You are on page 1of 32

PAG-UULAT SA

FILIPINO
KABANATA 23 :PAG – IBIG NA PILIT
SAKNONG 317-329
TALAAN NG NILALAMAN:
• KABANATA 23: PAG IBIG NA PILT
• MGA MAKABULUHANG SALITA AT KAHULUGAN
NITO
• TAGPUAN
• TAUHAN
• MAHAHALAGANG NANGYARI SA KABANATA
• MENSAHE/ARAL NG TALATA PARA SA:
KABATAAN, ANAK/MAG - AARAL
PAG – IBIG NA PILIT
317

"Ang akay kong hukbo'y kusang


pinahimpil
sa paa ng isang bundok na
mabangin,
di kaginsa-ginsa'y natanawan
namin,
pulutong ng Morong lakad ay
mahinhin.
PAG – IBIG NA PILIT

318
"Isang binibini ang gapos na taglay
na sa damdam nami'y tangkang
pupugutan;
ang puso ko'y lalong naipit ng
lumbay
sa gunitang baka si Laura kong
buhay.
PAG – IBIG NA PILIT

319
"Kaya di napigil ang akay ng loob
at ang mga Moro'y bigla kong
nilusob;
palad nang tumakbo at hindi
natapos
sa aking pamuksang kalis na may
poot!
PAG – IBIG NA PILIT

320
"Nang wala na akong pagbuntunang
galit,
sa di makakibong gapos ay lumapit;
ang takip sa mukha'y nang aking
ialis,
aba ko't si Laura! may lalo pang
sakit?
PAG – IBIG NA PILIT

321
"Pupugutan dahil sa hindi
pagtanggap
sa sintang mahalay ng Emir sa
syudad;
nang mag-asal hayop ang Morong
pangahas,
tinampal sa mukha ng himalang
dilag.
PAG – IBIG NA PILIT

322
"Aking dali-daling kinalag sa
kamay
ang lubid na walang awa at
pitagan;
mga daliri ko'y naalang-alang
marampi sa balat na kagalang-
galang.
PAG – IBIG NA PILIT
323
"Dito nakatanggap ng lunas na titig
ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;
araw ng ligayang una kong pagdinig
ng sintang Florante sa kay Laurang
bibig.
PAG – IBIG NA PILIT

324
"Nang aking matantong nasa
bilangguan
ang bunying monarka't ang ama
kong hirang;
nag-utos sa hukbo't aming sinalakay
hanggang di mabawi ang Albanyang
Bayan.
PAG – IBIG NA PILIT

325
"Pagpasok na namin sa loob ng
reyno,
bilanggua'y siyang una kong
tinungo;
hinango ang hari't ang dukeng
ama ko
sa kaginooha'y isa si Adolfo.
PAG – IBIG NA PILIT

326
"Labis ang ligayang kinamtan ng hari
at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang
sanhi.
PAG – IBIG NA PILIT
327

"Pangimbulo niya'y lalo nang nag-


alab
nang ako'y tawaging Tanggulan ng
Syudad,
at ipinagdiwang ng haring mataas
sa palasyo real nang lubos na galak
PAG – IBIG NA PILIT

328
"Saka nahalatang ako'y
minamahal
ng pinag-uusig niyang karikitan;
ang Konde Adolfo'y
nagpapakamatay--
dahil sa Korona't--kay Laura'y
makasal."
PAG – IBIG NA PILIT
329
"Lumago ang binhing mula sa
Atenas
ipinunlang nasang ako'y ipahamak;
kay Adolfo'y walang bagay na
masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.
5 MAKABULUHANG
SALITA SA
KABANATA 23
1. KALIS -319
Ang kalis ay isang uri ng tabak o
espada na may talim sa
magkabilang bahagi.Ito ay mas
mahaba at malaki kesa sa kris na
isang punyal. Ang kalis ay
dinisenyo na may paalong
talimupang mapadali ang
paghugot dito mula sa katawan
ng kalaban sa panahon ng
digmaan. Ang kalis ay tinatawag
ding 'sundang.
2. DILAG -321

Isang dalagang babae na


may taglay na
Kagandahang may
ningning.
3.DARALITA -323
• tumutukoy sa taong
naghihirap sa buhay.
Ang kasing kahulugan
nito ay ang
salitang dukha. Sa
wikang Ingles, ang
katumbas nito
ay poor o indigent. O
kaya isang taong
nakararanas ng
matinding paghihirap..
4. BINHI - 329
• Ang salitang binhi ay
maaaring mangahulugan
ng isa sa mga sumusunod
na kahulugan: 1. Buto ng
isang halaman o puno na
maaaring gawing
pantanim.2. Isang uri ng
idyoma na
nangangahulugan ng
bagong henerasyon o mga
bata na sisibol.
5. MORO - 319
• Ang katawagan ding ito ay
ikinakapit sa mga Muslim na
nainirahan sa Morocco, kanlurang
Algeria, Kanlurang Sahara,
Mauritanya, Tangway ng Iberia,
Septimanya, Sicilia at Malta
noong Gintang Kapanahunan o
Middle Ages/Medieval Period.Sa
mahabang tulang Florante at
Laura, ang tauhan na si Aladin na
anak ni Sultan Ali-Adab, ay kinilala
bilang isang Moro Persyano. Ang
Emir, na hindi nagtagumpay sa
pagpatay kay Laura ay kinikilala
din bilang isang Moro
TAGPUAN SA KABANATA 23
• ALBANYA – ang kaharian na
pinaglilingkuran ni Florante bilang heneral.
Ito ang kaharian ng balak sakupin ng mga
mananakop
• CROTONA – Kaharian na pinagmulan ng ina
ni Florante, at ang kahariang tinulungan ni
Florante laban sa mga mananakop.
• PAA NG BUNDOK – Doon pinahinto ni
florante Ang hukbong kaniyang
pinamunuan at kung saan nakita ni
Florante si Laura na nakatali at balak
dalhin sa lugar na pupugutan ng ulo nito.
• Bilangguan- Kung saan nakakulong si
haring linceo,Ang kaniyang ama na si
Duke briseo at si Konde Adolfo.
Mga tauhan na nabanggit sa Kabanata:

• Florante - Makisig na binatang anak ni Duke


Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang
pangunahing tauhan sa kuwento. Heneral
ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani
at mandirigma.At nagligtas sa bayan ng
• Prinsesa Laura - Prinsesa Laura - Anak ni Haring
Linceo at ang iniibig ni Florante, na inagaw ni
Konde Adolfo. Siya ang babaeng dapat na
pupugutan ng ulo ngunit nasagip ni Florante.

• Konde Adolfo -Anak nisi Konde Sileno .


Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang
taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang
magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit na
karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa
Atenas. Siya rin ang hadlang sa pag-iibigan nina
Florante at Laura, at aagaw sa trono ni Haring
Linceo ng Albanya.Siya ang kaaway sa kwento.
• Duke Briseo -siya ang maarugaing ama ni
Florante, at naglilingkod bilang sariling
tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya
ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay
nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang
kanyang agawin ang trono ng Haring
Linceo.
• Haring Linceo - Siya ang hari ng Kaharian ng
Albanya, at ama ni Laura
• Emir-isang Moro na Hindi nagtagumpay sa
pagpatay Kay Laura
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA
KABANATA
• Nang manalo si Florante laban sa mga mananakop , siya ay
nanatili sa Crotona. Nang siya ay umuwi na papuntang
Albanya , hindi bandila ng kristiyano ang nakita niya kundi
ang bandila ng mga Persiyano. Na nangangahulugang sinakop
na ang kaniyang bayan.
• Pinahinto niya ang hukbo sa paa ng isang bundok , May
nakita silang mga moro na nagma-martsa. May kasama
silang babaeng may takip ang mukha at nakatali ang mga
kamay. Ikinagalit ito ni Florante at sinugod niya ang morong
malapit kay Laura at tinanggal ang takip nito sa mukha.
Pupugutan sana si Laura dahil sa pag sampal niya kay Emir.
Pinakawalan niya ito sa pagkaka-tali.
• Nalaman ni Florante mula kay Laura na binihag ng mga Moro si
Haring Linceo at si Duke Briseo. Inutos ni Florante na lusubin ng
hukbo ang Albanya ang mga Persiyano.
• Pagkapasok sa kaharian ng Albanya, dumiretso si Florante sa
bilangguan at pinalaya niya ang hari, at ang kaniyang ama ngunit
pinalaya din niya si Adolfo.
• Masaya ang lahat sa pagka-panalo nila sa mga Persyano at sa pa
bawi ng kaharian , maliban kay Adolfo. Nainggit kasi si Adolfo sa
dami ng puri na natanggap ni Florante.
• Nainsulto si Adolfo nung tinawag si Florante na tagapagtanggol ng
siyudad, at nagdiwang pa ang hari sa palasyo dahil tuwang-tuwa ito
kay Florante.
• Gustong pakasalan ni Adolfo si Laura dahil gustung-gusto ni Adolfo
na makuha ang korona ng kaharian ng Albanya. Nahalata ni Adolfo
na mahal pala ni Laura si Florante.
• Nag-isip na ng maitim na balak si Adolfo laban kay Florante. Alam ni
Florante na gagawin ni Adolfo ang lahat, kahit ang pagpatay kay
Florante.
ARAL/MENSAHE SA KABATAAN:
• Kahit na may isang taong nakagawa sa atin ng
kasalan at dumating ang oras na kailangan nila
ng ating tulong huwag tayong mag alinlangang
gawin ang mabuti at tulungan natin ito.
• Huwag tayo magpapadala sa ating inggit sa
isang tao , bagkus tayo ay mag sikap para tayo
rin ay umunlad at huwag gumawa ng mga
bagay na may mga taong maaapakan para lang
makuha natin ang ating gusto.
ARAL/MENSAHE SA MAG-AARAL/
ANAK:
• Tumanaw ng utang na loob sa iyong
magulang o sa mga taong natulungan ka.
Lagi tayong makikinig sa ating mga
magulang upang hindi tayo maliligaw ng
landas at upang alam natin ang tama sa
mali.
FLORANTE AT LAURA ,KABANATA 23: PAG – IBIG NA
PILIT
PAG - UULAT sa FILIPINO
8-AGONCILLO
MIYEMBRO:

• DEAN ALLEN • MARY JOY


S. SANTOS RELADO

You might also like