Professional Documents
Culture Documents
Nang dumating ang mga Kastila sa kapuluan noong 16 DT, ang impluwensiyang Islamiko ay
naabot na sa Palawan at Maynila. Bagama’t ang Maynila ay hindi pa ganap na maituturing na isang
pamayanang Muslim1, katulad ng Sulu at Maguindanao, hindi maitatanggi na nakaabot na ang
impluwensiyang Muslim sa kaharian ni Sulayman (na pinaniniwalaan ng isang Muslim) at Lakandula
ng Tundo. Sa katunayan ang sultan ng Borneo ay nagpahayag at nagpadala ng tulong, upang labanan
ang puwersang Kastila.
1
Tingnan si O. D. Corpuz, sa kanyang “The Roots of the Filipino Nation”. P. 50-53
lakas ng Islam at ng tradisyon, pinagtibay ni Salip Abu Bakar ang sultanato ng Sulu, sa pamamagitan
ng pagtatatag at pagpapalakas ng Kampong.
Maliban sa sulatanato ng Sulu na dinodomina ng mga Tausug, mahalaga rin ang nagging papel ng
sutanato ng Maguindanao sa kasaysayan ng bansa. Ayon sa tarsilao salsila2, ang sultanato ng
Maguindanao ay itinatag ni Sharif Kabungsuwan na pinaniniwalaang inapo ng propetang
Muhammad.
2
Sa mas detalyadong pagtalakay, tungkol sa pamayanang Muslim at sa tonsil. Sumangguni kay Cesar Adib Majul,
Muslim in the Philippines (Quezon City at U.P Press, 1973)
TALAHANAYAN 4
Sistemang Sultanato
Sultan
Ruma Bichara
Wahir Mirbahal
Kalipunan ng Tagapayo ng Sultan sa Aspetong
Kataas-taasang Ministro Pampulitika, Ekonomiya at Relihiyon Pinunong Pangkalakalan
Panglima
Muluk Bandarasa Maharaja
Tagapagpalaganap ng mga Dikreto o Kautusan sa
Kalihim ng Estado Pinuno ng Aduana
Lokal na Antas
MAHARAJA ADINDA
Ikalawang Prinsipe o
Tagapagmana sa Trono
Maliban sa mga pamayanang barangay at sa institusyong sultanato, may ilan pang uri ng mga
pamayanang proto-filipino na dinatnan ng mga dayuhang Kastila sa kapuluan. Sila ang malalayang
pangkat etniko na nanatiling taal sa kanilang kinagisnan at kinasanayang kultura at mga paniniwala.
Anumang pagtatangka ng labas, maging Kastila man o Muslim, sila ay hindi yumukod sa panggugulo
at pagpupumilit na palitan ang kanilang kamulatan at tanggapin ang bago.
Si William Henry Scott (1982), sa kanyang pagtalakay sa mga malalayang pamayanang etniko3
ay nakagawa ng apat a klasipikasyon. Uri ng mga pamayanang hindi napasailalim sa impluwensiya at
kapangyarihan ng mga mananakop. Ang bawat uri ng pamayang etnikong kanyang inilarawan ay may
kanya-kanyang katanian:
2. Warrior Society- sa uri ng lipunang ito, ang itinuturing na mataas ay ang mga malalakas.
Ang pamantayan ng paghahati-hati ng tao sa lupunang mandirigma ay kakayahan at
kagalingan ng mga kasapi sa larangan ng digmaan. Sa ganitong uri ng pamayanan,
napataas ang pagtingin sa mga bagani (warrior). Ang mga pamayanang Bagobo at
Manobo ay nabibilang sa lipunang ito.
3
Sa mas lalong ikauunawa sa mga malalayang pamayanang etniko, basahin ang “Cracks in the Parchment Curtain”
ni William Henry Scott. (Quezon City, New Day, 1982)
3. Petty Plutocracies- sa lipunang ito, lubos na pinahahalagahan ang mga pamilyang may ari-
arian. Ang mga may kayang pamilya ay madalas na naghahanda at nagpapakain sa mga
kasapi ng pamayanan. Madalas, sinusukatang yaman at katayuan ng pamilya sad alas at
tagal na pagpipista. Ang pamayanang may ganitong uri ay may malinaw na sinusunod na
mga alitutunin ng pamayanan. Ang Ifugao sa bulubundukin ng Cordillera ay isang
halimbawa ng mgay ganitong uri ng pamayanan.
