You are on page 1of 7

REPORMASYON

Ano ang repormasyon?


• ito ay isang kilusan na ibinunsod ng malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon na may
layuning baguhin ang pamamalakad sa simbahan. Ang kaganapang ito ang yumanig sa
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko. Ito’y itinuturing na mahalagang bahagi ng ating
kasaysayan dahil iminumulat nito ang mga tao sa hindi maiwanang ugnayan ng estado at
simbahan.
• Ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa paghihiwalay ng Simbahang Katoliko at Protestante.

KAUNTING KAALAMAN:
Ang salitang repormasyon ay hango sa salitang atin na reformatio na ang ibig sabihin ay
“pagpapabuti.” Ang repormista naman ang tawag sa mga taong nanguna sa repormasyon

Paano na-impluwensyahan ng Renaissace ang paglulunsad ng Repormasyon sa Simbahang


Katoliko?
• Malaki ang kinalaman ng Renaissance dahil sa binuksan nito ang mapanuring pag-iisip ng mga
iskolar at humanista na nagpasimulang atakihin ang Simbahang Katoliko pagdating sa
katuruan, patakaran, at pamamahala ng mga kaparian.

Krisis sa Simbahan:
Bago pa man nag-umpisa ang pangyayaring Repormasyon, marami na ang miyembro sa
Simbahan ang nagpoprotesta at naghahayag ng kanilang pagkadismaya sa katuruan at tradisyon ng
Simabahang Katoliko. Subalit, ang protestang pagpapahayag ng kanilang saloobin ay nagdulot ng
malaking panganib sa kanilang buhay. Bilang ang simbahan ang may hawak ng malaking
kapangyarihan, ang pagdududa at paghahamon sa katuruan ng simbahan ay isang malaking dagok
sa isang tao dahil maaaring buhay mo ang kapalit nito.

Ito ang mga sumunod na tao ang nag-umpisang hamunin ang Simbahan bago pa man nag-umpisa
ang Repormasyon:

JOHN WYCLIFFE
• Siya ay isang teologo sa University of Oxford na nag-umpisang
tuligsain ang kapangyarihang awtoridad ng Santo Papa at ang
pakikialam ng Simbahang Katoliko sa politikal na estado ng England.
• Naniniwala si Wycliffe na ang Bibliya ang pinakamataas na
awtoridad ng kaligtasan kung kaya’t lahat ng mga taong may
kakayahang bumasa ay dapat mabigyan ng pagkakataong mabasa ito.
• Sa kanyang panahon, tanging ang mga kaparian ang may taglay
na kakayahan na basahin at maibigyan ng interpretasyon ang
https://clay.at-tps.org/2017/09/08/the- kasulatan sa Bibliya dahil nakasulat ito sa Latin. Kung kaya’t
morning-star-of-the-reformation-john-
pinasimulan ni Wycliffe ang pagsasalin ng Bibliya sa wikang English (vernacular na wika sa England)
wycliffe/
upang mas maunawaan ng mga tao sa England ang banal na kasulatan.
• Hindi siya sang-ayon sa pagkamal ng salapi ng pinuno ng Simbahan dahil naniniwala siya, kagaya ng
apostol ni Hesus, dapat ang simbahan ay manatiling mahirap.
• Dahil dito, ipinatawag siya ni Pope Gregory XI upang ipaliwanag ang kaniyang mga doktrina. Sa
kasamaang palad, siya ay pinatawan bilang isang erehe, mga taong sumasalungat sa doktrina ng
Simabahang Katoliko.
• Namatay si Wycliffe dahil sa stroke na hindi pa tapos ang pagsasalin ng Bibliya sa English.
Gayunpaman, pinagpatuloy ito ng kaniyang kasamhan.

KAUNTING KAALAMAN:
LOLLARD
Ito ang ang kilusan nabuo o grupo ng mga tao na naniniwala sa doktrina ni Wycliffe. Matapos
mamatay ni Wycliffe, pinagpatuloy ng kanyang kilusan ang kanilang propaganda ngunit sila ay
dinakip at ikinulong dahil sila’y inakusahan ng maling katuruan o heresy.

