You are on page 1of 18

FILIPINO

7
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO
Kuwentong-Bayan
• Mga salaysay tungkol sa mga
tauhang likha ng imahinasyon.
• Kumakatawan sa mga uri ng tao sa
lipunang pinagmulan ng kuwento.
• Pook, mamamayan, paniniwala,
kaugalian, tradisyon, relihiyon o
bayang pinagmulan.
Tatlong Uri ng
Kuwentong-Bayan
• Mito / Mitolohiya
-diyos at diyosa
-pakikipag-ugnayan sa mga
tao
Tatlong Uri ng
Kuwentong-Bayan
• Pabula
-mga hayop
-gintong aral sa buhay
Tatlong Uri ng
Kuwentong-Bayan
• Alamat
-pinagmulan ng bagay, lugar,
pangalan o hayop
ARALIN 1

Ang Reynang
Matapat
Kuwetong-Bayan
mula sa Cotabato
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang
kaharian sa Mindanao. Nakilala siya dahil sa katalinuhan,
katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa
panunungkulan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating


kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na
Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na
pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya
ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa
Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang
tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato. Mahigpit
niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang
lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng


reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang
mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng
Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil sa
maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa
katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at
walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal
habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato.
Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan
sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto
sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima
ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna
Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng
naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna
Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling
datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang
supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima
dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan
tungkol sa katapatan.
ARALIN 1

Paggamit ng mga
Panandang Kohesyong
Gramatikal sa
Pagpapatunay
Paghahalintula
•d Ito ang tawag sa panandang kohesyong
gramatikal na tumutukoy sa kahigitan ng
isang bagay o pangyayari.
• higit na, magkasing, di gaanong, di
gasinong, lalong, at mga salitang
naglalarawan.
Halimbawa:
• Higit na may pananagutan ang kabataan
ngayon kaysa noon.

• Ang kabataan ngayon ay lalong malalim


mag-isip para sa bayan.
Pagpapangkat ng mga aytem
• Ito naman ang tawag sa mga panandang
kohesyong gramatikal na tumutukoy sa
pangkat ng aytem na inilalarawan o nais
bigyang-tuon.
• Ginagamit ang katagang lang sa hulihan
ng mga pangalang nais ilarawan.
Halimbawa:
• Mga mamamayan lang din ang dapat
purihin sa pagkakaroon ng kabataang
tunay na pag-asa ng bayan.
• Sayang lang na maituturing kung
malilihis ng landas ang kabataan.
Pang-ugnay
• Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-
kahulugan sa pagkakaugnay ng
dalawang sugnay o mga sugnay na
naglalarawan.
• Ginagamitan ng katagang disin sana’y
Halimbawa:
• Kung alam lang natin na ang proyekto ay
para sa bayan, disin sana’y dinagdagan
natin ang ibinigay na pondo.
• Kung may malasakit sana ang ilang mga
tao, disin sana’y hindi malilihis ng landas
ang ilang kabataan.

You might also like