You are on page 1of 16

Modyul 8 ARALIN 1:

Ikaapat
na Ang Kataksilan ni Adolfo
Markahan (Saknong Bilang 329- 346)

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at Laura,
ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito iyong inihuhuni
mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang awit na tinutukoy
rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong inilahad
tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan
F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo
ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga piling salita.
d. Nakapagbabalak-balak kung ano ang maaaring gawin upang mapagtagumpayan
ang isang adhikain.
e. Nakasusulat nang mga dahilan kung bakit itinuturing na bagong bayani ang mga
OFW at mga maaaring gawin upang matawag ding bagomg bayani ng bansa ang
mga kabataan.

Suriin
Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 25- Kataksilan ni Adolfo. Kailangan
na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?
337 Nang dumating ako'y gabing
329 Lumago ang binhing nagmula sa
kadiliman,
Atenas
pumasok sa reynong walang agam-
ipinunlang nasang ako'y ipahamak;
agam;
kay Adolfo'y walang bagay na masaklap,
pagdaka'y nakubkob lLaking kaliluhan
para ng buhay kong hindi nauutas.
ng may tatlumpung libong sandatahan.
330 'Di nag-ilang buwan ang sa
338 'di binigyang-daang akin pang
reynong tuwa
mabunot
at pasasalamat sa pagkatimawa,
ang sakbat na kalis at makapamook;
dumating ang isang hukbong maninira
buong katawan ko'y binidbid ng gapos,
ng tagaTurkiyang masakim na lubha.
piniit sa karsel na katakut-takot.
331 Dito ang panganib at pag-iiyakan
339 Sabihin ang aking
ng bagong nahugot sa dalitang bayan,
pamamahangha't lumbay,
lalo na si Laura't ang kapangambahan
lalo nang matantong monarka'y pinatay
ang ako ay sam-ing palad sa patayan.
ng Konde Adolfo't kusang idinamay
332 Sapagkat heneral akong inatas ang ama kong irog na mapagpalayaw.
ng hari sa hukbong sa Moro'y lalabas;
340 Ang nasang yumama't haring
nag-uli ang loob ng bayang nasindak
mapatanyag
puso ni Adolfo'y parang nakamandag.
at uhaw sa aking dugo ang yumakag
333 Niloob ng Langit na aking masupil sa puso ng Konde sa gawang magsukab
ang hukbo ng bantog na si Miramolin; ...
siyang mulang araw na ikinalagim O, napakarawal na Albanyang S'yudad!
sa Reynong Albanya ng Turkong
341 Mahigpit kang aba sa
masakim.
mapagpunuan
334 Bukod dito'y madlang digma ng ng hangal na puno at masamang asal,
kaaway sapagkat ang haring may hangad sa
ang sunud-sunod kong yaman
pinagtagumpayan; ay mariing hampas ng Langit sa bayan.
anupa't sa aking kalis na matapang,
342 Ako'y lalong aba't dinaya ng ibig,
labimpitong hari ang nangagsigalang.
may kahirapan pang para ng marinig
335 Isang araw akong bagong na ang prinsesa ko'y nangakong
nagbiktorya mahigpit
sa Etolyang S'yudad na kusang binaka, pakasal sa Konde Adolfong balawis?
tumanggap ng sulat ng aking monarka,
mahigpit na biling umuwi sa Albanya.

336 At ang paninihala sa dala kong


hukbo,
ipagkatiwalang iwan kay Menandro;
noon di'y tumulak sa Etolyang Reyno,
pagsunod sa hari't Albanya'y tinungo.
343 Ito ang nagkalat ng lasong 345 Bilang makalawang maligid ni Pebo
masidhi ang sandaigdigan sa pagkagapos ko,
sa ugat ng kaing pusong mapighati nang inaakalang nasa ibang mundo,
at pinagnasaang buhay ko'y madali imulat ang mata'y nasa kandungan mo.
sa pinanggalingang wala'y masauli. 346 Ito ang buhay kong silu-silong sakit
344 Sa pagkabilanggong at hindi pa tanto ang huling sasapit...
labingwalong araw, Mahahabang salita ay dito napatid,
naiinip ako sa 'di pagkamatay; ang gerero naman ang siyang nagsulit.
gabi nang hangui't ipinagtuluyan
sa gubat na ito'y kusang ipinugal.

