You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naihahayag ang mga aral mula sa kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay opinion.
B. Naihahanay ang mga matatalinghagang mga salita sa mababaw na kahulugan nito sa
pamamagitan ng gawain 2.
C. Nakapagbibigay ng sariling saloobin kaugnay ng akdang nabasa.
D. Naiuugnay ang kuwento sa kasalukuyang panahon.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Maria Cacao
B. Sanggunian: Internet, Libro , at Yugto Pagsuri ng Wika at Panitikan P198-122.
C. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation at IM’s
D. Pagpapahalaga: Nabibigyang bisa ang aral na napulot sa kuwento.
E. Pamamaraang Ginamit: Ugnayang tanong-sagot, Malayang Talakayan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

I.
ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain)
Magandang umaga, klas!

Kumusta kayo? Magandang umaga rin po, Ma’am!

Mabuti naman! Mabuti naman po, Ma’am!

Maaari bang pulutin ang mga kalat sa inyong


paligid at ayusin ang mga upuan.

Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po, Ma’am!

Kung gayon ay maaari bang manahimik at makinig


na muna ang lahat sa akin nang sa gayon ay
maging malinaw sa ating lahat ang mga alituntunin
na dapat nasusunod niyo para mas organisado at
nagkakaintindihan tayo. Una, dapat ay panatilihing
tahimik ang klase upang mas magkaintinfihan tayo,
pangalawa ay dapat nagtataas kayo ng kamay
kapag may nais sabihin o tinawag at dapat ay
lakasan ang boses kung may nais sabihin ng sa
gayon ay marinig ng buong klase, pangatlo ay
dapat panatilin ang respeto para sa bawat isa.

Nagkakaunawaan ba tayo klas? Malinaw po, Ma’am!

Magaling!

B. Pagganyak

Mayroon akong inihandang mga larawan at gusto


kong hulaan niyo ang mga letrang bubuo sa salita
kaugnay ng larawan.
Hahatiin ang klase sa apat (4) na grupo.

Gawain 1. “HULARAWAN” Gawain 1. “HULARAWAN”


PANUTO: Buuin ang mga salita kasama ng mga PANUTO: Buuin ang mga salita kasama ng
larawan. Mayroon ring nakapaloob na mga mga larawan. Mayroon ring nakapaloob na mga
palataandaan sa bawat larawang mabubunot. palataandaan sa bawat larawang mabubunot.
Mayroon lamang 5 minuto para buuin ang salita. Mayroon lamang 5 minuto para buuin ang salita

1. 1.

“ Ito ay pag-aaral ng mga mito o myth”


“ Ito ay pag-aaral ng mga mito o myth”
M I O L H I A
M I T O L O H I Y A

2.
2.

“ Ito ay mga kuwentong pinagmulan ng mga


bagay -bagay o pangalan” “ Ito ay mga kuwentong pinagmulan ng mga
bagay -bagay o pangalan”
A L A T
A L A M A T

3.
3.
“ Isang uri ng kuwento na kadalasan may “ Isang uri ng kuwento na kadalasan may
mapupulot na aral ” mapupulot na aral ”

A U L P A B U L A

4. 4.

“ Isang uri ng kuwento na hango sa nilalaman ng “ Isang uri ng kuwento na hango sa nilalaman
bibliya” ng bibliya”

P R B U P A R A B U L A

Tapos na ba ang lahat? Opo! Ma’am!

Kung gayon ay idikit na sa pisara ang nabuong


mga salita at atin na itong iwawasto.

Unang grupo. Pakibasa ang palatandaan. Ito ay pag-aaral ng mga mito o myth.

Ang sagot niyo ay mitolohiya. Sa tingin niyo, tama Opo, Ma’am!


kaya ito?

Tama!

Ikalawang grupo, pakibasa ang palatandaan. Ito ay mga kuwentong pinagmulan ng mga
bagay -bagay o pangalan.

Ang sagot niyo naman ay alamat. Tama kaya ang Opo, Ma”am!
sagot niyo?
Tama!

Ikatlong grupo naman , pakibasa ang palatandaan. Isang uri ng kuwento na kadalasan may
mapupulot na aral.
Ang sagot niyo ay pabula. Tama!

Huling grupo, pakibasa ang palatandaan. Isang uri ng kuwento na hango sa nilalaman ng
bibliya
Ang sagot niyo ay parabula. Tama!

Napakagaling niyo sa pagbuo ng mga salita.

Pakipasa ang mga pangalan ng kasapi sa bawat


grupo.

Bago tayo dumako sa ating pinaka-paksa ay


magkakaroon pa tayo ng isa pang gawain na
pinamagatang “ IHANAY MO”.

C. Talasalitaan

Gawain 2. “Ihanay Mo“ Gawain 2. “Ihanay Mo“


Panuto: Ihanay ang mga matatalinghagang salita Panuto: Ihanay ang mga matatalinghagang
sa mababaw na kahulugan nito. salita sa mababaw na kahulugan nito.

