You are on page 1of 2

*Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?

Ilahad ang pangunahing paksa nito at

magbigay ng ilang suportang ideya?

Ang tekso ay tungkol sa paglalagay ng ipinagbabawal na droga sa bag ng biktimang

Mary Jane Veloso. Ang layunin ng teksong ito, na di dapat sayangin ng mga kabataan

ngayon ang kanilang buhay at di paggamit ng ipinagbabawal na droga at huwag

makalimot sa panginoong Diyos, sapagkat siya ang gumagabay sa ating mga pang

araw araw na buhay.

Ang sumulat ng liham ay si Mary Jane Veloso. Siya ay nahulihan ng droga sa bansang

Indonesia kahit na hindi naman ito gumagamit, sa kagustuhan niyang maging

maginhawa ang buhay ng kaniyang pamilya. Isang tao ang nagbigay ng trabaho sa

kanya sa ibang bansa bilang katulong o mas kilala natin bilang “Domestic Helper” at

hindi sukat akalain nito na may masamang balak ito sa kanya. Ang kanyang talumpati

ay nanghihikayat sa lahat lalong lalo na sa mga kabataan na huwag natin sayangin ang

buhay dahil lamang sa mga walng kwentang Gawain tulad na lamang sa droga na kung

saan sisira naman sa ating mga buhay.

Ang elementong lagos sa liham ni Mary Jane ay sa limang taon niyang pananatili sa

loob ng kulungan ay nalaman niya na ang mga taong nalulung sa mga ipinagbabawal

na gamot na ang karamihan dito ay ang mga kabataan dahil sa maling pakikihalubilo o

pakikipag barkada. Karamihan ay natakwil ng pamilya, na pariwara, at nasira ang pag-

aaral. Meron ding nagkasakit. Huwag sayangin ang buhay dahil lamang sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang elementong pathos naman ay naniniwala si Mary Jane na

ang hindi paggamit ng ipinagbabawal na gamot at kahit ang hindi pagkasangkot sa

kahit ano mang illegal na Gawain ay may magandang kinabukasan ang naghihinatay sa

iyo. Huwag makalimot sa panginoong diyos na gagabay sa atin sa tamang landas na

tatahakin.

Masasabi naming mabisa ang panghihikayat na ginawa ni Mary Jane, sapagkat batay

sa nabasa naming liham ay nagbigay siya ng matibay na dahilan kung bakit na

kinakailangan nating hindi sayangin ang ating mga buhay lalong lalo na ang mga

kabataan. Kinakailangan nating lumayo sa mga ipinagbabawal dahlia alam naman natin

na masama lamang ang balak nito sa ating mga buhay lalong lalo na sa droga, dahil

ayon sa kanya, sisirain lamang nito ang kinabukasan natin. Mararamdaman mo rin ang

mabigat emosyong dala ni Mary Jane habang sinusulat ang liham.

Maiuugnay ko ang kabuang mensahe sa akong biasing tekso sa aking sarili sa

pamamagitan ng pagtukoy at pagtahas sa mabuting landas na ating tatahakin. Bilang

isang mag aaral, kinakailangan nating buksan an gating isip maging ang ating mga

mata sa mga karaniwang nagaganap sa kasalukuyan. Mas kinakailangan nating

kilalanin an gating mga nakakasalamuhang tao upang masiguro nating an gating mga

kaligtasan dahil alam naman natin ngayon na mas napaparami na ang mga

napapariwara ang buhay dahil lamang sa pagsubok dala ng kuryusidad ng mga

ipinagbabawal na gamot.

You might also like