You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog Silangang Asya.
KOMPETENSI: Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon sa pagbuo ng alamat. (F9-IIIf-
55)
I.LAYUNIN:
Kaalaman: Nakakikilala ng mga pag-abay na pamanahon.
Saykomotor: Nakagagamit ng mga pang-abay na pamanahon sa pagbuo ng alamat.
Apektiv: Nakalilikha ng alamat na may buong tiwala sa sarili.
II.PAKSANG-ARALIN: GRAMATIKA AT RETORIKA
A.Paksa: Pang-abay na pamanahon
B.Sanggunian: Panitikang Asyano
C.Kagamitang Pampagtuturo: LM, Manila Paper at Pentel Pen
D.Integrasyon: Araling Panlipunan
III.PAMAMARAAN
A.Paghahanda
Pangmotibesyunal na Tanong
1.Ano ang pamagat ng unang alamat na tinatalakay natin?
2.Ano naman ang ikalawa?
3.Sa palagay ninyo may mga pang-abay kaya na ginagamit doon sa pagsasalaysay ng alamat?
PRE-TEST
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita , maaaring kumuha ng mga pangyayari
mula doon sa alamat na tinalakay natin.
1.Noon
2.Sa araw
3.Kahapon
4.Ngayon
5.Araw-araw
B.Paglalahad
Ano ang pang-abay na pamanahon?
Paano ito nakatutulong sa pagsasalaysay ng isang kuwento?
*Basahin ang katuturan ng pang-abay na pamanahon.
*Pagtalakay nito.
a. May Pananda
b. Walang Pananda
c. Nagsasaad ng dalas
*Pagbibigay ng ilang halimbawa
C.Pagsasanay
Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon.
1.Pagod na bumalik sa araw na iyon ang mangingisda sa kanilang bahay.
2.Mula noong binasag ng matanda ang mia noi ay natahimik na ang buong pamilya.
3.Ngayon gaganapin ang kasal nina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton.
4.Tuwing araw ng panarasi ay nagtatampisaw sa lawa ang mga kinnaree.
5.Makikipagkita bukas si Pranbun kay Prinsipe Suton.
D.Paglalapat
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bumuo ng isang alamat sa lugar na kung saan kayo
nakatira sa ngayon na gagamitan ng mga pang-abay na pamanahaon.Ipasulat sa manila paper at
salungguhitaan ang mga pang-abay na pamanahon na ginamit sa pagbuo ng alamat at bibigkasin
ito sa harap ng klase sa isang masining na paraan gaya ng paagrarap, pagtutula at pag-aawit o
paglapat ng tunog.
Mga Pamantayan
A.Malikhaing pagsasalaysay 50 puntos
B.Paraan ng pagsasalaysay
*tono at lakas ng tinig
*wastong bigkas ng mga salita 30 puntos
C.Dating sa tagapakinig 20 puntos
KABUUAN 100 puntos
E.Paglalahat
Paano nakatutulong ang mga pang-abay na pamanahon sa pagsasalaysay ng kuwento?

IV.PAGTATAYA
Bilugan ang pang-abay na pamanahon sa loob ng pangungusap.
1.Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
2.Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng mga kagamitan.
3.Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kanyang asawa.
4.Ngayong panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang mga kinnaree.
5.Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.

V.TAKDANG-ARALIN
1.Ano ang kahulugan ng epiko?
2.Magbigay ng isang halimbawa ng epiko.
3.Maghanda para sa pagsasalaysay bukas.
Inihanda ni: Gng, Jossie C. Cabanag

You might also like