You are on page 1of 1

Ang paglapastangan sa pag-aasawa o kasal ay paglapastangan sa Diyos, ang paghamak dito ay

paghamak sa Diyos, ang hindi pagpapahalaga rito ay hindi pagpapahalaga sa Diyos sapagkat ang
Diyos ang lumalang ng pag-aasawa o kasal. Ito ang pinatutunayan sa Genesis 1:27-28:

Ang Panginoong Diyos mismo ang nagtatag ng pag-aasawa o ang insitusyon ng kasal. Papaano
itinatag ng Diyos ang pag-aasawa? Binasbasan muna ng Diyos sina Adan at Eba, ang mga unang
taong nilalang ng Diyos, bago sila pinapagsama bilang mag-asawa.

Kaya, banal at sagrado ang kasal sapagkat ang Diyos mismo ang nagtatag nito. Dahil dito, hindio
dapat magsama na tulad ng mag-asawa ang hindi pa kasal (ang pakikipag-live-in) sapagkat ang
gayun ay paglapastangan sa pag-aasawa na itinatag ng Diyos.

“Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, at maging tapat sa isa't isa ang mag-asawa…” (Hebreo
13:4 MB)

Ang ipinag-uutos ng Biblia na dapat maging pagtrato sa pag-aasawa ay “Dapat igalang ng lahat
ang pag-aasawa.” Nagsisimula ang paggalang sa pag-aasawa o kasal sa pagtataglay ng “malinis
na layunin” sa pagpapakasal. Hindi sa layuning makatakas lamang sa pamilya, huwag mapag-
iwanan, makapag-abroad o magkaroon ng citizenship sa ibang bansa, at iba pang tulad nito. Ang
ganito pala ay nagkakasala rin sa Panginoong Diyos.

You might also like