Sa bahaging ito ng aklat, tatangkain ng mga may akda na ititik ang mga naging tunguhin at
tugon ng mga malalayang pamayanang etniko sa istrukturang kolonyal. Mahahati sa dalawang
mahahalagang tema ang ikatlong bahagi ng aklat. (1) ang paglalatag ng istruktura at mga polisiyang
kolonyal at (2) ang mga naging tunguhin at tugon ng mga katutubo sa hamon ng kolonisasyon. Sa
unang tema, matatalakay ang mga sumusunod na paksa:
Bibigyang diin naman ng ikalawang tema ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:
4
Sa panahon ng Kastila ay walang kongreso, sapagkat ang batas ay mula sa mga atas ng hari.
nasyonal at lokal. Ang magkaibang polisiya at pamamahala sa mga katutubo ang madalas na
pagmulan ng mga di pagkakaunawaan ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan. Ang mga prayle ay
tumayong tagapagtanggol ng mga katutubo laban sa mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga
encomiendero (hindi makatarungang paniningil ng buwis at ng walang habas na pagpapadala sa mga
katutubo sa labas ng kanilang encomienda)5 ay nagpadala ng ulat sa hari na naglalaman ng mga
kamalian at kakulangan ng ma opisyales ng pamahalaan. Kung minsan pa nga, humahantong sa
pulpit ang di pagkakaunawaan ng mga prayle at encomiendero.
5
Ang encomienda ay isang uri ng lokal na pamamahala. Basahin si Agoncillo (1960) at O.D. Corpuz “Roots of
Fililpino Nation (1989)”
A. ANG PAMAHALAANG NASYONAL
Ang gobernador heneral ang siya ring kinikilala bilang punong-sibil at pinuno ng sandatahang
lakas ng pamahalaang kolonyal. Ang opisina nito ay may kapangyarihang magtalaga-/magtanggal ng
mga opisyal ng kolonya, maliban sa mga direktang opisyales na itinalaga ng hari. May
kapangyarihang magdiseno ng panlabas na polisiya ng kolonya (Foreign Policy), kasamana ang
pagdedeklara ng digmaan sa mga karatig na estado ng kolonya, pagtatakda ng diplomatikong
relasyon (Pobre 2000), pagsilip/pagrerekomenda sa mga itinalagang oopisyal ng simbahan sa
kolonya at ang kapangyarihan na magsuspinde ng mga batas (veto) na kilala sa tawag na Cumplse.
Sa kabuuan, ang mga pagtatangka ng hari na masiguro ang kapakanan ng mga mamamayan
ng kolonya at matiyak ang integridad ng kaharian ng Espanya ay hindi lubusang naging tagumpay,
dala na rin ng sabuwatan ng mga opisyales ng pamahalaan at kawalang aksyon ng simbahan. Ang
mga pang-aabusong ito ng mga namamahala sa kolonya ang isa sa mga naging pangunahing dahilan
ng mga mamamayan sa kanilang pagkilos, laban sa kapangyarihan ng pamahalaang kolonyal.
B. PAMAHALAANG LOKAL
Sa mas maayos na pamamahala, ang mga lalawigan ay hinati-hati sa mga bayan/pueblo. Ang
itinalagang pinuno ng pueblo ay tinawag na gobernadorcillo, na ang katumbas sa kontemporaryong
panahon ay alkalde/mayor. Sa pagpasok ng 19 na DT, ang posisyon ng gobernadorcillo ay binuksan sa
mga katutubo at mga mestizo. Ang karamihan sa mga naging gobernadorcillo ay ang mga pamilyang
nagtamasa ng yaman na dala ng kanilang pakikilahok sa kalakalan.
Ang alkalde mayor at gobernadorcillo ay may halos parehas na tungkulin. Ang alkalde mayor
ay tumatayong punong tagapagpaganap ng mga polisiya at batas at pangunahing tagapangolekta ng
buwis. Hindi kalakihan ang kanyang tinatanggap na suweldo, ngunit siya naman ay nagtaglay ng
isang pribilehiyo na nagbigay sa kanya ng pagkakataong magpayaman at magpabaya sa tungkulin.
Ang tawag sa pribilehiyong ito ng alkalde mayor ay Indulto de Comercio. Ang pribilehiyong ito ay
inabuso, dahilan, upang mapabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan.
