You are on page 1of 15

FILIPINO

YUNIT 1
Pag-unawa at Pagpapahalaga sa mga Akdang Pampanitikan mula sa Rehiyon ng Mediterranean
o Mediterraneo

ARALIN 1
PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN, PAHALAGAHAN!

“Ang Kabayong Kahoy”, Mitolohiyang Mediterranean


Isinalin ni Lynniel P. Carbonel

★ TAUHAN
○ Hector
■ Pinakadakila sa lungsod ng Troya
■ Deds
○ Achilles
■ Mula sa panig ng mga Griyego
■ Deds
○ Ulyesses
■ Gumawa ng paraan upang madaig ang Troya
○ Laocoon
■ Isang pari na tumanggi sa Kabayong Kahoy
■ Pinukol ng sibat ni Laocoon ang malaking kabayo sa tagiliran
○ Sinon
■ Manlilinlang na Griyego
■ Nagpanggap na isang lalaking basang-basa at nakagapos
○ Minerva
■ Diyosa ng karunungan
■ Sakaniya iniaalay ang Kabayong Kahoy
○ Calchas
■ Ayon sa propetang ito, tiyak na magtatagumpay ang mga taga-Troya
laban sa mga Griyego kung madadala sa loob ng lungsod ang kabayo
○ Haring Menelaus
■ Haring ng mga Griyego na lumusob sa mga taga-Troya
○ Haring Priam
■ Namatay ewan ko kung sino ba ‘to
★ TAGPUAN
○ Lungsod ng Troya
★ MAHAHALAGANG PANGYAYARI
○ Siyam na taon ang itinagal ng digmaan sa pagitan ng Gresya at Troya.
○ Hindi nakaligtas si Hector, ang pinakadakila sa lungsod ng Troya at Achilles
mula sa panig ng mga Griyego.
○ Nagpanggap na nagsisisi ang mga Griyego, nilisan nila ang Troya, at dumaong
sila sa isang pulo.
○ Nagsimulang gumawa ng kabayong kahoy ang mga naiwang kawal.
○ Naglayag at iniwan ng mga Griyego ang malaking kabayo na nakita naman ng
mga taga-Troya na kanilang kinatatakutan noong una. Kinalaunan, nawala na
ang kanilang pangamba kaya nakuha na nilang magsaya.
○ Nakiusap sa kanila si Laocoon, isang pari na huwag nang galawin ang malaking
kabayo. Pinukol ng sibat ni Laocoon ang malaking kabayo sa tagiliran.
○ Isang lalaking basang-basa at nakagapos ang pinagkaguluhan ng mga sandaling
iyon.
○ Nagpakilala ang lalaki na si Sinon na sinabing hinatulan siya ng kamatayan at
nakatakas sa paningin ng mga tauhan ni Ulysses.
○ Naantig ang puso ng lahat sa narinig na salaysay ni Sinon.
○ Handog ang malaking kabayo kay Minerva, ang diyosa ng karunungan.
○ Ayon sa propetang si Calchas, tiyak na magtatagumpay ang mga taga-Troya
laban sa mga Griyego kung madadala sa loob ng lungsod ang kabayo.
○ Naniwala ang mga Troya at nagisip kung paano madadala sa lungsod ang
malaking kabayo.
○ Biglang nagkagulo ang mga tao dahil sa lumitaw ang dalawang malaking ahas sa
pampang.
○ Nagngangalit ang mga ahas kay Laocoon at nilingkis siya at ang kaniyang anak
at kinain sila. EWWWWWW
○ Gumapang sila sa dambana / altar ni Minerva at doon namaluktot.
○ Ang palagay ng mga tao ay hinatulan ng mga bathala si Laocoon dahil sa
tinarakan niya ng sibat ang malaking kabayo.
○ Tinakpan nila agad ng butas ang bakod ng bato upang pagdaanan ng malaking
kabayo.
○ Nilagyan nila ito ng palamuting mga dahon at bulaklak, at kinabitan ng gulong.
○ Sinimulan na nila ang pagtulak, pagkatapos at hinila sa kapatagan hanggang
makarating sa lungsod.
○ Inukol nila ang araw na iyon upang magdiwang.
○ Kinagabihan, naiwang walang tanod ang pintuan ng lungsod.
★ TUNGGALIAN
○ Habang mahimbing na natutulog ang mga taga-Troya, binuksan ni Sinon ang
lihim na pinto ng malaking kabayong kahoy.
○ Tahimik at buong ingat na lumabas sina Ulysses, Haring Menelaus, at kanilang
mga tauhan.
○ Binuksan ang mga pintuan ng lungsod at binigyan ng hudyat ang kanilang mga
kawan.
○ Dumaong ang mga sasakyang pandagat ng mga Griyego na lulan ang
napakaraming kawal.
○ Tuluyan nang nilusob ng mga Griyego ang Troya at napasok ang lungsod.
★ WAKAS
○ Namatay si Haring Priam at marami sa kaniyang mga kasamahan.
○ Pinasok ng mga Griyego ang mga tahanan at kinulimbat nila ang mga yaman at
ari-arian ng mga taga-Troya.
○ Hindi pinatawad maging ang altar, ninakaw nila ang gintong saro at kalis.
Pagkatapos, sinunog nila ang lahat hanggang gumuho ang buong lungsod.
★ BUOD
○ Nakaisip ang mga Griyego ng paraan kung paano matatalo ang mga taga-Troya.
Gumawa sila ng malaking kabayong kahoy na isang panlinlang upang makapasok
sila sa Troya. Noong una, natakot ang mga taga-Troya pero kinalaunan, unti-unti
nang nawawala ang pangamba nila rito. Nakiusap si Laocoon na huwag na ito
tanggapin dahil sa nakaraan nila ng mga Griyego. Pinukol ng sibat ni Laocoon
ang tagiliran nito. Lumabas si Sinon, nagpanggap siya na isang lalaking basang-
basa at nakatakas sa mga tauhan ni Ulysses. Sinabing handog ito para sa
diyosang si Minerva na diyosa ng karunungan. Sabi rin ng propetang si Calchas
na tiyak magtatagumpay ang mga taga-Troya kung ito’y kanilang tatanggapin.
Tinanggap na ng mga taga-Troya ito. May dalawang ahas na lumabas sa
pampang at nilingkis nila si Laocoon at kaniyang anak. Kinain nila ang mag-ama.
Inakala ng mga tao na hinatulan ng mga bathala si Laocoon. Pinasok na nila ito
sa lungsod at nagdiwang sa araw na iyon. Kinagabihan, habang mahimbing nang
natutulog ang lahat, binuksan ni Sinon ang lihim na pinto ng malaking kabayong
kahoy. Lumabas sina Ulysses, Haring Menelaus, at kanilang mga tauhan. Nilusob
ng mga Griyego ang Troya. Namatay si Haring Priam at marami sakaniyang
kasamahan. Sa huli, sinunog nila ang lahat hanggang gumuho ang lungsod.

