Professional Documents
Culture Documents
Ang alitang mag-asawa ay isang kaganapang karaniwan sa pagsasama. Layunin ng pag-aaral na ito na
mailarawan ang saloobin tungkol sa alitang mag-asawa ng mga naninirahan sa GK Alaska Village, San Pedro,
Laguna. Sa pamamagitan ng paggamit ng katutubong metodo na pagmamasid-masid, pakikiramdam,
pagtatanung-tanong, pagdadalaw-dalaw at pakikipagkuwentuhan hanggang sa maabot ang
pakikipagpalagayang-loob sa sampung pares ng mag-asawa. Napag-alaman na tinuturing “normal” at
“salitaan” lang ang alitang mag-asawa ng mga taga GK Alaska. Ang mga karanasan sa buhay mag-asawa ay
mahirap ngunit masaya at nalalampasan ang mga pagsubok sa tulong ng Diyos at pagtutulungan ng mag-asawa.
Ang karaniwang sanhi ng alitang mag-asawa ay tungkol sa usapin sa pera at nasusulosyunan ang alitang mag-
asawa sa paraan ng mabuting pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa.
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang pamilya ay ang nagsisilbing pundasyon ng
isang indibidwal, kung saan nagsisimula ang edukasyon, kung saan ang pang-unawa, mabuting-asal at
pakipipagkapwa ay natututunan, kung saan matatagpuan ng isang tao ang mga bagay na hindi tinuturo sa
paaralan. Sa pamilya nagsisimula ang pagkahubog ng pagkatao, kung kaya’t malaki ang ginagampanang papel
ng pamilya sa buhay ng isang tao. Katulad ng nakasaad sa ating konstitusyon, kinikilala ng Estado ang pamilyang
Filipino na pundasyon ng bansa (1987 Phil. Const. Art. XV sec. 1). Ang mga Filipino ay kilala bilang ma-
kapamilya. Katulad nga ng sinabi nina Saito, Imamura at Miyagi (2010) ang mga Filipino ay kilala sa pagbibigay
ng halaga at pag-aaruga sa kanilang pamilya. Ang mga Filipino ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa
oras para sa pamilya, mula sa taunang pagsasama-sama at pagtitipon ng pamilya sa mga pagdidiriwang pati na
rin ang mga simpleng salu-salo sa hapag kainan. Ngunit bago ang lahat, ang pamilya ay nagsisimula sa dalawang
taong pinagbuklod ng kasal, kung saan ang dalawang tao ay nagiging isa. Subalit, katulad ng karaniwang mga
relasyon, dahil sa mga pagkakaiba, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa, at
kapag hindi ito naayos, tumataas ang pagkakaroon ng alitan ng mag-asawa. Ayon sa Philippines Statistics
Authority website, sa taong 2011, ay nagkaroon ng 1.3 porsyentong pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong ikinasal
kumpara sa nakaraang taon. Sa kabilang dako naman, ayon sa Office of Solicitor General , nagkaroon ng 40
porsyentong pagtaas ang bilang ng mga annulment cases na inihain sa loob ng sampung taon. Bagamat ang
divorce ay hindi pinapayagan dito sa Pilipinas, ang hindi pagkakaayos ng alitang mag-asawa ang lumalabas na
isa sa mga sanhi ng pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa. Bagay na sinusuportahan ng pag-aaral nina Birditt,
Brown, Orbuch, at McIlvane, (2010) kung saan nakasaad na ang pagpapakita ng conflict behaviors ay maaaring
humantong sa divorce. Ang alitang mag-asawa ay isang distressing context (Koss, George, Bergman, Cummings,
Davies, and Cicchetti, 2011). Hindi lang ang mag-asawa ang naaapektuhan dito, pati na rin ang kanilang mga
anak. Maaari itong magkaroon ng matagal na epekto sa bata sapagkat ang mga magulang ang tumatayong unang
guro, at mga taong tinutularan ng mga bata.
