You are on page 1of 7

ANG PIYUDALISMO SA EUROPA

Ano ang kahulugan ng Piyudalismo?


• Ang piyudalismo (feudalism) ay isang sistemang militar, sosyal, at politikal na lumaganap sa
Europe na nakabase sa pagbibigay ng lupain kapalit ng pagkakaroon ng proteksyon, pera,
pagkain, at pagtitiwala.
Paano lumaganap ang konsepto ng Piyudalismo sa Europe?
• Nagkaroon ng iba’t ibang dahilan ng pag-uumpisa ng piyudalismo sa bawat bansa sa Europe.
Dahil sa lawak ng teritoryong sakop na pinaghaharian ng isang hari, ipinagkaloob niya ito sa
mga katiwalang mga noble upang mapabilis itong pamunuan at mabigyang proteksyon ang
ninanais ng hari.
May kapalit ba ang pagbibigay ng hari ng lupain sa mga noble?
• Meron. Ang pagiging matapat (loyal), pagbibigay ng kita (income/money), at ang pagbuo ng
mga knights (hukbong militar) bilang proteksyon ng hari ay ilan sa mga kinakailangang ibigay
na kapalit ng noble.

TECHTIVITY:
Upang magkaroon ka ng paunang kaalaman tungkol sa piyudalismo, maaari mong
bisitahin ang website at panuorin ang vidyo:
• https://www.youtube.com/watch?v=QV7CanyzhZg&ab_channel=CrashCourse

Pansinin ang larawan sa ibaba. Ito ang tinatawag nilang social class o antas ng lipunan sa Piyudalismo
sa Panahon ng Medieval.

https://sites.google.com/site/year7medievaleurope/2-feudal-
system
• Sa antas ng lipunan, ang hari ay makikita sa rurok ng piramide dahil sila ay may malaking
impluwensiya at kapangyarihan sa kanilang nasasakupan. Pangalawa, ang mga nobles na
siyang namamahala sa lupaing ipinagkaloob ng hari. Pangatlo, ang mga knight na nagsisilibing
mga alagad ng nobles. At ang nasa ibaba ay ang mga peasants o serfs na nagtatrabaho sa
lupain ng mga nobles.

Ano ba ang nangyayari sa loob ng feudal system?


(Tignan at obserbahin ang tsart sa ibaba.)

ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 1 | 11


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
LUPAIN LUPAIN LUPAIN

HARI NOBLES KNIGHTS SERFS

PERA AT GRUPO SERBISYO AT PAGKAIN AT


NG MGA SUNDALO PROTEKSYON PAGTATRABAHO

• Sa feudal system o piyudalismo, ang pagkakaloob ng lupain ang pinaka-importanteng


elemento upang umiral ang ganitong sistema. Makikita sa tsart na ibabahagi ng hari ang
kanyang lupain sa pinagkakatiwalaang noble bilang kapalit ng pera at pagbibigay ng grupo ng
sundalo o knights’ para sa proteksyon ng hari at ng kaharian.
• Ang salitang vassal ay mga taong tumatanggap ng lupain mula sa feudal lord o hari. Ang mga
noble ay magiging vassal sa kanyang hari at ang ibang mga noble ay maaaring maging vassal
kapag tumatanggap sila ng lupain sa ibang noble.
• Upang magkaroon ng seguridad at proteksiyon ang lupain ng noble o lord, maghahanap ito
ng mga knights.
• Ang mga serfs ay magsisilbi sa feudal lord sa pamamagitan ng pagbungkal ng lupain upang
gawing sakahan at iba pang trabaho. Sa kabuuan, sila ang gumagawa sa lahat ng gawain sa
lupain ng feudal lord.

TECHTIVITY:
Upang magkaroon ka ng mas malawak na pag-unawa sa relasyon ng mga taong kasangkot
sa sistemang piyudalismo, maaari mong bisitahin ang website at panuorin ang vidyo:
• https://www.youtube.com/watch?v=Gd4lopIPObA&ab_channel=ChelseaFraumeni

ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 2 | 11


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
KAUNTING KAALAMAN:
Paano maipapakita ng vassal na tapat siya sa kaniyang feudal lord o hari?

Act of Homage at Oath of Fealty


Ang Act of Homage ay isang opisyal na seremonya na
mangangako ang vassal na magiging tapat, bubuo ng military o
knights bilang proteksyon, at pagbibigay ng pera sa feudal lord o
hari. Sa seremonyang ito, ipagkakaloob ng feudal lord ang isang
lupain o fief bilang kapalit ng serbisyo ng vassal. Ang Oath of
Fealty ay ang pangakong sinumpaan ng vassal sa feudal lord. Ang
dalawang nabanggit ay ang isa sa mga pinakaimportanteng
elemento upang maging matagumpay ang relasyon ng mga taong
kasangkot. https://www.alamy.com/stock-photo/the-
ceremony-of-feudal-homage.html

May kapalit ba ang panunungkulan ng vassal sa feudal lord?


