You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Masusing Banghay ng Pagtuturo sa Filipino
Para sa Ika-10 Baitang
Abril ___ ,2024

I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas
F10PB-IVb-c-87
2. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari
sa panahon ng pagkakasulat ng akda F10PD-IVb-c-82
3. Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda F10PN-IVd-e-85

II. Nilalaman
A. Paksa: Kabanata IV ng El Filibusterismo: Kabesang Tales
B. Sanggunian: Emily V. Marasigan, Alma M. Dayag 2017. Pinagyamang Pluma 10 Quezon
City: Phoenix Publishing House Inc.
C. Mga Kagamitan: Panturong Biswal, rubrik sa Pangkatang gawain, mga larawan at video
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Wika at Bansa
E. 21st Century Skills: Kritikal na pag-iisip at kakayahang pumili ng direksyon

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
Magandang umaga Grade 10! - Iyuko po natin ang ating ulo’t ating
Halina’t simulant natin ang ating klase sa damhin ang presensya ng Panginoon.
Pamamagitan ng panalangin. Tayo’y manalangin…
(Pangalan ng mag-aaral), pangunahan mo Amen.
nga ang ating panalangin sa umagang ito.

b. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral ng Grade - Magandang umaga rin po Ginoong
10! Chico!

c. Pagsiyasat ng kapaligiran
Bago kayo umupo ay ayusin muna ninyo ang
linya ng mga upuan. Pakipulot na rin ang - Maraming salamat po!
mga kalat na inyong makikita at
pansamantala munang ilagay ito sa inyong
bag. Kung tapos na ay maaari na kayong
umupo.

d. Pagtatala ng mga liban


May liban ba sa klase sa araw na ito? - Ikinagagalak ko pong sabihin na wala
pong liban sa araw na ito.
Mahusay! Ikinagagalak ko ring makita
kayong kumpleto sa araw na ito.
B. Balik-aral
Bago tayo dumako sa ating talakayan, - Opo, naunawaan po namin.
magkaroon muna tayo ng pagbabalik-aral sa
pamamagitan ng isang simpleng Gawain. Idikit
ang mga sumusunod na tauhan ayon sa nobelang
kanilang kinaganapan bilang mga tauhan.

(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na nais


magsagot)

Tama ba ang naging kasagutan ng inyong mga


kamag-aral?

Mahusay! Tunay ng ana lubos n’yo nang


naunawaan ang ating tinalakay noong nakaraang - Natutukoy ang papel na ginampanan ng
aralin. Kaya naman, narito ang kasanayang mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
pampagkatuto na sisikapin nating makamit para - pagtunton sa mga pangyayari
sa araw na ito. (Pangalan ng mag-aaral), - pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
pakibasa mo nga. - pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas

- Naiuugnay sa kasalukuyang mga


pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat
ng akda.

- Naipahahayag ang sariling paniniwala at


pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda.
C. Pagganyak
Magaling! Ngayon at malinaw na ang ating
inaasahang kasanayan, simulant na natin ang - Panuto: Sa pamamagitan ng mga
ating aralin sa pamamagitan ng isang sumusunod na larawan, subukang hulaan
Hularawan. ang mga ito upng mabuo ang nakatagong
talasalitaan sa ating kabanatang
(Pangalan ng mag-aaral), mangyaring tatalakayin.
pakibasa mo ang panuto.

Magaling! Nasagutan Ninyo ang ating


gawain nang tama. Kaugnay nito, ano sa
tingin mo ang naitutulong ng mga
talasalitaang ito?

- Sa akin pong palagay, ay malaki ang


naitutulong ng mga talasalitaang ito
upang lubos naming maunawaan ang
daloy ng kabanata at ng mga
mahahalagang tagpo nito.

Magaling! Sa umagang ito, isang - Opo, handa na kami.


panibagong kabanata ng pamosong nobela
ng ating pambansang bayani ang ating
tatalakayin. Handa na ba kayo sa ating
talakayan?

Kung handa na kayo, halina’t simulan natin


ang pagtuklas sa pamamagitan ng pagsusuri
ng isang video clip na may malaking
kinalaman tungkol sa ating paksa.