Alitang Mag-asawa
Sa bawat kasal, ang alitan ay hindi maiiwasan (Mccoy, Cummings, at Davies, 2009). Ang mga tao ay
sadyang hindi magkakapareho, ang bawat tao ay may natatanging katangian na nagpapaiba sa bawat isa. May
sariling paniniwala, hilig, at mga bagay na hindi gusto, at ang mga ito ang pinagmumulan ng mga alitan sa
relasyon. Sa lahat ng bagay hindi maiiwasan ang alitan, maaari magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga
magkapitbahay, magkapatid, magkaibigan, magkasintahan at lalo na sa mga mag-asawa.
konektado sa mas mataas na antas ng alitang mag-asawa. Natuklasan nina Hardie at Lucas (2010), na ang mga
kadahilanang pang ekonomiya na ito ay important predictors ng alitan sa parehong kasal at mga cohabiting
couples at ang economic pressure ay may kinalaman sa mas maraming alitang mag-asawa at cohabiting couples.
Sinusuportahan ng mga pag-aaral na ito ang katunayan na ang economic pressure ay nakakadagdag sa alitang
mag-asawa.
Sintesis
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Isa ang bansang Pilipinas sa mga hindi sumasang-
ayon sa divorce o paghihiwalay ng mag-asawa kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagdagdag
ng kaalaman para sa Sikolohiyang Pilipino. Mahalaga ang pamilya sa mga Filipino at ang pamilya ay nagsismula
sa dalawang taong pinagbuklod ng kasal, masasabi na ang alitang mag-asawa ang isa sa mga sanhi kung bakit
naghihiwalay ang mag-asawa, at dahil dito nais alamin ng mananaliksik kung ano ang pananaw ng mga mag-
asawa rito at kung paano ito sinusulosyunan ng mag-asawa. Dahil din dito naisip ng mananaliksik ang pamagat
na kasal-sakal sapagkat kapag unang marinig ang mga katagang ito ay maiisip agad na may problema sa pagitan
ng mag-asawa. Nilalayong ng papel na ito na mailarawan ang pananaw ng mga naninirahan sa GK-Alaska
Village, Bayan-Bayanan, San Pedro, Laguna tungkol sa alitang mag-asawa. Nais malaman ng mananaliksik kung
28
The Bedan Journal of Psychology 2017
ano-ano ang: 1.) Ano ang pananaw ng mag-asawa sa alitang mag-asawa? 2.) Anu-ano ang mga karanasan sa
buhay mag-asawa? 3.) Anu-ano ang mga dahilan ng alitang mag-asawa? 4.) Paano sinusulusyunan ng mag-
asawa ang alitang mag-asawa?
Metodolohiya
Disenyo ng pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pananaliksik. Naglalayong ang mananaliksik na
malaman ang mga sanhi ng alitan ng mag-asawang Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng katutubong
pamamaraan na angkop sa pananaliksik katulad ng pagmamasid-masid, pakikiramdam, pagtatanung-tanong,
pagdadalaw-dalaw, at pakikipagkwentuhan, upang makakalap ng mga datos. Sinigurado ng mananaliksik na
maabot ang antas ng pakikipagpalagayang-loob upang makakuha ng datos na angkop at mapagkakatiwalaan para
sa pananaliksik.
Mga Kalahok
Ang mga kalahok ng pananaliksik na ito ay sampung mag-asawa na naninirahan sa GK-Alaska Village,
Bayan-Bayanan, San Pedro, Laguna. Ang GK-Alaska Village ay isang komunidad na nabuo mula sa
pagtutulungan ng tatlong grupo: Ang gobyerno, ang industriya at isang NGO, kasalukuyang mayroong 146 na
pamilya ang naninirahan dito. Karaniwang housewife ang trabaho ng kababaihan at karaniwang manggagawa
naman ang kalalakihan meron ding isang pares na senior citizen na pensioner. Malapit ang mga kalahok sa isa’t
isa marahil na rin ito sa maliit ang kanilang komunidad at dahil din sa tulong ng pagbabayanihan.
Mga Instrumento
Gumamit ang mananaliksik ng mga simpleng katanungan upang makakuha ng pangunahing
impormasyon ng mga kalahok katulad ng pangalan, edad, ilang taon ng naninirahan sa lugar at kung ilang taon
ng kasal. Gumamit ang mananaliksik ng lapis at papel upang maisulat ang mga makakalap na datos na maaaring
maisulat pati na din ang rekorder upang mas maging maayos ang pagkuha ng datos.
