You are on page 1of 2

DAILY LESSON LOG

SY 2023-2024
School: Los Banos Senior High School Learning Area: FILIPINO
Quarter: Third Grade Level: 11
March 1, 2024
Teacher: Marichris L. Turda Date and Time:
8:15 am - 9:00 am
Quarterly
Peace and Values Education Sub-theme: Community Awareness
Theme:
Time
CATCH-UP FRIDAYS 45 minuto
allotted:
I. LAYUNUIN 1. Nababasa at nauunawaan ang nilalaman ng maikling kuwentong “Tata Selo”
2. Naipaliliwanag ang tema ng akdang binasa.
3. Nakasusulat ng isang sanaysay patungkol sa aral na natutunan sa araling tinalakay
II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin National Reading Program (NRP)
B. Sanngunian DepEd Memorandum No. 001 s. 2024
C. Kagamitan activity sheets, kagamitang Biswal
III.PAMAMARAAN
Ibigay ang nais iparating ng larawan!

Panuto:
1. Suriing mabuti ang larawan.
2. Una-unahan sa pagsasabi nang sa tingin mong salita na nais ipahiwatig ng
larawan.
3. Magbigay ng sitwasyon kung kalian ginagamit ang mga salitang nais iparating ng
larawan.

-Pusong-Bato -Haligi ng Tahanan

A. Pre-Reading
-Bato-bato sa Langit -Anghel sa Lupa

-Ilaw ng Tahanan -Awit ng Kabataan

-Mayaman – Mahirap -Walang Hustisya

B. During Reading
Reading Time!

Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento na pinamagatang “Tata Selo” ni


Rogelio R. Sikat at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Sipi ng maikling kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio R. Sikat.

Ang kwentong ito ay nagsimula sa Istaked. Dito, pinagkaguluhan ng mga tao si


Tata Selo. Ang dahilan kung bakit pinagkaguluhan siya ay pinatay niya si Kabesang Tano
na may-ari ng lupang kanyang sinsakahan.

Nataga ni Tata Selo ang Kabesa dahil pinaalis siya sa kanyang lupain ngunit
tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na kaya pa niyang magsaka pero tinungkod ito ng
tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag niya sa binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na
pawang mga kilala ng Kabesa.
Isang araw, dualaw si Saling, ang kanyang anak. Naninirahan si Saling dati sa
Kabesa at nanilbihan, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw
bago ang insindente. Nakahabag si Tata Selo nang inisip niyang puwiin si Saling dahil
wala na siyang magagawa.

Pinatawag ng Alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi


nakinig sa ama nito. Dumating muli si Saling at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng
alkalde ngunit hindi ito papasukin, sabi ng kaniyang anak. Hindi ito inalintana ni Tata Selo
at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.

Pagtalakay sa Sumusunod:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Saan naganap ang mga tagpuan sa kuwento?
4. Kailan nangyari ang mga kaganapan sa kuwento?
5. Bakit sinapit ni Tata Selo ang ganoong kapait na kapalaran?
6. Paano natin mabibigyan ng katarungan ang kagaya ni Tata Selo?

Ipaliwanag Natin!

Panuto: Ipaliwanag ang pahayag batay sa iyong pagkakaunawa sa aralin tinalakay.

“Ang HUSTISYA ay para sa mayaman lamang.”

Isulat Mo!
C. Post-Reading Panuto: Sumulat ng isang sanayasay batay sa iyong natutunan sa araling tinalakay
sa araw na ito.

IV. PUNA

V. REPLEKSYON

Inihanda ni: Nagbigay puna:

MARICHRIS L. TURDA MYBELLE P. PADILLA


Teacher I Master Teacher II

Pinagtibay ni:

DR. MENANDRO A. ZUBIETO


Principal II

You might also like