KAYARIAN NG MGA SALITA

★ Payak
Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa: himig o tono
Habang dumarating ang mga panauhin ay patuloy ang himig na maririnig
mula sa bulwagan.

★ Maylapi
Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi
Mga uri ng panlapi
Unlapi
Ito ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Umasa, mag-aral, mangisda
Gitlapi
Ito ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat.
Bumasa, sinulat, pumunta
Hulapi
Ito ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat.
Basahin, gupitan, sulatin
Kabilaan
Kabilaan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang-
ugat.
Kalayaan, magmahalan, talaarawan
Laguhan
Laguhan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng s
salitang-ugat.
Pagsumikapan, magdinuguan

★ Inuulit
Ito ay salitang inuulit ang pantig o ang salitang-ugat.
Dalawang uri ng pag-uulit:
A. Di-ganap
` Bahagi lamang ng salita ang inuulit
` Halimbawa: Iilan-ilan lamang ang dumating na panauhin.
B. Ganap
` Inuulit ang salitang-ugat
` Halimbawa: dahan-dahan, unti-unti
Dahan-dahang lumusob ang mga mandirigma.

★ Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsama upang mabuo ang salitang may
tambalang ganap o ‘di ganap.
A. Di-ganap
` Ang tambalan ay di-ganap kung pinagsasama ang kahulugan ng dalawang
salita at nilalagyan ng gitling sa pagitan ng mga ito.
` Halimbawa: agaw-dilim; malapit nang dumilim
Agaw-dilim na nang makapasok ang mga mandirigma.
B. Ganap
` Ang tambalan ay ganap kapag pinagsasama ang dalawang magkaibang salita at
nagbabago ang kahulugan ng mga ito. Hindi na ito ginagamitang ng gitling sa
pagitan ng dalawang magkaibang salita.
` Halimbawa: bahag (katutubong kasuotan) + hari (pinuno)
Ang bagong salita ay bahaghari na tumutukoy sa isang arko na may sari-saring
kulay na likha ng pagtama ng sikat ng araw sa hamog.

