Week 2 - Additional Readings

You might also like

You are on page 1of 6

PAGLAKAS NG PAMBANSANG MONARKIYA

Ano ang pambansang monarkiya?


• Ang pambansang monarkiya ay tumutukoy sa sistema ng pamahalaan kung saan nakasalalay
ang kapangyarihan ng bansa sa isang hari o reyna na kumokontrol sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuno ng isang bansa, kabilang na ang pamahalaan at relihiyon.
• Tandaan, na hindi lahat ng monarkiya ay maituturing na pambansang monarkiya sapagkat
may mga monarkiya na konstitusyunal lamang at walang kakayahang makialam sa politikal
at ekonomikal ng estado.

KAUNTING KAALAMAN!
Alam niyo ba na mayroong tinatawag na absolute at constitutional monarchy?
Ang absolute monarchy ay tumutukoy sa walang limitasyong kapangyarihan ng hari o
reyna. Ang mga desisyon para sa kanilang estado ay nakasalalay sa kanila at hindi nalilimitahan
ng kahit anong batas. Habang ang constitutional monarchy ay tumutukoy sa pamamahala ng
hari o reyna na mayroong limitadong kapangyarihan. Ang halimbawa ng ganitong klase ng
pamamahala sa kasalukuyan ay ang Japan, Thailand, United Kingdom, Belgium, Denmark, at
marami pa sa Europe.

Anu-ano ang mga salik na nagbigay daan sa paglakas ng pambasang monarkiya?


a) Buwis. Ang mga buwis na nakokolekta ng hari sa kanyang nasasakupan ay kanyang ginamit sa
pagbabayad ng mga sundalo at pagpapalakas ng kanyang sandatahan laban sa maaaring
manakop ng kanilang bansa. Sa kasalukuyan, ang buwis ay napakahalaga upang umiral ang
pamahalaan dahil ginagamit ito sa mga pampublikong programa na pakikinabangan ng lahat.
b) Paglitaw ng mga Bourgeoisie. Ang paglitaw ng mga bourgeoisie ay nakatulong upang
manumbalik ang kapangyarihan ng mga hari. Sila ay nakipag-alyansahan sa hari sa
pamamagitan ng pagpapautang.

KARAGDAGANG KAALAMAN!
Ang tamang pagbigkas ng bourgeoisie ay (bor-zhwaa-zee) o / bu(r)zh-wa-ze/.

c) Pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Karamihan sa mga serf ay umalis sa manor sa


pamamagitan ng pagbayad ng kanilang kalayaan sa feudal lord upang makipagsapalaran sa
mga lungsod at bayan. Ang pangyayaring ito ay isa sa mga nagpahina sa sistemang
piyudalismo at manoryalismo na siyang pinakinabangan ng mga hari at reyna. Nanumbalik
ang tiwala ng mga tao sa pamamahala ng hari na siyang magrpoprotekta sa kanila.
d) Krusada. Karamihan sa mga noble o feudal lord ay sumali at sumama sa Krusadang inilunsad
ng Simbahang Kristiyano. Ang pangyayari ito ay nagdulot ng hindi magandang epekto sa mga
nobles dahil karamihan sa kanila ay hindi na nakabalik o napatay.

TECHTIVITY:
Upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pambansang monarkiya, maaari
mong bisitahin ang website at panuorin ang mga vidyo:
• https://www.youtube.com/watch?v=aGiEsvgEGu4&ab_channel=PHILO-notes
Pag-usbong ng Nation State
• Ang nation state ay tumutukoy sa isang estado na pinanahanan ng mga mamamayan na may
magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad
na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa
rin silang estado sapagkat nananahanan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan
silang may kasarinlan.

Ano ang katangiang taglay ng isang nation state?


• Ang pagkakaroon ng sentrilisadong pamahalaan na may kapangyarihang magpatupad ng batas
sa buong nasasakupan.

Anong mga bansa ang nanguna sa pagbuo ng pambsang monarkiya sa Europe?


• France, United Kingdom, at Spain

ANG PAMBANSANG MONARKIYA NG FRANCE

HUGH CAPET (987-996)

• Marami ang opinyon kung sino ang pinaka-


unang hari ng France ngunit ating pagtutuunan
ng pansin ang panunungkulan ni Hugh Capet na
siyang pinasimulan ang pagkaka-isa ng teritoryo
sa France.
• Siya ang nagtatag ng linya ng monarkiya na
tinatawag na Capetian na namuno sa loob ng
mahigit 300 na taon (987- 1328).
https://simple.wikipedia.org/wiki/Hugh_
Capet_of_France
KAUNTING KAALAMAN!
CAPETIAN DYNASTY
Ang linya ng monarkiya ng Capetian ay pinamunan ng 15 na hari mula kay Hugh Capet hanggang
kay Charles IV. Napanatili nila ang kanilang trono dahil ang susunod na hari ay galing sa direktang
linya ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki lamang ang may karapatang maghari at ang mga
kababaihan ay hindi pwedeng humawak sa trono ng pamamahala.

