Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat ng Tula
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral na may asignaturang Filipino. Isang
kalahok lamang ang inaasahang kakatawan sa bawat baiting mula sa Junior High at tig-
iisang kinatawan naman sa bawat seksyon mula sa Senior High.
2. Gaganapin ang paligsahan sa ika-19 ng Agosto, 2019 sa ganap na ika-2 ng hapon sa silid-
aklatan ng paaralang Saint Augustine.
3. Ang komiti ay magbibigay ng sulatang papel bago magsisimula ang paligsahan kaya’t
magdala lamang ng panulat.
4. Bubuuin ng apat na taludturan na may lima hanggang anim na saknong ang tulang
gagawin.
5. Walang sukat subalit kinakailangang may tugmaan.
6. Isusulat at gagawin lamang ito sa loob ng isang oras.
7. Ibibigay ang pamagat/paksa ng tula sa takdang oras.
8. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at di na mababago.
Krayterya Bahagdan
Kaugnayan ng Tema 25%
Nilalaman at pamamaraan 30%
Istilo 15%
Kaangkupang Tugma 10%
Kintal 10%
Orihinalidad 10%
Kabuuan 100%
Photo Essay
1. Ang bawat baitang sa Junior High ay kinakailangang mayroong isang kalahok samantalang
tig-iisang kalahok naman sa bawat seksyon sa Senior High.
2. Ang mga kalahok ay kinakailangang magdala ng kulay itim na ballpen at tanging ito lamang
ang kulay na pwede niyang gamitin sa pagsulat.
3. Ang kalahok ay may libreng papel at pirmado ng komite ng paligsahan.
4. Ang dami ng salita ay hindi hihigit sa 1,000 at hindi naman kukulangin sa 800.
5. Ang pagdadala ng anumang aklat, talatinigan, at iba pang bagay na maaaring pagkunan
ng ideya sa loob pagdarausan ng timpalak ay HINDI pinahihintulutan.
6. Ang hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at di na mababago.
Paggawa ng Poster
Pamantayan:
1. Ang bawat seksyon sa iba’t ibang baitang ay kinakailangang gumawa ng Bulletin Board.
2. Ang mga kalahok ay ikinategorya sa dalawa: Junior High School at Senior High School.
3. Ang sukat ng bulletin board ay dapat na kalahati ng isang buong ilustrasyon board.
4. Ang layout o disenyo ay nasa sa taong gumagawa nito. Ang mga naka print na materyales
ay hindi ipinagbabawal ngunit hinihikayat ang mga gagawa na gumamit ng mga katutubo o
recyclable na materyales.
5. Ang nilalaman ng bulletin ay nakasalalay sa mga gagawa na masasalamin ang temang
“Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.”
6. Ang takdang-oras ng pag-post ng mga bulletin board ay sa Agosto 19, 2019. Ang mga
seksyong hindi makakagawa sa nakatakdang oras ay hindi na kwalipikadong sumali sa
patimpalak sa paggawa ng bulletin board.
7. Mangyaring gawing gabay ang pamantayang inihanda sa ibaba:
8. Ang mga nanalo ay ihahayag sa araw ng kulminasyon sa Buwan ng Wika sa ika-30 ng Agosto
2019.
Radio Broadcasting
A. Scripwriting
1. Ang format para sa broadcast copy/script wrinting ang dapat gamitin.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangang maghanda ng limang (5) minutong presentasyon
na nasusulat o bibigkasin sa wikang Filipino.
* 01:30 – Ads at Patalastas
* 00: 10 – Station ID
* 00: 30 – Intro, Bumpers, and Teasers
* 02:50 – Oras na natitira ay para sa balita
3. Ang bawat kalahok ay kailangang maghanda ng dalawang kopya ng kanilang script.
Ang isang kopya ay para sa kanilang pangkat samantalang ang isa naman ay para sa
lupon ng inampalan.
B. Radio Broadcast Contest
1. Isang (1) kalahok sa bawat baiting mula sa Junior High at isang (1) kalahok naman sa
bawat seksiyon mula sa Senior High.
2. Sa bawat kalahok ay may pitong (7) miyembro lamang.
3. Maaaring gumamit ang bawat kalahok ng sarili nilang tugtog o kaya’y mga
nakahandang tugtogin mula sa internet.
4. Ang pagkakasunod-sunod ng mga kalahok ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbunot.
5. Ang pangulo ng lupon ng inampalan ay magtataas o magpapakita ng Luntiang Papel na
siyang hudyat sa pagsisimula ng pagtatanghal.
6. Ang isang miyembro ng komite ay dapat maglingkod bilang tagabantay ng oras para sa
bawat pagtatanghal, pagcompute ng bilang ng lagpas/kulang na oras na ginawa ng
isang koponan.
7. Ang dilaw na papel naman na itataas ng kasapi ng isang koponan ay magsisilbing babala
na mayroon na lamang silang isang (1) minutong natitira para sa pagtatanghal. At pulang
papel naman kapag ang oras ng pagtatanghal ay natapos na.
8. Makalipas ang limang (5) minuto ang bawat koponan ay maaaring magpatuloy sa
pagbroadcast, gayunpaman isang kaukulang pagbabawas na ng puntos ay gagawin ng
mga lupon ng inampalan. Ang koponan naman na hindi umabot sa oras na nakalaan ay
magkakaroon parin ng kaukulang pagbabawas ng puntos.
9. Isang (1) puntos ang mababawas sa bawat 30 segundong kulang o sobra sa
pagbroadcast.
10. Ang hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at ‘di na mababago.
Pamantayan:
HARANA
1. Ang paligsahang ito ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng Saint Augustine High School.
2. Ito ay binubuo ng 10 hanggang 15 kalahok mula sa bawat baitang sa Junior High School
samantalang sa Senior High School naman ay binubuo ng parehong bilang sa bawat seksyon.
3. Ang bawat kalahok ay aawit ng dalawang awitin. Isang Tagalog at isang Bisaya.
4. Ang kalahok ay maaaring gumamit ng minus-one o kahit anong instrumento.
5. Maaaring gumamit ng simpleng props sa pagtatanghal.
6. Ang desisyon ng lupon ng inampalan ay pinal at hindi na maaaring baguhin.
Pamantayan:
Boses 35%
Interpretasyon at Ekspresyon 25%
Pagtatanghal 20%
Dating sa madla 20%
Kabuuan 100%
Choreopraphy 30%
Kasanayan 20%
Sinkronisasyon 20%
Kaangkupan 20%
Pagkamalikhain 10%
Kabuuan 100%
Sulyap sa Kultura
2. Para sa departmento ng junior high, ang bawat baitang ay kailangang pumili ng 20- 40
katao na magiging kalahok para sa kanilang netry.
Para sa senior high, ang bawat seksyon ay kailangang pumili ng 10- 15 katao na
magiging kalahok para sa kanilang entry.
5. Ang bawat entry ay kailangang mag handa ng apat (4) na kopya ng panitikan o
literatura ng kanilang napiling pangkat Etniko. Isa (1) para sa magtatanghal at tatlo (3)
para sa mga hurado.
Ang pag gamit ng ibang element tulad ng lupa at tubig ay hindi ipinababawal maliban sa apoy.
Pamantayan:
Spoken Poetry
Pamantayan:
PAALALA:
3. Hanapun lamang si Bb. Kayla Joy Corvera (Grade 11) at Bb. Dina Mae Samson (Grade 10
St. Peter).
Pinagtibay ni:
ALAN A. GASCON
Principal