You are on page 1of 70

MONASTIC

SUPREMACY
IN THE

PHILIPPINES
SINO SI MARCELO H. DEL PILAR?
Pamilya at edukasyon
• Ipinanganak siya sa Kupang, Bulakan,
Bulakan noong ika-30 ng Agosto 1850.
• Pangsiyam na anak siya nina Julian H. del
Pilar, tatlong taong mayor at isang
bersipikador, at Blasa Gatmaitan.
• Nagsimulang mag-aral sa pagtuturo ni Mr.
Flores.
• Nag-aral sa Kolehiyo ng San Jose at kalauna'y
sa Unibersidad ng Sto. Tomas kung saan
tinapos niya ang pag-aaral ng batas noong 1880.
• Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang
kanyang pinsan sa Tondo na si Marciana del
Pilar.
• Nagkaroon sila ng pitong anak ngunit dalawa
lang ang nabuhay, si Sofia at Anita.
1880
• Dito nagsimula ang pagpasok ni Marcelo sa arena ng
pulitika at panlipunang isyu.
• Kumpara kay Rizal, si Marcelo ay bihasa sa kanyang
kinalakihang wika.
• Nagtrabaho siya mula sa ibaba – nangausap sa
kanyang mga kababayan sa wikang kanilang
maiintindihan. (Siya ang naging tagapagsalita ng
masa)
• Sabi pa raw sa kuwento, naniwala raw si Marcelo na
ang sabungan ay ang “Altar ng Kalayaan”.
1882

• Itinatag ni Marcelo ang isang pahayagang


Tagalog, ang Diariong Tagalog, kung saan
isinulat niya ang mga artikulo ukol sa pang-
aabuso ng mga prayle.
1887-1888
• Sinuyod niya ang mga baryo upang ikalat ang mga
pangaral niya tungkol sa pagiging makabayan,
respeto sa sarili, sa lipunan at pagsasakripisyo.
• Gumawa siya ng mga polyeto (pamphlets) at ikinalat
ang mga maling pamamalakad ng mga prayle.
• Bumuo siya ng isang grupo ng mga makabayang
kabataang lalaki kung saan nakasama niya sina
Sotero Laurel, Jose Ner, Carlos Gatmaitan, at
Liberato Manuel.
1887-1888
• Naalarma ang pamahalaan at ang simbahan.
Nagkaroon ng utos na ipatapon siya sa malayong lugar
pero nakatakas na siya.
• Sa hapon ng kanyang alis patungong Espanya,
nakatagpo niya ang mga kaibigang sina Rafael
Enriquez at Pedro Serrano Laktaw at gumawa sila ng
kasunduang gagawa pa sila ng mga polyetong
magbubunyag sa mga kabaluktutan ng mga prayle.
• Ika-23 ng Oktubre 1888, lumisan siya patungong
Espanya at hindi na babalik sa Pilipinas.
SI DEL PILAR SA ESPANYA
• Noong nakarating sa Espanya, naging editor
siya ng La Solidaridad, ang medium ng mga
Pilipinong propgandista sa Peninsula.

• Nahahati sa tatlong grupo ang trabaho ni


Marcelo: editor ng La Solidaridad, miyembro
ng Spanish-Filipino Association, at tularan ng
Masonic Lodge sa Pilipinas.
• Del Pilar was not a separatist; he was
still a short time before his death, an
assimilationist.

• Nakakuha ng simpatya mula sa Spanish


liberals ang matinding pangangampanya
nina Marcelo, ngunit wala ring nangyari.
• Si Marcelo, bilang nagnanais ng reporma, ay iginiit ang
mga sumusunod:

− Sekularisasyon ng mga simbahan at pagtanggal sa mga


prayle.
− Representasyon ng Pilipinas sa Cortes.
− Partisipasyon sa gobyerno.
− Pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas.
− Freedom of the Press
− Mas malawak na pansariling kalayaan.
− Assimilation
• Hindi pinansin ng Espanya ang mga nabanggit.
At dahil sa kabiguan ni Marcelo, tumingin siya
sa mas delikadong proseso ng pagkuha ng
kalayaan, ang rebolusyon.