Buod:
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. Labimpitong kaharian pa ng mga Moro ang pinagtagumpayan nila ni Menandro. Sa
Etolya, may sulat na nagtatagubilin kay Florante ang Haring Linceo na iwanan ang hukbo kay
Menandro at umuwing nag-iisa sa palasyo nito. Hindi niya akalain na pagdating niya ay
dinakip agad siya ng may 30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyang ikinulong sa
bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay
pakana ni Adolfo. Nalaman din niyang malapit nang ikasal si Laura kay Adolfo. Dahil dito,
ninais na niyang mawalan ng sariling buhay. Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at
saka dinala siya sa nakalulunos na gubat at iginapos sa punong kinatagpuan sa kanya ng
Morong si Aladin.

Isaisip
Inagaw ni Adolfo ang pagiging hari ng Albania kay Haring Linceo. Alamin kung
anong uri siya ng pinuno sa pagsagot mo sa sumusunod na mga tanong.
Mga Katanungan:
1. Sino ang pinuno ng hukbong lumusob sa Albania at nagapi ni Florante?
2. Sa sunod- sunod na tagumpay ni Florante sa pakikidigma, ilang hari ang gumalang
sa kanya?
3. Ilang kawal ang sumalubong kay Florante nang bumalik siya sa Albania?
4. Paano sinalubong ng mga kawal si Florante?
5. Ilarawan ang Albania nang bumalik si Adolfo galing Etolya.
6. Sino ang may kagagawan ng kasamaang naghahari sa Albania?
7. Ipaliwanag kung bakit mariing hampas ng langit sa bayan si Adolfo?
8. Kung ikaw si Menandro, papayagan mo bang bumalik si Florante sa Albania na
walang kasama? Pangatwiranan ang sagot.
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na talata. Punan ng
wastong sagot ang bawat patlang upang mabuo ang diwa. Piliin ang
sagot sa kahon.

Etolya labimpitong Miramolin


Albania tatlumpong Menadro
Turkiya labingwalong Aladin
Adolfo monarka

Hindi pa nagtatagal matapos hanguin ni Florante ang Albania sa pagkatimawa,


muli silang nilusob ng mga taga- _________________. Pinamunuan sila ni
________________. Nasupil na muli ni Florante ang hukbo. Dahil sa kanyang
pagiging pinuno, sunod- sunod ang digmaang pinagtatagumpayan ni Florante. Dahil
dito __________________ hari ang gumalang kay Florante.
Isang araw, habang nakikipaglaban si Florante sa ________________,
tumanggap siya ng sulat mula sa _________________. Mahigpit na sinabing umuwi
siya sa ____________________. Sumunod si Florante kaya iniwan kay
__________________ ang pamumuno sa hukbo. Gabi na nang dumating si Florante
sa kanyang bayan. Laking gulat niya nang salubungin siya ng _______________
8
libong kawal na sandatahan. Iginapos siya at ipiniit sa karsel. Dito niya nalaman na
ipinapatay ni ________________ ang hari pati na ang kanyang ama. Makaraan
_________________araw dinala siya sa gubat kung saan siya natagpuan ni Aladin.

ARALIN 2:
Modyul 8
Ikaapat Pag-ibig at Pagpaparaya
na
Markahan
(Saknong Bilang 347-
360)

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 26- Pag-ibig at Pagpaparaya.


Kailangan na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na
347 Ang pagkabuhay mo'y yamang 354 Anupa't pinalad na aking dinaig
natalastas, sa katiyagaan ang pusong matipid;
tantuin mo naman ngayon ang kausap; at pagkakaisa ng dalawang dibdib,
ako ang Aladin sa Persyang Siyudad, pagsinta ni ama'y nabuyong gumiit.
anak ng balitang Sultang Ali-Adab. 355 Dito na minulan ang pagpapahirap
348 Sa pagbatis niring mapait na luha, sa aki't ninasang buhay ko'y mautas;
ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata ... at nang magbiktorya sa Albanyang
Ay, ama ko! Bakit? Ay Fleridang tuwa! S'yudad,
katoto'y bayaang ako'y mapayapa. pagdating sa Persya ay binilanggo agad.