D. Talakayan - Ang mga magsasaka po ay nagnanais na


Batay sa inyong napanood, ano kaya ang nais ipabatid sa ating lipunan ang
ipabatid ng mga magsasaka sa ating lipunan? pagkakaroon ng wastong karapatan
katulad ng ibang mamamayan.

Tama ang iyong kasagutan! Ang mga magsasaka


ay nagnanais magkaroon ng tamang karapatan
batay sa kanilang sakripisyo at mga hirap sa
pagbubukid. Si Kabesang Tales o mas kilala
bilang si Telesforo ay isang magsasaka, siya ay
inampon ng isang mangangaso na
nagngangalang Tandang Selo.

Si Kabesang Tales ay
nakakita ng isang lupain
na sa pag-aakalang
walang nagmamay-ari ay
tinamnan niya ito at
naging masagana. - Ang ibig sabihin po nito ay, kapag po ang
isang tao sa kanyang mga ginagawa,
Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng walang pumapansin sa umpisa ngunit
kasabihang ‘’Kapag ang puno ay hitik sa bunga, kapag ito po ay nagbunga o nagsimulang
marami ang bumabato’’? makilala ay dumadami ang naghahangad.

Tama! Ang lupain ni Kabesang Tales ay naging


Maganda ang ani, dumami ang kanyang kinikita
at dito na nagsimulang makuha ang atensyon ng
mga prayle at mga mamamayan, hinirang na
cabeza de barangay si Tales dahil sa kagustuhan
ng mga mamamayan, guminhawa ang kanyang
buhay ngunit hindi naging madali. Pinatawan ng
mga prayle ng buwis ang lupain ni Kabesang
Tales. Noong una ay maliit ang buwis, ngunit
habang tumatagal ay pataas ng pataas hanggang
umabot ito sa 30 piso.

Dahil dito, nabuo ang galit sa puso ni Kabesang


tales ngunit agad itong inamo ng kanyang amain
na si Tandang Selo sa pagsasabing ‘’Tiisin mo - Sa akin pong pagpapakahulugan ay nais
na, isipin mo nalang na ang 30 pisong iyon ay pong ipabatid ni Tandang Selo na ang
natalo sa sugal o kaya’y nahulog sa tubig at pera ay madaling nababawi at upang
sinakmal ng buwaya’’. mapawi ang galit na nararamdaman ni
Kabesang Tales.
Sa inyong sariling pagpapakahulugan, ano kaya
ang nais iparating ni Tandang selo?

Mahusay! Sa pagpapatuloy ng kabanata,


tinaasan nang tinaasan ang buwis hanggang si
Kabesang Tales ay napilitang magpa-asunto.
Ipinakita ni Kabesang Tales ang titulo ng lupain
ngunit hindi siya nanalo. Bilang kabayaran ang
kanyang anak na si Tano ay naibayad bilang
guwardiya sibil.

Sinabi ni Tales na siya ay magbabayad sa mga


abugado. Kung siya ay mananalo ay alam na
niya ang kanyang gagawin nguni’t kung siya ay - Sa palagay ko po ay dahil kung matatalo
matatalo ay hindi na niya kailangan pa ng anak. siya sa usaping lupa ay wala na rin
siyang maibibigay na kinabukasan para
Bakit kaya sinabi ni Kabesang Tales na hindi na sa kanyang mga anak.
niya kailangan ng anak kung siya ay matatalo?

Mahusay! Dahil sa mga pangyayari. Napilitan si


Tales na tanuran ang kanyang lupain. Palagi
siyang nandoon at may bitbit na baril. Walang
sinuman ang nakakapasok sa kanyang lupa.
Palagi siyang may dalang gulok at palakol.
Naging balita sa buong komunidad si Kabesang
Tales.

Dahil dito, isang araw dinukot si Kabesang Tales


ng mga Indiyong tulisan at ipinaniningil ng
kapalit na 500 piso. Ang panganay na anak ni
Tales na si Huli ay napilitang ipagbili ang
kanyang mga ari-arian ngunit hindi parin
sumapat, tanging ang isang agnos na lamang ang - Ipinababatid po dito na ang mga Pilipino
natira sakanya at 300 piso. po ay pinapahirapan pa rin ang kanilang
kapwa Pilipino.
Sa pagkakadakip kay kabesang tales ng mga
indiyong tulisan, ano ang ipinababatid nito sa
atin?

