You are on page 1of 8

1.

Ang asawa ni Mang Tino ay alibugha sapagkat agad itong


nag – asawa nang siya ay namayapa at iniwan ang kanilang
mga supling sa pangangalaga ng kanilang lola Bening.

Ang salitang alibugha ay


nangangahulugang iresponsable at
waldas. Sa Bibliya, ito ay ginamit
bilang bahagi ng isang parabula na
nagnanais na magturo ng pagmamahal
sa magulang at pagiging isang
mabuting anak sa magulang.
2. Kung hindi pa naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng
niluluto ay hindi nito malalaman na sunog na ang kanyang
isinalang.

Ang katagang alimpuyok ay tumutukoy


sa amoy ng sinaing na nasusunog.
3. Binasa ng Impong Selo ang aking badhî at sinabing
magiging maganda ang aking kinabukasan.

Ang salitang badhi ay tumutukoy sa


mga guhit ng palad ng isang tao.
4. Si kapitan Tiyago ay nagpahanda ng isang piging
para sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra at
pasasalamat sa birheng Maria.

Ang salitang piging ay tumutukoy sa


isang espesyal at magarang handaan.
5. Itinago ni G. Eusebio ang mga talaksan sa kanyang
vault na matatagpuan sa kanyang silid.

Ang salitang talaksan ay tumutukoy sa


mga mahahalagang dokumento.

You might also like