349 Magsama na kitang sa luha'y 356 At ang ibinuhat na kasalanan ko,


maagnas, 'di pa utos niya'y iniwan ang hukbo;
yamang pinag-isa ng masamang-palad; at nang mabalitang reyno'y nabawi mo,
sa gubat na ito'y hintayin ang wakas noo'y hinatulang pugutan ng ulo.
ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap. 357 Nang gabing malungkot na
350 Hindi na inulit ni Florante naman, kinabukasan,
luha ni Aladi'y pinaibayuhan; wakas na tadhanang ako'y pupugutan,
tumahan sa gubat na may limang buwan, sa karsel ay nasok ang isang heneral,
nang isang umaga'y naganyak dala ang patawad na lalong pamatay.
maglibang. 358 Tadhanang mahigpit ay malis
pagdaka,
351 Kanilang nilibot ang loob ng gubat,
huwag mabukasan sa Reyno ng Pers’ya;
kahit bahagya na makakitang-landas;
sa munting pagsuway buhay ko ang dusa
dito sinalita ni Alading hayag
sinunod ko't utos ng hari ko't ama.
ang kanyang buhay na kahabag-habag.
359 Ngunit sa puso ko'y matamis pang
352 Aniya'y Sa madlang gerang lubha
dinaanan, na tuloy nakitil ang hiningang aba,
'di ako naghirap ng pakikilaban huwag ang may buhay na nagugunita
para nang bakahin ang pusong matibay iba ang may kandong sa langit ko't
ni Fleridang irog na tinatangisan. tuwa.
353 Kung nakikiumpok sa madlang 360 May anim na ngayong taong walang
prinsesa'y
likat
si Diana'y sa gitna ng maraming nimpa,
kaya at kung tawagin sa Reynong Persya, nang nilibut-libot na kasama'y hirap,
isa si Houries ng mga propeta napatigil dito't sila'y may namatyag,
nagsasalitaan sa loob ng gubat.
Buod:

Nang matapos magsalaysay si Florante nagpakilala naman ang gererong


kausap niya. Ngunit hindi agad nakayanang magsalaysay ng gerero ng kanyang
buhay. Hiniling niya sa halip na hayaan munang mapayapa niya ang kanyang
kalooban.
Lumipas ang limang buwan. Habang naglilibot ang dalawang gerero sa
gubat, isinalaysay ni Aladin ang kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang ama
ang dahilan ng kasawian niya sa buhay dahil naging kaagaw niya sa pag-ibig kay
Flerida. Ang kanyang ama ang nagpakana na pugutan siya ng ulo sa salang
pagpapabaya sa hukbo sa Albania dahil nabawi ni Florante ang Albania. Nang
gabing pupugutan siya ng ulo pinakawalan siya ng sultan sa kondisyong hindi na
siya aabutin ng kinabukasan sa kaharian. Sa gubat tumahan si Aladin ng anim na
taon. Napatigil siya ng pagkukuwento nang makarinig sila ng nag-uusap.

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito


sa pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.
Patalasin ang isip sa pagbibigay – kahulugan ng mga salita. Punan ng titik ang
bawat patlang upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Sa pag- uusap nina Florante at Aladin, natalastas ni Aladin ang buhay ni Florante.
n ____ l _____ ______ a ______
2. Isinalaysay din ni Aladin ang buhay niyang
14 lipos ng hirap
____ u n ______ ______ g - p ______ ______ o
3. Nabuyong umibig si sultan Ali- adab kay Flerida bagama’t alam niyang ang dalaga
ay kasintahan ng kanyang anak.
n ______ h ______ ______ a y ______
4. Isang heneral ang pumasok sa karsel upang pakawalan si Aladin.
_____ i l ______ ______ g u a ______
5. Higit na nais ni Aladin na mautas ang kanyang buhay kaysa mabuhay nang wala
ang kanyang mahal.
m _____ m ______ t ______ y

Isagawa
Kung sinasabing igalang mo ang iyong magulang hindi ba’t dapat na
igalang din ng magulang ang kanyang anak lalo na ang kanyang damdamin?
Ang magulang, ang alam nating laging nagpaparaya sa anak. Subalit sa
pagkakataong ito, ang bata ang nagparaya sa matanda. Sa buhay mo
nagparaya ka na ba para sa iyong pamilya? Isulat mo sa H- chart ang
pagpaparaya na ginawa mo at sa pagpaparaya na ginawa, ano ang naging
damdamin mo pagkatapos? Kung hinihingi ng pagkakataon, magpaparaya ka
bang muli? Bakit?

Ang pagpaparayang ginawa ko Ang aking nagging damdamin sa


pagpaparaya na ginawa ko

Ang Pagpaparaya

Magpaparaya ba akong muli? Bakit?


