You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
6
SANGAY NG SORSOGON
DISTRITO NG IROSIN II
Irosin, Sorsogon

FILIPINO
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO (Kwarter 2-Linggo 6.1)
Pangalan: _________________________________________________________________
Baitang/Seksiyon: Petsa: ____________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Sa sanayang papel na ito, may mga gawaing gagabay sa iyo upang masabi mo ang paksa
o mahahalagang pangyayari mula sa binasa o napakinggang sanaysay at teksto.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nasasabi ang paksa/mahahalagang pangyayari sa binasang/ napakinggang sanaysay at
teksto. F6RC-IIb-10

III. MGA GAWAIN


A. PAGBALIK-ARALAN MO
Panuto: Tukuyin kung ano ang damdaming umiiral sa mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang.

1. “Ama, ibigay mo na sa akin ang aking bahagi sa iyong kayamanan!” (wika ng bunsong
anak sa kaniyang ama.)
2. “Mabuti pa ang mga baboy na ito, may nakakain sa bawat araw.” (daing ng bunsong
anak.)
3. “Ihanda ang pinakamagarang kasuotan para sa aking anak na ngayo’y nagbalik na!” (wika
ng ama sa kanyang mga tagasilbi.)
4. “Naging masunurin at matapat ako sa inyo, ama, ngunit hindi kayo naghanda ng malaking
piging para sa akin! Ngayong bumalik ang inyong alibughang anak ay magdiriwang kayo
nag ganito.”
5. “Anak ko, palagi kitang kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo. Ngunit nagsasaya tayo
ngayon sapagkat ang kapatid mong nawala ay nagbalik muli. Siya ay namatay, pero muli
siyang nabuhay.” (tugon ng ama sa panganay na anak)

B. PAG-ARALAN MO
Pangunahing P aksa - sentro o pangunahing tema sa talata
- kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling
pangungusap (konklusyon)

Mga Pantulong na Detayle – pansuportang detalye o impormasyon

1
- mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may
kaugnayan sa paksang pangungusap.

Sanaysay – ay isang uri ng panitikan na nasusukat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.

Pagtukoy sa Pangunahing Diwa/ Paksa na Kinabibilangan ng Detalye


Ang mga talata ay may pangunahing paksa o diwang iniikutan. Sa ilalim
ng mga paksang ito, may mga detalyeng nagpapalinaw o sumusuporta sa
pangunahing paksa. Ang talata ay maaaring ganito ang kayarian.

pangunahing diwa/ paksa

detalye

Maaari namang nauuna ang mga detalye kaysa pangunahing diwa

pangunahing diwa/ paksa

detalye

Maaari namang nasa gitna ang pangunahing diwa


detalye

pangunahing diwa/ paksa

2
detalye

Halimbawa:
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang anyong lupa. Matatagpuan dito ang
maraming kapatagan, talampas, burol, lambak, at kabundukan na nababalutan ng
makakapal na gubat.

PPangunahing diwa/ paksa: Ang iba't ibang anyong lupa ng


bansa/Pilipinas.

C. Pagsanayan Mo
Panuto: Piliin ang pangunahing diwa/paksa ng mga sumusunod. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang paruparo ay maraming pinagdaanang yugto sa buhay. Nagsisimula ito sa itlog


na kapag napisa ay nagiging uod. Matagal itong natutulog at nagpapatubo ng pakpak.
Paglabas ng uod ay isa ng paruparo.
a. Yugto ng buhay ng paruparo
b. Ang paruparo
c. Ang buhay ng uod
2. Mahalaga ang mga halaman. Ang mga ito ay nagbibigay ng oxygen na kailangan ng
tao sa paghinga. Sa halaman din kumukuha ng pagkain ang mga tao at hayop. Ang
mga punungkahoy tulad ng mangga, lansones, tsiko, at abokado ang nagbibigay sa
atin ng prutas. Ang gulay, mais, kamote, at kanin ay galing din sa halaman.
a. Kahalagahan ng mga halaman
b. Ang mga prutas
c. Kahalagahan ng Oxygen
3. May mga halaman kami sa likod bahay. Maraming bunga ang tanim naming upo
roon. May kamatis, kalabasa, sitaw, at patani rin kaming tanim.
a. Ang kapaligiran
b. Ang likod - bahay
c. Ang mga halaman sa likod bahay

