwentong bayan sa aklat.
4. Ibigay ang buod ng mga alamat at kuwentong bayan na tinalakay sa
klase.
5. Ipaliwanag ang mga sinaunang tanghal o panoorin bago dumating ang
mga Kastila
C. Pagpapalawak ng kaalaman
1. Talakayin ang magagandang halimbawang makukuha sa alamat at kuwentong bayan na
nasa aklat gayundin ang masasamang asal o ugaling hindi dapat pamarisan.
2. Sabihin ang mga katangian o kapintasan ng mga sumusunod na tauhan ng mga alamat at
kuwentong bayan.
1. Malakas 2. Maganda
3. Apolaki 4. Mayari
5. Angalo 6. Katabog
7. Giningaan 8. Amiyaw
9. Baltog 10. Handiong
11. Oriol 12. Datu ramilon
13. Kang 14. Laon
15. Datu sabanun 16. Kaptan
17. Magwayen 18. Lihangin
19. Lidagat 20. Likalibutan
21. Ladlaw 22. Libulan
23. Lisuga 24. Juan
25. Pilandok 26. Ikawayan
27. Angnganay 28. Dulliyaw
29. Boklat 30. Adlaw
3. Magsalaysay ng iba pang mga alamat at kuwentong bayan ng ibang
rehiyon
4. Magsalaysay ng iba pang kuwentong bayan tungkol kay Juan at ibigay ang
kahalagahang pantao (values).
5. Iugnay sa katotohanan ng buhay ang nilalaman ng bawat alamat at
kuwentong bayan na tinalakay.
MGA EPIKO
Ilocos
Biag ni Lamang ni Pedro Bukaneg
Ang mag-asawang Don Juan at Namongan ay naninirahan sa Nalboan, Isang araw
ay napasabundok si Don Juan upang parurahan ang isang pangkat ng mga Igorose.
Noon ay kabuwanan na ni Namongan sa kanilang unang anak. Hindi pa nakababalik
si Don Juan ay nagsilang na si Namongan. Pagkasilang pa lamang ng sanggol ay
nagsalita na at hiniling na Lam-ang ang ipangalan sa kanya. Lumipas ang panahon.
Si Lam-ang ay kinakitaan ng pambihirang lakas. Isang araw ay naitanong ni Lam-
ang sa ina kung nasaan ang kanyang ama. Nang malaman ni Lam-ang ang
pinatunguhan ng ama ay ipinasya niyang sundan ito. Taglay niya ang isang
sandatang pananggol sa sarili. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakbay ay
nakaramdam siya ng pagod kaya't nakatulog siya. Napanaginipan niyang ang ama ay
nasa panganib. Nagmamadali siyang umalis at ipinagpatuloy ang paglalakbay.
Gayon na lamang ang kanyang panlulumo nang sapitin niya ang lupain ng mga
Igorote. Patay na ang kanyang ama at ipinagdiriwang ng mga Igorote ang pagkakapatay rito. Galit na
galit na pinuksa ni Lam-ang ang mga kaaway. Napatay niyang lahat ang mga kaaway at naipaghiganti
niya ang kamatayan ng kanyang ama. Umuwi na si Lam-ang sa kanilang lupain. Ipinatawag niya ang
mga dalaga. Siya'y pinaliguan ng kadalagahan sa ilog Amburayan. Maraming isda sa ilog ang
nangamatay dahil sa kapal ng kanyang libag at sama ng amoy na nahugasan sa kanyang katawan.
Matapos siyang paliguan ay pinagbibigyan niya ng tig-isang gintong salapi ang mga dalaga. Nabalitaan
ni Lam-ang ang taglay na kagandahan ni Ines Kannoyan. Siya'y humanda na upang magtungo sa
tahanan ng dalaga. Kasama niya ang kanyang dalawang matapat na alagad, ang kanyang puting tandang
ang kanyang aso. Nang siya'y patungo na sa tahanan nina Ines ay nakasalubong niya si Sumarang, isang
masugid na manliligaw ng dalaga. Kinutya ni Sumarang si Lam-ang nang malaman nito ang kanyang
pakay sa pagtungo sa tahanan ng dalaga. Nag-away ang dalawa at nasawi si Sumarang. Sinasabing ang
kanyang bangkay ay humagis sa layong anim na burol. Ang bakuran nina Ines ay punung-puno ng mga
manliligaw. Nahirapang makapasok si Lam-ang sa dami ng mga taong naghahangad makasilay sa
pambihirang kagandahan ng dalaga. Inutusan niyang ang kanyang mga alaga na gumawa ng paraan
pang mapansin siya ng magandang dilag. Tumilaok ang tandang at isang bahay sa di-kalayuan ang
nabuwal. Tumahol ang aso at ang nabuwal na bahay ay nabalik sa dating pagkakatayo. Nakita ng ina ng
dalaga ang mga pangyayari kaya't ipinatawag si Lam-ang at itinanong ang kanyang pakay. Ipinahayag
ng tandang ang pakay ni Lam-ang. Ang mga magulang ni Ines ay sumang ayong makasal kay Lam-ang
ang kanilang anak kung mapapantayan ng binata ang kanilang kayamanan.