Tama! Noon pa man ay ipinakikita na sa atin ni


Dr. Jose Rizal na bukod sa mga dayuhan ay
maari din nating maging kalaban ang ating
kapwa Pilipino. Sa wakas ng kabanata, ipinakita
dito ang pagdadasal ni Huli sa birhen na sana
kinaumagahan ng pasko ay magpadala ito ng
kakulangang 200 piso ngunit sumapit ang umaga
at walang dumating. Napilitan siyang pumasok
bilang kasambahay sa isang relihiyosa upang
kitain ang salaping ipantutubos sa kanyang ama. - Opo naunawaan po namin.

Doon na natapos ang kabanata. Inyo bang


nauwaan ang naging daloy ng kabanata?
- Wala na po.

Mayroon ba kayong nais na bigyang linaw?

Kung gayon, pagkakataon niyo naman upang


ipakita ang inyong galing upang lubos pa
ninyong maunawaan ang kabanata.

Papangkatin ko kayo sa apat na grupo, ang


unang pangkat ay magsisimula kay (pangalan ng
mag-aaral) hanggang kay (pangalan ng mag-
aaral). Ang ikalawang pangkat ay magsisimula
kay (pangalan ng mag-aaral) hanggang kay
(pangalan ng mag-aaral). Ang ikatlong pangkat
naman ay magsisimula kay (pangalan ng mag-
aaral) hanggang kay (pangalan ng mag-aaral). At
ang huling pangkat ay magsisimula kay
(pangalan ng mag-aaral) hanggang kay
(pangalan ng mag-aaral). - Unang pangkat: Pinoy Henyo, sa
pamamgitan ng isang palaro. Ipakilala
Simple lang naman ang inyong gagawin. ang mga pangunahing tauhan ng ating
Pakibasa mo nga (pangalan ng mag-aaral) ang kabanata.
panuto para sa inyong pangkat.
- Pangalawang pangkat: The Voice, ang
pangkat ay pipili at aawitin ang isang
Salamat sa pagbabasa, para naman sa ikalawang kanta na kanilang maiuugnay sa nasabing
pangkat, pakibasa mo nga ang panuto (pangalan kabanata. May isang mag-aaral na
ng mag-aaral). magbibigay ng paliwanag tungkol sa
kantang napili at kung bakit ito ang
pinili.

- Ikatlong pangkat: 24 Patrol, sa


Salamat sa pagbabasa, para naman sa ikatlong pamamagitan ng isang pagbabalitang
pangkat, pakibasa nga ang panuto (pangalan ng panradyo, ibubuod ng pangkat ang mga
mag-aaral). mahahalagang pangyayari sa kabanata.

- Ikaapat na Pangkat: Banghay bahay, sa


Salamat sa pagbabasa, para naman sa ikaapat na pamamagitan ng isang story map,
pangkat, pakibasa nga ang panuto (pangalan ng isusulat at iuulat ng pangkat ang mga
mag-aaral). sumusunod na bahagi ng kabanata:
-Tunggalian
-Suliranin
-Tagpuan
-Wakas ng kabanata

- Opo naunawaan po.


Salamat sa pagbabasa. Naunawaan n’yo bang
mabuti ang mga naiatas na gawain?

Mahusay! Kaya naman, bago tayo magsimula ay


nais ko munang ipakilala sainyo ang aking
pamantayan kung paano ko bibigyang puntos
ang inyong mga presentasyon.

Mangyaring pakibasa nga ito (Pangalan ng mag-


aaral)

- Opo.
Inaasahan kong gagalingan ninyo upang mataas
sng makuha ninyong puntos. Tandaan, bibigyan
ko lamang kayo ng walong (8) minuto upang
paghandaan ito at limang (5) minute naman para
sa pagtatanghal. Naunawaan ba?