4. Ang Corona Virus ay mapanganib. Halos sa buong mundo ay laganap ito. Araw-
araw, laman ng radyo, telebisyon, FB at pahayagan ang mga balita tungkol dito.
Nangangamba ang lahat dahil wala pang natutuklasang vaccine ukol dito.
a. Vaccine sa virus
b. Mapanganib na corona virus
c. Nangangamba ang lahat
5. Iba-ibang pamamaraan ng pagkatuto ang inihanda ng DepeEd upang matugunan ang
pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng pandemya. Kabilang dito ang modyular na
pamamaraan, pagtuturo online gamit ang kompyuter o kaya ay pagtuturo sa tulong
ng radyo at telebisyon.
a. Pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng pandemya.
b. Iba-ibang pamamaraan ng pagkatuto.
c. Pagplano at pagsakatuparan.

3
D. TANDAAN MO
Paksa – tumutukoy sa kabuoang ideya, kaisipan o nilalaman nito.
Sanaysay - “essay”, isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal
na kuro-kuro ng may-akda.
Teksto – ang mga pangunahing salita ay anomang babasahin na nagtataglay ng iba’t
ibang impormasyon.

E. GAWIN MO
Panuto: Basahin ang sumusunod na bahagi ng akda sa hanay A at hanapin
ang pangunahing diwa o paksang tinutukoy nito sa hanay B. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang sagot

HANAY A HANAY B

____1. Mahirap lamang si Ginoong Advincula, A. Tungkol sa


ngunit sa matagal na panahon ng kaniyang kahirapan
pagiging drayber ng taksi ay lagi niyang
isinasauli sa may- ari ang anomang maiwanan
nito sa loob ng minamanehong taksi.

____2. Masipag mag-aral si Jhun ngunit hanggang


hayskul lamang ang kaniyang matatapos sa pag- aaral. B. Pagiging tapat sa
Mahirap lamang sila at napakarami ng kaniyang mga trabaho
kapatid.

4
____3. Mahilig mag-ipon ng mga aklat si Arturo, C. Tungkol sa pangarap
kaya’t kahit nasa ikaanim na baitang pa lamang
siya ay mahigit limampung aklat na ang
kaniyang nalikom mula sa kaniyang mga kaibigan
at kamag-anak.

____4. Si Dana ay isang batang mapag-impok. D. Tungkol sa isang


Matipid siya. Ayaw niyang gumastos ng di naman batang mahilig
talaga kailangan. Sa perang baon niya ay may magbasa ng libro
naitatabi pa siya na nagagamit niya kapag may mga
proyektong ipina -gagawa sa kanilang paaralan at
hindi na humihingi sa magulang.

____5. Subsob sa maghapong trabaho ang E. Masipag na


empleyadong si Roy. Hindi niya na napapansin empleyado
minsan ang oras kaya siya’y gustong-gusto ng
kanyang Boss. Ni hindi siya makitang naka-
simangot sapagkat para sa kanya ang trabaho ay
kailangang mahalin dahil iyon ang pinagkukunan F. Pagiging matipid
ng ikabubuhay ng kanyang pamilya.

F. PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang paksa ng bawat teksto. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tuwang-tuwa si Arnold nang isama siya ng kaniyang Lolo Encio sa Maynila. Mula sa
Cagayan de Oro ay sumakay sila sa Super Ferry. Noon lamang siya nakasakay sa
ganoon kalaking bapor.
a. Pupunta sina Arnold at Lolo Encio sa Maynila sakay ng Super Ferry mula sa
Cagayan de Oro.
b. Noon lamang nakasakay si Arnold sa Super Ferry.
c. Masaya si Arnold sapagkat sumakay siya sa Super Ferry.

2. Sa kabila ng labis na saya ni Arnold dahil sa magagandang karanasan niya sa Super


Ferry ay hindi siya nakalimot magpasalamat, una sa Panginoong Diyos, at ikalawa'y
sa kaniyang Lolo Encio. Patakbo niyang nilapitan ang kaniyang lolo sa kabilang dako
ng kubyerta ng bapor. Niyakap niya ito at pinasalamatan.
a. Maraming magagandang karanasan si Arnold habang nakasakay sa Super
Ferry.
b. Nagpasalamat si Arnold sa Diyos at sa kaniyang lolo sa pagkakaloob sa kaniya ng
pagkakataon na maranasang maglakbay at makasakay sa Super Ferry.
c. Masayang-masaya si Arnold at marami siyang nakikita at nararanasan.