Magalang na nagpaalam at Lam-ang at umuwi sa kanilang
tahanan. Nang siya'y bumalik sa tahanan ng dalaga ay nakasakay siya sa isang
kaskong puno ng gintong ang halaga ay lampas pa sa kayamanan ng mga
magulang ng dalaga. Sila'y ikinasal at isang malaking pagdiriwang ang
ginanap Sa Kailukuhan ay may isang kaugalian na ang lalaki ay kailangang
sumisid sa ilog pagkatapos ng kasal. Siya'y huhuli ng rarang (iada). May
pangamba si Lam-ang na siya'y malalamon ng berkakan (pating). Ipinagtapat
niya ito sa asawa. Nagkatotoo ang pangamba ni Lam-ang Gayon na lamang
ang pagdadalamhati ni Ines sa pagkamatay ng asawa. Tinawag ng tandang
ang isang maninisid at ipinakuha ang kalansay ni Lam-ang. Sa bisa ng
engkanto ng kanyang tandang at aso ay muling nabuhay si La -ang. Simula
noon ay namuhay nang maligaya ang mag-asaw.
Ifugao
Hudhud
Sa bayan ng Ifugao ay may dalawang tribung may matagal nang alitan. Ang mga ito ay
ang tribu sa Hannanga na pinamumunuan ni Amtalao at ng anak niyang si Aliguyon. Ang isa pang
tribu ay pinamumunuan naman ng mag-amang Pangaiwan at Pumbakhayon. Isang araw ay
ipinasya ni Aliguyon na muling ipagpatuloy ang matagal nang nahintong alitan ng dalawang tribu.
Noon din ay nanalangin siya sa tandang at sa ibong Idao upang bigyan siya ng palatandaan ukol sa
kanyang pasya. Dininig ng mga iyon ang kanyang panalangin kaya't sa lalong madaling panahon
ay tinungo ni Aliguyon at ng iba niyang mga kasamahan ang palayan ng Daligdigan. Doon ay
pasigaw niyang hinamon si Pumbakhayon na sila ay maglaban. Narinig ni Pumbakhayon ang
sigaw ni Aliguyon. Inakala niyang kaibigan iyon na nangangailangan ng tulong ngunit nang sila'y
magkaharap ay madaling ipinaalam ni Aliguyon ang kanyang tunay na pakay. Sa pagkakataon ding
iyon ay lihim na humanga si Aliguyon sa makisig na si pumbakhayon Tinanggap ni Pumbakhayon
ang hamon ni Aliguyon at sinabing magkita sila sa imbakan ng palay. Umuwi muna siya upang
kumain. Pagdating ni Pumbakhayon sa kanilang tahanan ay humarap at nanalangin din siya sa
tandang. Siya man ay binigyan din ng magandang palatandaan sa labanan. Sa gayon ay lumisan
siya at tinungo ang kinaroroonan ng kanyang makakatunggali.
Sa unang pagpapalitan pa lamang nila ng ulos ng kanilang mga sibat ay nabatid na ng
bawat isa na ang kanilang lakas at talino ay magkapantay. Naglaban ang dalawang bayani sa palayan ng
Daligdigan. Hindi sumang-ayon si Aliguyon sa kahilingan ni Pumbakhayon na ganapin ang labanan sa ibang
panig. Habang naglalaban ang dalawa ay pinupuri at pinapalakpakan ng kababaihan ng Daligdigan ang
katribung si Pumbakhayon. Dumating si Dangunay na ina ni Pumbakhayon, kasama si Bugan na
pinakabunsong anak. Pinangaralan ni Dangunay ang dalawang nagtutunggali at itinanong kung bakit patuloy
pa silang naglalaban gayong magkasinlakas naman sila. Pagkuwa'y hinarap niya si Aliguyon at hiniling dito
na pabayaan munang lumisan si Pumbakhayon upang mananghalian. Agad namang sumang-ayon si Aliguyon.
Pagkatapos mananghalian ni Pumbukhayon ay muling naglaban ang dalawa. Napaung ni Aliguyon ang
katunggali sa bakod na bato at sa kadungan ng mga manok ngunit pagkatapos noon ay nangibabaw ang lakas
ni Pumbakhayon at naitaboy niya si Aliguyon sa hagdanang palayan (rice terraces) patungo sa ilog. Ganoon
nang ganoon ang nangyari. Lumatag ang dilim ngunit hindi mapagpasyahan ang paghahamok ng dalawa.
Lumipas ang isang taon at kalahati ng kanilang labanan sa palayan ng Daligdigan. Walang palay na tumubo
rito. Napansin ni Aliguyon ang ganitong pangyayari kaya't nagpaalam siya kay Pumbakchayon upang umuwi
sa Hannanga. Pumayag si Pumbakhayon ngunit sinabi niyang susunod sila roon ng kanyang mga kasamahan.