• Ang mga sumusunod ay mga kilalang hari sa France ng dinastiyang Capetian:

LOUIS VI (1108-1137)

• Tinatawag din siyang Louis the Fat at panglimang hari sa


dinastiyang Capetian.
• Siya ang isa sa mga nagpalakas ng kapangyarihan ng
monarkiya dahil sa pagpapaalis sa mga hindi tapat na nobles.
• Malapit siya sa simbahan at sa mga tao sa bayan. Binigyan
niya ng karapatan at pribilehiyo ang mga tao sa mga bayan
at lungsod.
https://www.alamy.com/stock-photo-
louis-vi-ludwig-vi-1081-1137-called-
the-fat-or-le-gros-king-of-the-
101738413.html
PHILIP II (1180-1223)

• Kilala rin siya sa tawag na Philip Augustus at pang


pitong hari.
• Isa sa sa mga hari na sumali sa Ikatlong Krusada na
kalaunay iniwan niya si King Richard I ng England
dahil sa kinakailangang harapin na isyu.
• Isa sa mga tanyag na hari dahil sa pagpapalawak ng
teritoryo ng France. Sinakop niya ang mga ibang
lupain sa France na dating pinaghaharian at
pagmamay-ari ng England.
https://theeuropeanmiddleages.com/
france/philip-ii-of-france-the-cunning-
king/ LOUIS IX (1226-1270)

• Siya ang tanging hari sa France na idineklara bilang


isang santo. Kinilala siya bilang Saint Louis o Louis
the Saint.
• Noong namatay ang kanyang ama (King Louis VIII),
hindi agad na ibinigay sa kanya ang trono dahil sa
kanyang edad. Gayunpaman, katuwang niya ang
kanyang ina na si Blanche ng Castile sa pamumuno.
Noong tumuntong sa tamang edad doon palang
nag-umpisa ang kanyang pamamahala.

https://sites.google.com/site/genealo
gywoods/home/13th-century/1210 s-
births/louis-ix-of-france
KAUNTING KAALAMAN!
REGENCY
Ito ay isang sistema ng pamamahala na may pansamantalang pumapalit sa pamumuno ng
isang hari na hindi pa maaaring humawak ng kapangyarihan. Ang tawag sa pansamantalang
namumuno ay rehente (regent).

PHILIP IV (1285-1314)

• Siya ay kilala dahil sa pakikialam nito sa Simbahang


Kristiyanismo. Ayon kay Philip, kinakailangang na
magbayad ang mga clergy ng buwis ngunit hindi ito
pinahintulutan ni Pope Bonafice VIII.
• Pinadakip ni Philip IV si Pope Bonafice VIII upang
litisin sa France ngunit kalaunay namatay ang Papa.
• Nakialam si Philip VI sa pagkaluklok ng panibagong
Santo Papa na si Pope Clement V. Nanirahan ang
Papa sa Avignon, France at hindi sa Rome.
http://t3.gstatic.com/images?q=tbn:A
Nd9GcQNETaZ-
JC3eUB52Zlj99ZU_1b0nw6xU4lHMESb
CHARLES IV (1322-1328)

• Siya ang huling hari ng sa linya ng Capetian dahil


babae ang kanyang anak.
• Ayon sa Batas Salic, tanging ang lalaki lamang ang
susunod na mamamahala kapag namatay ang hari.
• Napalakas niya ang pwersa ng France laban sa
kaharian ng England.

https://theeuropeanmiddleages.com/
france/charles-iv-of-france-the-last-
capetian-king/
ANG PAMBANSANG MONARKIYA NG ENGLAND

BATTLE OF HASTING

• Noong namatay si Edward the Confessor,


ang humalili sa kanya ay isang noble na si
Harold Godwinson dahil wala siyang anak.
• Ang pagkaluklok ni Harold ay nag-iwan ng
katanungan sa kanyang pwesto.
• Si William the Conqueror ng Normandy,
France na malayong pinsan ni Edward ay
nagprotesta tungkol sa karapatan niya sa
pwesto ng pagiging hari.
• Naglaban ang pwersa ni Harold at William
https://deadliestfiction.fandom.co http://hoocher.com/William_th
sa Hasting na pinalanunan ni William.
m/wiki/Harold_Godwinson e_Conqueror/William_the_Con
Namatay si Harold nang matamaan ng Harold Godwinson Williamqueror.htm
the Conqueror
pana ang kanyang mata.