JOHN HUSS
• Isa sa mga naging interesado sa mga panunulat ni Wycliffe ay ang
Czech iskolar at rektor ng na si John Huss (Jan Hus). Karamihan sa
mga pari sa Bohemia (nasa Czech Republic sa kasalukuyan) ay
mga German at hindi niya ikinakatuwa ang pribilehiyong
nakukuha nila.
• Pinasimulan niyang binatikos ang kapangyarihan ng Santo Papa at
ang kayaman ng Simbahan.
• Hiniling niya na maisalin sa wikang Czech ang Bibliya upang mas
madali itong maunawaan ng nakakarami.
https://abramkj.com/2012/11/02/jo • Sa halip na siya ay pagbigyan, ipinatawag si Huss sa isang konseho
hn-huss-c-1372-1415-who-said-the- upang ipaliwanag ang kaniyang mga pambabatikos.
psalms-as-he-burned-at-the-stake/
• Tulad ni Wycliffe, siya ay idineklarang erehe at sinunog ng buhay
(burned at stake) bilang kanyang parusa.

MGA NANGUNA SA REPORMASYON

SI MARTIN LUTHER AT ANG PROTESTANTE


Ano ang ibig sabihin ng Protestante?
• Ito ay ang kilusang na kumokontra laban sa katuruan at tradisyong paniniwala ng Simbahan
Katoliko. Sila ang nasa likod ng paglulunsad ng Repormasyon sa Simbahan. Sa kasalukuyan,
marami ang denominasyon ng Protestante tulad ng Lutheran, Anglican, Methodist, Baptist,
Born Again, at iba pa.

Kilalanin natin!
MARTIN LUTHER
• Siya ay anak ng mag-asawang German peasants na sina Hans
at Margarette Luther. Subalit ang kanyang ama ay nag-
umpisang magtrabaho bilang minero.
• Pangarap niyang maging isang abogado kung kaya’t nag-aral
ito ng batas sa University of Erfurt. Ngunit, bigla nag-iba ang
ihip ng hangin noong pumasok siya bilang isang monghe.
• Matapos maordenahan at makapag-aral ng teolohiya, siya ay
https://en.wikipedia.org/wiki/Martin pinagturo sa University of Wittenberg sa Germany.
_Luther
Bakit pumasok sa pagmomonghe si Luther kung gayon nag-aaral siya ng batas upang maging
abogado?
• Nagkaroon ng insidente noong muntik siyang matamaan ng kidlat at nakapagbitiw ng
pangako kay St. Anne na sasali siya sa pagmomonghe kung bibigyan niya ulit si Luther ng
pangalawang pagkakataon na mabuhay.

Paano nagsimulang tinuligsa ni Luther ang Simbahang Katoliko?


• Noong 1516, isang Dominikong pari na nagngangalang Johann
Tetzel ang nangaral sa pag-aalok ng pagbebenta ng
indulhensya upang makalikom ng pera para sa pagpapaayos ng
St. Peter’s Basilica sa Rome.
• Sinulatan ni Luther ang arsobispo ng Mainz upang iparating ang
kanyang pagtutol sa pag-aalok ng indulhensiya na may halaga.

KAUNTING KAALAMAN:
INDULHENSYA (INDULGENCE)
Ang indulhensya ay ang paghingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga
nagawang kasalanan o pagkakamali sa pamamagitan ng
pagkukumpisal sa mga pari, paggawa ng mabuti, at pagsasama sa https://www.alamy.com/stock-
pilgrimage. Kalaunan, pinayagan na rin na tapatan ng halaga ng salapi photo/johann-tetzel.html
Johann Tetzel
ang indulhensya.

Ano ang ginawa ni Luther matapos malaman ang kontrabersiyal na indulhensya?


