You are on page 1of 11

4

FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:

Pagsulat ng Isang Balangkas Mula sa mga


Nakalap na Impormasyon Mula sa Binasa at
Pagbibigay Kahulugan ng Salita sa
Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng
Salita

1
Yaman ng Lahi Wika at

Subukin

I. Basahing mabuti ang maikling kuwento. Punan ang patlang ng impormasyon mula
sa binasa upang makabuo ng isang balangkas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Mga Magnanakaw


May isang pulubing nakapasok sa kaharian. Dahil siya ay gutom na gutom na,
napilitan siyang nakawin ang pagkain sa may kusina ng palasyo. Sa malas ay
nahuli siya at dinala sa hari. Siya ay hinatulang mapugutan ng ulo.
Bago pugutan ng ulo ang pulubi ay may iniabot siya sa hari na isang
mahiwagang buto. Sinabi niyang ang butong ito ay tumutubo at namumunga
kaagad sa loob ng isang araw kung ang magtatanim ay isang taong kahit kalian ay
hindi kumuha ng bagay na hindi niya pag-aari.
Ibinigay niya ang buto sa kaniyang ministro upang itanim. Malaki ang tiwala
ng hari sa ministro dahil kahit kalian ay hindi nito ninakaw ang gintong korona ng
kaniyang ama noong siya ay prinsipe pa lamang. Tumanggi ang ministro at
inamin niyang minsan na niyang kinuha ang espada ng kaniyang kaibigan gn
walang paalam.
Ipinasa niya ito sa ingat-yaman ng palasyo ngunit tumanggi rin ito. Inamin
niyang minsan ay kinupitan na niya ang pondo ng kaharian. Sa kabila ng mga
pagtatapat na ito ay pinatawad sila ng hari.
Naiyak ang pulubi t tinanong ang hari. “Bakit hindi sila parurusahan kahit na
malaking bagay ang kanilang mga kinuha? Pagkain lang naman anh aking
ninakaw, ngunit pupugutan kaagad ako ng ulo?”
Hindi nakakibo ang Hari at hindi na rin nito itinuloy ang pagpugot ng ulo ng
pulubi.
Pangungusap:
I.__________________________
II._________________________

III.__________________________

2
IV.__________________________

Paparirala:
I.___________________________
II.__________________________
III.__________________________
IV. _________________________

II. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. May isang pulubing nakapasok sa kaharian.
A. Magnanakaw B. Mayaman C. Dukha D. Ministro
2. Dahil siya ay gutom na gutom na, napilitan siyang nakawin ang pagkain sa
may kusina ng palasyo.
A. Kunin ng walang paalam
B. Humingi ng pagkain
C. Itinago
D. Ibinigay
3. Siya ay hinatulang mapugutan ng ulo.
A. Lagyan B. Dagdagan C. Putulan D. Hugasan
4. Tumanggi ang ministro at inamin niyang minsan na niyang kinuha ang espada
ng kaniyang kaibigan gn walang paalam.
A. Pumayag B.Sumang-ayon C.Hindi pumayag D. Umalis

3
“Pagsulat ng Isang Balangkas
Modyul Mula sa mga Nakalap na
Impormasyon Mula sa Binasa at
2 Pagbibigay Kahulugan ng Salita
Pangalawang Linggo sa Pamamagitan ng Pormal na
Depinisyon ng Salita”
Pag-aralan sa araling ito ang mga kasanayang lilinang sa kakayahan sa mapanuring
pagbabasa upang makasulat ng isang balangkas mula sa nakalap na impormasyon mula sa
binasa at pagbibigay kahulugan sa salita..
Magkakaroon nang lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sa pagsuslat ng balangkas
mula sa nabasang teksto.
Malilinang din ang kakayahan nila sa pagbibigay kahulugan ng salita sa pamamagitan
ng pormal na depinisyon ng salita.

Balikan

Panuto: Basahin ng mabuti ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Si Muning!

Muning! Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang lalagyan ng
pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala si Muning. Wala
siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si Muning?
Bumaba ng bahay si Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning. Ikot na
siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng kahon.
May mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni
Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng kuting.
Tuwang-tuwa si Susan!