Kung gayon ay maaari na kayong magsimulang


maghanda kasama ng inyong mga kapangkat.
- Nais pong ipabatid ni Dr. Jose Rizal sa
E. Paglalahat atin ang kahalagahan ng sipag at tiyaga.
Ito ang mga bagay na kasama ng ating
Batay sa natapos na pangkatang gawain, ano damdamin na inagaw ng mga kastila.
kaya ang nais ipahiwatig o ipabatid sa atin ni Dr. Ipinakita dito ang kahalagahan ng sipag
Jose Rizal tungkol sa kabanata ng nobela? at tiyaga sa pakikibaka ni Kabesang Tales
para sa kanyang Karapatan sa lupain.

F. Paglalapat - Maaari po itong magkaroon ng


negatibong epekto sa kanyang buhay.
Kaugnay nito, Maaaring usigin ang kanyang pamilya
HOTS 1: Kung sa una pa lamang ay hindi na dahil siguradong hindi magugustuhan ng
nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga mga prayle na ang isang indiyo ay hindi
prayle, ano kaya ang negatibo na maaaring sumusunod at hindi marunon matakot sa
mangyari sana sa kanyang buhay? kanila, maari rin siyang alisin sa
kapangyarihan bilang cabeza de
barangay.

- Maari po siyang tularan ng kapwa niya


Pilipino na magkaroon ng paninindigan
Anu-ano naman kaya ang maaaring positibong na siyang pasisimulan ng pag-ahon ng
epekto nito sa kanyang buhay? mga Pilipino mula sa pagka-alipin.

G. Pagpapahalaga - Ito po ay ang mga pinagdaanan niyang


pang-uusig at pag-aalis ng karapatan sa
HOTS 2: Kung gayon, mula sa iyong mga mga pag-aari. Si Dr. Jose Rizal po ay
nabasa o nalalaman ukol sa buhay ng ating inusig ng mga kastila kaya’t nagpunta sa
bayaning si Dr. Jose Rizal, anong bahagi ng ibang bansa, ang kanyang naiwang
kanyag buhay ang kawangis ng pangyayaring ito pamilya ay pinalayas ng mga kastila
sa buhay ni Kabesang Tales? Patunayan. mula sa kanilang tahanan.

Napansin ko pong malaki ang


pagkakawangis ng pangyayaring ito sa
buhay ni Dr. Jose Rizal sa buhay o sinapit
ni Kabesang Tales na siya ring
tinanggalan ng karapatan sa kanyang
pag-aari.

- Opo malinaw na po ang lahat.


Mahusay! Malinaw naba sa inyo ang ating mga
tinalakay?
- Ipinagmamalaki ko pong naintindihan ko
Mayroon ba kayong nais itanong o idagdag? po lahat at wala na po akong tanong.

IV. Pagtataya
Upang matiyak kong lubusan na ang inyong
pagkatuto, isang gawaing pang-upuan ang
ibibigay ko sa inyo.
- (Sabay-sabay na babasa ang mga mag-
Pakibasa niyo nga nang sabay-sabay ang aaral)
panuto. Panuto: Sa pamamagitan ng isang VENN
DIAGRAM, Ipakita ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga magsasaka sa
kasalukuyang panahon at ni Kabesang
Tales. Magbigay ng tig-5 pagkakaiba at 5
pagkakatulad.

- Opo naintindihan namin nang mabuti.


Naintindihan niyo bang mabuti ang panuto?

Kung gayon ay maaari na kayong


magsimula sa pagsasagot.

V. Takdang Aralin
Habang kayo ay nagsasagot, hayaan
n’yong isulat ko sa pisara ang ating
takdang-aralin. Mangyaring pakisulat ito
matapos kang magsagot ng Gawain.

Ano ang ibig sabihin sa kastila ng


salitang ‘’Noche Buena’’?
Maglista ng mga bagay o paniniwala sa
tuwing nalalapit ang araw ng pasko.

At dito ko na lamang tinatapos ang ating


Talakayan. Magsitayo na ang lahat para sa
ating pangwakas na panalangin...
- (Tatayo ang mga mag-aaral at
(Pangungunahan ng mga guro ang magdarasal)
pagdarasal)

Nawa’y marami kayong natutuhan sa ating - Paalam at maraming salamat din po G.


talakayan. Magkita-kita na lamang tayo sa Chico.
susunod na talakayan. Paalam at Maraming
salamat Grade 10!

Inihanda ni:
JHS2Hagonoy(300743)FIL001

You might also like