• Isa siya sa dahilan ng pagbuo ng Katipunan ni


Bonifacio kung saan ng naging unang Supremo
ay ang kanyang bayaw na si Deodato Arellano.
SPANISH FILIPINO ASSOCIATION

• Nahati sa tatlong bahagi: Political Section sa


ilalim ni Del Pilar, Literary Section sa ilalim ni
Mariano Ponce, at Sports Section sa ilalim ni
Tomas Arejola.
FILIPINO MASONRY

• Hindi nakilala sa Pilipinas dahil sa


pagbabatany ng mga Kastila.

• 1890: nagkasundo sina del Pilar at Rizal na


dapat lang magkaroon ng Masonic lodges.
PAGKAMATAY

• Dahil sa hirap sa Espanya, walang makain at


matirahan, nagkasakit siya ng tuberculosis at
nanghina.

• Namatay siya noong July 4, 1895.


ANG MGA PRAYLE SA PILIPINAS
• Noong nakaraang tatlong dantaon, nagkasundo ang
Espanya at Pilipinas sa iisang mithiin. Naghalo ang dugo ni
Legazpi at Sicatuna sa isang tasa ng walang hanggang
pagkakaibigan.
• Ngunit lumipas ang mga taon at napalitan ang
pagkakaibigan ng pang-aabuso ng mga prayle sa mga pulo
sa Pilipinas. Nakakalungkot isipin na isinuko na ng
Espanya ang kanyang paghahari sa utos ng mga monghe.
• At kagaya sa isang normal na tao, normal lang din na
naisin ng ating bansang tanggihan at itigil ang mang-
aalipustang ginagawa ng mga prayle.
ASPETONG PULITIKAL
• Ang panghihimasok ng mga prayle sa
gobyerno ng Pilipinas ay masyado ng
nakatanim kaya hindi nahihirapan
ang mga prayleng kontrolin ang
katayuan o kaantasan sa pagsuway ng
nasyon at ng institusyon.
• Maaaring ang pagkakaroon ng kapangyarihan
ng mga kura ay kapakipakinabang sa lipunan
upang maiayon ang interes ng tao at
institusyon, ngunit ang totoo ay ayaw ng
kumbento ang pagkakapantay-pantay at
pagkakasundo.
• Ang pagkamuhi at kawalan ng pagtitiwala sa
pagitan ng dalawang elemento ang bumubuo
sa buhay ng kumbento.

• Upang takutin ang gobyerno sa pagrerebelde


ng bansa at upang takutin ang bansa sa walang
hanggang kapangyarihan ng kumbento – ito
ang sistema na hinubog ng mga prayle upang
makapamuno.
I.
• Ang kura ay walang boto sa eleksyon ngunit
siya ang kumokontrol nito dahil nasa mga
kamay niya ang pribelehiyong bumoto.

• Sa pagpapatunay ng mga papel para makaboto,


ang kura ay naglalabas ng dalawang pahayag:
isang pampubliko na limitado lamang sa antas
ng edukasyon ng kandidato, pangalawa, isang
kumpidensyal o lihim, walang restriksyon.
II.
• Sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin,
ang mga opisyal ng munisipyo ay
dumidepende sa kura.

• Ang kinakailangan ay ang pagsang-ayon ng


kura.

• Ang pirma ng kura ay kinakailangan para sa


lahat ng bagay.
• Ang pagsang-ayon ng kura ay naaayon sa
kanyang kagustuhan o sa utos ng mga
nakakataas sa kanya.