4
Bilang ng mga salita: 122
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)

1. Sino ang naghahanap ng pusa?


a. ang kuting
b. si Muning
c. si Nanay
d. si Susan

2. Bakit niya hinahanap ang pusa?


a. ipapasyal niya ito
b. paliliguan niya ito
c. pakakainin niya ito
d. patutulugin niya ito

3. Saan niya nakita ang pusa?


a. sa silid
b. sa silong
c. sa kahon
d. sa kusina
4. Sino ang mga kasama ni Muning sa kahon?
a. mga anak nito
b. mga kalaro nito
c. mga nahuli nito
d. mga kaibigan nito

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Nasaan si Muning?
b. Nasaan ang Kahon?
c. Ang Kahon ni Susan
d. Ang Pagkain ini Muning

Sa pagsagot sa Gawain, kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang inyong


tamang sagot.

5
Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit . Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Panandalian lamang ang pagbabakasyon sa Pilipinas nina Rosa at ng


asawa niya.
A. Matagal-tagal C. Maikling panahon lamang
B. Saglit lamang D. Matagal
2. Naging maunlad ang aming barangay dahil sa masinop na pamamahala ng
aming barangay chairman.
A. Pangangasiwa C. pagtrato
B. Pagkontrol D. Pagdisiplina
3. Kay gandang pagmasdan ang pagmartsa ng mga kadete.
A. Pagkandirit C. Pagtataas ng mga watawat
B. Paghawak ng mga sable D. Sabay-sabay na paglakad
4. Mga huwarang kawani ang aking mga magulang.
A. Manggagawa C. Diyanitor
B. Empleyado D. Mensahero

6
Suriin

Ang kasanayan sa pagsulat ng isang balangkas mula sa nakalap na impormasyon mula


sa binasa. at pagbibigay kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng
salita.

Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin


na nakaayos ayon sa pagkakaunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng
isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin
katulad ng pag-uulat, pananliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha
ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipin ay kung alin sa
maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga
ang paghahanda ng isang balangkas.

Mga uri ng Balangkas

1. Pamaksang Balangkas (topic outline)


Isinusulat sa salita o parirala ang mga punong kaisipan.

2.Pangungusap na balangkas

Binunuo ng mahalagang pangungusap na sinadyang bahagi ng sulatin

3.Patalata na balangkas

Patalata ang paraan ng pag-aayos ng mga ideya, ngunit hindi ito madalas
gamitin

Ang Sinulog
Isang napakasaysay pagdiriwang ang Sinulog. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan
ng sayaw na sinasaliwan ng sunod-sunod na pagpalo sa tambol. Hindi lamang ang mga
mananayaw ang nakapagbigay- sigla sa tradisyong ito. Pati ang manonood ay napapasayaw
rin sa sigla at ingay na kanilang naririnig.
Ang Pagsisimula ng Sinulog
Ang sinulog ay nagsimula sa isang prusisyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng
kapistahan ng Santo Nino. Ayon sa kasaysayan, ang unang prusisyon ay pinamamahalaan ni
Gobernador Miguel Lopes de Legaspi, ang unang gobernador ng Cebu. Katuwang niya si
Pari Andres de Urdaneta, ang paring kasama sa paglalakbay ni Gobernador de Legaspi.

7
Saan Nagmula ang Imahe ng Santo Nino?
Ayon sa kasaysayan, ang imahe ng Santo Nino ang Kauna-unahang imahe na
dumating sa Pilipinas.Ito ay dala-dala ng pangkat ni Ferdinand Magellan noong 1521.
Inihandog ito ng pangkat kay Rayna Juana, ang butihing maybahay ni Haring Humabon.
Halimbawa ng Balangkas:

Ang Sinulog
Papangungusap
I. Isang napakasayang pagdiriwang ng sinulog.
II. Sinisimulan ito sa isang mahabang prusisyon.
III.Ang imahen ng Santo Nino ang kauna-unahang imaheng dinala sa Pilipinas.

Paparirala
I. Sinulog, isang napakasaysay pagdiriwang
II. Prusisyon, bilang panimula
III.Kauna-unahang imahen sa Pilipinas

Pagyamanin

Basahing mabuti ang maikling kuwento.Punan ang patlang ng impormasyon mula sa binasa
upang makabuo ng isang balangkas.Gamitn ang pangungusap na balangkas.

ANG BATANG SI PULE

Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin sa Maynila
ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay Apolinario Mabini.
Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa Maynila.
Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy ng pag-aaral.
Dahil sa mga gawaing-bahay, malimit siyang mahuli sa kaniyang klase. Maaga siyang gumigising
sapagkat nagluluto pa siya ng almusal, naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan ng kaniyang
pinaglilingkuran.
Walang pambili si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa aklat ang
mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan.
Gayunpaman, palaging matataas ang marka ni Pule. Kaya hinahanganan siya ng kaniyang mga
guro at kamag-aral.