____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
Tayahin
____________________________ ____________________________
__ __
Panuto: Piliin ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. Bilugan
ang titik ng wastong sagot.
1. Siya ang Morong tagapagligtas ni Florante?
a. Miramolin c. Menalipo
b. Aladin
2. Sa bayang ito nagbuhat ang tagapagligtas ni Florante?
a. Turkiya c. Albania
b. Persia
3. Dito nanirahan ng anim na taon si Aladin matapos paalisin sa Persia.
a. gubat c. ibang bayan
b. palasyo
4. Siya ang kasintahan at dahilan kung bakit napaluha ang tagapagligtas ni Florante.
a. Floresca c. Flerida
b. Laura
5. Siya ang nagbalita kay Aladin na maaari na siyang makalaya sa kondisyong hindi
na makikita sa Persia.
a. propeta c. embahador
b. heneral
Karagdagang Gawain
Ang pagpaparaya ay nangangahulugan ng pagtalikod sa sariling kaligayahan.
Pagbibigay daan ito para lumigaya ang iba. Nangangahulugan din ito ng pagkalimot
sa sariling kapakanan upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang makamit ang
kanilang pangarap sa buhay.
• Suriin at timbangin kung kailan at kung hindi nakabubuti at nakatutulong ang
pagpaparaya.
➢ Itala sa kahon sa gawing kaliwa ang mga sitwasyon kung kailan
nakabubuti ang pagpaparaya
➢ Itala sa kahon sa gawing kanan ang mga sitwasyon kung kailan
nakasasama ang pagpaparaya.
➢ Pagtimbang- timbangin kung alin ang higit na makabubuti at hindi.
➢ Pagkatapos ay bumuo ng konklusyon kung alin ang higit na
nakalalamang sa inyong pulso.

PAGPAPARAYA
18

Kailan nakabubuti Kailan nakasasama

Konklusyon

ARALIN 3:
Modyul 8
Ikaapat Dakilang Pag-ibig
na
Markahan
(Saknong Bilang 361-
372)
Alamin
Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at
Laura, ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito
iyong inihuhuni mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang
awit na tinutukoy rito.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga piling salita.
d. Nakaguguhit ng isang lugar na maaaring pagtaguan ni Flerida upang maging
ligtas kay Sultan Ali-adab
e. Nakapaglalahad ng ilang karanasan na nagdala ng tagumpay dahil sa
paghihintay nang matagal upang matamo ang layunin.
f. Nasusuri ang binasa sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga pangyayari sa
aktwal na karanasan.

Suriin
Sa bahaging ito, babasahin mo ang Aralin 27- Dakilang Pag-ibig.
Kailangan na unawain mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?
361 Napakinggan nila'y ganitong saysay:
Nang aking matatap na pupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban..

362 Inihinging-tawad ng luha at daing


ang kaniyang anak na mutya ko't giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya'y 'di patatawarin
363 Ano'ng gagawin ko sa ganitong 368 Isang hatinggabing kadilimang
bagay? lubha,
Ang sinta ko kaya'y hayaang mamatay? lihim na naghugos ako sa bintana;
Napahinuhod na ako't nang mabuhay walang kinasama kung hindi ang nasa
ang prinsipeng irog na kahambal- —
hambal! matunton ang sinta kung nasaang
lupa.
364 Ang 'di nabalinong matibay
kong dibdib 369 May ilan nang taon akong
ng suyo ng hari, bala at paghibik, naglagalag
naglambot na kusa't kumain sa sakit na pinapalasyo ang bundok at gubat;
at nang mailigtas ang buhay ng ibig. dumating nga rito't kita'y nailigtas
sa masamang nasa niyong taong
365 Sa tuwa ng hari, pinawalan
sukab
agad
dahil ng aking luhang pumapatak; 370 Salita'y nahinto sa biglang
datapuwa't tadhanang umalis sa pagdating
s'yudad at sa ibang lupa'y kusang ng Duke Florante't Prinsipe Aladin;
mawakawak. na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso'y 'di mapigil-pigil.
366 Pumanaw sa Persya ang irog
ko't buhay 371 Aling dila kaya ang makasasayod
na hindi man kami nagkasalitaan; ng tuwang kinamtan ng magkasing-
tingni kung may luha akong ibubukal irog?
na maitutumbas sa dusa kong taglay! Sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,
367 Nang iginaganya sa loob ng dala ang kanyang napulpol na tunod.
reyno
372 Saang kalangitan napaakyat kaya
yaong pagkakasal na kamatayan ko,
ang ating Florante sa tinamong tuwa
aking naakalang magdamit-gerero
ngayong tumititig sa ligayang mukha
at kusang magtanan sa real palasyo.
ng kanyang Laurang ninanasa-nasa?