• Ang kapalit ng pagiging tapat at pagsunod sa utos ng feudal lord ay ipagkakaloob sa mga vassal
ang tinatawag na fief o kapirasong lupain.
Ano ang relasyon ng knights sa mga serf?
• Bilang ang mga serf ay trabahador sa lupain ng feudal lord, babantayan ng mga knights ang
mga serf kung ginagawa nila ang kanilang trabaho at bibigyan ang serf ng proteksyon bilang
kapalit ng kanilang kalayaan.
May bayad ba ang pagtatrabaho ng serf sa lupain ng feudal lord?
• Walang bayad ang pagtatrabaho ng mga serf subalit tungkulin ng feudal lord na bigyan ng
pagkain, tirahan, trabaho, at proteksyon ang mga serf.

ANG MANORYALISMO

Ano ang manoryalismo?


• Ang manoryalismo ay tumutukoy sa
ugnayan sa pagitan ng mga feudal lord na
may-ari ng lupa at mga magsasaka.
• Ang manor ay isang malaking lupang
sakahan. Malaking bahagi nito ay pag-aari ng
feudal lord. Ang bahagi ng lupa na
pinagpapastulan ng mga karaniwang tao
para sa kanilang mga alagang hayop.
• May dalawang uri ng tao na naninirahan at
nagtatrabaho sa manor; malalayang tao o https://www.pinterest.ph/pin/730990583240351603/?autolog
freemen at mga magsasakang tagapaglingkod o serf. Ang mga freemen in=true ay kadalasang may
sariling lupain na pinagsasakahan. Mula sa kanilang mga ani ay nagbabayad sila sa feudal lord
bilang kapalit ng proteksyon at upa sa paggamit ng sakahan. Habang ang serf, hindi sila
maaaring lumabas ng manor at hindi pwedeng mag-asawa hangga’t walang pahintulot sa
feudal lord.

Ano ang layunin ng paggamit ng sistemang Manoryalismo?


• Ang manor ay nagsasariling estado na kung saan ang pokus nito ay suportahan ang kanilang
pangangailangan gamit ang sarili nilang pinagkukunang yaman.
ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 3 | 11
This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Paano naging matagumpay ang sistemang agrikultura o pagsasaka sa manor?
• Isinagawa ang three-field system na kung saan
hinati ang lupain sa tatlong bahagi. Ang dalawang
bahagi ay tatamnan, habang ang ikatlo ay hindi
upang manumbalik ang sustansiya ng lupa.
Halimbawa, sa unang lupain ay magtatanim ka ng
palay at sa pangalawa naman ay mais. Ang
pangatlong lupain ay iiwan ng walang bakas ng
pananim. Kapag sumapit ang anihan, pwede nang
magtanim sa pangatlo at ikalawa at huwag https://tenthmedieval.wordpress.com/2012/11/23/f
munang tamnam ang unang lupain. Ang paggamit ng ganitong sistema ay upang mapreserba
eudal-transformations-xv-two-fields-or-three/
ang kalidad ng lupa at mabilis na mapadami ang ani at suplay ng pagkain.

Pamumuhay sa Manor
• Mahirap ang buhay sa loob ng manor para sa mga serf dahil
nagsisimula ang kanilang trabaho pagsapit ng araw hanggang sa
paglubog nito.
• Simple lamang ang kanilang kinakain; kabilang dito ang gulay, butil,
tinapay, keso, at sopas. Ang pag-inom ng gatas, pagkain ng karne at
mantikilya ay para lamang sa mga mararangya ang pamumuhay
tulad ng feudal lord.
• Ang katapatan ng serf sa kanilang feudal lord ang dahilan kung bakit
kahit payak at mahirap ang pamumuhay nila ay nananatili sila sa
manor. Alam ng mga serf na sila ay protektado ng mga vassal at ang
kanilang feudal lord. https://www.pinterest.ph/pin
PAG-UNLAD NG MGA BAYAN AT LUNGSOD SA EUROPA /863283822293930225/
Nabanggit sa aralin tungkol sa manor, na ito ay nagsasariling estado na sinusuplayan nila ang
kanilang pangangailangan gamit ang sariling yaman. Ang pangyayaring Krusada ang isa sa mga dahilan
ng pagbubukas muli ng mga rutang pangkalakalan na naging daan sa muling pag-unlad ng mga bayan
at lungsod.
Paano muling umusbong at umunlad ang mga bayan at lungsod sa Europe?
• Ang pagbubukas muli ng kalakalan ang isang dahilan kung bakit umusbong muli ang bayan
at lungsod. Ang mga mangangalakal sa ibang lugar ay nagtatayo ng kanilang mga istruktura na
kalaunan ay naging permanenteng residente sila.
Hawak pa rin ba ng mga feudal lord ang mga lungsod at bayan?
• Hindi naging madali ang pagiging malaya at pagsasarili ng mga bayan at lungsod dahil nakatirik
pa rin ang kanilang lugar sa lupain ng mga feudal lord. Upang makamit ang kalayaan,
karamihan sa mga serf ay nagbayad ng kanilang kalayaan o tinatawag na charter of freedom at
ang iba naman ay dumaan sa masalimuot na pangyayari o dahas.