Pamamaraan
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa alitang mag-asawa, isang isyu na hindi madaling ibahagi sa ibang
tao kung kaya’t minarapat ng mananaliksik na paabutin sa pakikipagpalagayang-loob ang antas na patutunguhan.
Tatlong beses bumisita ang mananaliksik sa lugar. Ginagawa ng mananaliksik ang kanyang pagbisita tuwing
katapusan ng linggo, sapagkat ang mga araw na ito ay kung kailan kumpleto ang pamilya sa lugar. Nagsuot ng
simpleng kasuotan ang mananaliksik upang hindi matakot at mahiya ang mga kalahok sa mananaliksik. Dahil sa
tulong ng kakilala sa lugar, napadali ang pagpapakilala ng mananaliksik sa mga naninirahan doon, at dahil
malapit ang kakilala ng mananaliksik sa mga naninirahan, naging mabilis din ang pagiging palagay ng loob ng
mga tao rito. Nakahingi din ng tulong ang mananaliksik sa ibang mga opisyal ng komunidad, nairaos ng
mananaliksik ang kanyang pagtatanung-tanong at pakikipagkuwentuhan sa isang multi-purpose hall, kung saan
napagtipon-tipon ang mga kalahok ng mananaliksik. Umpukan ang naging estilo ng pananaliksik,
maihahalintulad din ito sa isang sharing ng magーasawa sapagkat magkasama sila habang ginagawa ang
pananaliksik, ngunit kahit ganito, halos kababaihan ang nagkukuwento at ang kanilang asawa ay tumatayong
suporta o taga-sang ayon lamang, iilan lang ang kalalakihan na nagbahagi ng kanilang saloobin. Bago nagsimula
ang mananaliksik ay nagpaalam ito kung maaari bang gumamit ng rekorder habang isinasagawa ang
pananaliksik. Sa tulong ng Gawad Kalinga, pinagbuklod ang mga ito sa pamamagitan ng isang kulturang sariling
atin, ang bayanihan, kung saan ang mga nabigyan ng bahay ay nagtulong-tulong sa paggawa ng bahay sa lugar
kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng values formation at team building upang mabuo ang komunidad. Sa
perspektibo ng mananaliksik, dahil sa mga pinagdaanan ng mga taong kasalukuyang naninirahan sa GK Alaska
na dating mga informal settlers, sila ay maraming karanasan tungkol sa hirap ng buhay na pinagdadaanan ng
mag-asawa. Sa unang pagbisita ng mananaliksik ay nagmasidmasid sa kapaligiran, kasama ng kakilalang
naninirahan sa lugar, nilibot nila ang komunidad. May ngiti sa labi ng mananaliksik at handang makipagkamay
at makipagkilala sa mga taong makakasalubong. Sa ikalawang pagbisita ay nagpakilala na ang mananaliksik sa
ibang mga opisyal sa komunidad, humingi ng permiso upang maisagawa ang pananaliksik at malugod naman
itong tinanggap ng mga opisyal. Sa pangatlong pagbisita, pinakilala na ang mananaliksik sa mga magiging
29
The Bedan Journal of Psychology 2017
kalahok, nakipagkuwentuhan ang mananaliksik upang makilala pa ng mabuti ang mga kalahok. Pagkatapos
makipagkuwentuhan ng mananaliksik, nang maramdaman na magaan na ang loob ng mga kalahok, sinimulan
na ang pagtatanong na may kinalaman sa pananaliksik. Maayos ang daloy ng pakikipagkuwentuhan at
naramdaman ng mananaliksik na siya ay kabilang sa kanilang komunidad. Matapos ang pananaliksik, nagbigay
ng mamon at juice ang mananaliksik sa mga kalahok, ito ay ang simpleng pasasalamat ng mananaliksik sa mga
kalahok dahil sa binigay na oras at tulong upang maisagawa ang pananaliksik.
