Professional Documents
Culture Documents
IKALAWANG MARKAHAN
WORKSHEET NO. 4
Basahin ang talata. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang sagot sa linya.
Matalino at masipag sa gawaing bukid si Leopoldo.Natapos niya ang kanyang pag-aaral nang may
pagkilala.Hindi naging hadlang ang kahirapan upang siya ay makapagtapos ng kursong medisina. Naging
matagumpay siyang doktor na handang tumulong lalo na sa mahihirap.
Pagsasanay 1
1. Sino ang pinag-uusapan sa teksto? _____________________________________________
2. Ano-ano ang kanyang katangian niya ? _______________________________________
3. Naging hadlang ba ang kahirapan sa kanyang pag- aaral? ___________________________
4. Anong magandang katangian ang dapat mong gayahin kay Leopoldo? _______________
5. Ano ang paksa ng teksto? ___________________________________________________
Ang paksa ay ang iniikutang diwa sa talata. Ito ang pangkalahatang kaisipan sa isang teksto.Kailangang
basahing mabuti ang talata o kuwento upang maunawaan at maibigay ang paksa nito.
Pagsasanay 2
PANUTO: Basahin ang talata. Bilugan ang titik ang paksa ng talata.
1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang mga gilid nito. Nakalikha sila
makitid na taniman. Tinaniman nila ito ng palay. Ang hagdang hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang
kahanga-hangang tanawin.
A. palay C. kabundukan
B. tanawin D. hagdan-hagdang palayan
2. Ang Sampaguita ay isang uri ng bulaklak na may maliliit,mababango at mapuputing bulaklak. Ang ilang
bahagi nito ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benipisyo sa
kalusugan.
A. kemikal C. sustansya
B. bulaklak D. Sampaguita
3. Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos.Kung ihahambing nga naman sa ibang nilikha sa daigdig,walang
pag-aalinlangang masasabi na ang tao ay nakakahigit sa lahat.
A. tao C. daigdig
B. lahat D. nilikha
4. Isa ang adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa hapag kainan dahil bukod sa madali itong
iluto,maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t ibang klase ng luto nito.
A. isa C. ihain
B. adobo D. Filipino
Pagsasanay 3
PANUTO: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ang duckbill ay isang hayop na may kakatwang anyo. Palapad ang katawan nito na nababalot ng maikli
at pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan ang buntot nito,malapad at at nababalutan ng magaspang na
buhok.Maikli ang apat nitong mga paa na may magkakadikit na mga daliri. Wala itong leeg.May maliit itong
mata at tenga na naisasara kapag nasa ilalim ng tubig.
Pagsasanay 4
PANUTO: Iguhit ang kung ang tanong ay bahagi ng teksto at kung hindi.
Si Anne ay isang kusinera. Kilalang kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil napakasarap niyang magluto.
Bihira ang handaan lalo na kung pista na hindisiya ang nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng
pagkain Pilipino,Intsik,Espanyol,at Italyano.
Pagsasanay 5
Panuto:Isulat ang tsek (/) kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapahayag ng tamang pagbibigay ng
paksa at ekis ( X ) naman kung hindi.