• Noong October 31, 1517, ipinaskil ni Martin Luther sa pintuan ng
simbahan sa Wittenberg, Germany ang kanyang hinaing at
pagbabatikos sa indulhensya at sa Simbahang Katoliko, ito ay
tinatawag na Disputation on the Power of Indulgences o mas
kilala sa tawag na 95 Theses.
• Hinamon niya ang sinuman sa isang debate tungkol sa
katarungan at katotohanan ng pagbebenta ng indulhensya.
• Ang mga sumusunod ang ilan sa mga nilalamang argumento ni
Luther sa kanyang 95 Theses:
❖ Pagbili ng indulhensya. Naniniwala si Luther na tanging
pananalig lamang ang makapagliligtas sa mga tao at hindi https://www.thegospelcoalition.org/
ang indulhensya at paggawa ng mabuti. Ang isa sa mga basehan niya ay makikita sa
blogs/justin-taylor/95-theses/
Bibliya na nakasaad, “the righteous shall live by faith”- Romans 1:17.
❖ Awtoridad ng Santo Papa. Walang mas nakakataas sa Bibliya at ito lamang ang
magiging gabay sa buhay Kristiyano.
❖ Pangungumpisal sa Pari. Ang pinupunto ni Luther ay maaaring iderekta ang
pangungumpisal ng tao sa Diyos hindi na kailangang iparating ito sa mga kaparian.
❖ Paggamit ng Latin. Tulad nila Wycliffe at Huss, kinakailangang gamitin ang wikang
pangkaraniwan (vulgar o vernacular) upang mas maunawaan ng mamamayan ang
nilalaman ng Bibliya.

Ano ang nangyari kay Luther matapos pumutok sa kalupaan ng Europe ang kanyang argumento?
• Hindi ikinasaya ng Simbahang Katoliko ang ginawa ni Luther kung kaya’t nagpalabas ng papal
bull (isang kasulatan) si Pope Leo X na nagsasaad na binibigyan lamang ng 60 na araw si Luther
para bawiin ang kanyang mga katuruan. Kung hindi niya ito susundin ay maaaring siyang i-
excommunicate o itiwalag sa Simbahan.
• Sinunog ni Luther ang papal bull kung kaya’t ang tugon ni Pope Leo X ay alisin ang karapatan
ni Martin Luther sa Simbahang Katoliko. Gayunpaman, nagpatawag ng asembleya o tinatawag
na Diet of Worms ang Emperador ng Holy Roman Empire na si Charles V upang bigyan ng
pagkakataon si Luther ngunit tumanggi pa rin ito na bawiin ang kanyang sinabi. Kung kaya’t
nagpalabas ng kautusan ang Emperador na patayin si Luther.
• Itinago ng mga Lutheran (tawag sa taga-sunod o naniniwala sa katuruan ni Luther) at ni Prince
Frederick III sa isang kastilyo sa Watburg si Luther upang siya ay iligtas.
• Nagbunsod ng kaguluhan at kalituhan ang katuruan ni Luther sa Germany kung kaya’t
nagpatawag muli ng ikalawang asembleya upang malutas ang problemang kinakaharap ng
bawat prinsipe sa Germany.
• Peace of Ausburg. Ito ang pinagkasunduang usapan upang malutas ang suliraning panrelihiyon
sa Germany. Isinasaad dito ang prinsipiyong cuis regio, eius religio o “kung sino ang
namumuno, kaniyang relihiyon.” Pinayagan ang mga prinsipe sa mga estado ng Germany na
pumili ng sariling relihiyon. Sa Hilaga ay niyakap ang Protestantismo partikular na ang
Lutheran at Timog ay nanatiling Katoliko.

Ano ang naging epekto ng ginawa ni Luther sa paglulunsad ng Repormasyon sa Simbahan?


• Sa paghamon ni Luther sa katuruan ng Simbahang Katoliko, ito ang naging basehan at
inspirasyon ng ibang mga repormista upang isulong kanilang paniniwalang pagbabago sa
Simbahang Katoliko.

ULRICH ZWINGLI
• Si Zwingli ay naging kritiko rin ng Katolisismo sa Switzerland.
https://en.wikipedia.org/wiki/Huldry
ch_Zwingli