Presentasyon at Diskusyon
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng katutubong metodo na pagmamasid-masid, pakikiramdam,
pagtatanung-tanong, pagdadalaw-dalaw at pakikipagkuwentuhan upang maabot ang pakikipagpalagayang-loob
sa mga kalahok. Sa pag-abot ng pakikipagpalagayang-loob nakakuha ang mananaliksik ng datos na
mapagkakatiwalaan at makapagbibigay kabuluhan sa pananaliksik at makakasagot sa mga katanungan ng
pananaliksik na: 1. Ano ang pananaw ng mag-asawa sa alitang mag-asawa, 2. Anu-ano ang mga karanasan sa
buhay mag-asawa, 3. Anu-ano ang mga dahilan ng alitang mag-asawa 4. Paano sinusulusyunan ng mag-asawa
ang alitang mag-asawa. Mula sa mga nakuhang pahayag sa mga kalahok, pinag-isa ng mananaliksik ang mga
kasagutan na karaniwang nababanggit ng mga kalahok pati na rin ang mga kasagutang tumatak sa mananaliksik
na makakapagbigay kabuluhan sa pananaliksik.
pagpapalaki ng anak, kung meron man katulad lamang ito ng karanasan ni Lalakeng Kalahok 5, na tungkol sa
pagpapalit ng diaper ng anak, “Eh ayokong mag-ano ng tae niyan. ” Dahil doon mag-aaway kami, tapos
babatuhin niya ako ng mga damit “uhm ikaw na!”. Kapansinpansin din na mula sa mga pahayag makikita na
tuwing makakaranas sila ng hirap, humihingi sila ng tulong mula sa diyos upang bigyan sila ng lakas na mapalaki
ng maayos ang kanilang mga anak.
Pagiging Relihiyoso
Sa pagbahagi ng karanasan nabanggit ng ilang asawa ang tulong na dulot ng paghingi ng gabay sa
Panginoon. “Wala talaga kaming totally pag-uusap dati, talagang wala kasi, iba talaga kasi yung sa amin eh,
hmm di ko siya maano eh, yung hindi pa naming kilala ang Diyos nun, kung baga, hindi pa kami nagsisimba,
pero nung nagstart kaming sumali sa couple’s doon, parang medyo ah alam ko na” Ani ni Babaeng Kalahok
10. Mula sa pahayag na ito ni Babaeng Kalahok 10 makikita na simula ng sila ay naging malapit sa diyos ay
nabuksan ang kanilang isipan at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa kanilang relasyon. Sinusuportahan ang
karanasang ito ng pag-aaral nila Lambert at Dollahite (2006). Nabanggit din ni Babaeng Kalahok 7, na sa
pamamagitan ng paglagay nila sa Panginoon sa kanilang buhay ay naging mas matatag ang kanilang pagsasama,
“...may mga pagsubok sa buhay ng isang mag-asawa na paminsan pag hindi kayo nagkaintindihan nauuwi
talaga sa paghihiwalay, kasi yun nga wala wala si God sa sentro ng pagsasama niyo, pero kapag kasama niyo
siya sa ano sa relasyon niyo, ang mahirap napapadali kasi nga nandiyan siya…” Mula sa obserbasyon ng
mananaliksik, kahit ganito man ang nangyayari, pagkatapos ng araw ang mag-asawa ay nagkakaintindihan sa
tungkulin na ginagampanan sa pamilya, at nalalampasan ang kung ano man ang pagsubok na darating.
Karamihan sa kalahok na mag-asawa ay hindi nagkaroon ng matinding pagtatalo dahil sa pagpapalaki ng anak,
at lahat ng karanasan sa buhay ay nalampasan sapagkat magkatuwang ang mag-asawa sa bawat pagsubok na
kanilang hinarap at humihingi ng tulong mula sa Diyos.
31
The Bedan Journal of Psychology 2017
naman ito ng iba pang kalahok ng ito ay mabanggit. Bagamat nabanggit ang tungkol sa third party, wala ni isa
sa kalahok ang umabot sa puntong ito, isang bagay na kanilang pinagpapasalamat.
Mula sa mga kasagutan ng kalahok pati na rin sa unang bahagi ng diskusyon tungkol sa alitang mag-
asawa, hindi naaalis ang usapin tungkol sa pera. Pinapakita din nito ang realidad na mahirap ang mag-asawa ng
hindi handa at walang pera sapagkat kailangang isipin din ng mag-asawa ang kanilang magiging pamilya at kung
paano ito maitataguyod lalo na sa mataas na bilihin at hirap ng buhay sa panahong ito.