5
3. Maraming nakitang pagbabago sa lungsod si Arnold. Nakasakay siya sa LRT. Nakita
niya ang mga overpass, underpass, at flyover. Nalaman niya ang tungkol sa mahahaba
at malalapad na kalye papalabas ng Maynila patungo sa mga lalawigan, ang North
Luzon Expressway at South Luzon Expressway. Ang mga pagbabagong ito ay dulot
ng modernisasyon sa ating bansa.
a. Labis na natuwa si Arnold sa pagsakay sa LRT at pagdaan ng sasakyan nila sa mga
overpass, underpass, at flyover sa lungsod.
b. May North Luzon Expressway at South Luzon Expressway papalabas ng Maynila
patungo sa mga lalawigan.
c. Maraming pagbabago sa lungsod na dulot ng modernisasyon sa bansa gaya ng
LRT, mga overpass, underpass, at flyover, at ang North Luzon Expressway at
South Luzon Expressway.

4. Munting bata pa lamang si Arnold ay nangarap na siyang makarating sa Maynila, ang


punong lungsod ng Pilipinas. Kaya't nang isama siya ng kaniyang Lolo Encio sa
pagpunta sa Maynila ay natupad ang isang bahagi ng munting pangarap ni Arnold.
a. Natupad ang pangarap ni Arnold na marating ang lungsod ng Maynila.
b. Pangarap ni Arnold na manirahan sa Maynila.
c. Pumunta si Arnold sa Maynila upang doon na manirahan.

5. Ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center,


Folk Arts Theater, at Manila Ocean Park ay ilan lamang sa mga marikit at
makabagong gusali sa gilid ng Look ng Maynila. Bahagi ito ng mga pagbabagong
dala ng modernisasyon ng lungsod tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.
a. Bahagi ng pagsulong at pag-unlad ng bansa ang mga marikit at makabagong gusali.
b. Maraming nagtatayugang gusali sa Maynila at karatig na lungsod.
c. Ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention
Center, at Folk Arts Theater ay matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagbalik-Aralan Mo:
(mga posibleng sagot)
1. Kasakiman, galit, uhaw sa kayamanan,
kawalan ng respeto sa magulang, pagrerebelde
2. Kalungkutan, pagbibigay halaga sa mga payak na bagay
3. Kagalakan, tuwa, pagsasaya
4. Pagkainggit, inis, galit, pagseselos, pagrereklamo
5. Pagkadismaya (sa inasal ng panganay na anak), pag-unawa (sa
6
nararamdaman ng anak), pagbibigay simpatiya, pagtanggap (sa anak na
nagbabalik-loob) pagmamahal (sa mga anak)

Pagsanayan Mo: 1. A. 2. A. 3. C. 4. B. 5. B.
Gawin Mo: 1. B. 2. A. 3. D. 4. F. 5. E.
V. SANGGUNIAN
Alab Filipino, (Batayang Aklat sa Filipino 6) Ang Alibughang Anak pp. 104-105
K-to-12-MELCS-with-CG-Codes
RO V Filipino 6: Kwarter 2 – Modyul 4: Magbasa at Magsuri Tayo
Aralin 1: Ang Paksa (pp. 1-15)

Inihanda ni:

ROSAMY G. GUELAS, T-1


San Isidro Elementary School
Manunulat

Sinuri at Tiniyak ang Kalidad:

MARJORIE M. DERI, MT-I MARLENE B. PANTUA, T-III


Monbon Elementary School Omagom Elementary School
Kasapi Kasapi

LOURDES LU-MARCHAN, T-III


Salvacion Elementary School
Koordineytor sa Filipino
Kasapi

EJENO B. FORNELOS, HT-I MARIVIC J. GRAGAS,


P-I
Omagom Elementary School Salvacion Elementary School
Pangalawang Tagapangulo Tagapangulo

LINY B. GREFAL, Ph.D.


OIC-Tagamasid Pandistrito

You might also like