Ipinagdiwang ng mga taga-Hunnanga ang pagbabalik ni Aliguyon. Ang kasiyahan ay dagling
naputol dahil kinabukasan din ay dumating si Pumbakhayon at ang mga kasama nito. Ipinagpatuloy ang nauntol na
labanan. Katulad ng nangyari sa Daligdigan, ang paghahamok sa Hannanga ay nanatiling patas. Sa pagkakataon namang
ito, si Dumalao na ina ni Aliguyon ay dumating. Kasama niya ang pinakabunsong anak na si Aginaya. Sumandaling
nagsipamahinga ang magkatunggali at nagsingangs ng hitso. Muling ipinagpatuloy ang labanan hanggang sumapit ang
gabi. Kinabukasan ay nagpang-abot na naman ang dalawa. Isang taon ang matuling lumipas ngunit patas pa rin ang
labanan. Si Pumbakhayon naman ang nagpaalam kay Aliguyon upang umuwi sa Daligdigan. Pinayagan siya ni Aliguyon
ngunit sinabing susundan siya. Sa Daligdigan ay nagkaroon ng pagdiriwang sa pagbabalik ni Pumbakhayon. Ngunit hindi
nagtagal ay dumating si Aliguyon at kanyang mga kasama. Ipinagpatuloy ang nauntol na labanan ng dalawa. Tulad ng
naunang sagupaan ay hindi nagawang talunin ng bawat isa ang katunggali dahil sa magkapantay ang kanilang lakas at
tapang. Dumating ang araw na napabantog sa buong Ifugao ang kagila gilalas na labanan nina Aliguyon at Pumbakhayon.
Ang balitang iyon ay natanggap ni Daulayan, ang masugid na mangingibig ng bunsong kapatid ni Pumbakhayon na si
Bugan. Agad na nagtungo sa Daligdigan si Daulayan upang ipaghiganti ang pagkamatay di-umano ni Pumbakhayon. Sa
kanyang pagtataka ay nakita niyang buhay na buhay si Pumbakhayon at patuloy na nakikipaglaban kay Aliguyon. Sa
pamamagitan ng mga taong sumasaksi sa labanan ng dalawa ay ipinaalam ni Daulayan na ibig niyang makausap si
Pumbakhayon. Sumandaling inihinto ang labanan. Nagpakilala si Daulayan kay Pumbakhayon at sinabing ibig niyang
hamunin ang lalaking di-umano ay nakapatay sa kanyang babayawing si Pumbakhayon. Sinagot siya ni Pumbakhayon na
paano siyang mapapatay ay mahusay siyang mandirigma. Hiniling ni Daulayan na payagan siya ni Pumbakhayon na
harapin si Aliguyon. Ayaw sanang pumayag ni Pumbakhayon ngunit sa kapipilit ni Daulayan ay pumayag na rin siya.
Halos hindi masalo ni Daulayan ang sibat kaya't pinasaringan siya ni Aliguyon. Tinanong niya ang bagong katunggali
kung sino ito. Sumagot ang kaharap na siya ay si Daulayan, ang bayaw ni Pumbakhayon. Naglaban ang dalawa. Inasinta
ni Aliguyon si Daulayan at tinamaan niya ito sa pagitan ng tansong pulseras sa binti. Sa pagbagsak ni Daulayan ay agad
siyang nilapitan ni Aliguyon at talaga sanang uulusin ng kutsilyo upang pugutan ng ulo ngunit nagmakaawa.
Tinawag ni Aliguyon I Pumbakhayon upang kunin sa putikan si
Daulayan. Hindi nya ibig maging bayaw si Daulayan at ang maari lamang
niyang bigyang kapahintulutang maging bayaw ay si Aliguyon. Kasunod
noon ay nagkaroon ng pagbubunyi at kasanayan. Ang magkalabang pangkat
ay nagkabati. Kinabukasan ay nagtampo sa ama ni Bugan si Aliguyon upang
hingin ang kamay ng dalaga. Sa tulong ni Pumbakhayon ay tinanggap ni
Pangaiwan si Aliguyon na maging manugang. Umuwi si aliguyon sa
hannanga upang ihanda ang kanilang tahanan para kay Bugan. Sinamahan
siya ni Pumbakhayon upang wakasan na ang alitan ng dalwang tribu at
isaayos ang kasal nina Aliguyon at Bugan. Idinaos ang kasal nina Aliguyon at
Bugan. Nang umuwi si Daligdigan si Pumbakhayon ay kasama na niya si
Aginaya, ang bunsong kapatid ni Aliguyon. Silang dalwa naman ang ikakasal
sa Daligdigan. Simula noon, ang dalwang magkaaway ay pinagbuklod ng
pag-ibig. Sa buong bayan ng Ifugao ay napabantog sila sa pagiging mayaman
at marangal.
Tagalog

“Kumintang” ang epiko ng mga Tagalog. Ito’y tungkol sa


kasaysayan ng Haring Soledan at ng tatlo niyang anak na sina Bagtas,
Mandukit at Dikyaw. Ang mga naturang pook ay bahagi ng kahariang Lontok.
Ayon naman sa ibang nakatatanda sa salaysay ng “Kumintang”, ito raw ay
kasaysayan ng pakikipaglaban ng dalwang datu, sina Datu Dumangsil ng Taal
at Datu Balkasusa ng Laguna at Ba-I ng Talim.