• Ang kanyang makapangyarihang


argumento na nagdudulot ng mahiwagang
epekto ay: Ang dangal ng bansa ay nasa
panganib.
III.
• Ang pampublikong edukasyon ang hangad ng
pamahalaan maging ng mga Pilipino
- common language

• Salungat dito ang monastisismo sa takot na


mamulat ang mga Pilipino sa kulturang
Espanyol at huminto sa pagiging kolonya ng
simbahan
• Ang lahat ng mga paaralan sa bansa ay nasa
pamamahala ng mga kura maliban sa mga
paaralan sa distrito ng Maynila na
pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan
(munisipal).

• Mahigpit na ipinagbabawal ng mga kura ang


pagtuturo ng wikang Espanyol.
• Lubos na nakasasalalay sa kura ang kalagayan
ng mga guro
- pagpapasahod
- ulat sa gobyerno tungkol sa mga guro
• Law 5, Title 3, Book 1 of the Law of the
Indies at Article 93 of the Good Government
of 26 Feb 1768, at Educational Decree of 30
Dec 1863

• Pagpapalaganap ng opisyal na wika, ang mga


hindi sumunod/sumuway ay kaaway ng bansa;
paggamit ng textbooks na nakasulat sa
Espanyol at mahigpit na pagbabawal sa mga
nakasulat sa mga wika ng Pilipinas
• Para sa mga pari: paglaban sa pambansang
integridad ng Espanya

• Fr. Miguel Lucio Bustamante: Si Tandang


Bacio Macunat
IV.
• Ang pansariling seguridad ay nanganganib din
sa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan

• Law 7, Title IV, Book III of the Laws of the


Indies: kapangyarihan ng gobernador-heneral
na paalisin sa kanilang tahanan ang sinumang
manggugulo sa kanilang probinsya
“Walang iba kundi ang mga kura ang
makakatulong sa pagsasagawa ng ganitong
trabaho.”
malawak na kaalaman ukol sa mga
mamamayan
sagradong katauhan/pag-uugali
may kakayahan para alamin ang
pinakatatagong sekreto ng pribadong buhay
• Sa ilalim ng pamamalakad ng mga pari/kura,
tumaas ang bilang o kaso ng deportasyon at
pagtapon sa mga “ sumuway sa batas” nang
walang paglilitis

• Tumindi ang takot ng mga Pilipino.


• Yaong mga ipinatatapon ay ang mga hindi
humahalik sa mga kamay ng pari, hindi
nagbabayad ng utang sa pari, ama at kapatid
ng mga kagandahang di makamit at iba pa.
V.
• Sa simula, walang patunay sa nais ng Pilipinas
na tuluyang humiwalay sa Espanya.

• Ang tuluyang paglaya mula sa Espanya ay


pipigil sa lumalaking progreso/pag-unlad ng
mamamayang Pilipino-
- itinuturing na isang suicide
• Ang kasiguraduhan sa pagkamit ng pambansang
integridad ay wala sa kamay at kailanman ay
hindi magmumula sa kamay ng mga pari.

• Ang pinakamagandang paraan sa pagtatanggol o


panganagalaga ng pambansang integridad ay
isulong ang pagkakapatiran ng sa pagitan ng
Espanya at Pilipinas.
ASPETONG EKONOMIKAL
• Ang mga ari-arian ng mga prayle ay mas
malaki at mas matibay kaysa sa mga pag-aari
ng gobyerno.

• Ang malalaking lupain ay nagiging


pagmamay-ari ng Simbahan at ang mga
ginagawang pagpapa-unlad ng mga lupain na
ito ay sila rin ang nakikinabang.
Mga buwis na binabayaran ng mga
mamamayan
• Personal na cedula
• Urban taxes, industrial subsidy, municipal tax,
provincial tax

• Mga palengke
• Sasakyan
• Kabayo
• Pagkatay sa mga hayop
• River tolls
Buwis ng mga pista
• Papal decree
• May 2, 1867
• Pagbawas sa mga kapistahan
• Mas maraming pista, mas maraming
naghihirap
• Hindi nasusunod
• Tondo, Manila
• Hermanos Mayores
Arsobispo Basilio Sancho de Santa Justa y
Rufina

