You are on page 1of 6

4TH QUARTER FILIPINO

ARALIN 1: TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS, KALIGIRANG


PANGKASAYSAYAN, AT MGA TAUHAN NG FLORANTE AT LAURA
• Fransisco Balagtas Baltazar – sumulat ng Florante at Laura.
- tinaguriang Prinsipe ng Makatang Tagalog.
• Ika-2 ng Abril, 1788 – taon kung kailan ipinanganak si balagtas.
• Panginay, Bigaa, Bulacan – lugar kung saan ipinanganak si Balagtas.
• Kiko – palayaw ni balagtas
• Juan balagtas – ama ni balagtas
• Juana dela cruz – ina ni balagtas
• Tondo, Maynila – kung saan siya namasukan bilang katulong
• Donya Trinidad – kaniyang pinaninilbihan

KURSONG NATAPOS NI BALAGTAS


COLEGIO DE SAN JOSE

• Gramatica Castellana
• Gramatica Latina
• Geografia at Fisica
• Doctrina Christiana

SAN JUAN DE LETRAN

• Humanidades
• Teolohiya
• Pilosopiya

• Magdalena Ana Ramos – unang bumihag sa puso ni balagtas (una niyang minahal)
• Jose Dela Cruz “Huseng Sisiw” - isang makata na hindi natulungan si balagtas sa pag-aayos ng
tula na iaalay niya sana sa kaarawan ni Magdalena Ana Ramos.
• Maria Asuncion Rivera o Selya – napaibig niya ito at naging kasintahan subalit nagkaroon sila ng
mahigpit na katunggali.
- sakaniya inialay ni Balagtas ang kanyang akdang Florante at
Laura.
• Nanong Kapule – inagaw at pinakasalan si Selya.
• Florante at Laura – isinulat niya habang nasa loob ng bilangguan.
• Udyong, Bataan – kung saan tinapos ni balagtas ang obra maestra niyang florante at laura
- dito nanirahan si balagtas pagkatapos niya mabilanggo.
• Juana Tiambeng – naging asawa ni balagtas
• 54 – edad ni balagtas noong siya ay ikinasal
• Alferez Lucas – babaeng utusan na pinutulan ni balagtas ng buhok na naging dahilan sa kaniyang
muling pagkabilanggo.
• Ika-20 ng pebrero, 1860 – taon kung kailan namatay si balagtas.
• 74 – edad ni balagtas noong namatay
• 4 – naging anak ni balagtas kay Juana

ARALIN 1.2: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA


• Pinagdaanang buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albanya – orihinal na pamagat ng
Florante at Laura.
• 1838 — taon kung kailan isinulat Balagtas Baltazar
• Alegorya – ginamit ni balagtas sa Florante at Laura kung saan masasalamin ang nakatagong
mensahe at simbolismong kakikitaan din ng pagpapalalim sa diwa ng nasyonalismo.

APAT NA HIMAGSIK
• himagsik laban sa malupit na pamahalaan
• himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
• himagsik laban sa mga maling kaugalian
• himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

• Florante at Laura - itinuturing na obra-maestrang ng panitikang Pilipino at sinabing nagbukas ng


daan para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.
- nagbigay inspirasyon sa ating pambansang bayani upang isulat ang Noli Me
Tangere.

ARALIN 1.3: MAHAHALAGANG TAUHAN NG FLORANTE AT LAURA


• Florante – anak nina Duke Briceo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na heneral hukbo ng
Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
• Laura – siya ay anak ni Haring Linceo. Dahil sa angking kagandahan, maraming kalalakihan ang
humanga at naghangad ng pag-ibig sa kanya tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-
ibig ay nananatiling laan lamang para kay Florante.
• Menandro – siya ang mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas. Siya ay
naging tapat na kanang kamay ni Florante sa mga digmaan at nakapagligtas din sa kanyang
buhay.
• Antenor – ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila’y nag-aaral sa
Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
• Prinsesa Floresca – ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng
Krotona. Maaga niyang inulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si
Florante sa Atenas.
• Duke Briseo – ang mabuting ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.
• Haring Linceo – ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
• Konde Adolfo – isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito
sa husay at popularidad habang sila ay nag-aaral sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang
Albanya at nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo. Siya rin ang nagpahirap kay Florante
at nagtangkang umagaw kay Laura.
• Menalipo – pinsan ni Florante. Siya ang naglitas sa buhay nito mula sa isang buwitre noong siya
ay sanggol pa lamang.
• Konde Sileno - ama ni Adolfo na taga-Albanya

