You are on page 1of 3

FIL 101 WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN

VARIETY SHOW, December 15, 2022@ Kalimudan Hall


MSU Cultural Center Marawi City

Category No. of Participants in each Category (Section)


1. Sabayang Pagbigkas 10-15
2. Vocal Solo 1
3. Interpretatibong Sayaw 10-15
4. Katutubong Kasuotan 1.Yakan 6. Ivatan 11. Subanen
2.Bagobo 7. Ibaloi 12. Cebuano (Sinulog)
3.Tausug 8. Ifugao 13. Maguindanawen
4.T’boli 9. Mangyan 14. Katutubong Baro’t Saya
5.Meranaw 10. Higaonon 15. Modernong Baro’t Saya

PROGRAM
I. Invocation
II. Pambansang Awit
III. Pambungad na Pananalita
IV. Pagpapakilala sa mga Hurado/Panauhin Pandangal
V. Pagbasa ng mga Krayterya at Mekaniks ng Patimpalak
VI. Kontest Proper

a. Sabayang Pagbigkas
b. Vocal Solo
c. Interpretatibong Sayaw
d. Katutubong Kasuotan
 Intermisyon
VII. Panapos na Pananalita:

SCHEDULE ng Pagtatanghal ng bawat Section

Morning 8-12 Afternoon 1-5

1. Fil 101 section Xx 4. Fil 101 section Dd


2. Fil 101 section Yy3 5. Fil 101 section Cc2
3. Fil 101 section Uu 6. Fil 101 section Vv
7.

MEKANIKS AT KRAYTERYA NG PATIMPALAK

1. VOCAL SOLO
a. Ang bawat section ay isa (1) lamang ang magiging representative.
b. Ang kakantahin ay kailangan OPM na kung kinakailangan ay may kaugnayan sa ating kurso
gaya ng awiting may temang pagmamahal sa bayan, anak, ina.
c. Isang awitin lamang ang kakantahin na hindi lalagpas sa 7 minuto.
KRAYTERYA:
Kahusayan ng Boses 60%
Kaugnayan ng Mensahe ng awitin 20%
(wika, kultura, sa mapayapang lipunan)
Kasuotan/props 10%
Pagtanggap ng Madala 10%
100%
2. SABAYANG PAGBIGKAS

a. Ang bawat section ay mayroong ilalahok na partisipants


b. Hindi baba sa sampu at hindi lalagpas sa labing-limang ang kalahok sa bawat section.
c. Ang piyesa ay gagawin mismo ng mga kalahok, at ang tema ay ibabatay pa rin sa kaugnayan
nito sa ating kurso (Wika, lipunan, kultura, individual, pangyayari, kapayapaan at iba pa).
d. Ipinagbabawal ang paggamit ng mararahas na salita o hindi kaaya-ayang pakinggan.
e. Isasaulo ang piyesa.
f. Maaaring gumamit ng props, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang mga bagay na maaaring
makasakit gaya ng matutulis na bagay, kutsilyo, kahoy, mga babasaging bagay at iba pa.
g. Hindi lalagpas sa 10 minuto ang ilalaan sa pagtatanghal.
h. Maaaring gumamit ng musika/instrumental na tunog na tunog lamang.

KRAYTERYA

Mastery/Kasanayan 50%
Kaugnayan ng Piyesa 30%
Props 10%
Pagtanggap ng Madla 10%
100%

3. INTERPRETATIBONG SAYAW

a. Ang bawat section ay may ilalahok na partisipante


b. Hindi baba sa sampu at lalagpas ng labing lima ang bilang ng mga kalahok.
c. Malaya ang mga kalahok na pumili ng piyesang itatanghal. Ngunit kung kinakailangan ay
isali sa inyong mapipiling awitin ang mga awit na “Piliin mo ang Pilipinas” at Pinoy! Ikaw ay
Pinoy, awiting pinasikat sa Pinoy Big Brother.
d. Maaaring gumamit ng props na may kaugnayan lamang sa awiting itatanghal. Hindi
pinapayagan ang pagsusuot ng short, sando, tubeless, backless, sleeveless at ang see through
na outfits. Maging sensitibo tayo sa kulturang ating kinabibilangan.
e. Ipinagbabawal ang mga kilos o galaw ng katawan na maaaring magdulot ng kapahamakan.
f. Hindi lalagpas sa sampung minuto ang itatanghal ng nasabing pagtatanghal.

KRAYTERYA

Pagkamalikhain (kasuotan, props, konsepto) 50%


Choreography (Kaangkupan ng ekspresyon 40%
Ng mukha, koryograpi, kilos, galaw at kumpas)
Suporta ng Madla 10%
100%
4. KATUTUBONG KASUOTAN
a. Ang bawat seksyon ay may sampu hanggang labing limang kalahok sa nasabing
pagtatanghal.
b. Ang mga kalahok ay gagayak suot ang katutubong kasuotan na kanilang napili para sa
pagtatanghal.
c. Magkakaroon ng palabunutan ang mga kalahok sa bawat section ng mga katutubong
kasuotan. Ang kanilang mapipiling katutubong kasuotan ang siyang kanyang ilalahok sa
nasabing pagtatanghal.
d. Maging mapamaraan sa gagawing pagtatanghal. Kung ang napili mo ay ang bahag na
kasuotan ng mga katutubong Ibaloi (at iba pa) hindi kinakailangang magbahag din. Nasa
iyong pagkamalikhain ang ikakaayos ng iyong pagtatanghal.
e. Ang bawat seksyong magtatanghal ay kinakailangang hindi lalagpas ng tatlumpong (30)
minutong pagtatanghal.

KRAYTERYA

Katutubong Kasuotan 60%


Kaayusan ng Pagtatanghal (tindig 30%
Tikas, ekpresyon)
Suporta ng Madla 10%
100%

Working Committee Section Incharged Budget Proposal Amount


Decoration Xx and all members of Certificates and Program 500
working com.
Venue and Technical Team Uu Venue 1,500
Honorarium/Token and Food Cc2 Token (3 Judges) 1,500
Prizes Vv Honorarium 3,000
Certificate and Program Yy3 Food 5,000
Finance Dd Decoration (Led Lights) 5,000
Other Expenses

PAALAALA: Upang maging matagumpay ang nasabing pagtatanghal ay kinakailangan ang


suporta ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsali sa mga patimpalak/pagtatanghal, pagsuporta sa
mga kinatawan o representative ng bawat section, at gawin ng walang pag-aalinlangan ang mga
task o Gawain na nakaatang sa kanila. Higit sa lahat ang pinansiyal na tulong na 100 ay
napakahalaga upang gumalaw ang nasabing programa. Inaasahang maibibigay ang nasabing
ambag o kontribusyon sa darating na Desyembre 1, 2022. Maraming salamat.

You might also like