Pag-uusap ng Mag-asawa
“Sa pag-uusap. Dapat pinag-uusapan, hindi puwede yung bulyawan lang kayo ng bulyawan. Kailangan
talaga kapag nawala na yung init ng ulo niya doon mo siya kakausapin, kasi kung mainit pa din yung ulo niya
tapos para kayong magkakasalubungan.” Ani ni Babaeng Kalahok 10. Mula naman kay Babaeng Kalahok 7,
“...kailangan kasi sa mag-asawa may communication yan eh...Atsaka kahit matatanda na kayo kailangan may
bonding moments kayo, kasi dahil doon mas lalong magogrow yung relasyon niyong mag-asawa...” Mula sa
mga napiling pahayag ng mga kalahok, makikita ang kahalagahan ng pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa.
Sinusuportahan nito ang pag-aaral nina Tavakolizadeh et. al (2015) na nagsasabi na ang kakayahan sa
komunikasyon ay may ginagampanang malaking papel upang maiwasan ang alitang mag-asawa. Mula sa mga
pahayag, makikita na ang pag-uusap talaga ang pinakasolusyon ng mga naninirahan sa GK Alaska, mula sa
pahayag makikita na binibigyang kahalagahan nila ang pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa at hangga’t maaari
ay sinusubukan nilang maayos ang alitan bago matapos ang araw. Tumatak din sa isipan ng mananaliksik ang
sagot ng isang kalahok tungkol sa pag-alala sa mga pinagdaanan ng mag-asawa sapagkat nakikita ng
mananaliksik na isa rin itong magandang paraan upang manumbalik ang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa.
Konklusyon at Rekomendasyon
Mula sa mga nakalap na datos, lahat ng kalahok ay sumasangayon na ang alitang mag-asawa ay isang
normal at hindi maiiwasang pangyayari, at ayon sa kanila ang alitan ay sa uri ng salitaan. Sa karanasan naman
sa buhay mag-asawa, sumasangayon sila na ito ay mahirap ngunit sa tulong ng pagdadasal at pagtutulungan ng
mag-asawa lahat ng pagsubok ay malalampasan. Nakikita rin na ang kadahilanan ng alitang mag-asawa ay pera
ngunit lahat ng kalahok ay naniniwala na ito ay kayang solusyunan at hindi dapat masyadong pinoproblema
sapagkat dumadating ang pera at puwedeng gawan ng paraan. Para naman sa solusyon, nakikita ng mga mag-
asawang kalahok na importante ang komunikasyon at dapat pinag-uusapan ang mga hindi pagkakasunduan
kapag parehong mahinahon na ang damdamin ng mag-asawa. Inirerekomenda ng mananaliksik na mas
paigtingin pa ang pagkalap ng impormasyon at humanap ng lugar kung saan magiging mas malawak ang
makukuhang datos. Inirerekomenda rin ng mananaliksik na paghiwalayin ang mag-asawa sa pagdaos ng
pananaliksik upang magkaroon ng mas maraming impormasyon. Inirerekomenda rin na humanap ng mga
kalahok na nakaranas na ng pagkakaroon ng third party upang lalong makatulong sa pagdagdag ng impormasyon
tungkol sa alitang mag-asawa.
SANGGUNIAN
Birditt, K. S., Brown, E., Orbuch, T. L., & McIlvane, J. M. (2010). Marital Conflict Behaviors and
Implications for Divorce over 16 Years. Journal of Marriage and the Family, 72(5), 1188–1204.
http://doi.org/10.1111/j.1741-3737.2010.00758.x
De Leon, Hector S. (2008). Textbook on the Philippine Constitution. Philippine Constitution Article XV
section 1. (1987) p.705.
Denton, M. L. (2012), Family Structure, Family Disruption, and Profiles of Adolescent Religiosity. Journal for
the Scientific Study of Religion, 51: 42–64. doi: 10.1111/j.1468-5906.2011.01619.x
32
The Bedan Journal of Psychology 2017
Doyle, A. B., & Markiewicz, D. (2005). Parenting, Marital Conflict and Adjustment From Early- to Mid-
Adolescence: Mediated by Adolescent Attachment Style? [Abstract]. J Youth Adolescence Journal of
Youth and Adolescence, 34(2), 97-110. doi:10.1007/s10964-005-3209-7
Hardie, J. H., & Lucas, A. (2010). Economic Factors and Relationship Quality Among Young Couples:
Comparing Cohabitation and Marriage [Abstract]. Journal of Marriage and Family, 72(5), 1141-1154.
doi:10.1111/j.1741-3737.2010.00755.x
Koss, K. J., George, M. R. W., Bergman, K. N., Cummings, E. M., Davies, P. T., & Cicchetti, D. (2011).
