You are on page 1of 1

Tekstong Argumentatibo

Same Sex Marriage

Ang Pilipinas ay isang Kristyanong bansa. Bilang mga Kristiyano, sagrado ang tingin natin sa kasal.
Ang salita ng Diyos ay isang napakabanal na bahagi ng ating pagka Pilipino. Ayon nga sa bibliya, ang maari
lamang ikasal ay babae at lalake lamang. Iyan marahil ang isa sa mga rason kung bakit matagal ng hindi
pinapatupad ang same-sex marriage dito sa Pilipinas.

Isa tayo sa mga natitirang bansa na hindi sumasang-ayon at itinuturing illegal ito. Para sa aking parte
hindi rin ako sumasang ayon nito dahil sabi sa Genesis 2:24 “Therefore a man shall leave his father and his
mother and hold fast to his wife, and they shall become one flesh” ang sabi dito ang lalake ay dapat pupunta sa
kanyang asawa (babae) at magiging isa sila. At ayon rin sa bibliya, lalake at babae lang ginawa ng Diyos at
tanging iba ang kasarian lamang ang dapat humarap sa altar o dapat iharap sa Diyos. At “literally speaking”
hindi nakabubuo ng bata o anak ang magkapareho ng kasarian kaya isa rin ito sa rason kung bakit hindi ako
sumasang-ayon nito.

Tayong mga tao ay may karapatan mag mahal sa kapwa makapareho man ang kasarian o hindi pero
kung usapan sa isang sagradong kasal ang dapat iharap o humarap sa Diyos. At ang salita ng Diyos sa atin ay
napaka banal kaya dapit lang natin itong sundin.

You might also like