TAUHANG MORO:
• Heneral Osmalik - magiting na heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit
natalo at napatay ni Florante.
• Heneral Miramolin – siya naman ang heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya
subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.
• Sultan Ali-Adab – isang malupit na ama ni Aladin at siya ring kaagaw niya sa kasintahang si
Flerida.
• Emir – gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihanat sinampal sa
mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas siya sa maagap na
pagdating ni Florante.
• Aladin – isang gererong Moro at prinsipe ng Persya. Anak siya ni Sultan Ali-adab ngunit naging
kaagaw niya ang kanyang ama sa kasintahang si Flerida. Pinili niyang magparaya at maglagalag
sa kagubatan at dito niya nailigtas si Florante na itinuturing na mahigpit na kaaway ng kanilang
bayan at relihiyon.
• Flerida – kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng amang si Sultan Ali-alab. Tumakas siya
sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa
kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay.

ARALIN 2.2: SA BABASA NITO


HABILIN NI BALAGTAS
• huwag huhusgahan ang kanyang akda dahil lamang sa paksa at eksenang nakapaloob dito
• Huwag laitin
• huwag kailanman babaguguhin ang berso
• kung may malabong parte ng tula at maguluhan sa pagbabasa ay huwag muna itong agarang
hatulan bagkus ito muna ay suriing mabuti dahil sa dulo ay malalaman mong ito ay malinaw at
wasto.

ARALIN 2.3: ANG MGA HINAGPIS NI FLORANTE


• Sipres at higera - ginamit ni Balagtas upang ilarawan ang paraan ng pamumuno ng mga
Espanyol sa ating mga ninuno noon
• syerpe, basilisko, hyena at tigre - ginamit ni Balastas upang patukuyan ang mga Espanyol na tila
mga mababagsik na hayop na kung saan sila’y nagdadala ng kasamaan at kapahamakan sa mga
Pilipino noong panahong iyon.
• Narciso (narcissus) - Isa siyang binatang ubod ng kisig kung kaya’t hinahangaan at inibig ng
maraming nimpas.
• Nimpas - magagandang diwata/diyosa ng kagubatan.

ARALIN 3.1: PAGBABALIK-TANAW NI FLORANTE SA KANYANG


KAMUSMUSAN
• Kaharian ng albanya – dito ipinanganak si florante
• Duke briseo – isa ring pribadong tanungan ng Haring Linceo ng Albanya.
• Epiro – isang matandang pook sa Timog-Kanluran ng Turkiya at Hilagang-Kanluran ng Gresya.
• Buwitre – isang ibong kumakain ng mga patay o malapit nang mamatay na mga hayop at may
sensitibong pang-amoy.
- ang muntik magdakip o kumuha kay Florante.
• Tatlong legwas – kayang maamoy ng isang buwitre.
- ang isang legwas ay katumbas ng dalawang kilometro.
• Menalipo – siya ay taga-Epiro.
- pumana sa buwitre na muntik magdakip kay Florante.
• Arko – ibong falcon.
- inagaw nito ang kupidong diamante na nasa dibdib ni Florante.
• Noong siyam na taon si florante, karaniwan niyang itinutuon ang kanyang oras sa paglalaro sa
mga burol, at pangangaso ng mga hayop gamit ang kanyang pana at busog.