WILLIAM THE CONQUEROR (1066-1087)


• Siya ay nagprotesta sa trono sa pagiging hari sa
England dahil nangako si Edward the Confessor na
siya ang susunod na hari.
• Matapos manalo sa Battle of Hasting, siya ay
kinoronahan bilang unang Norman na hari ng
England.
• Ang isa sa mga kilalang ginawa niya ay ang Domesday
Book; ito ay isang census na kung saan tinala ni
William ang bilang ng lahat ng lupain at tao sa England
upang malaman ang dami na buwis na kokolektahin.
http://hoocher.com/William_the_Conq
ueror/William_the_Conqueror.htm
Ito ang ilan sa mga kilalang hari ng England noong Panahon ng Medieval:

HENRY II (1154-1189)

• Nakilala dahil sa pagbuo ng mga jury upang litisin ng


patas ang kaso ng kanyang nasasakupan. Dahil dito,
napalakas ang kapangyarihan ng hari. Noon, ang
naglilitis ng kaso ng isang indibidwal ay ang kanilang
feudal lord.
• Pinaigting niya ang sistema ng pagbubuwis upang
gamitin sa Krusada at pagbabayad ng mga sundalo.

https://www.treesofblue.com/king- JOHN (1199-1216)


henry-ii-1133-1189/
• Siya ang nakababatang kapatid ni King Richard I (isa
sa mga nanguna sa Ikatlong Krusada) at ama niya si
King Henry II.
• Pinaigting niya ang sistema ng pagbubuwis upang
gamitin sa Krusada at pagbabayad ng mga sundalo.
• Matatandaan na nasakop ni King Philip II ng France
ang teritoryong sakop ng England sa France. Hindi na
muling nabawi ni John ito ngunit nagpataw siya ng
mataas na buwis na ikinagalit ng sarili niyang mga
nobles.
• MAGNA CARTA- isang dokumento na pinirmahan ni
https://www.treesofblue.com/king- King John na nagsasaad ng kasunduan sa pagitan
henry-ii-1133-1189/
niya at ng nobles. Pinahina nito ang kapangyarihan
ng hari at muling napalakas nito ang mga nobles.

KAUNTING KAALAMAN!
HUNDRED YEARS’ WAR

Ano ang Hundred Years’ War?


• Ito ay ang awayan sa pagitan ng kaharian ng
England at France noong 1337-1453 na siglo.
Ang France ang may pinakamalawak na
teritoryong sakop at ang England ang may
pinakamaayos na kaharian sa Europe.
Umabot ang awayan ng mahigit 116 na taon.

Ano ang dahilan ng kanilang hidwaan?


• Ang dalawang kaharian ay nag-away dahil sa https://www.britannica.com/event/Hundred-Years-War
hidwaan sa pagtatalo tungkol sa pagmamay-ari ng England sa ibang teritoryo ng France at ang
lehitimong hari sa trono ng France. Gustong paalisin ng France ang England sa kanilang lupain
ngunit ang England ay gustong angkinin ang lupain at trono sa paghahari sa France dahil ang
ibang Hari ng England ay galing sa linya o kadugo si William the Conqueror (hari ng England
ngunit siya ay galing sa Normandy, France).

ANG PAMBANSANG MONARKIYA NG SPAIN


Ang Spain ay sinakop ng mga Moro (Muslim) na galing sa Africa ngunit karamihan sa mga taong
nakatira sa bansang ito ay mga Kristiyano. Ngunit sa paglipas ng mga taon, napalayas nila ang mga
Moro sa kanilang lupain at muling namayagpag ang ibang kaharian.

https://www.christianity.com/church/church
-history/timeline/1201-1500/ferdinand-and-
Ferdinand of Aragon Isabella of Castile
isabellas-edict-against-jews-11629894.html

• Nagpakasal sina Ferdinand of Aragon at Isabella of Castile upang magsanib ang kanilang kaharian.
• Unti unti nilang napaalis ang mga Moro at Jews sa kanilang kaharian.
• Naniniwala ang mag-asawa na dapat Katolikong bansa ang Spain kung kaya’t ipinalaganap ang
Spanish Inquisition. Ito ay layuning sugpuin ang mga maling katuruan (heresy) at ang labis na
naapektuhan ay ang mga Moro at Jews. Sila ay pinarusahan ng karumaldumal ngunit maaari
silang magpalit ng kanilang relihiyon bilang Kristiyano.
• Sa pagpatay ng mga Jews at Moro, humina ang kanilang produskyon at kalakalan dahil karamihan
sa kanila ay mga artisan, mangangalakal, negosyante, at iba pa. Gayunpaman, hindi naging
hadlang ang pangyayaring ito para makamit ang kapangyarihan ng Spain dahil sa paglalayag at
pananakop ng mga bansa. (Ating tatalakayin ang Panahon ng Paggalugad o Age of Discovery sa
mga susunod pang linggo).

You might also like