Bicol
Si Baltog ang bayani ng epikong Ibalon. Anak siya ni Haring
Handiong. Siya ang kauna-unahang nakarating sa Bicol pagkatapos ng Gunaw o ang
tinatawag na malaking abha. Si Haring Handiong na kanyang ama ang hari ng Samar.
Sa Bicol ay nakatagpo ni Baltog ang mga buwayang lumilipad at mga higanteng baboy
ramo. Siya’y nakatagpo ng isang ahas na may ulong isang babae. Ito’y may sa
tagabulag. Hindi niya mapasuko ang ahas kaya’t tinulungan siya ng kanyang amang si
Haring Handiong. Nang maihanda na ni Baltog ang Bicol ay pinalipat na niya noon
ang kanyang mga tauhan. Ang kanyang amang hari, kasama ang mga sakop nito ay
lumipat din. Tinuruan ng mag-ama ang kanilang mga nasasakupan ng wastong
pamumuhay at mga industriya. Ang epikong Ibalon ay inaawit ng isang manlalakbay
na nagngangalang Kadugnong. Siyay’y hinangaan dahil sa kanyang kahusayan sa
pagkwkwento. Nakarating siya sa iba’t ibang lugar sa Kabikulan at ikinuwento niya
ang nakatagong hiwaga ng pagkakabuo ng Bicol at pakikipagsapalaran ng mag-amang
Haring Handiong at Baltog.
Bisaya
1. Maragtas –
Ang salaysay na ito ay tungkol sa sampung datung tumakas mula sa Borneo dahil
sa kalupitan ni Sultan Makatunaw. Nagtungo sila sa Panay at binili ito kay Haring Marikudo.
Nasasaad dito ang paraan ng pagbili ng lupa, paglinang dito, ng mga tirahan, pagbubuo ng
mga samahan ng mga pinuno at pagpapairal ng batas na dapat sundin ng mga mamamayan.
2. Haraya –
Binubuo ito ng mga alituntunin ng kabutihang-asal at mga salaysay na mga
halimbawa ng mga naturang tuntunin.
3. Lagda –
Ito'y katipunan ng mga batas o kautusang dapat tuparin ng mga mamamayan.
Ang halimbawa nito ay ang "Kodigo ni Kalansyaw".
4. Hinilawod –
Ipinalalagay na ito ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko
ng Panay. Inaawit ito sa loob ng tatlong linggo. Ang pagitan lamang ng pag-
awit ay dalawang oras sa isang gabi. Ito'y kasaysayan ng pag-iibigan ng mga
bathala, na unang nagsipanirahan sa Iloilo, Antique at Aklan.
5. Hari sa Bukid –
Ito'y salaysay tungkol sa isang haring hindi nakikita ngunit
nalalaman ng mga tao na nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa
Negros. Ang naturang hari ay parang isang bathala na nagbibigay biyaya sa
mabubuti at nagpaparusa sa masasama.
Lambunao, Ilo-ilo
Labaw Donggon
Ayon kay F. Landa Jocano, isang anthropologist, ang "Labaw
Donggon" ay epiko ng Lambunao, isang munting bayan sa may kabundukan ng
Iloilo. Ayon din sa nabanggit na anthropologist, ito ay inaawit na parang pasyon,
masining at madamdamin. Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata
Abyang Alunsina at Buyung Panbari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat
kaagad siyang lumaki pagkasilang pa lamang niya. Siya'y naging matalino, malakas
at natuto kaagad magsalita. Minsan ay nagpaalam siya sa kanyang ina upang hanapin
ang isang babaeng nagngangalang Anggoy Ginbitinan. Kaagad niyang narating ang
lugar ng babae at nakamit niya ang pagsang-ayon nito upang sila ay makasal. Hindi
pa nagtatagal na sila ay nakasal ay umalis na naman si Labaw upang suyuin naman
ang isang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito'y naging asawa rin ni Labaw.
May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng nagngangalang
Nagmaliong Yawa Sinagmaling Diwata kaya't umalis na naman siya. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay
may astiwa na, si Buyong Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa kaya sila ay
naglaban ni Labaw. Tumagal nang maraming taon ang paglalaban sapagkat kapwa sila may taglay na
pambihirang lakas. Inilublob til Labaw si Buyong sa tubig at ito'y tumagal nang pitong taon sa ilalim
ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng matitigas na puno ngunit nalasog lamang ang mga ito.
Hinawakan ni Labaw si Buyong sa mga paa at inikut-ikot ngunit buhay pa rin ito. Napagod si Labaw at
siya naman ang itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay nanatiling nakatali sa ilalim ng bahay nina
Buyong. Samantala ay nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugan. Nagpaalam siya sa ina upang
hanapin ang kanyang ama. Nagkaanak din si Anggoy Ginbitinan, si Asu Mangga. Nagpaalam din sa
ina si Asu Mangga upang hanapin ang ama. Nagkita ang magkapatid at nagsama sila upang mapalaya
ang ama sa mga kamay ni Buyong. Hinamon ni Baranugan si Buyong sa isang labanan. Naglaban ang
dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto si Buyong at
isang kawan ang dumating. Sa ganitong pagkakataon ay nagtulong ang magkapatid at nagtagumpay
sila. Ngunit hindi mamatay matay si Buyong Si Baranugan ay humingi ng tulong sa kanyang lolang si
Abyang Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang baboy-ramo upang
mapatay nila si Natagpuan naman agad ng magkapatid ang baboy-ramo at ito ay kaagad nilang pinatay.
