You are on page 1of 4

Learning Area FILIPINO Grade Level IKASAMPUNG BAITANG

W2 Quarter IKAAPAT NA MARKAHAN Date


EL FILIBUSTERISMO
 Kabanata 4: Kabesang Tales
 Kabanata 7: Si Simoun
I. LESSON TITLE  Kabanata 8: Maligayang Pasko
 Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 Kabanata 30: Si Huli
1. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay
ng mga kaisipan namayani sa akda
2. Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan,
II. MOST ESSENTIAL LEARNING kapwa-tao, magulang)
COMPETENCIES (MELCS) 3. Natatalakay ang mga kaisipang ito:
-kabuluhan ng edukasyon
-pamamalakad sa pamahalaan
-pagmamahal sa Diyos, bayan, pamilya, kapwa tao,
-karapatang pantao at iba pa
EL FILIBUSTERISMO
 Kabanata 4: Kabesang Tales
 Kabanata 7: Si Simoun
III. CONTENT/CORE CONTENT  Kabanata 8: Maligayang Pasko
 Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 Kabanata 30: Si Huli
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
GAWAIN SA PAGKATUTO 1:

Panuto: Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga sa larawang


nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

A. INTRODUCTION
Panimula 10 minuto

1. Magbigay ng sariling pakahulugan sa salitang maskara.


2. Bakit kailangan ng tao minsan ang magsuot ng maskara? Ipaliwanag.
3. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting gawin upang matanggap ng
iba ang iyong tunay na sarili?

B. DEVELOPMENT 60 minuto Basahin at unawaing mabuti ang buod ng mga kabanata 4, 7, 8, 10, at 30 ng
Pagpapaunlad nobelang El Filibusterismo.

EL FILIBUSTERISMO BUOD KABANATA 4: SI KABESANG TALES


Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo.
Inalagaan niya ang isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang
nagmamay-ari nito. Kasama niya roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak.
Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito.
Subalit malapit na sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang
inangkin ito ng korporasyon ng mga pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon
si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada taon.
Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na
kabaitan. Habang lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging
buwis ng korporasyon.
Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay
dahil kita naman ang naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang
kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.
Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay
napilitan na itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito
makakapagbayad ng buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.
6
Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili
parin itong bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa
bukid upang ipagtanggol ang sarili kung sakaling may tulisan.
Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito.
Sinamsam ang dala nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala.
Nabihag si Tales ng mga tulisan at ipinapatubos ito sa halagang limang daang
piso.
Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos
na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya
namasukan ito bilang utusan.
Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain
at nakatulog nang gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.
EL FILIBUSTERISMO BUOD KABANATA 7: SI SIMOUN
Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at
may narinig na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan.
Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang
kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay.
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa
kanya labing tatlong taon na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa
kaniyang ina na si Sisa at kay Elias.
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang
tumulong nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay.
Nagpakikila si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng
kanyang ina at ni Elias kaya’t siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun.
Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim
ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti.
Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng
wikang Kastila.
Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng
pantay na pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun
ang mga hiling na ito ay ang pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at
pagkapanalo ng mga naniniil.
Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di
pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila
ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa
pamahalaan.
Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang
wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat
bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.
Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong
paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi pinaunlakan ni
Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan
ang karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging
malaya ang lahat ng tao.
EL FILIBUSTERISMO BUOD KABANATA 8: MASAYANG PASKO
Madilim pa ay gising na si Huli. Naisip niya na baka gumawa ng himala ang
Birhen kaya hindi sumisikat ang araw. Ngunit mali siya dahil sumikat ang araw.
Sunod naman niyang tinignan ang ilalim ng imahen ng Birhen upang silipin
kung may salapi ngunit nanatili itong bigo. Dahil sa magkasunod na pagkabigo
ay inaliw nalang ni Huli ang kanyang sarili.
Malapit lang ang kanyang paglilingkuran na tahanan at balak nitong umuwi
tuwing makalawa upang dalawin ang kaniyang lolo. Iniayos ni Huli ang kanyang
tampipi at agad na lumapit sa kanyang lolo na si Tandang Selo upang halikan
ang kamay nito.
Ibinilin ni Huli kay Selo na sabihin sa kanyang ama na siya ay napasok sa
pinakamurang kolehiyo. Dali-daling umalis si Huli ang makita nitong natitigmak
na sa luha ang kaniyang lolo.
Araw ng Pasko, marami ang dumalaw na kamag-anak ni Selo. Ngunit
marami ang nagtaka dahil hindi makapagsalita si Selo kahit isang kataga. Ito’y
napipi.
EL FILIBUSTERISMO BUOD KABANATA 10: KAYAMANAN AT
KARALITAAN
Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales upang magbili at
makipagpalitan ng alahas. Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang
kanyang asawa at anak na si Sinang, at si Hermana Penchang.
Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas. Marami
ang nagsibili.

Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli,
7
ngunit kailangan munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni
ang tungkol dito.
Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin
bumabalik si Tales. Nakatulog si Simoun sa kakaintay.
Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit
may isang liham na mula kay Tales.
Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil kailangan niya ito sa
panunulisan sa halip iniwang kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.
EL FILIBUSTERISMO BUOD KABANATA 30: SI HULI
Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa palagay ng
ilan ito ay paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos kay Huli na anak
ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang korporasyon.
Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw
niyang magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya
ang pagkakatubos sa dalaga.
Sa simula’y di makapaniwala si Huli sa balita ni Hermana Bali na patay na si
Kapitan Tiago. Ngunit nang malaman ang totoo ay nahimatay ang dalaga.
Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging
malungkutin si Huli simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi
natuloy dahil sa takot na sa impyerno ito mapunta.
Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito
upang mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas
mabuting paraan.
Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro
sila sa Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra.
Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa kumbento. Minsan na
itong tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang.
Kung ngayon ay lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang
kukutya sa kaniya.
Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga
nangyari sa kanila ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog
si Huli. Ngunit ito ay pagising gising dahil sa masasamang panaginip.
Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa
kumbento. Dumaan ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa
prayle.
Isang araw ay dumating ang balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon
ay hindi na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa
kumbento.
Nang sumapit na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli.
Kailangan pa itong batakin at itulak papasok.
Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng
kumbento. Kasabay noon, isang matandang babae ang lumabas na
nagsisisigaw na parang isang baliw.
Sa kabilang dako, si Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit
ito ay pinaalis doon sa pamamagitan ng mga palo at tulak.
Bumalik ang matanda sa nayon na umiiyak na parang isang bata.
Kinabukasan ay nawala si Tandang Selo dala ang kaniyang gamit sa
pangangaso.

GAWAIN SA PAGKATUTO 2:
PANUTO: Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipan namayani sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

SARILING PANINIWALA AT
KAISIPAN
PAGPAPAHALAGA
KABANATA 4: Kabesang Tales
“Ang pagdadala ni Kabesang Tales ng mga
armas tulad ng baril, gulok , at palakol upang
bantayan ang kanyang lupain.”
KABANATA 7: Si Simoun
“Ang pag-amin ni Simoun sa tunay niyang
pagkatao.”
KABANATA 8: Maligayang Pasko
“Ang paniniwala ni Huli sa himala.”
KABANATA 10: Kayamanan at Karalitaan
“Ang pakikipanuluyan si SImoun kina Kabesang
Tales.”
KABANATA 30: Si Huli
“Ang paghingi ng tulong ni Huli kay Padre
Camorra na nagbunga ng kaniyang kasawian.”

8
GAWAIN SA PAGKATUTO 3:
PANUTO: Suriin kung ang mga kaisipan o pahayag sa bawat bilang ay may
kaugnayan sa :
A. kabuluhan ng edukasyon
B. pamamalakad sa pamahalaan
C. pagmamahal sa Diyos
D. pagmamahal sa bayan
E. pagmamahal sa kapwa-tao
F. pagmamahal sa pamilya
G. karapatang pantao

1. Nang mapaunlad ni Kabesang Tales ang bukid ay agad itong inangkin


ng mga prayle ay siya’y pinagbuwis.
C. ENGAGEMENT 2. Ayon kay Simoun”Walang mang-aalipin kung walang paaalipin”
30 minuto
Pakikipalihan 3. Binanggit din ni Simoun na “Hindi kailanman maaaring maging wikang
panlahat ang Kastila”
4. Nagtungo ni Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra na makalaya si Basilio.
5. Tumalon si Huli mula sa bintana ng kumbento.
6. Pagkagising ni Huli ay agad na tinungo ang Mahal na Birhen upang
alamin kung may dalawang daan at limampung piso ang ilalim nito.
7. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi si Tata Selo.\
8. Mamamasukan si Huli kay Hermana Penchang upang matubos ang
kaniyang ama.
9. Si Tata Selo ang dinakip ng mga guwardiya sibil nang hindi naabutan si
Kabesang Tales.
10. Nagbibitbit ng mga armas si Kabesang Tales habang nagbabantay sa
kanyang bukid.
Panuto: Unawain at ipaliwanag ang matalinghagang pahayag na binanggit ni
Simoun. Sikaping maipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng kaisipan namayani sa akda. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
D. ASSIMILATION
50 minuto
Paglalapat “ Ang karunungan ay walang katapusan at siyang kagalingan ng sangkatauhan”

“Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan, ito ay isang kasamaan, kung


nag-uudyok ng paniniil”
Panuto: Sa iyong sagutang papel ay sagutan ang pagtataya ayon sa iyong
natutuhan sa araling ito. Tukuyin kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod
na pahayag.

1. “Ngunit lalong dakila ang isang manggagamot kung siya’y


nakapagbibigay ng buhay sa kanyang nanlulumong mga kababayan”
2. “Ang karunungan at katarungan ay higit na mabuti kaysa isang balak
IV. ASSESSMENT na ikapapahamak ng lahat”.
30 minuto
Pagtataya 3. “Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa mga taong karapat-
dapat”.
4. “Kapag dumating po ang aking ama ay pakisabing napasok ako sa
pinakamurang kolehiyo at matututo ng Kastila dahil ang aking
amo ay marunong niyon”.
5. “Hayaan mo na, ipagpalagay mo na lamang na nahulog sa ilog at
kinain ng mga buwaya”
Punan ang patlan sa ibaba upang makabuo ng makabuluhang pahayag kaugnay sa
iyong natutuhan sa aralin.
V. REFELCTION
Naunawaan ko na .
Pagninilay Napagtanto ko na .
9
Kailangan ko pang malaman na _________________. .

You might also like