You are on page 1of 3

A.

Panimula

May Akda: Ang sumulat ng akdang ito ay hindi nakasaad, kung kaya’t ating
talakayin ang buhay ng nagsalin na si Lynniel P. Carbonel. Si Lynniel P. Carbonel ay
isang lisensyadong guro na nagmumula sa Nueva Ecija, siya ay nagtuturo ng mga
kabataan mula elementarya hanggang sekondarya.

Uri ng Panitikan: Ang akdang Ang kabayong kahoy ay isang halimbawa ng


Mitolohiyang Mediterranean

Layunin ng Akda: Layuning iparating na kapag nagsamasama tayo, kaya natin


maisagawa ang masasabi nating imposible. Kasama rin dito ay ang hindi
pagtitiwala agad agad sa mga estranghero.

B. Pagsusuring Pangnilalama

Tema: Pagkakaisa at Pagtitiwala ang dalawang paksa na binigyang pansin sa


akdang nakasaad.

Mga tauhan:
Taga Troya at Gresya - dalawang panig na nagkakaroon ng digmaan
Hector - pinakadakila sa lungsod ng troya at achilles
Achilles - Isang bayani ng Troya
Ulysses - tumulong sa Griyego
Laocoon - Isang pari
Pinuno ng Troya - Nagligtas kay Sinon
Sinon - Isang griyego na nanloko ng mga taga troya
Minerva - Diyosa ng Karunungan
Calchas - isang tagakita at propeta na may kakayahang makita ang kinabukasan
sa pamamagitan ng ibon
Haring Priam - Hari ng Troya
Tagpuan: nakatala na ang akdang ito ay naganap noong digmaan ng troya at
gresya. Ayon sa mga mananaliksik, naganap ang digmaang ito noong ika-11 siglo,
1194–1184 BC.

Mga kaisipan/Ideya na taglay na akda: Maliban sa Pagkakaisa at pagtitiwala, ating


makukuha sa akda na ang ibang tao ay kayang mang abuso ng kabutihan ng iba
upang makamit ang nais nila. Tulad lamang ng pag gawa ng kabayong kahoy at ni
Sinon, nasira ang buong komunidad ng Troya dahil sila ay nag tiwala at inabuso ang
kanilang kabaitan.

C. Pagsususring Pangkaisipan

Estilo ng pagsulat ng akda: Dahil ang akdang ito ay nagmula dahil sa digmaan,
ating masasabi na ang estillo ng pagsulat ng istoryang ito ay Piksyon ( Fiction ) at
Aksyon ( Action )

Buod: Siyam na taon ang itinagal ng digmaan sa pagitan ng Gresya at Troya. Malaki
ang pinasalng natanggap ng Troya at maraming nasawi mula sa panig ng Gresya.

Nagpanggap na nagsisis ang mga Griyego, kung kaya’t sila ay lumisan at


dumaong sa isang pulo at kanilang napagdesisyonang gumawa ng isang malaking
kabayong kahoy. Isang kabayong kahoy na hungkang ang loob at maaring
pagtaguan. Iniwan ang malaking Kabayong Kahoy na ito, bilang ala ala sa mga
taga Troya. Nakita ito nang mga Taga-Troya, ang iba sa kanila ay nagsitungo sa
pulo na kinakatayuan. Nung una, nagdala ito ng takot sa kanila, ngunit sa
kinalaunan ay nakayanan din nilang mag saya.

May mga nais na dalhin ang kabayong ito sa loob ng lungsod, ngunit mayroong
iba na tumatanggi rito tulad lamang ng isang pari na si Laocoon. Nag payo siya na
masama ang gawain ito at isinaksak ang tagiliran ng kabayo na kungsaan
napagtanto nila na hungkang ang loob nito.
Isang lalaking basang-basa at nakagapos na ating makikilala na si Sinon. Si
Sinon ay isang Griyegong tinaksil at nakamit niya ang kaligtasan ng taga troya sa
pagpaliwanag ng Kabayong kahoy. Nalaman nila na ito ay handog sa bathalang si
Minerva at si propetang Calchas. Nang malaman ito ng mga taga Troya, nag
desisyon silang ipasok ang kabayo sa loob ng lungsod at nag diwang.

Sa panahon ng mahimbing na pahinga ng mga taga Troya, pinasok sila ng mga


Griyego nang buksan ni Sinon ang lihim na pinto sa loob ng Kabayong Kahoy.
Tuluyang silang atakihin ng mga Griyego at pinaslang ang mga tao sa lungsod.
Natapos ang digmaan ng Sunugin ng Gresya ang Lungsod ng Troya.

Kahalagahang Pangkatauhan: Ang ating tiwala at kabaitan ay huwag nating


lubusang ibigay sa mga taong hindi gaano kilala. Tulad sa mga nangyari sa akda,
dahil sila ay agad-agad nag tiwala, hindi nila inaasahang malaking pinsala ang
idudulot sa kanila nito. Dapat din nating huwag pakilaman ang mga bagay na hindi
satin dahil maari itong makasama sa atin o mag dala ng hindi magagandang
pangyayari sa ating buhay.

You might also like