Lumindol at nagdilim nang mapatay ng magkapatid si Buyong.
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama
ngunit wala ito sa silong ng bahay ni Buyong. Sina Humadapnon at
Dumalapdap, mga kapatid ni Labaw ay tumulong din sa paghahanap sa
kanya. Natagpuan nila si Labaw na isang sintu-sinto. Ginamot ng dalawang
asawa si Labaw at siya ay gumaling. Bumalik ang katinuan ni Labaw at
ipinagtapat sa dalawang anak na lalaki na si Nagmalitong Yawa ay may
dalawa pang magagandang kapatid na babae. Noon din ay umalis sina
Baranugan at Asu Mangga upang hanapin ang magagandang kapatid ni
Nagmalitong Yawa.
Muslim

Ang "Darangan” ng mga Muslim ay patulang mga salaysay sa


kagitingan at kabayanihan ng mga mandirigmang Muslim ngunit tatlo lamang
ang nasalin sa Ingles. Ang pagsasaliksik ay utang kay G. Frank Lauback.
Nasusulat sa wikang Maranao ang "Darangan". Pinakapopular ang "Bantugan".
Pumapangalawa sa pagkapopular ang isinalin sa Ingles ni G. Najeeb Salceby, ang
"Indarapatra at Sulayman“.
Bantugan
Sina Haring Madali at Prinsipe Bantugan ay magkapatid. Si
Haring Madali ang han ng kahariang Bumbaran. Balita sa lakas at tapang si
Prinsipe Bantugan kaya't walang nangangahas dumigma sa kanilang kaharian.
Maraming dalaga ang naakit sa kakisigant katapangan ni Prinsipe Bantugan.
Nalinggit si Haring Madali sa kapatid. Ipinagbawal niya sa kanyang mga
nasasakupan na kausapin si Prinsipe Bantugan. Nagbanta pa ang hari na ang
sinumang mahuling nakikipag-usap sa prinsipe ay lalapatan ng parusang
kamatayan. Dahil sa matinding kalungkutan ay umalis si Prinsipe Bantugan at
nagtungo sa ibang lupain. Sa kasamaang-palad, ang prinsipe ay inabot ng sakit
at namatay sa pintuan ng palasyo ng kahariang nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nagulumihanan ang magkapatid na hari at prinsesa ng naturang kaharian. Hindi
nila nakikilala si Prinsipe Bantugan kaya't tinawag ang konseho.
Pinagpulungan kung ano ang gagawin. Habang sila'y
nagpupulong ay isang loro ang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang
nakaburol ay ang balitang Prinsipe Bantugan ng kahariang Bumbaran. Sinabi
rin nito na galing ito sa Bumbaran. Lumipad na ang loro at bumalik sa
Bumbaran. Ibinalita nito kay Haring Madali ang sinapit ng prinsipe. Nang
malaman ni Haring Madali ang nangyari sa kapatid ay nanaig ang
pagmamahal niya rito at napawi ang kinikimkim niyang inggit sa kapatid.
Kaagad lumipad sa langit ang hari kasama ang isang kasangguni upang
bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Pinilit naman ni Prinsesa
Datimbang na madala sa Bumbaran ang bangkay ni Prinsipe Bantugan.
Nagdiwang ang buong kaharian nang muling mabuhay si Prinsipe Bantugan.
Nanauli sa dati ang mabuting pagtitinginan ng magkapatid. Nabalitaan ng
Haring Miskoyaw na namatay si Prinsipe Bantugan. Dating kalaban ni Haring
Madali ang naturang hari. Dagli siyang naghanda upang salakayin ang
Bumbaran. Kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni
Prinsipe Bantugan nang sumalakay sina Haring Miskoyaw.
Natigil ang pagdiriwang at nagkaroon ng labanan. Buong giting na
lumaban si Prinsipe Bantugan ngunit dahil sa bagong galing siya sa
kamatayan ay nanghina siya at nabihag ng mga kalaban. Iginapos siya ngunit
nakawala rin. Nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya ang gapos at
buong bangis na nakipaghamok hanggang sa malupig ang mga kaaway.
Dinalaw ni Prinsipe Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at
pinakasalan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa
Bumbaran. Ipinagbunyi siya ng lahat. Iniutos ni Haring Madali na magkaroon
ng panibagong pagdiriwang. Naging maligaya si Prinsipe Bantugan hanggang
sa huling sandali ng kanyang buhay.
