You are on page 1of 1

Noong ika-10 na siglo, nagsimula ang Repormasyon.

Lumaganap ang pangungurakot sa Simbahang Katoliko


at nabibili pa rin ang mga indulgencia, o ang pagpapatawad. Ang sekularismo at humanism ay lumaganap din sa
panahong ito, kasama na ang pagkaimbento ng printing press na ginamit para ikalat ang mga konsepto’t ideya na
tumutuligsa sa mga paniniwala ng Simbahan. Ang Santo Papa rin ay kinakalaban ng mga taga-ibang bansa dahil siya’y
nakikita bilang foreigner. Ang mga pari rin noong panahon na iyon ay labis-labis ang paglulustay ng pera at mataas
ang ipinapataw na mga buwis sa mga Katoliko. Dahil sa korapsyon na naganap, nagsulat si Martin Luther ng mga
thesis ukol sa maling ginagawa ng Simbahan. Bilang resulta, maraming sumunod sa kanya at iniwan ang Simbahang
Katoliko. Tinawag nila ang sarili nila bilang mga Lutheran.

Ang mga mahihirap ay nagsimula ng rebolusyon para sa kanilang kalayaan mula sa pangungurakot at
pagsasamantala ng pamahalaan at simbahan, ngunit hindi sila sinuportahan ni Luther. Ang mga prinsipeng
sumuporta kay Luther at lumaban sa Katolisismo ay mga Protestant. Nang maglaon, hinayaan ang mga prinsipeng ito
na piumili ng sari-sariling relihyon para sa kanilang mga sariling estado, at ang kasunduan na ito ay tinatawag na
Peace of Augsburg.

Ang Inglatera ay sumunod din at naging Protestant dahil kay Henry VIII. Hindi siya hinahayaang
makipagdiborsiyo sa kaniyang unang asawa ng Simbahang Katoliko, kaya siya’y naging Protestant upang makapag-
asawa muli. Nagkaroon siya ng anim na asawa at tatlong anak na susunod sa kanya sa trono. Si Edward VI, ang
kanyang nag-iisang lalaking anak, ay namatay agad. Ang sumunod ay si Mary I, na ibinalik ang Katolisismo sa
Inglatera pero namatay rin. Si Elizabeth I ang sumunod at bumuo ng Anglicanism, isang relihyon na layong
pagkasunduin ang mga Katoliko at Protestant.

Sa dako naman ng Pransiya, si John Calvin ay bumuo ng kaniyang sariling relihyon na batay sa mga ideya ni
Luther, ang Calvinism, na may mga tagasunod na tinatawag na mga Huguenot. Ito ang nakaimpluwensiya kay John
Knox na taga-Scotland. Ang mga sumunod sa mga paniniwala ni John Knox ay tinawag na mga Presbyterian.

Maraming ibang relihyon ang nabuo. Isa na rin dito ang mga Anabaptist, na naniniwalang mabautismo
lamang ang isang tao kung kalian may edad na sila at nagdesisyon na silang maging Kristiyano. Sila ang
nakaimpluwensiya sa mga Quaker at Baptist na nanggaling sa mga Anglican.

Sa loob mismo ng Simbahang Katoliko, nagkaroon din ng repormasyon. Nagkaroon ng Council of Trent na
naging kasunduan ng mga Katolikong pari ukol sa mga bagay gaya ng pagkakaintindi ng Simbahan sa Bibliya, ang
pangangailangan ng pananampalataya at mabubuting gawa, ang hindi pagbabayad para sa indulgencia, at ang
pagiging makapangyarihang awtoridad ng Bibliya at ng Simbahan.

Ang lahat ng mgabagay nito ang bumuo sa napakahalagang pangyayari na tinatawag nating Repormasyon.
Hanggang ngayon, kitang-kita ang mga epekto nito, hindi lamang sa ating mga paniniwala’t relihyon, kundi pati na rin
sa ating mga buhay at sa takbo ng ating mundo.

MGA REPERENSIYA:

Beck, R. B., Black, L., Krieger, L., Naylor, P. C., & Shabaka, D. I. (2014). World history: Patterns of interaction. Orlando,
FL: Holt McDougal/Houghton Mifflin Harcourt.

Reformation. (2018, August 17). Retrieved October 13, 2018, from https://www.britannica.com/event/Reformation

You might also like