You are on page 1of 6

SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.

Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga


Tel. No. (045) 322-4224

Mga
Panuntuna
n at
Pamantaya
n ng mga
Aktibidad
sa
Elementary
a
SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.
Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga
Tel. No. (045) 322-4224

MGA PANUNTUNAN PARA SA PATIMPALAK SA MGA KATUTUBONG KASUOTAN NG


PILIPINAS (KINDER)

1. Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral ng kinder.


2. Lahat ng mag-aaral sa kinder ay magsisilbing kalahok.
3. Kinakailangan na magsuot ng mga kalahok ng iba’t ibang katutubong kasuotan ng Pilipinas.
4. Hindi kinakailangan na mag-renta ng kasuotan, maaaring maging malikhain.
5. Ang kapasyahan ng lupon ng hurado ay pinal at hindi mapapasubalian.

MGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA KATUTUBONG KASUOTAN NG


PILIPINAS (KINDER)

MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS


Kasuotan 45%
Tindig/Tikas
30%
(Stage Presence/Poise)
Pagkamalikhain 25%
Kabuuan 100%

MGA PANUNTUNAN PARA SA PAGBIGKAS NG TULA (1-3)

1. Ang paligsahan ay bukas sa mga mag-aaral mula sa unang baitang hanggang ikatlong
baitang.
2. Ang bawat baitang ay inaasahang magkaroon ng isa hanggang dalawang kalahok.
3. Inaasahang ang kalahok ay magsusuot ng uniporme ng paaralan (P.E. o Blusa at Palda)
4. Iisang piyesa lamang ang gagamitin, ang piyesa ng tula na ay manggagaling sa guro.
5. Hindi pinapahintulutan ang pagkakaroon ng kodigo habang binibigkas ang tula.
6. Ang kapasyahan ng lupon ng hurado ay pinal at hindi mapapasubalian.

MGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA PAGBIGKAS NG TULA

MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS


Damdamin o ekspresyon ng mukha
na umaangkop sa mga salitang 30%
binibigkas.
Memoryado o kabisado ang piyesa
25%
mula simula hanggang huli.
Kalinawan ng pagsasalita,
25%
pagbibigkas at lakas ng boses.
Diksyon/ pagbigkas tono o diin. 20%
Kabuuan 100%

MGA PANUNTUNAN PARA SA PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA PARA SA ORIHINAL


NA PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TULA (4-6)

1. Ang paligsahan ay bukas sa mga mag-aaral mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
2. Ang bawat baitang ay inaasahang magkaroon ng isa hanggang dalawang kalahok.
3. Inaasahang ang kalahok ay magsusuot ng uniporme ng paaralan (P.E. o Blusa at Palda)
4. Kinakailangan na ang tulang isusulat ay nakatuon sa “Filipino at mga Wikang Katutubo
sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”
5. Ang piyesa na gagamitin ay kinakailangang orihinal at isinulat mismo ng bibigkas.
6. Hindi pinapahintulutan ang pagkakaroon ng kodigo habang binibigkas ang tula.
7. Ang kapasyahan ng lupon ng hurado ay pinal at hindi mapapasubalian.
SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.
Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga
Tel. No. (045) 322-4224

MGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA ORIHINAL NA PAGSULAT NG TULA


AT PAGBIGKAS (4-6)

MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS


Damdamin o ekspresyon ng mukha
na umaangkop sa mga salitang 30%
binibigkas.
Kaangkupan ng nilalaman ng tula
25%
sa tema
Memoryado o kabisado ang piyesa
25%
mula simula hanggang huli.
Kalinawan ng pagsasalita,
pagbibigkas at lakas ng boses. 20%
Diksyon/ pagbigkas tono o diin.
Kabuuan 100%
SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.
Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga
Tel. No. (045) 322-4224
SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.
Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga
Tel. No. (045) 322-4224

MGA PANUNTUNAN PARA SA PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA PARA SA PAG-AWIT