Ano na ang nangyari sa feudal system?


• Dahil sa paglago at pag-unlad ng mga bayan karamihan sa mga serf ay umalis sa manor upang
makipagsapalaran sa mga lungsod at bayan. Ang pangyayaring ito ay isa sa bunsod ng
pagsisimula ng pagbagsak ng piyudalismo at manoryalismo.

Bakit mas piniling manirahan ng mga serf at ng ibang tao sa lungsod o bayan?
ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 4 | 11
This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
• Unti- unting nagbago ang ikot ng kapalaran ng mga feudal lord dahil sa paglago ng
kapangyarihan ng mga mangangalakal o merchants. Naisip ng ibang serf na hindi na nila
kailangan ng ptoteksyon ng feudal lord at mas ligtas sila kapag nanirahan sa mga bayan at
lungsod.

ANG SISTEMANG GUILD


• Ang sistemang guild ay samahan o
unyon ng mga mangangalakal o artisan
na nangangasiwa sa produksiyon o
komersyo. May dalawang uri ng guild;
merchant guild at craft guild. Ang
merchant guild ang nangangansiwa sa
komersyo at pakikipagpalitan ng mga
produkto. Sila ay grupo ng mga
negosyanteng mangangalakal. Ang craft
guild ay nakapokus sa produksiyon ng
mga kalakal o produkto. Ang halimbawa
ng craft guild, guild ng mga taga-gawa ng https://www.pinterest.ph/pin/86328382229393022
sapatos, tagahabi ng tela, paggawa ng mga damit, at iba pa. 5/
• Ang pagkabuo ng mga guild ang isa sa mga pangyayari kung bakit umunlad at umusbong ang
mga bayan at lungsod.

Ano ang relasyon ng merchant guild at craft guild?


• Dahil ang merchant guild ay mga negosyanteng nakasalalay sa produksiyon ng craft guild,
iniinspeksyon ng merchant guild ang kalidad na ginagawa ng craft guild upang maiwasan ang
pandaraya sa kalidad ng mga produktong nagawa.

Paano maging isang miyembro ng guild?


• Hindi madali ang pumasok sa isang guild dahil kailangan mong dumaan sa tatlong yugto ng
pagsasanay; apprenticeship, journeyman, at master craftsman. Sa apprenticeship,
kinakailangang magsanay sa kamay ng master craftsman ng tatlo hanggang labindalawang
taon. Kapag nakuha na ang kasanayan ay maaari ng maging isang journeyman. Sa pagiging
journeyman, maaari na siyang tumanggap ng bayad mula sa pagtatrabaho at kapag taglay na
ang kakayahan o galing, maaari siyang susubukin sa paggawa ng obra o masterpiece. Kapag
tanggap na ito ng guild ay ituturing siyang isang master craftsman. Ito na ang hudyat na opisyal
nang mapapabilang sa samahan at maaari nang magtayo ng sariling pagawaan.

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng guild?


• Oo. Mahalaga ang ginampanan ng guild sa lipunan ng Europe dahil hinubog nito ang mga
kakayahan ng mga tao na maaaring maipasa sa susunod na henerasyon. Ang pagkakaroon ng
ganitong unyon ay nagdulot ng mga magagandang benepisyo sa bawat kasapi nito.

Subukan nating sagutin!


Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pinahuhulaan mula sa gabay na katanungan.

L-A-L-A-N-G-G-A-M-A-K-A-N
Kasagutan: ________________________________ (MANGANGALAKAL)
ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 5 | 11
This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Gabay na Katanungan/Clues:
1. Sila ay may hawak ng mga negosyo.
2. Sila ay nabibilang sa pang gitnang uri sa lipunan.