• Pinagkakakitaan ng mga pari ang mga


binibigay ng mga mamamayan
• Tax schedule
• Hindi nasusunod
Batang Mag-aaral ng Abogasya
• Dumalo sa isang binyag sa Maynila
• Pinagbayad ng 4 reales
• Kinwestyon ang malaking bayad sa binyag

• Gobernador-Sibil ng Maynila, Mr. Diaz


• Filibustero
• Hinuli ang mag-aaral at nakulong ng 30 na
araw
Mr. Luna
• 12.50 per cent ng kabuoang halaga ng mga
cedula
• February 27, 1888 – superior decree
• Ang bayad ay hango sa mga nakalista lamang
na may cedula at mga nakolekta, hindi sa
kabuoang halaga ng mga cedula
barangay
• sa Tagalog, balangay

• Isa sa mga institusyong pinanatili ng


pamahalaan ng Espanya

• 40-50 na pamilyang tumitira sa isang baryo


ang bumubuo ng isang barangay
PINUNO NG BARANGAY
•Ang pinakamatatag ang kabuhayan ang nahahalal
bilang pinuno ng barangay.

•Bago dumating ang mga Kastila, ang tungkulin ng


pinuno ay may karakter na pulitikal, relihiyoso at
ekonomiko.

•Nang dumating ang mga Kastila, ang pinuno ay naging


tagakolekta na lamang ng buwis para ilipat sa kabang-
yamang pampubliko
•Hindi humaharap nang deretso ang
administrasyon sa mga nagbabayad ng buwis.
Pero pinupuwersa nila ang mga pinuno ng
barangay at tinatakot na ipapakulong sila at saka
kukumpiskahin ang kanilang mga ari-arian pag
lagpas ng araw ng bayaran.

•Walang pwedeng idahilan ang mga pinuno,


dapat nilang gamitin ang sarili nilang pera
upang mapunuan ang kakulangan.
SENSO
• Kaya pang tiisin ang lumang sistema ng barangay.
Kapag may lumipat ng tirahan, tinatanggal siya sa
listahan ng senso, kaya mas madali sa pinuno na
makuhang muli ang perang ipinaluwal niya.

• Nang lumaon, nagsenso nang bahay-bahay at


taunan ang ginawang pagdadagdag ng mga bagong
lipat at pagbabawas ng mga namatay o lumipat na
residente.
• Noong ika-20 ng Setyembre, 1851, nabigyan
ng pakialam ang parokya sa pagsasagawa ng
senso. Nagkaroon sila ng kapangyarihan para
magdesisyon kung anong edad ang pwedeng
ilista sa senso.

• Nang lumaon, inangkin nila ang paghahanda ng


senso at naging tagagakopya na lang ng senso
ng parokya ang mga pinuno ng barangay.
PROBISYON 9
•“idadagdag o ibabawas sa senso ang
kalalabasan ng pagwawasto ng ulat tungkol sa
tao”

•Naging batas na ang hindi pagsunod sa


probisyong ito mula nang matatag ang
monopolya ng parokya sa senso.
•Ginamit na lang ang pag-iimbestiga sa
tirahan para makuha ang mga nadadagdag
(at hindi na naging epektibo para
malaman ang mga nababawas).

•Ang mga pinuno ng barangay ang


nanagot ng mga hindi makolektang
buwis.
•Ginamit na palusot ng mga Kastila ang
katamaran at hilig sa pagsusugal ng mga Indio
upang pagtakpan ang maling paggagamit ng
pera.

•Nakuha ng mga pinuno ng barangay ang


kanilang posisyon dahil sa galanteng
pamumuhay mula sa pagsusugal, ngunit sa
oras na maging pinuno na sila ay nahuhulog
sila sa nakakatakot na kahirapan at sila’y
tinatanggal sa puwesto.
CEDULA
•Marso 6, 1884 – nireporma ni Mr. Chinchilla ang
sistema ng buwis para makontra-balanse ang
kapangyarihan ng parokya at maiwasan ang
pagpapasobra sa listahan ng mga may utang na buwis.

