You are on page 1of 4

Interpretasyon sa talatanungan

Sa kabuuang bilang ng mga respondante na 15, narito ang kanilang mga naging

kasagutan sa Talatanungang ibinigay ng mga mananaliksik.

Unang tanong , Mayroon pa bang tradisyon at gawi sa pagpapakasal ng mga

Ilokanong Iglesia ni Cristo? . Ayon kina Norma Jose , Teresita Abundo at Benedicta

Salvatierra mayroon parin silang mga gawi sa pagpapakasal ngunit ito’y alinsunod

parin sa kanilang Banal na Kasulatan.

Pangalawang katanungan , Naniniwala ba kayo sa iba’t-ibang tradisyon at gawi

sa pagpapakasal? Bakit? . Ayon kay Joey Reynon hindi sila naniniwala sa mga pamahiin

sa kasal sapagkat katulad ng pagpapasayaw sa kasal alinsunod sa kanilang

paniniwalang ang mga babae ay dapat na asawa lamang nila ang hahawak sa kanilang

baywang para naman sa mga lalakeng ikakasal dapat ang asawang babae lamang ang

dapat nilang isayaw o hawakan ang baywang. Ngunit para kay Jovelyn Jose at Gloria

Farinas, sila ay naniniwala sa ilang mga pamahiin sa pagkakasal sapagkat ang ilan sa

mga ito ay kanilang nasaksihan at isinagawa , katulad na lamang ng Pagsasabit ng

nagagamit na damit ng mga ikakasal na ibabandera upang hindi umulan at para kay

Jovelyn Jose buhat narin sa kanyang karanasan dapat mauna raw ang babae sa lahat

ng bagay na gagawin sa kasal katulad ng pag-luhod at pagpasok sa sasakyan upang

hindi ma-under de saya .


Ikatlong katanungan, Ano ang mga nangyari nang hindi nasunod ang mga

tradisyon at gawi sa pagpapakasal?, Ayon kay Ellaine Joyce Abundo at Loida Abundo

wala pa naman daw silang nasasaksihang masamang nangyari nang hindi nila

isinagawa ang mga paniniwala , ngunit para sa gawi mahigpit na sinusunod nila ang

mga ito sapagkat ang pagsuway sa kanilang mga sinusunod na gawi at mapapatalsik

sila sa kanilang relihiyon.

Ika-apat na katanungan , Ano-ano ang mga dapat gawin at ihanda bago ikasal?.

10 sa kanila ang sumagot ng senomar , mga damit , mga imbitasyon at pagtatanim ng

isang puno.

Ikalimang katanungan , Ilan ang bilang ng mga ninong at ninang sa kasal? ,

lahat sila ay sumagot ng “5’ pares ang bilang ng mga Sponsor sa kasal.

Ika-anim na katanungan , Ilan ang pwedeng maging abay sa kasal? Ang lahat

sa kanila’y sumagot ng 4-5 pares ng mga abay .

Ika-pitong katanungan , Mayroon po ba kayong isinasagawang pamamanhikan? .

Ayon sa mag-asawang sina Sherylle at Norman Limbo mayroon parin silang

pamamanhikan para pag-usapan ang mga gastusin sa pag-papakasal .

Ika-walong katanungan , Pwede po bang magpakasal ang miyembro ng Iglesia

ni Cristo sa huwes at hukom?. Ayon kay Norma Jose , maari lamang silang magpakasal

sa huwes ngunit mas mainam kung sila ay magpapakasal padin sa Kapilya ng Iglesia ni

Cristo upang mabasbasan ng Diyos ang kanilang pagsasamahan.


Ika-siyam na katanungan , Pwede bang ikasal sa labas ng kapilya ang kaanib ng

Iglesia ni Cristo? Lahat sila ay sumagot ng hindi , sapagkat sa kanilang gawi sila ay

dapat ikasal lamang sa kapilya ng Iglesia ni Cristo.

Ika- sampung katanungan , Paano ipinagdiriwang ang selebrasyon ng kasal ng

mga Iglesia ni Cristo? , Ayon kay Jyrel Abundo at REnz Costales , Ipinadiriwang nila ang

selebrasyon ng kasal sa pamamagitan ng Pagpapalaro , videoke at pagpapakain

You might also like