JOHN CALVIN
• Siya ay isang Pranses na naniniwala at sumasang-ayon sa
paniniwala ni Zwingli. Natungo siya sa Switzerland dahil sa
pag-aalsa ng mga Protestanteng Pranses sa France.
• Isinulat niya ang librong Institutes of the Christian Religion
na naglalaman ng ideya tungkol sa predistinasyon.
• Ayon sa naturang doktrina (predestinasyon), ang kaluluwa ay
maliligtas batay sa pagpapasiya ng Diyos at may mga taong
nakatakda na sa langit at sa impyerno. Ang sektang kanyang
itinatag ay tinawag na Calvinism. Tinaguriang namang
Huguenot ang mga taga-sunod sa France at Puritan sa
https://www.magnoliabox.com/prod England.
ucts/portrait-of-john-calvin-42-
Repormasyon 60468585
sa England
• Ang England ay isang debotong Katolikong bansa ngunit umabot ang konsepto ng
Protestantismo sa kanilang lugar. Sa lahat ng mga naunang repormistang ating tinalakay,
karamihan sa kanila ay mga pari o nagtuturo ng teologo sa mga Unibersidad. Ngunit sa
England, ang nanguna sa reporma sa Simbahang Katoliko ay ang kanilang hari na si Henry VIII.

Ano ang kinalaman ni Haring Henry VIII sa pagsisimula ng Repormasyon sa England?


• Si Henry VIII ay ikinasal sa kanyang asawa na si Catherine of Aragon
ngunit gusto niya itong hiwalayan dahil hindi kayang mabigyan ni
Catherine ng lalaking anak si Henry VIII. Nagkaroon sila ng supling na
babae na si Mary I. Sa pagkakatoong ito, humiling siya sa Simbahang
Katoliko na mapawalang-bisa ang kasal upang makahanap siya ng
panibagong mapapangasawa ngunit hindi pumayag ang Simbahan.
• Noong nabigyan siya ng kapangyarihang tinatawag na Act of
Supremacy, binawasan ang impluwensiya ng Santo Papa sa England at
ginawang pinuno si Henry VIII ng Simbahan.
• Dahil dito, nagawa ni Henry VIII na hiwalayan si Catherine of Aragon at
humiwalay ang sila sa Simbahang Katoliko. Dito naitatag ang simbahan https://www.gazetteandheral
sa England na tinatawag na Anglicanism. d.co.uk/news/4213758.histori
ans-mark-henry-viiis-wiltshire-
connections/
• Pinakasalan ni Henry VIII ang pangalawang asawa niya si Anne Boleyn ngunit nagkaroon sila
ng babaeng supling, Elizabeth I. Hindi nabigyan ni Anne ng lalaking anak si Henry VIII kung
kaya’t gusto niya itong hiwalayan. Upang maisakatuparan ito, inakusahan si Anne Boleyn ng
pakikiapid kung kaya’t siya ay pinugutan ng ulo.
• Pinakasalan niya ang pangatlo niyang asawa na si Jane Seymour at nagkapagbigay siya ng
lalaking supling, Edward VI. Ngunit namatay si Jane sa komplikasyon sa panganganak kay
Prince Edward VI.
• Nagpakasal muli si Henry VIII sa ika-apat niyang asawa na si Anne of Cleves ngunit hiniwalayan
niya rin ito upang mapakasalan niya si Catherine Howard. Sa kasamaang palad, pinapugutan
ng ulo si Catherine Howard dahil sa pagtataksil.
• Ang huli at pang-anim niyang asawa ay si Catherine Parr.
Kalaunan namatay si Henry VIII dahil sa sakit at si Edward
VI ang namuno at patuloy pa ring namayagpag ang
Protestantismo sa England.
• Noong namatay si Edward VI, ang humalili sa kanyang
trono ay ang kanyang kapatid na si Mary I. Sa pamumuno
ni Mary I, bumalik ang Katolisismo dahil siya ay isang
debotong Katoliko. Ipinapatay niya ang lahat ng mga
heretikong Protestante kung kaya’t tinawag siya bilang
Bloody Mary.
• Noong namatay si Mary I, ang sumunod sa kanyang trono
ay si Elizabeth I at dito muling bumalik sa pagiging
https://www.fanpop.com/clubs/history/i
Protestanteng bansa ang England.
mages/38721572/title/six-wives-henry-
Larawan ng lahat ng asawa
viii-photoni Henry VIII

Anu-ano ang doktrina pinaniniwalaan ng mga Protestante?


1. Sola Scriptura (Banal na Kasulatan lamang). Ang Bibliya lamang ang nag-iisang awtoridad para
sa lahat ng bagay ng pananampalataya, buhay, at doktrina.
2. Sola Fide (pananampalataya lamang). Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Hesu Kristo lamang.
3. Sola Gratia (biyaya lamang). Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos lamang.
4. Solo Christo (Si Kristo lamang). Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang kay Hesu Kristo dahil
sa kanyang haing pagbabayad-sala.
5. Soli Deo Gloria (para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang). Ang kaligtasan ay nagawa ng Diyos
lamang at para lamang sa kanyang kaluwalhatian.