BUOD
Narinig nina Florante at Aladin ang salaysay ng isang tinig. Ayon sa kanya,
pupugutan ng ulo ang kanyang kasintahan kaya napilitan siyang pakasal sa sultan. Ito
ang naging katumbas ng buhay at kaligtasan ng kanyang kasintahan. Nang malamang
nakaalis na sa kaharian ang kasintahan, isang gabing madilim, nagsuot gerero siya at
tumakas. Nakarating siya sa gubat kung saan lumagi siya ng ilang taon. Dito sila
nagkita ng dalagang kausap nang iligtas niya sa kamatayan. Naputol ang pag-uusap
ng dalawang dalaga sa paglitaw nina Florante at Aladin. Nagkita-kita ang apat
makalipas ang ilang taong pamumuhay sa gubat.
Pagyamanin
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin ito
sa pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo.

May mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap. Hanapin ang


kasingkahulugan nito sa kahon.

hinahangad- hangad nawalan ng talim


mawasak makahahanap
bumaba

1. Lihim na naghugos sa bintana si Flerida nang malamang ligtas na si


Aladin.______________________
2. Umalis si Aladin sa Persia ngunit hindi niya inaasahang mawakawak sa ibang
lupain._______________________
3. Walang salitang makasasayod sa tuwang nadama ng apat na magsing- irog nang
magkita- kita sila sa kagubatan._________________________
4. Dahil sa madalas na paggamit ng tabak, napulpol na
ito.________________________
5. Matagal na niyang ninanasa-nasa na guminhawa ang kanilang
buhay._____________________

Tayahin
Panuto: Batay sa isinalaysay ni Flerida kay Laura, isaayos ang mga
pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod. Isulat ang bilang 1- 5. Ilagay ang
wastong sagot sa patlang.
___________1. Pinakawalan ng sultan si Aladin nang pumayag pakasal sa kanya si
Flerida.
___________2. Nagbihis gerero si Flerida upang tumakas nang malamang wala na
sa bilangguan ang kasintahan.
___________3. Naghugos si Flerida mula sa bintana ng palasyo at umalis sa Persia.
___________4. Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin, siya ay
nagmakaawa sa sultan.
___________5. Pumayag na pakasal si Flerida sa sultan kapalit ng kaligtasan ng
kasintahang si Aladin

Karagdagang Gawain
Angkop sa karanasan ni Flerida ang kasabihang “Kapag may
tiyaga, may nilaga” na nagpapahayag ng pagtitiyaga sa anumang bagay
o gawaing nais napagtagumpayan. Walang napapala ang isang tao
kung ang lahat ay dadaanin sa kawalan ng tiyaga.
• Isulat sa loob ng kahon ang iyong pangalan, iyong naging karanasan dahil sa
sipag at tiyaga ikaw ay nagtagumpay at kung nakatulong ba ang iyong
karanasan sa iyong pag-unlad.
Pangalan Naging karanasan na Nakatulong ba ang mga
nagtagumpay dahil sa karanasan sa iyong pag-
pagtitiyaga at paghihintay? unlad?

Modyul 8 ARALIN 4:
Ikaapat na
Tagumpay at Kaligayahan
Markahan
(Saknong Bilang 373- 399)

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matututuhan ngayon.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikaapat na bahagi ng Florante at Laura,
ang itinuturing na pinakapopular na awit. Ano bang awit ito? Hindi ito iyong inihuhuni
mo ang tono o kinakanta kaya. Pero tama ka, kinakanta rin ang awit na tinutukoy rito.

Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong inilahad


tungkol sa araling ito bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan
F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng
mga tauhan. F8PB-IVg-h-37
c. Natutukoy ang kasingkahulugan ng nasalungguhitang salita sa pangungusap.
d. Nakagbibigay ng mga tungkulin o maaaring gawin ng kabataan upang mapanatili
ang kapayapaan at makatulong sa kaunlaran ng bayan.
e. Nailalahad ang mga kahanga-hangang ginawa ng mga dati at kasalukuyang
pangulo ng bayan na naging dahilan upang sila ay hangaan at kilalanin ng
sambayanang Pilipino.
Suriin
373 Anupa nga't yaong gubat na
malungkot, 379 Ito'y kay Adolfong kagagawang lahat
sa apat ay naging paraiso'y lugod; at nang magkagulo yaong bayang bulag;
makailang hintong kanilang malimot sa ngalan ng hari ay isinambulat
na may hininga pang sukat na malagot. gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.