PAGLITAW NG MGA BOURGEOISIE

Sa pag-alis ng karamihan sa mga serfs sa manor na


nagdulot ng unti unting pagbagsak ng manoryalismo
hanggang sa pag-usbong at pag-unlad ng mga bayan at
lungsod, may mga grupo ng tao ang lumitaw na nangasiwa
sa buong kalakalan sa Europe; ang Bourgeosie.

https://rmschwartz.wordpress.com/paris/the-life-of-
Sino ang mga Bourgeoisie? the-parisian-bourgeoisie/bourgeois-interactions-
• Ang ibig sabihin ng salitang bourgeoisie ay middle class. with-their-superiors-and-inferiors/
• Sila ay grupo ng mga mangangalakal o negosyante, bangkero (bank), namumuhunan, artisan,
at iba pa na nakilala sa lipunan ng France.
• Sa antas ng lipunan, sila ay namagitan sa mga noble at mga magbubukid.
• Bagamat ang mga bourgeoisie ay mayayaman at may salapi, nakakaranas pa rin sila ng mga
diskriminasyon at pang-aalipusta dahil hindi pa rin sila nabibilang sa pagiging dugong bughaw.

Saan kadalasan makikita ang mga bourgeoisie?


• Madalas na makikita sila sa mga pamilihan sa mga lungsod at bayan dahil sa klase ng
pamumuhay na mayroon sila.

Saan nakukuha ng mga bourgeoisie ang kanilang yaman?


• Sa mga industriya at kalakalan.

Maaari bang maibilang ang mga bourgeoisie bilang mga noble?


• Hindi. Ang pagiging noble ay namamana habang ang pagiging bourgeoisie ay nakakamit kapag
nagsumikap sa buhay. Kahit na halos pantay ang yaman ng mga bourgeoisie sa mga nobles,
hindi pa rin sila nabibilang sa grupo dahil hindi nila taglay ang pagiging dugong bughaw.

Naging malakas ba ang impluwensya ng mga bourgeoisie sa lipunan ng Europe?


• Dahil sa maperang taglay ng grupo, nakipag-alyansa sila sa hari sa pamamagitan ng
pagpapautang kapalit ng pwesto sa gobyerno at karapatang bumoto.
• Naimpluwensyahen din nila ang pagbabago ng antas ng kabuhayan, agham, teknolohiya, at
politika. Sa aspetong kabuhayan, napaunlad nila ang kalagayan ng industriya. Samantala,
pagdating sa agham at teknolohiya ay naging bukas sila sa mga imbensyon upang mapabilis
ang produksiyon.

ANG MERKANTILISMO SA EUROPA


Kalinsabay ng pag-unlad ng komersiyo sa Europa ay ang pag-usbong ng bagong doktrina na
kung tawagin ay merkantilismo. Isinasaad sa doktrinang ito ang pagtataguyod ng kayaman at
kapangyarihan ng isang bansa.

ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 6 | 11


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.
Ano nga ba ang merkantilismo?
• Ayon sa teorya, sa sistemang merkantilismo, ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang
dami ng supply ng ginto at pilak.
• Ang mga kayamanang ito ang gagamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng
bansa tulad ng armas, sasakyan, at barko na gagamitin upang mapalakas ang hukbong
sandatahan at hukbong-dagat.

Anu-ano ang mga paniniwala/prinsipiyo ng merkantilismo?


1. Mainam ang pagluluwas (export) ng produkto. Sa pakikipagkalakalan, dapat mas marami ang
inululuwas (export) o ipinagbibiling produkto kaysa sa inaangkat (import) o binibili. Sa panahon
ng Medieval, karamihan sa mga mayayamang bansa ay bumibili o kinukuha sa mga kolonya
ang mga raw materials upang makabuo ng mga produkto. Matapos mabuo ang produkto, ito
ay kanilang iniluluwas sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki.
2. Kayaman ng bansa ay nakasalalay sa ginto at pilak. Ito ay tinatawag na sistemang bullion
kung saan nakabatay sa dami ng ginto at pilak na reserba ng isang bansa ang kapangyarihan
nito. Ang ginto at pilak ay mga mahahalagang metal na ginagamit sa pagbabayad at pagbili ng
mga kalakal kung kaya’t nahuhumaling ang ibang bansa na sumakop ng ibang karatig bansa
upang sila ay masuplayan ng ginto.

Naging maganda ba ang epekto ng merkantilismo?


• Sa mga bansang nakikinabang ay oo ngunit sa mga kolonya o sinakop ng mga bansang
makapangyarihan ay nakaranas ng masalimuot na pangyayari. Inabuso ang mga likas na yaman
ng mga kolonya dahil sila ang nagsusuplay ng pangangailangan ng sumakop na bansa.

ARALING PANLIPUNAN Grade 8 – Advance and Science Curriculum P a g e 7 | 11


This document is a property of University of Saint Louis Tuguegarao. It must not be reproduced or transmitted in any form, in whole or in part, without expressed written permission.

You might also like