You are on page 1of 5

Ibat’t ibang antas ng mga sinaunang lipunan

1. Ibat’t- Ibang Antas ng mga Sinaunang Lipunan

2. Ang lipunan ng mga katutubo ay napapangkat sa tatlo… 1. Maharlika 2. Timawa 3. Alipin Ano
nga ba ang kaibahan ng bawat uri?

3. Ang pinakamataas ay tinatawag na maharlika. Dito nabibilang ang mga datu, raja, sultan at ang
kanilang pamilya at kaanak.

4. Katangian ng Maharlika Ang mga maharlika ang makapangyarihan sa lipunan. Siya ang
inaasahan ng mga taong mamuno sa mga labanan, kalakalan, gawaing panlipunan, panrelihiyon
at iba pang ugnayan. Siya ang namamagitan kung may di- pagkakaunawaan ang mga kasapi ng
barangay. Magkahalong lupit at bait ang paraan ng pamamahala ng maharlika.

5. Katangian ng Timawa Ang pangalawang pinakamataas na antas ay tinatawag namang timawa


o malaya, ito naman ay kinabibilangan ng mga mangangalakal, mandirigma at iba pang
karaniwang mamamayang isinilang na malaya o naging malaya mula sa pagkaalipin.

6. Timawa

7. Katangian ng Alipin Alipin ang tawag sa mga katutubong may pinakamababang antas sa
lipunan. Ang isang katutubo ay nagiging alipin sa iba’t- ibang kadahilanan. Maaaring ito ay
namana sa mga magulang na dati na ring alipin; nabihag siya sa labanan; o hindi sya nakabayad
sa mga utang o nakagawa ng kasalanan at ito ang kanyang naging parusa.

8. Dalawang uri ng Alipin v Aliping Namamahay- mas mataas na uri kaysa sa aliping saguiguilid
sapagkat siya ay may sariling pamamahay at aria-arian. Nagsaisilbi lamang siya sa datu kung
panahon ng anihan, kapag may ipinatatayong mga tahanan o tuwing kailangan lamang v Aliping
Saguiguilid- ay walang anumang ari- arian at nakatira sa tahanan ng mismong maharlika o
timawang kanyang pinaglilingkuaran dahil siya ay itinuturing ding pag-aari ng kanyang mga
panginoon.

9. Alipin

10. Ang ibat-ibang antas ng katayuan sa lipunan ng mga unang Pilipino ay ang maharlika, timawa
at alipin.

11. Dapat ba tayong pumili ng kaibigan ayon sa kanyang antas sa buhay? Bakit?
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5

1. Layunin ➢ Maipapaliwanag ang antas ng katayuan ng mga Pilipino noong panahon ng


Kolonyalismong Espanyol

2. • Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan. Nauri sa dalawang
pangkat ang mga Espanyol na nanirahan sa kapuluan ) • Peninsulares o mga Espanyol na isinilang
sa Spain • Creole o Insulares, na mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas. Nagtangan ang kanilang
pangkat ng kapangyarihang pampolitika, ekonomiko at panrilihiyon. • Ang mga Pilipino, sa
kabilang banda, ay nauri sa pangkat ng mga principalia, inquilino at karaniwang tao.

3. • Kabilang sa pangkat ang mga principalia, ito ang mga inapo ng mga datu, maharlika at
mayayamang hacendero o may-ari ng lupa at mga pinuno ng pamahalaang lokal. Pinagkalooban
ang pangkat na ito ng maraming karapatang panlipunan at pampolitika kabilang ang karapatang
bumoto sa halalan, humawak ng tungkulin sa pamahalaang lokal at malibre sa polo y servicio o
sapilitang pagpapagawa.

4. • Pangkat ng inquilino ay binuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong may lupa.
• Ang pangkat ng karaniwang tao naman ay kinabibilangan ng mga manggagawa at magbubukid.
Limitado ang kanilang mga karapatan at pribilihiyo. Hindi rin sila maaaring mahalal sa
katungkulan sa pamahalaan.

5. Pagbabago sa Katayuan ng Kababaihan Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng mga


babaing ganito angkasuotan?

6. Tradisyunal at Di-Tradisyunal na ginagampanan ng Kababaihan Tradisyunal Di-Tradisyunal


nagsasaing naglilingkod sa restaurant nagluluto bumubunot ng ngipin naglalaba nagtatanggol sa
nasasakdal naglilinis ng bahay nagtuturo pag-didisiplina sa mga anak namamasukan nag-aasikaso
ng pamilya gumagamot sa maysakit namamalantsa nag-aartista

7. Ang kababaihan ay tutok lamang sa mga gawaing bahay.

You might also like