374 Sigabo ng tuwa'y unang 380 Noon di'y hinugot sa tronong


dumalang-dalang, luklukan
dininig ng tatlo kay Laurang buhay; ang ama kong hari at pinapugutan;
nasapit sa reyno mula nang pumanaw may matuwid bagang makapanlumay
ang sintang naggubat, ganito ang sa sukab na puso't nagugulong bayan?
saysay: 381 Sa araw ring yao'y maputlan ng ulo
ang tapat na loob ng mga konseho;
375 'di lubhang nalaon noong pag-
at hindi pumurol ang tabak ng lilo
alis mo,
hanggang may mabait na mahal sa reyno.
o sintang Florante sa Albanyang
Reyno, 382 Umakyat sa trono ang kondeng
narinig sa baya'y isang piping gulo malupit
na umalingawngaw hanggang sa at pinagbalaan ako nang mahigpit,
palasyo. na kung 'di tumanggap sa haying pag-ibig,
dustang kamataya'y aking masasapit.
376 Ngunit 'di mangyaring
mawatasan-watasan 383 Sa pagnanasa kong siya'y
ang bakit at hulo ng bulung-bulungan; magantihan
parang isang sakit na 'di mahulaan at sulatan kita sa Etolyang Bayan,
ng medikong pantas ang dahil at saan. pinilit ang pusong huwag ipamalay
sa lilo — ang aking kaayawa't suklam.
377 'di kaginsa-ginsa, palasyo'y
nakubkob 384 Limang buwang singkad ang
ng magulong baya't baluting hininging taning
soldados; ang kaniyang sinta't bago ko tanggapin;
O, araw na lubhang kakilakilabot! ngunit ipinasyang tunay sa panimdim
Araw na isinumpa ng galit ng Diyos! ang pagpatiwakal kundi ka rumating.

378 Sigawang malakas niyong bayang 385 Niyari ang sulat at ibinigay ko
gulo: sa tapat na lingkod, nang dalhin sa iyo;
Mamatay, mamatay ang Haring Linceo 'di nag-isang buwa'y siyang pagdating
na nagmunakalang gutumin ang reyno't mo't nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.
lagyan ng estangke ang kakani't trigo.
.392 Nang paghanapin ko'y ikaw ang
386 Sa takot sa iyo niyong palamara
natalos,
kung ika'y magbalik na may hukbong pinipilit niyong taong balakiyot;
dala, hindi ko nabata't bininit sa busog
nang mag-isang muwi ay pinadalhan ang isang palasong sa lilo'y tumapos..
ka
393 Di pa napapatid itong
ng may selyong sulat at sa haring
pangungusap,
pirma.
si Menandro'y siyang pagdating sa gubat;
387 Matanto ko ito'y sa malaking dala'y ehersito't si Adolfo'y hanap,
lumbay nakita'y katoto ... laking tuwa't galak!
gayak na ang puso na magpatiwakal
394 Yaong ehersitong mula sa Etolya,
ay siyang pagdating ni Menandro
naman ang unang nawika sa gayong ligaya:
kinubkob ng hukbo ang Albanyang Biba si Floranteng Hari sa Albanya!
Bayan. Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!