•Itinatag niya ang buwis ng cedula para sa mga


nakatira sa Pilipinas na ang edad ay mula labingwalo.
Binabayaran ito nang taunan o tuwing ikaapat na
buwan.
• Unang Uri
• Iniisyu ng administrasyon o ng sub-delegasyon ng
pampublikong pananalapi alinsunod sa senso na
inihahanda ng mga opisinang ito taun-taon.

• Pangalawang Uri
• Para sa pangkalahatang publiko, iniisyu ng mga
pinuno ng barangay alinsunod sa sensong taunang
ginagawa sa ilalim ng pamamahala ng mga
gubernadorsilyo at kura ng parokya
•Hindi na taga-kopya lamang ang mga pinuno
ng listahan ng parokya. Sila ang responsable sa
tunay na listahan ng mga taong nakatira sa
kanilang barangay.

•Hindi rin maaring itago ang mga cedula


dahil tinitingnan ng gobernadorcillo ang mga
pinuno ng barangay
•“Art. 52. Ang mga pinuno ng barangay ay
maghahanda ng tatlong kopya sa buwan ng Enero
bawat taon ng listahang nakasang-ayon sa modelo
bilang 1….”

• “Art. 53. Pagkatanggap ng mga gobernadorsilyo


ng mga listahan, magpapatuloy sila sa kanilang
pagsusuri at isasagawa nila ang mga kinakailangang
pagwawasto batay sa naunang mga listahang nasa
kanilang mga bahay-pamunuan at may pahintulot ng
mga pinuno ng barangay.”
ANG DESISYON NI LUNA

•Mayo 11, 1855 – Ibinalik ng Administrasyon ng


Pampublikong Pananalapi ang listahan ng buwis sa
gubernasilyo ng Malolos at inutusan si Luna na
beripikahin ito bago tuusin ang listahan ng parokya

•Sa unang Linggong pagpupulong ng mga barangay,


ipinahayag ang utos ng administrasyon. Inialok rin
nilang baguhin ang mga listahan nila para maiwasto
ang mga kailangang iwasto. Ang lahat ay pumayag.
MGA PUNTO KUNG SAAN
PINAALALAHANAN NG PAROKYA ANG
MGA PINUNO NG BARANGAY:

1. Pagpapasiya ng entrada sa pamamagitan ng


edad

2. Mga tinanggal sa listahan dahil patay na

3. Pagpapatibay ng kahirapan ng mga


aplikante para sa libreng cedula
SULAT PARA SA GOBERNADORCILLO
NG MALOLOS
•“Bukas ng ikapito ng umaga, magpapakita ka sa kumbento
ng bayang iyan kasama ang mga pinuno ng barangay mula
bilang 1 hanggang 3 sa layuning gawin ang pagtutuus ng
mga listahan ng buwis at tuloy-tuloy na gagawin ito sa mga
sumusunod na araw sa pamamagitan ng pagdadala sa
kumbento ng parehong bilang ng mga pinuno ng barangay
hanggang lahat sila ay maiprisinta, habang binabalaan ka na,
walang kabawasan sa parusang ipapataw ko sa mga pinuno
ng barangay kung hindi sila makatatalima sa utos na ito
nang madalian at walang pasubali, ikaw ay tuwirang
mananagot sa akin ukol sa maagap na pagtupad nito.”
• Ipinaliwanag ni Padre Felipe Garcia na ang
ibig sabihin ng pandiwang asesorar ay
confronter at ang itinakdang paalala ay
walang iba kundi ang pagtutuus ng mga
listahan ng buwis.