★ Mitolohiya
○ Ito’y isang agham o pag-aaral ng mga mito o myth at alamat.
○ Ito rin ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos o diyosa noong unang
panahon na sinasamba, dinadakila, at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
○ Nagmula sa salitang Latin na mythos at Greek na muthos na nangangahulugang
“kuwento”.
○ Ang muthos ay halaw sa “mu: na ang kahulugan ay paglikha ng tunog sa bibig.

★ Homer
○ Pilosopong Griyego na nagsulat din ng Iliad at Odyssey, at Ang kabayong kahoy
○ Trojan war

★ Pandiwa
○ Salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.

★ Pandiwang nagpapahayag ng kilos o aksyon


○ May aktor o tagaganap ng kilos at aksyon.
○ Dumaong ang mga sasakyang pandagat ng mga Griyego.
○ Nakapasok ang mga mandirigma hanggang sa lungsod ng Troya.

★ Pandiwang nagpapahayag ng damdamin


○ May tagaganap ng damdamin
○ Natuwa ang mga taga-Troya nang umalis ang mga Griyego.
○ Naawa ang mga taga-Troya sa mapanlinlang na si Sinon.

★ Pandiwang nagpapahayag ng pangyayari


○ Namatay si Haring Priam at ang marami sa kaniyang mga kasamahan.
○ Nabuhay muli ang pag-asa ng mga Griyego nang sila ay magwagi.
ARALIN 2
PAGTITIWALA: PAGPAPATIBAY SA ISANG RELASYON

“Ang Talinhagang tungkol sa mga Aliping Pinagkatiwalaan ng Salapi”


Lukas 19:11-27, Talata 14-30

★ TAUHAN
○ Ang panginoon
■ Isang maglalakbay
■ Pinagkatiwalaan niya ang kaniyang mga alipin ng salapi
○ Aliping may P5,000
■ Humayo agad at ipinangkalakal ang P5,000.
■ Nagtubo siya ng P5,000
○ Aliping may P2,000
■ Humayo agad at ipinangkalakal ang P2,000
■ Nagtubo siya ng P2,000
○ Aliping may P1,000
■ Humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang panginoon
★ TAGPUAN
○ Ewan sa kaharian yata
★ MAHAHALAGANG PANGYAYARI
○ May isang taong maglalakbay, tinawag niya ang kaniyang mga alipin at
ipinagkatiwala sa kanila ang mga ari-arian.
○ Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahan.
○ Binigyan niya ang isa ng P5,000, ang isa nama’y P2,000, at ang isa pa’y P1,000.
○ Umalis na sha awww
○ Humayo agad ang tumanggap ng P5,000 at ipinangkalakal iyon.
○ Nagtubo siya ng P5,000
○ Humayo agad ang tumanggap ng P2,000 at ipinangkalakal iyon.
○ Nagtubo siya ng P2,000
○ Ang tumanggap ng P1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng kaniyang
panginoon.
○ Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon at pinapagsulat sila.
○ Lumapit ang tumanggap ng P5,000: Wika niya “Panginoon, heto po ang P5,000
na tinubo ko.”
○ Sabi sa kaniya ng panginoon, “Magaling! Tapat at mabuting alipin! Yamang
naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga.
Makihati ka sa aking kagalakan!”
○ Lumapit din ang tumanggap ng P2,000
○ Heto naman po P2,000 tinubo ko.
○ Sinabi ng kaniyang panginoon, “Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging
tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain naman kita sa malaking halaga.
Makihati ka sa aking kagalakan!”
★ TUNGGALIAN
○ Lumapit naman ang tumanggap ng P1,000
○ “Alam ko pong kayo’y mahigpit. Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at
nag-aani sa hindi ninyo hinasikan. Heto po ang P1,000 ninyo.
○ “Masama at tamad na alipin! Alam mo pala na gumagapas ako sa hindi ko
tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo inilagak sa bangko,
‘di sana’y may nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kaniya ang P1,000 at
ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana;
ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kaniya ay kukunin pa. Itapon ninyo
sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at
magngangalit ang kaniyang ngipin.
★ BUOD
○ Binigyan ng panginoon ang kaniyang mga alipin na naaayon sa kanilang
kakayahan. Isang P5,000, isa sa P2,000, at isang P1,000. Umalis ang panginoon,
agad naman ipinangalakal ang P5,000 at P,200. Sila’y tumubo ng P5,000 at P2,000.
Ang aliping may P1,000 naman ay binaon lang ito sa lupa. Pagkabalik ng
panginoon, sila’y pinagsulit. Lumapit muna ang may P5,000 at binigay ang
kaniyang tubo. Gano’n din sa may P2,000. Natuwa ang panginoon dito. Ngunit,
lumapit ang may P1,000 at nagalit ang panginoon dahil sa kaniyang ginawa.
Kinuha ang kaniyang P1,000 at ibinigay sa may P10,000. Itinapon sa kadiliman
ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kaniyang
ngipin.
★ Parabola
○ Uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na tumatalakay sa mga kuwentong
hinango sa Bibliya.

