You are on page 1of 6

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Mga nilalaman ng bahagi na ito ay mga kaugnay na literature na nakalap ng mga

mananaliksik na naiuugnay nila ang mga ito sa problemang sinasaliksik nila. Ito ay may

dalawang klase yun ay ang lokal at banyagang literatura.

Lokal

Kadalasan ang tao kapag humantong na sa tamang edad at pag nakikita kita kayo

ng mga kaibigan mo o kamag-anak, ang unang tanong sayo bakit hindi kapa nag

aasawa? Minsan naman idinadaan nila sa biro at sasabihin sayo napag iiwanan kana at

pwede kapang humabol. Maraming dahilan kung bakit hindi nakakapag asawa ang isnng

tao. Una, dahil sa mapait na nakaraan. Pangalawa, ang pagiging Breadwinner at sadyang

mapag mahal sa pamilya. Pangatlo, dahil sila ay dumaan sa mahabang relasyon at nauwi

lang sa wala. Pang apat, may mga tao na may ibang kasarian tulad ng tomboy at bakla. At

ang Pang lima, maraming babae at lalaki ang play boy at play girl.

( Definitely Filipino, 2012 )

Kapag nawala na raw sa kalendaryo ang edad ng isang pinay, nalalapit na siya sa

isang sumpa. Ang sumpa ng pagiging matandang dalaga! Pero sa pag-aaral ng National

Statistical Coordination Board ( NSCB ), dumarami na ang mga matatandanng dalaga sa

ating bansa 6 sa 100 na pinay na may edad 35- 49 ang hindi pa nag aasawa. Marami sa
kanila ang Single By Choice. Tila wala sa kanilang bokabolaryo ang kasal. (GMA News

Onlline, 2011 )

Naka depende ba sa pag aasawa ang kaligayahan ng isang tao? Itinuturo ban g

bibliya na dapat kang mag asawa para maging maligaya? Sa uanng tingin parang ganun

nga. Ayon sa Genesis, nakita ng Diyos na hindi mabuti para sa unang lalaking si Adan na

manatiling nag iisa. Kaya nilalang ng Diyos si Eva para maging kapupunan ni Adan.

(Genesis 2:18 )

Mula sa ulat na iyan, maaaring isipin natin na hindi kompleto ang isang tao kung wala

siyang asawa. Bukod diyan, may mga ulat sa bibliya na nag lalarawan sa pag aasawa

bilang pinag mumulan ng mga pag papala at kagalakan.

( JW.ORG, 2018 )

Banyaga

Ang pagpapasiya kung mag aasawa o hindi ay isa sa pianka mahirap na desisyon sa

buhay. Tayong lahat ay apektado ng di kasakdalan na siyang ugat ng karamihan sa mga

problema sa ugnayan ng tao. Kaya naman kahit ang mga may pag papala ni Jehova ay

hindi ligtas sa kabiguan, may asawa man o wala. Kung ikakapit mo ang matalinong payo

sa 1 Corinto Kabanata 7, mababawasan ang gayong mga problema. Mapapalugdan mo si

Jehova, may asawa ka man o wala. (Basahin ang 1 Corinto 7:37, 38 )

Ang pinaka makabuluhang tunguhin ay ang makamit ang pag sang ayon ng Diyos. Sa

gayon, maaari tayong mabuhay sa bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos. Pag dating

ng panahong iyon, mawawala na ang mga problemang laganap ngayon sa ugnayan ng

mga lalaki at babae. Sa liham ni Pablo sa mga taga Corinto, positibo ang mga komento
niya tungkol sa pagiging walang asawa. (Basahin ang 1 Corinto 7:8 ) pero di gaya ng

klero ng Sangkakristiyanuhan, hindi itinuring ni Pablo na nakahihigit siya sa iba dahil

wala siyang asawa. Sa halip, idiniin ng apostol ang bentaha na taglay ng maraming

Kristiyanong walang asawa. Karaniwan na, ang mga walang asawang kristiyano ay

maaaring tumanggap ng mga atas sa paglilingkodkay Jehova na hindi bukas sa may mga

asawa. Halimbawa, tumanggap si Pablo ng pribilehiyo na maging apostol samga bansa.

(Roma 11:13) sa Gawa kabanata 13 hanggang 20, mababasa natin ang mga karanasan ni

Pablo. Naglakbay siya kasama ng mga kapwa misyonero para mangaral at magtatag ng

maraming kongregasyon. Nagbanta siya ng mga mahihirap na kalagayan sa ministeryo na

hindi mararanasan ng marami sa ngayon. (2 Cor.11:23-27, 32, 33). Pero sulit ang mga

iyon dahil marami siyang natulungang maging mga alagad. (1 Tes. 1:2-7,9; 2:19)

magagawa kaya mi Pablo ang lahat ng ito kung mayroon siyang mga anak at asawa?

Malamang naman ay hindi. Sinasamantala ng maraming Kristiyanong walang asawa ang

kanilang kalagayan alang-alang sa Kaharian. Sina Sara at Limbania, mga dalagang

payunir sa Bolivia, ay lumipat sa isang nayon na maraming taon nang hindi

napangangaralan. Walang koryente sa lugar na iyon. Ipinakita ng ilang taganayon sa mga

payunir ang mga lumang publikasyon natin na binabasa pa rin nila hanggang ngayon.

Dahil halos lahat ng pinupuntahan nila ay interesado, hindi nila madalaw ang bawat

bahay sa teritoryo. Dumadalo na sa pulong ang ilang taganayon. Siyempre, may

magagandang karanasan din naman ang mga may-asawang Kristiyano na nangangaral sa

mahihirap na teritoryo. Pero ang ilang antas na bukas sa mga walang asawang payunir ay

maaaring maging hamon para sa mga may asawa o anak.

( Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania, 2018 )


Kaugnay ng Pag-aaral

Nakapaloob naman dito ang mga nakalap ng mga mananaliksik na mga pag aaral

na naiuugnay nila sa problemang kanilang sinasaliksik. Makikita dito ang mga

napagaralan na ng mga mananaliksik noon na may koneksyon sa problemang

kinakaharap ng mga mananaliksik.

Sa panig ng agham, sinubukang pag-aralan ng ilang scientist kung ano ang

eksaktong tamang edad sa pag-aasawa para ito tumagal habambuhay. Lumilitaw sa

pananaliksik ng University of Utah sa United States na mas magandang mag-asawa sa

pagitan ng mga edad na 28 at 32-anyos para lumakas ang tsansang tumagal ang

pagsasama.  Lumabas ang four-year age range sa pag-aaral na ito makaraang analisahin

ang datos mula sa 2006-10 and 2011-13 National Survey of Family Growth (NSFG).

Pinangunahan ng researcher at sociologist na si Nick Wolfinger ang pag-aaral na

tumataliwas sa paniniwala na mas malayong magkahiwalay ang isang mag-asawa kapag

nagpakasal sila o nagsama sa panahong matanda na sila.  Natuklasan ng mga

mananaliksik na mas mataas ang peligrong magdiborsiyo o magkahiwalay ang babae at

lalaking nagpakasal sa edad na napakabata pa nila. Nababawasan ang peligrong ito sa

mga hulihan ng mga edad na 20s at unahan ng mga edad na 30s. Kung lampas ka na sa

edad na 28 at 32-anyos nang magpakasal ka, lumalaki muli ang peligrong magkahiwalay

kayo ng iyong asawa. At higit pang tumataas ang peligrong ito sa mas matatandang edad.

Maaari umanong dahilan dito ay nagiging mas mapili sa pangkalahatan ang mga tao na

nagpalipas ng mas mahabang panahon bago nag-asawa. Kaya maliit ang tsansa na

masisiyahan siya at makukuntento sa kanyang pag-aasawa. Ayon pa kay Wolfinger, totoo

ang 28-32 rule kahit ano pa ang pagkatao at pinaninirahan ng isang tao. Ang resulta anya
ng kanilang pag-aaral ay umaangkop kahit isaalang-alang ang kasarian, lahi,

pinagmulang istruktura ng pamilya,  edad sa panahon ng survey, edukasyon, relihiyon, at

kasaysayang seksuwal at maging sa laki ng tinitirhang lugar. Pero, sa bagong

pananaliksik ng Hitched.com, karaniwang edad para magpakasal ay sa pagkalampas lang

o kadikit ng edad na 28-32. Sa babae, karaniwan ang 33 anyos habang sa lalaki ay 34.

(https://beta.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2017/09/23/1742156/tamang-edad-sa-

pag-aasawa)

Ayon ito sa pananaliksik na bahagi ng proyekto ng Lagone Medical Center ng

New York University, ang pinakamalawak na pag-aaral na sumaliksik ng koneksyon sa

pagitan ng pag-aasawa at kalusugang pampuso. Huhupa ang sakit ng damdamin kapag

nag-asawa ka? Parang ganun. Nilahukan ng 3.5 milyong matatandang Amerikano ang

pag-aaral na nakabatid na ang mga may-asawa raw ay may mas mababang panganib na

magkasakit sa puso kaysa sa mga nag-iisa, diborsyado o balo. “Our survey results clearly

show that when it comes to cardiovascular disease, marital status really does matter,”

(Maliwanag na ipinakikita ng mga resulta ng survey na ‘pag dating sa cardiovascular na

sakit, nakapangyayari talaga ang estadong may-asawa o wala) ani Dr. Carlos Alviar na

namuno ng pag-aaral. “A spouse can help keep doctor’s appointments and provide

transportation, making for easier access to health care services,” (Makatutulong ang

asawa na mapanatili ang mga appointment sa manggagamot at pagbyahe na

nakapagpapagaan sa pagkuha ng mga serbiysong pangangalagang pangkalusugan), wika

ni Dr. Jeffrey Berger, isa pang kasapi ng proyekto, sa presentasyong infographic ng

pananaliksik.Married for life. Sa pag-aaral, natuklasang 5% na mas mababa ang tsansang


makakuha ng sakit na cardiovascular ang mga may-asawa, 3% na mas mataas na

pangamba sa mga balo, at 5% na mas mataas na panganib para sa mga diborsyado (sa

Amerika). Malaki naman ang ikinaganda ng mga numero para sa mga maaagang nag-

asawa, habang merong 12% na mababang tsansang magkasakit sa puso ang mga nasa

kulang-kulang 50 anyos pababa kaysa sa mga nakababatang nag-iisa. Dagdag pa ng pag-

aaral, malaking banta sa kalusugang pampuso ang paninigarilyo para sa mga diborsyado

at pinakamababa naman sa mga balo. Pinakakaraniwan ang labis na pananaba o obesity

sa mga single at diborsyado, at nakaranas naman ng napakatataas na mga antas ng

diabetes, high blood pressure at di-sapat na ehersisyo ang mga balo. Isinagawa ang pag-

aaral mula 2003 hanggang 2008 at mayroong higit 20,000 lugar para sa screening sa lahat

ng 50 estado. Ang average na edad ay 64, at 63% sa mga lumahok ay kababaihan. Halos

90% ay white.

(https://megamanilascene.wordpress.com/2016/07/13/pag-aasawa-nakabubuti-sa-puso-

pag-aaral/)

You might also like