8
ANG BATANG SI PULE

I. . ________________________
A. _________________
B. _________________
C. _________________
D. _________________

I. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.Piliin at isulat ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin
sa Maynila ang anak nila.
A. Mayaman B. Walang pera C. Maraming pera D. Maykaya
2. Pule ang palayaw nila kay Apolinario Mabini.
A. Alyas B. Apelyido C. Kasarian D. Pangalan
3. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa Maynila..
A. Katulong B. Tagautos C. Estudyante D. Tagasulat
4. Hinahanganan siya ng kaniyang mga guro at kamag-aral.
A. Iginagalang B. Iniidolo C. Binabastos D.
Tinatawag
5. Palaging matataas ang marka ni Pule.
A. Sulat B. Grado C. Nakuha D. Nakita

Isaisip

1. Ang ___________ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang


sulatin na nakaayos ayon sa pagkakaunod-sunod ng mga ito.
2. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa
gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang _________________.
3. Mahalaga ang paggawa ng ____________sa paghahanda ng ulat o anumang
sulatin katulad ng pag-uulat, pananliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyo
4. Ang ___________ay uri ng balangkas na binubuo ng salita o parirala.
5. Ang ___________ay uri ng balangkas na binubuo ng mga pangungusap.

9
6. Ang ___________ay uri ng balangkas na talata ngunit hindi ito madalas gamitin.
7. Ang __________ng salita ay naibibigay sa pamamagitan ng pormal na depinisyon
ng salita.
8. Ang ______________ng salita ay tumutukoy sa tunay na kahulugan ng salita, ito
ay walang malalim na kahulugan o ideya.

Isagawa

A.Basahing mabuti ang maikling kuwento.Punan ang patlang ng impormasyon mula sa


binasa upang makabuo ng isang balangkas.

Ang Bayaning Iskawt


Si Iskawt Aries Canoy Espinosa ay 13 taong gulang. Kasapi siya sa Kawan Blg. 60 sa
ilalim ng pamamahala ng Paaralang Elementarya ng Rupagan, Lanao del Norte Council.
Nabalita siya kaugnay ng isang malungkot na pangyayari noong Enero 30, 1994 Nangyari ito
nang isang pangkat ng mga batang lalaki ang naglalaro ng Granada. Walang kamalay-malay
ang mga bata na ang pinaglalaruan nila ay sumasabog. Ito ay ginagawa nilang parang bola ng
basketbol na isinu-shoot sa ring. Bumagsak ang Granada sa malapit sa ibang pangkat ng mga
batang naglalaro ng goma. Naroroon sa di kalayuan si Iskawt Espinosa. Mabilis niyang
sinigawan ang pangkat ng mga batang lalaki, “Umalis kayo riyan, puputok iyan!” sabay
takbo, papalapit sa Granada. Dumapa siya upang takpan ito ng kanyang katawan. Halos
nagkasabay ang kanyang pagdapa at ang pagputok ng granada na siya niyang ikinamatay.
Ang mabilis na pagpapasya, pagmamalasakit sa kapwa, at mga pagsasanay na
natutuhan ni Iskawt Espinosa sa Scouting ang nakatulong upang mailigtas ang maraming
buhay.
Namatay siya nang wala sa panahon at lubhang napakabata pa upang ialay ang
kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Nagampanan niya nang lubusan ang
panunumpa at batas ng isang Iskawt na: “Tulungan ang kapwa sa lahat ng pagkakataon.”’
Isang pagpapakasakit sa sarili ang kanyang ginawa upang mabuhay lamang ang
kanyang kapwa na siyang pinakamahalagang kasabihan sa larangan ng katapangan. Ito rin
ang nagbibigay ng mahalagang katuparang nauukol sa kasabihan ng mga Iskawt, ang
“LAGING HANDA.” Iyan si Iskawt Aris Canoy Espinosa, ang munting bayani.

10
Ang Bayaning Iskawt

I. . ________________________
A. _________________
B. _________________
C. _________________
D. _________________

B. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa kahon. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

A.Naiwas B. Nakagawa ng kabutihan C. Umangal D. maliit na bomba

1. Sumigaw sya ng malakas kung kayat nakalayo kaagad ang mga batang naglalaro.
2. Dumapa siya sa Granada kaya siya ang nasabugan nito.
3. Marami ang naligtas dahil sa kanyang ginawa.
4. Lahat ay humanga ng malaman nila ang kanyang kabayanihan

11

You might also like