Indarapatra at Sulayman
Ang payapang pamumuhay ng mga tao sa Mindanao ay
ginambala ng apat na halimaw. Ang unang halimaw ay si Kurita na maraming
paa at napakaganid na hayop. Limang tao man ay kanyang nauubos. Si
Tarabusaw ang ikalawang halimaw na may mukha ng tao. Ang sinumang
kanyang mahuli ay agad niyang nilalapang at kinakain ang laman. Siya'y nakatira
sa Bundok Matutum. Ang ikatlo ay isang ibong malaki na nakatira sa bundok ng
Bita. Ang salot na ito ay may mga matang labis ang lilinaw at mga kukong ubod
nang tutulis. Kapag siya'y dumarating ay nagdidilim ang paligid dahil sa lalapad
ng kanyang mga pakpak. Ang mga tao'y nagtatago sa yungib upang makaligtas
kapag siya'y dumarating. Ang ikaapat na halimaw ay isang ibong may pitong ulo
na labis na namiminsala sa mga mamamayang naninirahan sa bundok ng
Kurayan.
Ang malagim na kalagayan ng mga mamamayan ay labis na ikinabahala
ng Haring Indarapatra Ipinatawag niya ang kapatid na si Prinsipe Sulayman at inutusang
iligtas ang mga kahabag habag na mamamayan. Binigyan niya ang kapatid ng isang singsing
at isang espada upang gamitin sa pakikipagtunggali sa mga kalaban. Isinabit ng Haring
Indarapatra sadurungawan ang isang halamang siyang magpapakilala kung ang prinsipe ay
nagtagumpay o napahamak Tumalima sa utos ng kapatid na hari si Prinsipe Sulayman. Nang
sapitin niya ang bundok na pinananahanan ni Kurita ay nakita niya ang maraming nayong
walang mga taong naninirahan. Nanggigigil sa poot na sinabi ni Prinsipe Sulayman na
magbabayad ang mabangis na hayop. Hindi pa man natatapos ang kanyang sinasabi ay
biglang lumabas si Kurita Buong bangis na hinarap ang prinsipe at sila'y naghamok. Hindi
nagtagal at napatay ni Prinsipe Sulayman ang halimaw na si Kurita. Pagkatapos ng
tagumpay ay matuling lumisan si Prinsipe Sulayman at hinanap si Tarabusaw sa bundok
Matutum. Nagkaharap ang dalawa. Ang hawak ni Prinsipe Sulayman ay isang matalim na
tabak na ginagamit niyang pang-ulos sa halimaw. Isang sanga naman ang ginagamit ni
Tarabusaw na panghambalos sa kalaban. Sa paghahamok ng dalawa, ang ganid na hayop ay
napahandusay sa pagod. Sinamantala ni Prinsipe Sulayman ang pagkakataong iyon at
itinarak sa puso ng kalaban ang hawak na tabak.
Nilipad ni Prinsipe Sulayman ang bundok ng Bita upang hanapin ang
ibong si Pah. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo nang makita niya ang
mga ulilang tahanan ng mga mamamayan. Hindi nagtagal ay nagdilim ang
kapaligiran, tandang dumarating ang kalaban. Lumundag ang prinsipe at tinaga
ang pakpak ng ibon. Sa kasamaang palad ay sa kanya rin bumagsak ang pakpak at
ang katawan ng prinsipe ay bumaon sa lupa. Nalibing siya nang walang kabaong.
Agad nabatid ni Haring Indarapatra ang nangyaring kasawian sa kapatid na
prinsipe sapagkat nalanta ang halaman sa may durungawan. Ang mga sanga nito
ay nangabali. Sumugod noon din ang hari sa pook na kinamatayan ng kapatid na
natagpuan niya roon ang katawang pipi nito. Ang bathala ay nahabag sa kanya;
biglang nagliwanag at namalas niya ang tubig na lunas. Ibinuhos niya ang tubig
sa bangkay ng kapatid at malaking himala ang naganap. Dagling nabuhay si
Prinsipe Sulayman at nagyakap sa kagalakan ang magkapatid.
Pinauwi ng Haring Indarapatra sa kanilang kaharian ang kapatid.
Pagkatapos ay hinanap niya sa bundok Kurayan ang malaking ibong may
matutulis na kuko. Nang magkaharap ang dalawa'y buong bangis na
naghamok. Nagwagi sa labanan si Haring Indarapatra. Binati ang hari ng
isang magandang diwata. Nagpasalamat siya sa ginawang pagliligtas ng hari
sa mga mamamayan. Nabihag ng kagandahan ng diwata ang puso ng Haring
Indarapatra at sila'y napakasal. Muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang
kapatagan. Si Haring Indarapatra hindi na bumalik sa sariling bayan at doon
na siya namuhay sa pook na kinatagpuan niya sa babaeng pinili niyang
makasama sa buhay
Bidasari
"Bidasari" ay siyang pinakakabigha-bighaning tula sa Panitikang Malay Isinalin ito sa Ingles ni
Chauncey C. Starkweather. Hindi malaman kung sino ang nagsalin sa Maranao Ang sultan ng Kembayat ay
labis na naligayahan nang malamang ang mahal na sultana ay nagdadalantao. Maligaya ang lahat sa
magandang balitang iyon nang biglang sumalakay ang higanteng ibong si Garuda na itinuturing na salot sa
kaharian. Ang mag-asawang sultan at sultana ay napahiwalay sa karamihan. Inabot ng pagsisilang ang
sultana sa tabi ng ilog Sa labis na kalituhan dahil sa takot sa malaking ibon ay naiwan nila ang sanggol sa
isang bangka sa ilog. Isang mangangalakal na nagngangalang Diyuhara ang nakapulot sa sanggol. Tuwang
tuwa ang asawa ni Diyuhara na kasama niya noon. Iniuwi nila ang bata at ikinuha ng mga tagapag-alaga.