Hanay A Hanay B Hanay A Hanay B


1. Naninindig ang A. Maitim 1. Naninindig ang B.Natakot
kaniyang dibdib kaniyang dibdib
2. ‘di-maliparang uwak B. Natakot 2. ‘di-maliparang uwak C.Napakalawak
3. Tila kulay gabi C. Mayaman 3. Tila kulay gabi A. Maitim
4. Ginintuang puso D. Napakalawak 4. Ginintuang puso E.Mabuti/ Mabait
5. Mahabang dulang E. Mabuti/Mabait 5. Mahabang dulang G.Handaan/piging
6. May gintong kutsara F. Biglang nawala 6. May gintong kutsara C.Mayaman
sa kanyang bibig sa kanyang bibig
7. Malalim pa ang gabi G. Handaan/Piging 7. Malalim pa ang gabi H. Hating gabi?
8. Naglahong parang H. Hating gabi? Gabing-gabi na
bula Gabing-gabi na 8. Naglahong parang F.Biglang Nawala
bula

II. LINANGIN.

A. Talakayan

Ngayon naman ano ang napansin niyo mula sa Tungkol ito sa mga kuwento.
ating unang aktibidad?

Tama!

Sa anong panitikan ito nabibilang? Kuwentong bayan po, Ma’am!

Tama! Ito ay mga kuwentong bayan.

Mayroong apat na uri ang kuwentong bayan, ito ay


ang mito, pabula, parabula at alamat.

A. Mito- Ito ay kuwentong bayan kung saan ang


karaniwang karakter ay mga diyos, diyosa o mga
diwata.
Kilala niyo ba si Venus? Siya ay ang diyosa ng Opo, Maam!
kagandahan at pag-ibig.

Si Apollo, kilala niyo ba? Siya naman ang Diyos ng Opo, Ma’am!
liwanag at musika.

Sila ay mga halimbawa ng mga karakter mula sa


kuwentong bayan na mito o mitolohiya.

B. Pabula- Ito ay kuwentong bayan na kadalasan


ay may mapupulot na aral.

Halimbawa: Ang pagong at ang kuneho. Alam niyo Opo, Ma’am! Ito ay kuwento ng isang kuneho na
ba ang kuwentong ito? minaliit ang kakayahan ng pagong sa isang
karera ngunit sa huli, ang pagong pa rin ang
nagwagi sa karera.

Tama! Ito ay kuwento ng isang kuneho na minaliit


ang kakayahan ng pagong sa isang karera ngunit
sa huli, ang pagong pa rin ang nagwagi sa karera.
Ano ang aral mula sa kuwento?

Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.

C. Parabula- ito ay isang kuwentong bayan kung


saan hango ito sa nilalaman ng bibliya.

Gaya ng pabula, sa parabula ay mayroon ding aral


na mapupulot ngunit ang kuwento nito ay hango sa
nilalaman ng biblia.

D. Alamat- Isang uri ng kuwentong bayan kung


saan inihahayag dito ang pinagmulan ng mga
bagay-bagay.

Halimbawa: Ang alamat ng banawa. Inilalarawan


sa kuwentong ito kung saan nga ba nagmula ang
pangalang Banawa.

Naiintindihan ba ang pagkakaiba ng apat na uri ng Opo, Ma’am!


Kuwentong bayan?

Kung gayon ay ipapakilala ko na sainyo ang


pinakapaksa natin ngayong araw. Ito ay tungkol sa
isang alamat na may pamagat na “ MARIA
CACAO”. Kuwentong bayan mula sa lugar ng
Argao, Cebu.

Kailangan ko ng apat na mag-aaral na magbabasa


ng kuwento, iyong malakas ang boses.

Kung gayon ay tumayo na kayo dito sa harap.

( pagkatapos ng 5 minuto na pagbabasa) (pagbasa…)

III. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

A. Pagpapalalim
Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Si Maria Cacao po, Ma’am!

Tama! Iyon ay si Maria Cacao.

Ano naman ang katangiang ipinamalas ni Maria sa Kabutihan po, Maam!


bayan ng Argao?

Kabutihan. Tama.

Nasuklian ba ng mga taga Argao ang kabutihang Hindi po, Ma’am! Sila ay abusado at
ipinamalas ni Maria Cacao sa kanila? mapagsamantala sa kabutihan ni Maria Cacao,
Ma’am!

Tama.

Ano naman ang dahilan ng pagguho o pagkasira ng Dahil ito sa pagdaan ni Maria Cacao gamit ang
mga tulay sa Argao? gintong barko nito.

Tama, dahil ito sa pagdaan ni Maria Cacao gamit


ang gintong barko nito. Tumatama ang palo nito sa
tulay, dahilan para ito ay masira.

Sa tingin niyo, bakit nilisan ni Maria cacao ang Sapagkat inabuso siya ng mga taong tinulungan
bayan ng Argao? niya sa bayan ng Argao.

Tama! Sapagkat inabuso siya ng mga taga-Argao.

Ngayon naman, mayroon kayong aktibidad at gusto


ko ay magpakatotoo kayo sa isusulat niyong mga
sagot. Ang aktibidad na ito ay tatawaging “ Sino ba
naman ako?”

Gawain 3: “Sino ba Naman Ako?”


Panuto: Sagutin ang tanong. Tatlo (3) hanggang
LImang (5) pangungusap lamang. Pagkatapos ay
ibabahagi ang sa ito sa klase.

Minsan na rin bang inabuso ang kabaitang


ipinakita mo sa iba? Sa papaanong paraan nila
nasaktan ang damdamin mo?

IV. TAKDANG ARALIN


Gawain 4.

Basahin ang alamat na Maria Makiling at ibigay ang


pagkakaiba nito sa alamat na Maria Cacao.

Inihanda ni: Alyssa Joy R. Daproza Iniwasto ni: Bb. Simbre F. Alabag
Gurong Nagsasanay Suring Guro

You might also like