Understanding Children’s Emotional Processes and Behavioral Strategies in the Context of Marital
Conflict. Journal of Experimental Child Psychology, 109(3), 336–352.
Lambert, N. M. and Dollahite, D. C. (2006), How Religiosity Helps Couples Prevent, Resolve, and Overcome
Marital Conflict. Family Relations, 55: 439–449. doi: 10.1111/j.1741-3729.2006.00413.x
Ledermann, T., Bodenmann, G., Rudaz, M. and Bradbury, T. N. (2010), Stress, Communication, and Marital
Quality in Couples. Family Relations, 59: 195–206. doi: 10.1111/j.1741-3729.2010.00595.x
Macairan, E. (2011, March 27). OSG reports 40% hike in annulment cases. The Philippine Star. Retrieved
from http://www.philstar.com/headlines/669897/osg-reports-40-hike-annulment-cases
Mahoney, A. (2005), Religion and Conflict in Marital and Parent-Child Relationships. Journal of Social Issues,
61: 689–706. doi: 10.1111/j.1540-4560.2005.00427.x
Marriage: Philippines 2011. (n.d.). Retrieved from https://psa.gov.ph/content/marriage-philippines-2011
Mccoy, K., Cummings, E. M., & Davies, P. T. (2009). Constructive and destructive marital conflict, emotional
security and children’s prosocial behavior. Journal of Child Psychology and Psychiatry, 50(3), 270-
279. doi:10.1111/j.1469-7610.2008.01945.x
Papp, L. M., Cummings, E. M., & Goeke-Morey, M. C. (2009). For Richer, for Poorer: Money as a Topic of
Marital Conflict in the Home. Family Relations, 58(1), 91-103. doi:10.1111/j.1741-
3729.2008.00537.x
Robila, M., & Krishnakumar, A. (2005). Effects of Economic Pressure on Marital Conflict in Romania.
[Abstract]. Journal of Family Psychology, 19(2), 246-251. doi:10.1037/0893-3200.19.2.246
Saito, I., Imamura, T., & Miyagi, M. (2010) Filipino Personality Traits and Values for Social Support: FOW as
human resources for work life balance in Japan (1).
Schudlich, T. D., & Cummings, E. M. (2007). Parental Dysphoria and Children’s Adjustment: Marital Conflict
Styles, Children’s Emotional Security, and Parenting as Mediators of Risk [Abstract]. Journal of
Abnormal Child Psychology J Abnorm Child Psychol, 35(4), 627-639. doi:10.1007/s10802-007-9118-
3
Schwebel, D. C., Roth, D. L., Elliott, M. N., Chien, A. T., Mrug, S., Shipp, E., . . . Schuster, M. A. (2012).
Marital conflict and fifth-graders’ risk for injury [Abstract]. Accident Analysis & Prevention, 47, 30-
35. doi:10.1016/j.aap.2012.01.005
Sturge-Apple, M. L., Davies, P. T. and Cummings, E. M. (2006), Impact of Hostility and Withdrawal in
Interparental Conflict on Parental Emotional Unavailability and Children's Adjustment Difficulties.
Child Development, 77: 1623–1641. doi: 10.1111/j.1467-8624.2006.00963.x
Tavakolizadeh, J., Nejatian, M., & Soori, A. (2015). The Effectiveness of Communication Skills Training on
Marital Conflicts and its Different Aspects in Women [Abstract]. Procedia - Social and Behavioral
Sciences, 171, 214-221. doi:10.1016/j.sbspro.2015.01.112
Zarnaghash, M., Zarnaghash, M., & Shahni, R. (2013). The Influence of Family Therapy on Marital Conflicts
[Abstract]. Procedia - Social and Behavioral Sciences, 84, 1838-1844.
doi:10.1016/j.sbspro.2013.07.044
33