You are on page 1of 23

Ang Organisasyong

Panlipunan Noon
Aralin 4
Ang Barangay

Pamahalaang Barangay- tawag sa


pampamayanang pamahalaan ng ating
mga ninuno.
Barangay- hango sa salitang "balangay",
isang uri ng sasakyang pandagat na
ginamit nila noon.
Katangian ng isang Barangay:

• may pinuno at mga tagasunod


• isang munting kaharian na pinamumunuan
ng datu, raha, gat, o lakan
• binubuo ng mula 30 hanggang 100 na
mag-anak
• nagsasarili at malaya ang bawat barangay
bagama't nakikipag-ugnayan sa isa't-isa.
Mga makapangyarihang pinuno:

• Datu- pinuno ng isang barangay


• Lakan- pangunahing datu na namumuno
sa alyansa o samahan ng mga barangay.
• Raha- pinuno ng karadyaan ( higit na
malaki ang sakop o impluwensya ng
karadyaan kaysa alyansa ng mga
barangay)
-namumuno sa hukbong militar
Kapangyarihan ng Datu

• Tagapangasiwa
• Tagagawa ng mga kautusan at batas
• Tagahatol
• Pinuno ng mga mandirigma

Atubang- mga pangunahing tagapayo ng


datu
Ang mga Tungkulin ng Datu

• Panatilihin nag kapayapaan at kaayusan


sa kanyang pamayanan.
• Ipagtanggol ang nasasakupan laban sa
mga kaaway.
• Pangalagaan ang bawat mamamayan;
tulungan ang mga may sakit at
nangangailangan
• Magbigay ng payo sa mga humihingi nito
• Mamuno nang makatarungan at naaayon
sa matatandang kaugalian at mga batas.
Ang Pamahalaang Sultanato

Sultanato- tawag sa pamahalaang


ipinakilala ng mga Muslim
- may sistemang sentralisado na binubuo
ng sampu hanggang labindalawang nayon
- ang mga kasapi ay maaaring walang
relasyon sa isa't-isa.
Kasaysayan ng Sultanato

Sayyid Abu Bakr- Sharif Muhammad


nagtatag ng unang Kabungsuan-
sultanato sa Sulu nagtatag ng sultanato
noong 1450 sa Maguindanao
noong 1475
Ang Sultan

• tawag sa pinuno ng sultanato


• pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong
sultanato
Mga Tungkulin ng Sultan

• tungkuling pampolitika at pansibil


• pangalagaan ang pananampalataya sa
Islam
• mapanatili ang kaugaliang Muslim sa
kanyang nasasakupan
• nasa ilalim din ng kanyang kapangyarihan
ang mga nasasakupang datu
Mga Katulong ng Sultan

Ruma bichara- mga tagapayo ng sultan na tumutulong sa


kanyang pamamahala.
- binubuo ng mga maimpluwensyang datu sa
sultanato
- nagpapasya sa mga bagay na may kinalaman sa
batas, pangangalakal, pananalapi, at pananampalataya.
Iba pang katulong ng sultan:
raja munda- tagapagmana ng sultan
dayang- asawa ng sultan
wazir- punong ministro

datu ladja laut- ministro na pandagat


datu maharaha layda- ministro ng adwana
kali- hukom na itinuturing na pinakabihasa
sa Koran at Shariah o batas ng mga
Muslim
Mga Antas ng Katayuan sa Lipunan