Pinangalanan nilang Bidasarl ang bata. Lalong gumaganda si Bidasari habang lumalaki. Naging ganap na
dalaga si Bidasari. Maligaya siya sa piling ng mga kinagisnang magulang. Ang sultan ng Indrapura, si
Sultan Mongindra ay may dalawang taon nang kasal kay Sultana Lila Sari. Ang sultana ay mapanibughuin
at laging nangangambang maagaw sa kanya ng ibang babae ang asawa. Kahit na paulit-ulit na sinasabi ng
sultan na mahal na mahal niya si Lila Sari ay ayaw pa ring hiwalayan ng pangamba ang babae. Naisipan ng
sultana na magpahanap sa mga kawal ng babaeng higit na maganda kaysa kanya. Nakita ng mga kawal si
Bidasari at sa paniniwala niyang gagawin siyang dama ng sultana ay sumama siya sa palasyo.
Ipinakulong ng sultana si Bidasari at sa tuwing aalis ang sultan ay pinarurusahan niya
ang kahabag-habag na dalaga. Hirap na hirap na si Bidasari kaya't nang hindi na niya matiis ang
mga parusa ay sinabi niya kay Lila Sari na kung ibig nitong si Bidasari ay mamatay ay kunin ng
sultana ang isdang ginto sa hardin ng ama ng dalaga. Sinabi rin niya na ito'y isuot na kuwintas ni
Lila Sari kung araw at ibalik sa tubig kung gabi. Hindi raw maglalaon at siya'y mamamtay.
Pinahintulutan ng sultana na makabalik si Bidasari sa piling ng kanyang mga magulang
pagkatapos na ipakuha ang isda. Kapag ikinuwintas sa araw ni Lila Sari ang isda ay nakaburol sa
kanila si Bidasari. Sa gabi lamang siya muling nabubuhay. Ipinagpatayo ng ama si Bidasari ng
isang palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura. Ginawa niya ito sa takot na baka tuluyang
patayin ng naninibughong sultana si Bidasari. Palaging sarado ang palasyong kinalalagayan ni
Bidasari. Palagay na palagay na ang loob ni Lila Sari sa paniniwalang mamamatay na si Bidasari.
Isang araw ay naisipan ni Sultan Mongindra na mangaso. Napagawi siya sa palasyong
kinalalagyan ni Bidasari. Pinilit niyang buksan ang nakasarang pinto. Nakita niyang walang tao.
Pinasok niya ang lahat ng silid at nakita niya sa isang silid ang nakaburol na si Bidasari. Gayon na
lamang ang pagtataka ng sultan. Ginising niya si Bidasari ngunit hindi ito magising. Kinabukasan
ay bumalik si Sultan Mongindra at binantayan si Bidasari hanggang sa gumabi. Labis na humanga
ang sultan sa kagandahan ng dalaga. Nabuhay si Bidasari nang sumapit ang gabi. Galit na galit ang
sultan nang ipagtapat ni Bidasari ang ginawa sa kanya ni Lila Sari. Pinakailan niya si Bidasari at
siyang pinaupo sa tabi ng trono. Si Lila Sari ay naiwang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay
nagbalikan na. Ang mga magulang ni idari ay nagkaroon pa ng isang anak na
pinangalanang Sinapati. Sa Kembaya ay dumating ang isang anak na lalaki ni
Diyuhara, na inaakala ni Bidasari na tunay niyang kapatid. Nang makita niya si
Sinapati ay nagulat siya sapagkat kamukhang-kamukha iyon ni Bidasari.
Kinaibigan niya si Sinapati, Ibinalita niya na siya'y may kapatid na kamukhang
kamukha ni Sinapati. Dahil dito ay kinanong ni Sinapati sa kanyang mga
magulang kung siya'y may nawawalang kapatid. Pinasama ng ama si Sinapati sa
Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasan ang nawalang anak. Gayon na lamang
ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni
Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid na naiwan sa bangka ay nabatid niyang
si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil sa pagtatapat ni Diyuhara. Si Sinapati ay
iniharap kay Sultan Mongindra. Nagkakilala sina Bidasari at Sinapati na sila pala
ay magkapatid. Nalaman ng lahat na si Bidasari pala ay isang tunay na prinsesa.
Manobo
Tulalang
Si Tatalang ay panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap. Siya'y
isang binatang matangkad, payat, may maiitim na ngipin at mahabang buhok. Isang araw ay
nagtungo sa gubat si Tulalang upang manguha ng ubod ng ratan na kanilang pagkain. Habang
nangunguha siya ng ubod ay lumapit sa kanya ang isang matandang naaawa pala sa hikahos
nilang buhay. Sinabi ng matanda ang ganito "Huwag kang mag alaala sa inyong pagkain,
Tulalang. Simula ngayon ay hindi na kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay
mapapasainyo". Simula noon, ang magkakapatid ay nanagana sa buhay. Sa kabila ng
kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at
ito ay nabantog sa buong kapuluan. Maraming tao mula sa iba't ibang tribu ang nagtungo sa
kanilang tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.
Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na
manirahan sa "torohan" o palasyo. Napakalaki ng palasyo at ang trono ay
napapalamutihan ng mga ginto, pilak at iba pang mga mamahaling bato.
Walang tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika kaya't ang
mga naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin. Si Tulalang ay may
sinturong isang damak lamang ngunit naipupulupot niya nang pitong ulit sa
kanyang baywang. Puting-puti ang kanyang damit na may mahahabang
manggas. Ang pantalon niya ay hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga
daliri ay nagkikislapan sa mga gintong singsing. May balaraw siya sa
baywang at may pulang turban sa ulo na ginagamit niya sa paglipad. Siya ay
laging nakayapak lamang. Silang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa
palasyo maliban sa kaisa-isa nilang kapatid na babae na inilagay sa
pinakailalim na bahagi ng pitong patong na basket na nakabitin sa loob ng
silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng magkakapatid na dapat ingatan.
BAGOBO
Ito ang epiko ng mga Bagobong nakatira sa Timog Mindanao. Si Tuwaang
bayani ng Kuaman. Siya ay laging makikitang nakaupo sa isang uri ng banig at
“sinikoleya”. Ang tikos ay isang palamuti at ang “sinikoleya” ay isang singsing. Isang araw
ay nagpaalam siya sa kanyang kapatid na babae. Ipinatawag daw siya ng hari ng Batooy
dahil may babaeng dumating na ballot ng kadiliman. Ayaw magsalita ng babae. Ayaw
man siyang payagan ng kapatid na babae ay umalis din siya. Dinala niya ang sandata ng
pakikidigma. Ang sinakyan niya ay kidlat. Dinaanan muna siya si Binata Pangarukad at
sabay silang nagtungo sa kaharian ng Batooy. Nang dumating sila sa kaharian ng Batooy
ay labis na hinangaan ang kakisigan ni Tuwang. Ang lahat ay napatingin sa kanya. Sa
wakas ay nakausap ni Tuwaang ang Diwata ng Kadiliman na humanga rin sa kanya.
Ipinagtapat nito sa binate ang dahilan ng nagpunta niya sa kaharian ng Batooy. Sinabi
rin ng Diwata na handa siyang sumama kay Tuwaang kahit saan ito magtungo. Sa
ganitong pagkakataon ay may dumating na binatang galling sa Pagumanon at hinamon
si Tuwaang . Malakas at matapang si Tuwaang kaya’t madali niyang nagapi ang kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay isinama niya sa kanyang kaharian ang Diwata.
Maligaya na sana siya sa pagkakabihag niya sa puso ng Diwata
ngunit pagdating nila sa kaharian ay may isang binata na naming nais
makipagtunggali sa kanya. Nagtagumpay na muli si Tuwaang. Ipinasyal
ni Tuwaang na lisanin na ang kanilang kaharian upang hindi na sila
gamabalain pa ng mga kaaway. Isinakay niya ang Diwata sa kanyang
balikat at ang kanyang mga tauhan naman ay isinakay niya sa salamba at
nagtungo sila sa ibang lupaing mapayapa at walang kamatayan.
MGA TULONG SA PAG-AARAL
A. TALASALITAAN
1. pinuksa
2. paghahamok
3. uulusin
4. paglupig
5. kagila-gilalas
6. nagulumihanan
7. nilalapag
8. iniluhog
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. Talakayin ang kaibahan ng epiko sa karaniwang tulang pasalaysay.
2. Paano ipinakilala ni Liam-ang ang matapat niyang pag-ibig kay Ines Kannoyan?
3. Bakit namatay si Liam-ang?
4. Paano ipinakilala nina Aliguyon at Pumbakhayon na sila’y kapwa magiting na
mandirigma?
5. Anu-anong mga kahalagahang pantao ang makukuha sa mga epiko ng Muslim?
C. PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN
1. Ihambing ang panliligaw ni Liam-ang kay Ines Kannoyan sa panliligaw ng mga
binata sa kasalukuyan?
2. Alin-aling mga pnagyayari sa epikong “Hudhud” ang maaaring magaanap sa tunay
na buhay at alin-alin naman ang hindi maaaring maganap sa tunay na buhay?
3. Anong uring pinuno si Baltog? Ihambing siya sa ating mga pinuno sa kasalukuyan?
4. Magsaliksik, iugnay ang Maragtas sa kasaysayan ng pamumuno ni Haring
Marikudo?
5. Alin-aling mga pangyayari sa mga epiko ng Muslim ang nagpapakilala ng
pagmamahal ng kapatid sa kanyang kapatid?
PANGKAT 1
ATIENZA, CHRISTOPHER, A.

CHANTENGCO, JAYC , L.

MARAMING DE CLARO, ALLYSA NICOLE, A.

SALAMAT! DE RAMOS, JAMES KEANNE, C.

LEONOR, ELAINE. C.

TUAZON, JOHN EDWARD, V.

You might also like