Sa kabilang banda, ang gobernadorcillo, na umakto bilang punong bayan (mayor) ay may
kapangyarihang magpatupad ng batas at mangolekta ng buwis sa kanyang sakop. Siya ang
pangunahing tagapagpanatili ng kaayusan at kapayapaan ng bayan. Ang gobernadorcillo ay hindi
tumatanggap ng suweldo, sa halip, siya ay hindi na pinagbabayad ng buwis at pinagtatrabaho, bilang
polista. Bukod sa mga benepisyong ito, ang pagtingin at trato sa kanya ng mamamayan ay isang
malaking kabayaran at karangalan, kapalit ng kanyang serbisy.
Ang isa pang uri ng pamahalaang lokal na ipinakilala ng pamahalaang kolonyal ay ang
pamahalaang panlunsod o Ayuntamiento. Sa pagdating ng mga Kastilang mananakop ay lumikha sila
ng mga lunsod na magiging sentro ng pamamahala at kulturang Kastila sa kapuluan. Ang ilan sa mga
pinakaunang lunsod sa kapuluan na itinatag na pamahalaang kolonyal na naaayon sa kanilang mga
pamantayan ay ang Cebu (1569), Maynila (1571), Nueva Caceres o Naga sa Kabikulan, Arevalo (Iloilo),
Villa Fernandina (Vigan), at Nueva Segovia. Ang pamahalaang lunsod o Ayuntamiento ay binubuo ng
Sabildo, bilang konseho ng lunsod- at kinabibilangan ng alkalde residorer/konsehal at aguacil mayor o
hepe ng pulisya (Agoncillo, 1960; Cortes, Boncan at Jose, 2000). Ang mga lunsod na ito na naging
sentro ng pulitika at kalinangang pangkultura ng Espanya sa kapuluan ang siya ring pinagsibulan ng
kamulatan at kalinangang Filipino, na humamon sa kaayusan at kapangyarihan ng pamahalaang
kolonyal.
III. MGA PATAKARANG PANGKABUHAYAN NG PAMAHALAANG KASTILA SA PILIPINAS
Sa anotasyon ni Rizal ng Successos de las Islas Filipinas6 ni Dr. Antonio Morga ay kkanyang
binigyang katuwiran ang mga naging hakbang ng mga katutubo hinggil sa pagmamalabis at
pagmamalupit ng mga encomiendero at iba pang opisyal na Kastila. Ayon kay Rizal, ang salitang
pacificar (pacify) at encomiendar (entrust) ay hindi naaayon na gamitin ng mga Kastila. Una,
sapagkat ang ginawa ng mga katutubo ay lohikal at natural na reaksyon lamang, sa pagsakop at
pang-aabuso ng mga ddayuhan. Paano nga naman na sasabihin ni Morga at ng iba pang
6
Ang temang ito ay tinalakay ni Floro Quibuyen sa kanyang “A Nation Aborted”, Lunsod Quezon. Ateneo de Manila
Press, 2000.
mananalaysay na Kastila na ang ginawa nila ay pagpapatahimik sa mga katutubo, gayong sila ang
dahilan ng gulo. Samantala, binigyang pansin ni Rizal na ang encomienda o pagtitiwala (entrust) ay
isang gawa na kusang oob na ibinibigay ng taong naghahabilin at hindi ito nahahabilin, sa
pamamagitan ng dahas at lakas.
Ang ilan sa mga programang pangkabuhayan ipinatupad ng pamahalaang Kastila ay ang mga
sumusunod: (a) Tributo, (b) Bandala, (c) Polo y Servicios, (d) Kalakalang Galleon, (e) Monopolyo ng
Tabako at (f) Compania Royal de Filipinas.
C. Polo y Servicios- ang sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihan na may edad 16-60, sa
loob ng 40 araw ay kung tutuusin ay hindi masama. Sa teorya, nilalayon ng polo y
servicios na matugunan ang mga pangangailangan ng kolonya, tulad ng mga simbahan,
pamahalaan, tulay at iba pang esensyal sa pagpapatakbo ng pamayanan. Sa
pamamagitan ng sama-samang pagratrabaho ng mga mamamayan ng isang komunidad
(bayanihan). Sa ilalim ng batas para sa kolonya, ang mga polista o ang mga manggagawa
ay may proteksyon sa pagmamalabis ng mga opisyal ng pamahalaang kkolonyal. Inatasan
din ng hari ang mga opisyal na siguruhin, na ang mga polista ay makatatangap ng sapat
na kabayaran sa kanilang serbisyo. Ngunit, tulad ng ibang programang pangkabuhayan,
ito ay pinagkakitaan at inabuso ng mgaraming opisyal ng kolonya. Ang di pagtupad sa
mga alituntunin ng polo y servicios ay nagbigay ng maraming hirap sa mga mamamayan.