★ Pang-ugnay
○ Ginagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaoy ng mga pangyayari,
hanggang sa pagwakas ng pagsasalaysay.

★ 3 uri ng pang-ugnay
○ Pang-angkop
■ Pang-ugnay ng dalawang salita.
● Na, -ng, -g.
○ Pang-ukol
■ Ito ay mga kataga o salita, parilalang nag-uugnay sa isang pang ngalan sa
iba pang salita.
● Alinsunod sa, alinsunod kay, para sa, para kay, laban sa, laban kay
○ Pangatnig
■ Mga salita o parilalang nag-uugnay sa dalawang salita, parilala, sugnay, o
payak na pangungusap.
● At, kapag, ngunit, samakatuwid, kaya, o, bagaman, kundi, pagkat,
upang, bago, habang, sapagkat, dahil sa, maliban, subalit,
samantala.
ARALIN 3
ANG KASAKIMAN AY MAY KABAYARAN

“Ang pakinabang ng Isa ay Pighati ng Iba”


Ni Michel de Montaigne
Isinalin ni Jaime Villafuerte

★ TAUHAN
○ Demades ng Athens
■ May-ari ng negosyong nagbebenta ng mga kagamitan sa pagbuburol at sa
paglilibing.

★ TAGPUAN
○ Kahit saan (wala talagang nakalagay)
★ BUOD
○ Isang paniniwala sa Gresya noong ika-6 na siglo sa kapanahunan ni Kristo ay ang
pagkakaroon ng isang maringal na paglilibing sa isang yumao. Isang magarbo at
maringal na paghahanda ang ginagawa ng mga kaanak mula sa pagbuburol
hanggang sa oras ng paglilibing. Si Demades ng Athens ay may-ari ng isang
negosyo. Ito ay ang pagbebenta ng mga kagamitan sa pagbuburol at sa
paglilibing. Siya lamang ay may ganoong uri ng negosyo. Pinapatungan niya ng
malalaking halaga ang kaniyang mga kalakal upang magkaroon siya ng malaking
pakinabang o tubo. Naging gahaman siya dahil dito. Dumating sa punto na
naisip niya na kung mas maraming mamamatay sa loob lamang ng maikling
panahon, higit na magiging malaki ang kaniyang kita. Hindi naging katanggap-
tanggap ang kaniyang ginawa at paniniwala kaya’t itinakwil siya ng mga
kaniyang mga kababayan. Hindi ito katanggap-tanggap dahil iniisip lamang niya
ang sariling kapakanan. Ang pagkakamit ng malaking kapakinabangan sa kabila
ng pagdurusa at paghihirap ng iba ay hindi makatwiran at makatarungang gawin.
Sa naturang panununtunan ng buhay, dapat na ituring na masama ang anumang
bagay na nais makamit kapalit ng paghihirap o pagdurusa ng ibang tao o pag-
iisip ng makasariling hangarin na makakapinsala sa iba.
★ Michel de Montaigne
○ Pranses na manunulat na nagbigay=bihis sa isang makabagong anyo ng panitikan
na tinatawag na sanaysay o essay noong Panahon ng Pagkamulat (Age of
Enlightenment) kung kailan namayagpag sina Voltaire at Jean-Jacques Rousseau.

★ Alejandro G. Abadilla
○ Father of modern Philippine poetry

★ Sanaysay
○ Isang uri ng panitikang tuluyan na nagpapahayag ng sariling kaisipan, kuro-
kuro, damdamin, at saloobin tungkol sa isang paksa o isyu.

★ Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw


○ Sa palagay ko, batay sa aking paniniwala, maaaring, baka, marahil, ayon sa, batay
sa, sa ganang akin.

ARALIN 4:
HAMON NG PAGSUBOK: MATUKLASAN ANG KALAKASAN, HINDI ANG
KAHINAAN.

“Karangalang Niruyakan, Ipagtanggol”


Base sa Buhay ni Rodrigo Diaz de Vivar
Isinalin ni Morena Moreno

★ TAUHAN
○ Rodrigo Diaz de Vivar
■ Tinaguriang El Cid
■ El Cid means “The Champion” “Kampyon”
■ Isang Kastilyanong maharlika at pinunong malitar ng Espanya noong
Panahong Medyibal o Gitnang Panahon.
○ Count Garcia Ordoñez
■ Kalaban ni El Cid
○ Haring Alfonso VI
■ Aye aye aye aye aye ya eyey aeyauyewuyeuwyewyewuyewuye
★ TAGPUAN
○ Sa lungsod
★ MAHAHALAGANG PANGYAYARI
○ Si El Cid ay nagkaroon ng kalaban na nagngangalang Count Garcia Ordoñez.
Sang-ayon kay Ordoñez, siya araw ang nagtaksil ng bayan.
○ Pinaniwalaan ito agad ni Haring Alfonso VI.
○ Umalis si El Cid sa palasyo, iniwan niya nag kaniyang asawa at dalawang anak na
babae sa monasteryo.
○ Nagbenta siya ng isang kaban ng kayamanan na naglalaman ng ginto at ahas
upang makakuha ng pera.
○ Agad itong nabili ng dalawang Hudyo mula sa Burgos sa Espanya.
○ Ang laman ng sako ay lupa lamang. OH MY GOSH
○ Umalis si El Cid kasama ang tatlong daang sundalo upang mamuhay sa
nasasakupan ng mga Moro sa Aragon.
○ Sunod-sunod ang ginawa niyang pakikipaglaban.
○ Siya ay nagkamal ng kayamanan sa pamamagitan ng paghingi ng ransom sa mga
nahuhuli nilang Moro.
○ Natalo rin nila ang Count ng Barcelona at tuluyang nagapi ang Valencia.
○ Naging tanyag ang kaniyang pangalan at nakahikayat din siya ng marami pang
tagasunod.
○ Ang mga pangyayaring ito ang nagbigay daan upang makuha niyang muli ang
loob ni Haring Alfonso VI.
○ Inalok ng Hari na maipakasal ang dalawang anak ni El Cid sa kaniyang dalawang
anak na lalaki.
○ Nagkataon, ang mga ito ay kamag-anak ni Count Garcia Ordoñez. Gayunpaman
pumayag pa rin si El Cid.
○ Mayabang at mapanlait ang kaniyang mga naging manugang.
○ Ang tingin sa kanilang mga napangasawa ay mababang uri lamang.
○ Kaya lamang pumayag na magpakasal ay dahil sa bigay-kaya o dowry.
○ Hinubaran at binugbog ng kaniyang mga manugang ang kaniyang mga anak.
○ Iniwan ang dalawang babae sa gitna ng kagubatang habang tangay-tangay ang
ipinagkaloob na dowry ni El Cid.
★ TUNGGALIAN
○ Kinasuhan ni El Cid ang Hari at humingi ng hustisya.
○ Tatlong kahilingan ang inihain niya:
■ Una, maibalik ang mga Infantes ang kaniyang dalawang sandata;
■ Ikalawa, maibalik ang inialay niyang dowry;
■ At ikatlo, maipagtanggol ang kaniyang karangalan sa pamamagitan ng
pakikipagtunggali sa mga Infantes.
○ Nagharap sa korte ng Toledo ang dalawa.
○ Madaling natugunan ang una at ikalawa niyang kahilingan.
○ Habang pinagtatalunan ang ikatlong kahilingan, siya namang dating ng
mensahero mula sa hari ng Aragon at hari ng Navarra.
○ Hiniling ng dalawang hari na mapakasal ang kani-kanilang anak na babae ni El
Cid.
○ Napagbigyan ang ikatlo niyang kahilingan na labanan ang mga Infantes.
○ Nagwagi ang angkan ni El Cid at matagumpay na naibalik ang kaniyang
karangalan at kayamanan.
★ BUOD
○ Si El Cid ay napagbintangan na nagtaksil sa bayan ni Count Garcia Ordoñez na
agad naman pinaniwalaan ni Haring Alfonso VI. Umalis siya at iniwan ang
kaniyang pamilya. Nagbenta siya ng isang sako ng kayamanan na agad nabili
ngunit lupa lamang ang laman nito. Sunod sunod ang pakikipaglaban ni El Cid
na nagpasikat sa kaniyang pangalan. Nawagi niya ulit ang loob ng Hari.
Ipinakasal ang kaniyang dalawang anak ni El Cid sa dalawang anak na lalaki ng
Hari. Nagkataon, kamaganak din nila si Count Garcia Ordoñez. Naging malupit
ang mga manugang sakanila at pinagbubugbog sila’t iniwanan sa kalagitnaan ng
kagubatan habang tangay-tangay ang dowry ni El Cid. Dahil dito, kinasuhan ni El
Cid ang hari at naghain ng tatlong kahilingan. Una, maibalik ang mga Infantes
ang kaniyang dalawang sandata; Ikalawa, maibalik ang inialay niyang dowry; At
ikatlo, maipagtanggol ang kaniyang karangalan sa pamamagitan ng
pakikipagtunggali sa mga Infantes. Naibigay ang una at pangalawang hilingin ni
El Cid. Ngunit, habang pinagtatalunan ang pangatlo, may dumating na
mensahero na sinasabing may dalawang haring gusto ipakasal sa dalawang anak
ni El Cid. Pumayag naman siya at naibigay ang ikatlong kahilingan. Nanalo ang
angkan ni El Cid at naibalik ang kaniyang kayamanan at karangalan.