KONTRA-REPORMASYON
Dahil sa pambabatikos at panawagan ng mga repormista na baguhin ang ilang sistema sa
Simbahang Katoliko, nakapagdulot ito ng pagiging bukas ng Simbahan sa pagbabago.

Ano ang ginawang hakbang ng Simbahang upang muling magbalik loob ang mga Protestante sa
Simbahan Katoliko?
• Si Pope Paul III ay nagpatawag ng pulong na tinatawag na Council of Trent na dinaluhan ng
mga cardinal, arsobispo, obpisbo, at teologo upang pag-usapan ang mga hakbang at hinaing
ng mga Protestante.
Ang mga sumusunod ang layunin ng konseho:
1. Kondenahin ang prinsipiyo at doktrina ng Protestantismo at linawin ang mga doktrina ng
Simbahan na pilit binabatikos;
2. Isasaayos ang disiplina at pamamahala ng mga pinuno o takapaglingkod ng Simbahan;
3. Idiin na ang Simbahan ang pangunahing tagapagpaliwanag ng Bibliya;
4. Ipaliwanag na magkaugnay ang paggawa ng mabuti at pananalig sa pagtamo ng kaligtasan;
at
5. Paninindigan na ang paghingi ng kapatawaran o indulhensya, benerasyon sa mga Santo at
relika, paglalakbay sa Banal na lugar, at paggalang kay Birheng Maria ay mahalagang tradisyon
ng Simbahan, subalit ang pang-aabuso rito tulad ng pagbebenta ng indulhensya ay
ipinagbabawal.

Bukod sa layuning pinag-usapan sa Council of Trent, nagsagawa pa ang Simbahan ng iba pang
gawain upang mapigil ang kilusang Protestantismo. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Index Librorum Prohibitorum (Index of Prohibited Books). Ito ay ang listahan ng mga aklat na
ipinagbabawal basahin ng mga Katoliko lalo na ng mga repormista.
2. Ingkisisyon (Inquisition). Ito ay ang hukuman na nag-iimbestiga ng mga pinaghihinalaang
erehe. Sa halip na maisaayos ang imahe ng Simbahan, naging dahilan pa ito ng pambabatikos
ng mga Repormista dahil sa libo-libong ipinapatay na binansagang erehe.
3. Mga Misyonero. Malaki ang tulong ng mga misyonero sa pagpapanatili ng pananalig ng
Simbahang Katoliko at maipagpatuloy ang pagpapalawak ng Katolisismo noong panahon iyon.
Ang isa sa mga nangunang misyenero ay ang Societ of Jesus o ang mga Heswita (Jesuit) na
itinatag na Ignacio de Loyola. Ang pangunahing misyon nila ay ang pagtatag ng mga paaralan
at pagtuturo ng doktrina.

EPEKTO NG REPORMASYON
Nagkaroon ng dalawang pagkakabahagi sa Simbahan nang maganap ang Repormasyon- ang
mga Katoliko at Protestante. Bagaman nasa ilalim ng Kristiyanismo, magkaiba ang kaniolang doktrina
at paraan ng pagsamba. Sa kasalukuyan, dumami ang denominasyon ng Protestsante tulad ng Born
Again, Adventist, Aglipay, Baptist, Methodist, Calvinism, Anglicanism at marami pang iba.
Ito ang pagkaka-iba ng Katolisimo at Protestantismo.
Katolisimo Protestantismo
1. Pinuno ng denominasyon Santo Papa Walang eksaktong pangunahing
pinuno
2. Sentral ng lokasyon ng Vatican sa Roma Walang eksaktong sentral na
Simbahan simbahan
3. Sekta Wala Lutheran, Calvinism, Anglican,
Presbyterian, Baptist, at iba pa.
4. Paniniwala Nakabatay sa Bibliya at Nakabatay sa Bibliya
tradisyon
5. Pangungumpisal Sa pamamagitan ng pari Direkta sa Diyos

You might also like