Ang pagpapadala sa mga polista sa mga pook na malayo sa kanilang pamayanan ay
nagpahina sa moral ng kanilang pamiya. Ang ganitong gawain ay lubusang nakaapekto sa
kani-kanilang produksyon, dahilan, upang sila ay lalong maghirap, na naging sanhi naman
upang yanigin ng mga katutubo ang kaayusang kolonyal.
Sa kabilang banda, ang inapo ng mga datu, na malaki ang naitulong sa proseso ng
kolonisasyon, at ang mga mamamayan na may kakayahang magbayad ng falla ay binigyan ng
eksempsyon ng pamahalaang kolonyal.
D. ANG KALAKALANG GALYON
Ang patakarang pangkabuhayang ito na kilala rin sa tawag na Kalakalang Manila- Acapulco ay
naging mahalagang tagapag-ugnay ng Maynila sa Mehiko at sa Espanya. Matatandaan na ang
Pilipinas ay matagal na pinamahalaan ng hari ng Espanya, sa pamamagitan ng viceroy ng Mehiko at
sa pamamagitan ng kalakalang Galyon, regular na nabibigyan ng ulat ang viceroy ng Mehiko tungkol
sa kondisyon ng Pilipinas. Ang barkong Galyon ay naglalaman, hindi lamang ng mahahalagang
kalakal, mula sa Asya at Amerika, kundi ng mahahalagang dokumentong may kaugnayan sa
pamamahala sa kolonya, at ng tulong pinansiyal ng Espanya, para sa mga gastusin ng pamahalaang
kolonyal sa kapuluan.
7
Nais linawin ng may akda na ang mga relihiyosong korporasyon ay pinahihintulutan ng hari na sumali sa
kalakalang Galyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Indulto de Comercio sa simbahan, nabigyan ng taunang kota
ng bolotas, na kanilang tiket sa Galyon.
8
Ang Obras Pias ay kahalintulad ng kasalukuyang mga bangko. Ito ay pinamahalaan ng mga samahang pang
relilhiyon at naging malaking bahagi ng kalakalang Galyon.
kolonya ay dumanas ng krisis sa pagkain, dahilan, upang lumaganap ang gutom. Ang puspusang
pagtatanim ng tabako, upang matustusan ang pangangailangan nito sa merkado sa labas ng
kapuluan ang nagpababa sa suplay ng bigas, mais at iba pang pangunahing pagkain ng mga
katutubo.
E. MONOPOLYO NG TABAKO
Ang monopoly ng tabako ay binuwag nong 1882, dahil sa malawakang korupsyon at pang-
aabuso.
Ang kabatang ito ay tatalakay sa isang mahalagang paksang pang kasaysayan- ang mga
pagbabagong sosyo-kultural sa mga pamayanang proto-filipino. Bibigyang pansin ang mga
sumusunod na tema: (a) reduccion, (b) ang mga relihiyosong order ng mga pari, (c) sining at
panitikan, (d) pagbabago sa edukasyon at agham at (e) antas ng tao sa lipunang kolonyal.
Nililinaw ng mga may akda na bibigyang diin ang pakikipagtagpo/pakikibagay ng mga
katutubo sa mga pagbabagong pang kultura sa lipunang kolonyal.
A. REDUCCION
Ang mga ekspedisyong militar (entradas) ay hindi naging sapat upang lubusang mapasailalim
ng pamahalaang Kastila ang mga katutubong pamayanan na kanilang nasakop. Ang pagkakawatak-
watak ng mga pamayanang proto-filipino na ang karamihan ay nakatira sa mga baybaying dagat at
ang iba naman ay matatagpuan sa mga matataas na lugar ay naging blakid sa maayos na
sistematikong pamamahala sa kapuluan.
Ang doktrina, ayon kay Zamora y Conrado ay komunidad ng mga katutubong yumakap sa
Kristyanismo na dumaan sa proseso ng indokrinasyon, upang sila ay maihanda, bilang bahagi ng
parokya. (Malayang Salin). Ang doktrina ay sinisimlan sa pagtuturo ng mga prayle o doktrineros ng
mga aral at paniniwala ng Kristiyanismo at susundan ng pagbibinyag, bago tuluyang pumasok sa
parokya at maging bahagi ng pamayanang Kristiyano (Corpuz, 1989).