(7-10)
1. Ang paligsahan ay bukas sa mag-aaral ng sekondarya mula sa ika-pito hanggang sa ika-
sampu na baitang.
2. Ang bawat pangkat ay maaaring magkaroon ng isa hanggang dalawang kalahok.
3. Inaasahang ang kalahok ay magsusuot ng uniporme ng paaralan (P.E. o Blusa at Palda)
4. Ang piyesa ng awit ay mga musikang Pilipino (OPM), magbubunutan ang mga guro para sa
piyesa ng kani-kanilang pangkat.
5. Kailangan ihanda ng bawat baitang ang kinakailangang kagamitan bago ang nasabing araw
ng patimpalak upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang
pagtatanghal.
6. Ang sinumang lumabag sa nasabing panuntunan ay awtomatikong matatanggal sa
nasabing patimpalak.
7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian pa.

MGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA PAG-AWIT


(7-10)

MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS


Tonal Quality 40%
Diksyon 20%
Voice Projection 20%
Ekspresyon 40%
Dynamiks 30%
Lakas at hina, bilis at bagal, 10%
Emosyon at Interpretasyon
Pagtayo
Kabuuang Impak 20%
Kabuuan 100%

MGA PANUNTUNAN PARA SA PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA PARA SA POSTER


(7-10)
1. Ang paligsahan ay bukas sa mga mag-aaral ng sekondarya mula sa ika-pitong baitang
hanggang ika-sampu.
2. Kinakailangan ng tig-iisang kalahok mula sa bawat pangkat.
3. Inaasahang ang kalahok ay magsusuot ng uniporme ng paaralan (P.E. o Blusa at Palda)
4. Dapat angkop sa tema ng Buwan ng Wika ang larawang iguguhit – “Filipino at mga
Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
5. Ang bawat kalahok ay kinakailangang magkaroon ng kani-kaniyang kagamitan para sa
pagguhit tulad ng mga sumusunod:
a. Kalahati (1/2) illustration board.
b. Kagamitang pangkulay (oil pastel, markers,water color, at lapis)
6. Bibigyan ng isa’t kalahating oras ang bawat kalahok na matapos ang kanyang poster.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng anumang kopya para sa paggawa ng
poster.
8. Ang sinumang lumabag sa nasabing panuntunan ay awtomatikong matatanggal sa
Mga
nasabing patimpalak.
9. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na maaaring pasubalian pa.
PanuntunaMGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA POSTER
n at (7-10)

Pamantaya
MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS
Sining ng pagkakabuo 30%
Kaugnayan sa Paksa 20%
n ng mga
Pagpapakahulugan 20%
Pangkalahatang Biswal 15%
Aktibidad
sa
Sekondarya
SAN GUILLERMO ARCHDIOCESAN SCHOOL INC.
Madapdap Resettlement, Mabalacat City, Pampanga
Tel. No. (045) 322-4224

Orihinalidad 15%
Kabuuan 100%
MGA PANUNTUNAN PARA SA PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA PARA SA PAGGAWA
NG ISLOGAN (7-10)
1. Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral ng sekondarya mula sa ika-pitong baitang
hanggang ika-sampu.
2. Kinakailangan ng tig-iisang kalahok mula sa bawat pangkat.
3. Inaasahang ang kalahok ay magsusuot ng uniporme ng paaralan (P.E. o Blusa at Palda)
4. Ang islogan ay maglalarawan at nakatuon sa temang “Filipino at mga Wikang Katutubo
sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
5. Ang bawat kalahok ay kinakailangang magkaroon ng kani-kaniyang kagamitan para sa
paggawa ng islogan tulad ng mga sumusunod:
a. Kalahati (1/2) illustration board.
b. Kagamitang pangkulay (oil pastel, markers,water color, at lapis)
6. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng anumang kopya para sa paggawa ng
islogan.
7. Ang sinumang lumabag sa nasabing panuntunan ay awtomatikong matatanggal sa
nasabing patimpalak.
8. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at di na maaring pasubalian pa.

MGA KRAYTERYA SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS SA PAG-GAWA NG ISLOGAN


(7-10)

MGA KRAYTERYA BAHAGDAN PUNTOS


Mensahe 30%
Kaugnayan sa Paksa 20%
Pagmalikhain 20%
Pagkakabuo 15%
Orihinalidad 15%
Kabuuan 100%

You might also like