★ Epiko
○ Isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kaniyang paglalakbay at pakikidigma na punong-puno ng mga kagila-gilas na
pangyayari

★ Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

★ MGA SALITANG PANANDA SA MABISANG PAGLALAHAD NG PAHAYAG


○ Pagkakasunod-sunod
■ Una, pangalawa, pangatlo, noon, nang, samantala, pagkatapos, sumunod
○ Halimbawa at paliwanag
■ Bilang karagdagan, dagdag pa rito, halimbawa nito
○ Pagdaragdag ng impormasyon
■ Bukod dito, kabilang dito, at saka, karagdagan dito
○ Paghahambing, kaibahan, o kontradiksiyon
■ Sa kabilang dako, sa kabilang banda, ‘di tulad ng, sa halip ng
○ Sanhi at bunga
■ Kung gayon, sa gayon, dahil dito, samakatwid
○ Diin
■ Sa madaling salita, sa gayon, higit sa lahat, tunay na
○ Pangatnig upang maging malinaw ang paglalahad
■ Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala, o sugnay
na makapag-iisa:
● At, saka, ngunit, ni, datapwa’t, subalit, maging
■ Pangatnig na nag-uungay sa mga parirala o sugnay na di-nakapag-iisa:
● Kung, kaya, kapag, dahil sa, pag, sapagkat.
TALASALITAAN
Mga words na blah blah balah chu chu chu
★ Hungkag
○ Walang laman, bakante, walang kabuluhan, walang saysay, walang katapatan
★ Maringal
○ Matikas, elegante, magara, kahanga-hanga, dakila
★ Paniniwala
○ Pananampalataya, pananalig, pananaw, kinaroroonan, paninidigan
★ Insulto
○ Panlalait, alipusta, pagdusta, paninirang-puri, kalupitan
★ Ritwal
○ Seremonya, relihiyon, sakramento, karangyaan,
★ Pakinabang
○ Benepisyo, tubo, adbentahe, bunga,
★ Kinamihasnan
○ Kinagisnan, kinalakihan, nakasanayan
★ Matanglawin
○ Ganap na tambalan; mata at lawin
○ Matalas na paningin
★ Sinapit
○ Resulta, dinanas
★ Pinsala
○ Sira, deteryorado, kapamahakan, kasiraan, kamalian
★ Tumugon
○ Sumagot, sagutin, tugunin, gumanti, managot
★ Pamatid-uhaw
○ Pampalamig, pagpapapresko, pagpain, represko, pampapresko
★ Patay-patay
○ Mabagal, makupad, mabagal ang kilos
★ Anting-anting
○ Mutya, agimat, galing, dupil

You might also like