Ang Angkan ng Datu o mga Maginoo


 turing sa mga kabilang sa pangunahin at pinakamataas na antas ng
katayuan sa lipunan.
 mayayaman, makapangyarihan at iginagalang ang mga pinuno sa
buong barangay kabilang ang kanilang angkan
Gat o Lakan- tawag sa mga kalalakihan
Dayang o Dayang-dayang- tawag sa mga kababaihan
Panginoon- nagmamay-ari ng maraming bahay,
bangka at alipin
Poon- tawag sa pinakaninuno
Ang Maharlika
 ikalawa at panggitnang antas ng katayuan sa lipunan
 kinabibilangan ng mga karaniwang tao na bumubuo sa barangay
 mahadlika sa mga pamayanang Tagalog
 timawa o timagua sa ibang bahagi ng bansa tulad ng mga Bisaya at
Ilokano
 tumatayong pangkalahatang katulong ng datu
 binabahaginan sila ng datu ng anumang nasamsam sa kanilang
pangangayaw
Katangian ng isang Maharlika:
ipinanganak na malaya;
kabilang sa mga tagapagtanggol ng datu o sultan at mga
mangangalakal;
may tungkuling samahan ang datu sa pakikidigma,
paglalakbay, paggawa ng bahay, pagsasaka, pagsasagwan
ng mga bangka at sa mga gawaing pampamayanan;
hindi nagbabayad ng buwis;
may karapatang mamili ng sariling hanapbuhay;
nakapagmamay-ari ng lupa; at
may karapatang mamili ng datu na kanyang sasamahan
Ang Alipin
kabilang pinakamababang pangkat pangkat sa lipunan
tinatawag ding kasama o alaga
Nagiging alipin kapag:
 Ipinanganak sa mga magulang na alipin
 Nabihag sa digmaan
 Ipinambayad sa utang
 Nabili at naparusahan sa nagawang kasalanan
Dalawang Uri ng Alipin:
 Ang Aliping Namamahay
 Ang Aliping Saguiguilid
Aliping Namamahay:
 nakatataas sa aliping saguiguilid
 may karapatang pumili ng kanyang mapapangasawa
 hindi maaaring ipagbili
 maaaring manirahan sa sariling bahay
 maaaring magkaroon ng ari-arian, maliban sa lupang
kinatitirikan ng kanyang bahay
 binabayaran ang kanyang paglilingkod
Aliping Saguiguilid:
 pinakamababang antas
 hindi malaya
 walang sariling tirahan
 walang pag-aari
 maaaring ipagbili ng kanyang amo
 nakatira sa tahanan ng kanyang amo
 naglilingkod nang walang bayad
 hindi maaaring mag-asawa nang walang pahintulot ng
kanyang amo
Ang pagiging alipin ay hindi panghabang-buhay.
Maaring maging malaya ang isang alipin kung siya
ay:
palalayain ng kanyang amo
makapagbabayad nang karampatang halaga sa
kanyang panginoon
makapag-asawa ng isang kabilang sa mas mataas
na antas sa lipunan
makapagpapakita ng kabayanihan sa digmaan
It’s Xiao Time!!!
Ang mga Batas ng Ating Ninuno

Batas
 batayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, katahimikan, at kaayusan
ng barangay
 pasalita lamang, nagpasalin-salin sa mga henerasyon
 binubuo ng tradisyon at kaugalian
 ginagawa ng datu sa tulong ng kanyang tagapayo ngunit
isinasangguni muna at pinagtitibay ng mga matatanda at
marurunong sa buong barangay
Umalahokan o tagasigaw- nagpapahayag ng mga napagtibay na batas
sa buong barangay
Halimbawa ng naisulat na Batas: (mula sa Luwaran, kalipunan ng mga
batas sa Kodigong Maguindanao at Kodigong Sulu)
1. Igalang ang datu. Hindi siya dapat lapastanganin.
2. Ang may utang ay dapat magbayad sa takdang araw.
3. Kailangang maging masipag at matiyaga. Ang sinumang tatamad-
tamad ay gagawing alipin.
4. Dalawa lamang ang dapat na maging anak upang matustusang mabuti
ang mga pangangailangan nila.
5. Ang pagpaslang o pagpatay ay gagawaran ng parusang kamatayan.
6. Ang taong nahuling nagnakaw ng may halagang katumbas ng apat na
tael (halos 37.7994 gramo)ng ginto o mahigit pa, ang kaparusahan ay
pagkaalipin; kung ang halaga ay katumbas ng isang cati (604.8 gramo)
o mahigit kalahating kilong ginto, ito ay may kaparusahang kamatayan.

You might also like