You are on page 1of 3

LAKAN AT LAKAMBINI NG BUWAN NG WIKA 2019

PATNUBAY (PAMANTAYAN) SA PAGSALI:

1. Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng QCN


2. Kahit sinong nais sumali ay puwedeng puwede.
3. Bawat kinatawan ay kailangang magrehistro kay Sir Jovannie Unciano.
4. Inaasahan ang suporta mga magulang para sa ilang pangangailangan ng kanilang mga
kinatawan.
5. Ang kompetisyon ay gaganapin sa Biyernes, ika-16 ng Agosto 2019.
6. Ang mga mananalo sa kalahok ay makatatanggap ng parangal na:
Ikatlong Munting Lakan at Lakambini ng buwan ng wika
Ikalawang Munting Lakan at Lakambini ng buwan ng wika
Ang Munting Lakan at Lakambini ng buwan ng wika
7. Ang mga Tagapangasiwa ay may kakayahang idiskwalipiko ang sinumang kalahok na
masasangkot sa anumang di kaaya-ayang isyu o masasangkot sa anumang kaguluhang
nagpapakita ng pagiging hindi magandang halimbawa.

PROSESO NG KOMPETISYON

Ang pinal na (mga) kalahok ay magkakaroon ng Tagisan sa Malikhaing Kasuotan (recycle at


indigenous) at galing sa pagdala ng damit.

PAMANTAYAN SA TAGISAN NG KASUOTANG PILIPINO:

DISENYO AT PAGKAMALIKHAIN NG DAMIT_______________50%

GALING SA PAGDALA/PAGPRESENTA NG DAMIT__________30%

GALING SA PAGRAMPA________________________________20%

100%
SPOKEN POETRY

PAGHANGO:

Ang patimpalak na ito`y hinango sa salin na Spoken Word Poetry. Ito ay isang pasalitang uri ng
sining at nakapokus ito sa arte ng mga piyesa, mga pagbigkas ng salita, mga punto at boses.

LAYUNIN:

Layon nitong paganahin ang kasanayan sa pagbigkas at matalinong paghahabi ng mga ideya
sa isang paksa.

TUNTUNIN:

1. Ang paligsahan ay bukas para sa lahat ng mga mag-aaral ng QCN.


2. Bawat baitan ay magtatala ng representante para sa patimpalak.
3. Ang paksa ay “PAGLAHO NG SARILING WIKA”
4. Wikang Filipino ang opisyal na lenggwahe na gagamitin sa naturang patimpalak.
5. Ang oras ng pagtatanghal ay hindi dapat kukulang sa tatlong (3) minuto at sosobra sa
limang (5) minuto at kailangang isaulo ang ginawa.

PAMANTAYAN:

Artikulasyon________________25%

Prodyekson ng boses_________25%

Ekspresyon ng mukha at galaw___20%

Pagsasaulo__________________15%

Impak sa tagapanood__________15%

100%
SABAYANG PAGBIGKAS

PAGHANGO:

Ang patimpalak na ito ay isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang


anyo ng panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa nang malakas ng isang pangkat.

LAYUNIN:

Layon ng patimpalak na ito ay ang mapalawak ang pagiging malikhain nang may kaisahan sa
pagbibigkas at epektibong paghahatid ng mensahe ng piyesa sa mga manonood.

TUNTUNIN:

1. Ang paligsahang ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng QCN.


2. Ang bawat grupo ay binubuo ng 20 miyembro.
3. Isang piyesa lamang ang gagamitin sa sabayang pagbigkas ang “ WIKANG
FILIPINO..SAGISAG NG PAGKAPILIPINO”
4. Pinahihintulutan ang paglalapat ng himig, tunog o awitin at ang pagkakaroon ng
koryograpi.
5. Lima (5) hanggang pitong (7) minute lamang nakalaang oras para sa presentasyon.

PAMANTAYAN:

Organisasyon ng tinig_________30%

Koryograpiya_______________25%

Kaangkupan ng ekspresyon ng mukha o galaw at kumpas______20%

Pagpapalutang ng damdamin___________________15%

Hikayat sa madla__________________________10%

100%

You might also like