Ayon kay Corpuz (1989), matapos ang doktrina, ang mga katutubong Filipino na pumasok sa
plasa, ay maaating tingnan sa dalawang magkaiba, ngunit nagtutulungang komunidad: ang pueblo
(reduccion) o ang pamayanang sibil at ang pamayanang Kristiyano sa ilalim ng pag-aandukha ng
simbahan (doktrina). Ang dalawang uri ng komunidad na ito ay kumakatawan sa kabuuan ng
pagkatao ng tao, ana kung saan ang una ay tumutukoy sa aspeto ng temporal (materyal) at ang
ikalawa ay sa aspetong ispitirwal.
9
Sa mas malalimang pagtalakay, sumangguni kay O.D Corpuz (1989) sa kanyang “Roots of the Filipino Nation”
B. ANG RELIHIYOSONG ORDER NG MGA PRAYLE
Ang pagkakaisa ng simbahan at pamahalaan (unity of church and state) ang isa sa pangunahing
karakter ng kaayusang kolonyal sa kapuluan. Sa bias ng paronato real, pinagkalooban ng Santo Papa
ang hari ng Espanya ay patunay ng pagkilala ng simbahan sa malaking papel ng Espanya sa pagsulong
at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Sa kabilang banda, hindi matatawaran ninuman ang naging papel ng mga prayle sa
paglalatag at pagpapanatili ng kapangyarihang kolonyal sa kapuluan. Bilang mga misyunero ng
simbahan, ginalugad ng mga prayle ang matatarik nga kagubatan, upang hikayatin ang mga
katutubo na pumaloob sa mga pueblo, at yakapon sa kristiyanismo at ang kapangyarihan ng hari.
Ang mga prayle ang naging pangunahing lakas ng pamahalaang kolonyal sa kapuluan. Kabahagi sia
ng mga sundalong kastila sa pagpasok sa mga pook na hindi pa napapasailalim sa kontrol ng kolonya.
Ang mga prayle ay nanguna rin sa pagsugpo sa mga kilos ng mga katutubo, laban sa kaayusang
kolonyal. Ayon nga sa isang mananalaysay, “Ang hari ay mayroong isang batalyon ng sundalo sa
katauhan ng mga prayle.” Ang komentong ito ay malinaw na patunay ng malaking bahagi ng mga
prayle sa pagpapanatili ng kapangyarihang kolonyal sa kapuluan.
Maliban dito, ang mga prayle ay tumayo rin, bilang pangunahing ahente ng pamahalaan na
naging responsable sa pagtatag at paghati-hati ng mga alcaldia sa mga pueblo. Dahill dito, mas
natutuhan ng pamahalaang kolonyal (sa pamamagitan ng pagpapalakas sa pamahalaang lokal) ang
pangangasiwa at pagpapalakas ng impluwensiyang kastila sa kapuluan.
Ang buong kapuluan ay hinati sa apat na diyosis. Ang unang diyosis na tinatag ay ang diyosis
ng Maynia. Noong 1578, na kung saan unang ipinasailalim dito ang buong kapuluang nasakop.
Sumunod na inorganisa noong 1595 ang tatlo pang diyosis. Ang diyosis ng Cebu na sumaklaw sa
buong Visayas at Mindanao. Ang diyosis ng Nueva Segovia, na sumakop sa Pangasinan at hilagang
Luzon at diyosis ng Nueva Caceres, na siyang nakasakop sa Kabikulan. (Cortez at iba pa, 2000).
Sa pagkakatalaga kay Fr. Domingo de Salazar, bilang unang Obispo ng Maynila noong 1581.
Ang diyosis ng Maynila ay nawala sa pangangasiwa ng arkidiyosis ng Mehiko. Samantala, noong 1595
ang diyosis ng Maynila ay naging isang arkidiyosis. Sa ilalim ng pangangasiwa ni Fr. Ignacio
Santibanez, bilang unang arsobispo. Sa pagkakatatag ng arkidiyosis ng Maynila, ang pamahalaang
eklisiyastikal sa kapuluan ay pinamunuan ng arsobispo ng Maynila na itinalaga ng Santo Papa, sa
rekomendasyon ng hari ng Espanya. (Agoncillo, 1974)