ARALIN 4.2: SI ADOLFO


• Adolfo – mas nakakatanda ng 2 taon kay florante.
- kababayan ni Florante na kung saan anak ito ng marangal na Konde Sileno.
• Pama – isang diyosang may malakas at mataginting na tinig. Tungkulin niyang ipaalam sa
karamihan ang mga ginagawa ng tao.
• Trahedya tungkol kay haring Edipo at Reyna Yocasta – isinadula nina florante at iba pang
kaeskuwela.
• Haring Layo – unang asawa ni Reyna Yocasta at tunay na ama ni haring Edipo.
• Haring Lago – inutusan ang isang pastol para patayin ang sanggol na si edipo subalit naawa ang
pastol kaya sa halip na patayin ay isinabit ito sa isang puno sa isang bundok.
• Pastol mula sa corinto – ang kumuha sa sanggol na si edipo at ipinagkaloob sa hari at reyna ng
Corinto na hindi mapalad magkaanak.
• Haring polivio at reyna menope – hari at reyna ng corinto.
• Eteocles – ginampanan ni florante sa trahedya tungkol kay Haring Edipo at Reyna Yocasta.
• Polinice – ginampanan ni adolfo.
• Eteocles & Polinice – anak ni edipo kay yocasta.
• MGA PAKSANG-ARALIN KUNG SAAN MAHUSAY SI FLORANTE:
• Pilosopiya
• Astrolohiya
• Matematika
• 6 – taon na namagitan si Florante sa atenas.
ARALIN 4.3: TRAHEDYA SA BUHAY NI FLORANTE
• Basilisko – isang reptilyang sinasabing may paningin at hiningang nakamamatay.
• Nasa atenas si Florante nang makatanggap siya ng liham galing sa kanyang amang si Duke
Briseo na pumanaw na ang kanyang inang si Prinsesa Floresca.
- dito inihalintulad si Adolfo
• 2 oras – nahimatay si florante sa kadahilanang namatay ang kaniyang ina.
• Antenor – dinamayan si florante sa pagluha.
• Menandro – anak ng maestro na si antenor.
- kasama ni florante sa pag-uwi sa albanya.

ARALIN 4.2: ANG PAGTATAGPO NINA FLORANTE AT LAURA


• Venus – diyosa ng kagandahan
• 3 – bilang ng araw na nanalagi si florante sa albanya bago umalis patungo sa krotona upang ito
ay iligtas

ARALIN 4.3 - SA KROTONA


• Florante at Menandro – nakita nila ang pagkitil ng mga buhay sa digmaang kanilang dinatnan
• Heneral osmalik – namuno sa pagsakop sa krotona
• 5 – bilang ng oras ng paglalaban ni florante hanggang sa mapatay niya ang heneral
• 5 – bilang ng buwan na nanatili si florante sa krotona

ARALIN 5.4: PAGTATAKSIL NI ADOLFO


• Media-luna – bandila na nakasabit nung dumating si Florante at nalaman nya na nasakop na sila
ng mga moro
• Heneral miramolin – isang turkiyang heneral na sumubok na sakupin ang Albanya ngunit natalo
ito ni Florante.
• 30,000 – bilang ng sundalo na pinamunuan ni Adolfo
• 18 – bilang ng araw na nanalagi si florante sa bilangguan bago siya dinala sa gubat at iginapos sa
puno ng higera.

ARALIN 5.1: ANG PAGPAPARAYA NI ALADIN


• Persya – kung saan nagmula si aladin
• 1 – araw ng kanilang paglilibot bago muling nagkuwento si aladin

ARALIN 5.2: ANG PAGTATAGUMPAY LABAN SA KASAMAAN


• 6 – taon na nanirahan sa kagubatan sina Florante at Aladin
• Flerida – nagdamit gerero upang hindi malaman ng mga kawal ng sultan at siya’y tumalon sa
bintana at hinanap si Aladin.
-pinatay si adolfo gamit ang pana sa dibdib
• Limang buwan – buwan na hiniling ni laura bago magpakasal
• Menandro – nakatanggap ng liham ni laura

You might also like