388 Sa banta ko'y siyang tantong 395 Dinala sa reynong ipinagdiriwang


nakatanggap sampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,
ng sa iyo'y aking padalang kalatas, kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
kaya't nang dumating sa Albanyang magkakasing sinta'y naraos na kasal.
S'yudad,
396 Namatay ang bunying Sultan Ali-
lobong nagugutom ang kahalintulad.
Adab,
389 Nang walang magawa ang Konde nuwi si Aladin sa Persiyang Siyudad;
Adolfo ang Duke Florante sa trono'y naakyat,
ay kusang tumawag ng kapuwa lilo; sa piling ni Laurang minumutyang liyag.
dumating ang gabi umalis sa reyno
at ako'y dinalang gapos sa kabayo. 397 Sa pamamahala nitong bagong
hari,
390 Kapag dating dito ako'y
sa kapayapaan ang reyno'y nauwi;
dinarahas
rito nakabangon ang nalulugami
at ibig ilugso ang puri kong ingat;
at napasatuwa ang nagpipighati.
pana'y isang tunod na kung saan
buhat, 398 Kaya nga't nagtaas ang kamay sa
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab. langit,
391 Sagot ni Flerida: Nang dito'y sumapit sa pasasalamat ng bayang tangkilik;
ay may napakinggang binibining boses ang hari't ang reyna'y walang iniisip
na pakiramdam ko'y binibigyang-sakit, kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
nahambal ang aking mahabaging dibdib
399 Nagsasama silang lubhang mahinusay
hanggang sa nasapit ang payapang bayan;
tigil aking Musa't kusa kung lumagay
sa yapak ni Selya't dalhin yaring ay, ay!

(Wakas ng Awit)

Buod:
Nagkita-kita sina Florante, Laura, Aladin at Flerida sa gubat. Isinalaysay ni
Laura kung ano ang nangyari sa Albania nang maghari si Adolfo. Ikwenento rin ni
Laura kung paano siya nakarating sa gubat. Isinalaysay naman ni Flerida kung paano
niya iniligtas si Laura. Dumating rin si Menandro sa gubat kasama ang hukbo. Bago
umuwi sa Persia upang maging bagong hari at reyna, nagpabinyag muna sina Aladin
at Flerida. Nagpasalamat ang mga taga-Albania dahil sa mga bago nilang pinuno na
sina Florante at Laura.

Pagyamanin
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Nalaman na ang dahilan at hulo ng pangyayari pagkatapos magsalaysay ang saksi.
a. pinagmulan c. sanhi
b. wakas d. bunga
2. Sigabo ng tuwa ang mga mamamayan na sumalubong sa bantog na mang-aawit.
a. sabay- sabay c. sama- sama
b. punung-puno d. ayos na ayos
3. Lumaban ang ehersito nina Florante upang ipagtanggol ang kaharian sa mga kaaway.
a. pulutong c. barkadahan
b. samahan d. hukbo
4. Pinahuli nila ang lalaking nagtangkang ilugso ang puri ng dalaga.
a. ibaba c. sirain
b. agawin d. baguhin
5. Kailanman ay hindi nagtatagumpay ang balakyot laban sa may ginintuang layunin.
a. mapagpanggap
b. mapag- isip
c. mapag-ingay
d. masamang - loob
Isaisip
Sa pagkikita- kita nina Florante, Laura, Aladin at Flerida, isinalaysay ni Laura ang
nangyari sa Albania. Pagkatapos, bumalik ang apat sa kaharian. Subaybayan ang
nangyari sa apat sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.
Mga Katanungan:
1. Ayon kay Laura, ano ang nangyari sa kaharian pagkaalis ni Florante?
2. Bakit isinisigaw ng mga taong- bayan na mamatay si Haring Linceo?
3. Sino- sino ang pinatay ni Adolfo?
4. Ilarawan ang ginawang pamumuno ni Adolfo sa kaharian ng Albania?
5. Sa paanong paraan ginantihan ni Laura si Adolfo?
6. Paano pinaghandaan ni Adolfo ang pagbabalik ni Florante sa kaharian?

Tayahin
Panuto: Ayusin ang pangungusap ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari. Lagyan ng titik A- E ang patlang.
____________ Nagpabinyag sina Aladin at Flerida upang maging Kristiyano bago
bumalik sa Persia
____________ Nang sina Florante at Laura ang namuno sa Albania, wala silang inisip
kundi ang kabutihan ng kaharian.
____________ Nagkita- kita sina Florante, Laura, Aladin at Flerida makalipas ang
ilang taong pananahan sa gubat.
____________ Isinalaysay ni Laura kina Florante, Aladin at Flerida ang nangyari sa
Albania.
____________ Dumating si Menandro kasama ang hukbo mula sa pakikidigma sa
Etolia.

Karagdagang Gawain

Malaki ang responsibilidad ng isang pinuno ng bayan. Sa kanya ipinagkakatiwala


ang pamamalakad sa bayan. Sino kaya ang pinuno sa ating bayan ang inyong
hinahangaan sa kabutihang ginawa nila para sa ating bayan?
• Itala sa ibaba ang pinuno na hinahangaan mo at ang mga nagawa nila na naging
dahilan kung bakit sila nakilala at kinikilala ng sambayang Pilipino.

You might also like