• May parehong opinyon sina Manuel Aliacar at


Vicente Pardo.
•Sa araw na itinakda, walong pinuno ng barangay ang
ipinrisinta sa kumbento ng Malolos, handang tuusin
ang kanilang mga listahan ng buwis, inaangkin ang
karapatang tanggihan ang mga halagang hindi nila
makolekta sa mga indibidwal na hindi kabilang sa
kanilang bayan.

•Ipinaglaban ng mga pinuno ng barangay na ang ibig


sabihin ng confronter ay cotejar (magkumpara) para
sa layuning iwasto ang mga kamalian.

•Sinabi ng mga kura na ang confronter ay kumopya


kahit ng may mga kamalian, atbp.
• Pinagtibay ni Mr. Pardo na ang
“magpaalala” ay “magtuus” at ang
“magtuus” ay “kumopya”.

• Mula noon, nawalan ng halaga ang


Artikulo 52 at 53 sapagkat naging
tagahatol ng senso ng barangay ang mga
kura ng parokya.
• Mula noon, nahawakan ng mga kura ang tuloy-
tuloy na pagtaas ng kanilang mga sahod na
iniutos na kaltasin ayon sa resulta ng senso.

• Napakalaki ng 12.5 porsiyento ng resulta ng


senso kaysa 12.5 porsiyento ng aktuwal na
koleksiyon sa cedula.
ASPETONG PANRELIHIYON
Pope

King

Governor
General

Archbishop

Bishop

Curates / Friars

Seculars
Isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng
kita ng mga ng ​kumbento ay ang
pangangalakal ng mga relihiyosong bagay. ang
ilan sa mga isama ang sinturon, kalmen,
rosaryo, at mga kwintas.
• Si Padre Domingo Salazar ay ang unang
obispo ng Maynila.

• Tinutulan siya nina Padre Andres Aguirre at


Padre Alonso de la Vera Cruz.
• Para sa mga prayle, ang obispo ay
kumakatawan sa isang institusyong
walang silbi, at siya ay pinagkakaitan ng
karapatang siyasatin ang kanilang mga
kumbento sa pamamagitan ng diocesan
visit.
• Upang iwasan ang diocesan visit,
tinatakot ng mga prayle ang obispo na
kung bumisita man siya ay babalik sila sa
kanilang mga kumbento at iiwanan ang
mga parokya. Ang obispo ay kailangan
mag-antabay sa kanila dahil kulang ang
mga paring maaaring pumalit sa kanila.
• Nagtatag si Arsobispo Basilio Sancho de Santa
Justa y Rufina ng isang seminaryong ecclestial
para sa pagsasanay ng mga bagong paring sekular.

• Kinatakutan ng mga prayle ang mga paring


sekular dahil maaaring agawin nila ang mga
parokya. Samakatuwid sila ay sumang-ayon sa
diocesan visit, para mapanatili ang kanilang
kontrol sa mga simbahan at ang mga benepisyong
kasama nito.
• Si Gob. Gen. Emilio Terrero y Perinat ay
pinalitan ni Antonio Molto, na ginustong ibalik
ang kapangyarihan at impluwensiya sa mga
prayle dahil naniniwala siyang mahalaga ang
kanilang papel sa pagsupil ng mga indios.
• Dumami ang bilang ng mga prayleng
peninsulares sa Pilipinas dahil sa pagbubukas
ng Suez Canal. Dahil ang mga namumuno sa
mga simbahan ay mga paring peninsulares,
mas nasunod ang mga alituntunin ng Council
of Trent.
• Hindi tulad ng mga pari sa Pilipinas, ang mga
pari sa Espanya ay hindi nakakaiwas sa
hurisdiksyon ng mga obispo. Limitado ang
kanilang kapangyarihan dahil wala silang
mapagkukunan ng salapi sa kumbento, at wala
rin silang mga lupain. Dahil dito, mahina ang
kanilang impluwensiya sa pamahalaan, at
hindi nila kontrolado ang mga plano ng
Espanya para sa Pilipinas.

You might also like