You are on page 1of 3

DAHILAN NG PAGKASANGKOT SA ISANG ROMANTIKONG RELASYON

Maraming kabataan ngayon ang pumapasok sa isang romantikong relasyon sa


maraming kadahilanan. Mula sa isang teoretikal na pananaw, ang pangunahing
tungkulin ng kabataan ay upang makakuha ng diwa ng pagkakakilanlan (Beyers at
Seiffge-Krenke, 2010; Erikson, 1950). Kaugnay ng pag-unlad ng pagkakakilanlan, ang
mga tao sa kaniyang paligid ay mas pinahahalagahan, at mas nakikilala ng mga
kabataan ang kanilang mga sarili kapag kasama nila ang kanilang mga kaibigan kasya
ang kanilang mga magulang (Brown et al., 1986). Gayunpaman, nailalarawan ang isang
tao base sa kung sino ang mga taong nakapaligid dito (Leary at Baumeister 2000).

Nakasaad sa pag-aaral nina Gerlach, Driebe, at Reinhard (2018) na ang


pakiramdam ng pagmamay-ari ay lumalago dahil pinadadali nito ang pagpapanatili ng
iba't ibang uri ng relasyon sa buhay ng isang indibidwal. Ang romantikong relasyon ay
sinasabing kinakailangan ng tao. Siguradong tiyak na tanggap sila ng mga kabiyak, at
maaari silang bigyan ng kanilang pangangailangan, pagmamahal, at pansin (Bernales
at Colonia, 2011). Sinabi ni Mapalad (2014) na ang mga kabataan ay karaniwang
nasisiyahan at tiwala sila sa pagkatatatag ng kanilang romantikong relasyon. Positibo
ang kinalabasan ng kanilang relasyon sa pagitan ng haba at ang antas ng kasiyahan.
AMBAG NG ROMANTIKONG RELASYON SA PAG-UNLAD NG DIWA NG
PAGKATAO NG MGA KABATAAN

Maraming pag-aaral ang nagpahayag na mayroong relasyon sa pagitan ng


romantikong relasyon at ang pagiging matanda kung gumalaw at mag-isip (Furman at
Flanagan, 1997). Ang pagkakaroon ng romantikong relasyon ay nakakatulong sa
paghubog ng iba’t ibang aspeto ng isang indibidwal, tulad ng pag-unlad ng isip at
katawan. Ang pagkakaroon ng romantikong relasyong ay nagbibigay ng pagkakataon
sa tao na pag-aralan ang mga bagay na nagbubunga ng matagumpay na relasyon sa
ibang tao (Beyers at Seiffge-Krenke, 2007). Ang mga romantikong ugnayan ay
maaaring maging lugar ng pagsasanay para sa pagtanda, na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga kabataan upang tuklasin kung paano kontrolin ang damdamin,
makipag-ayos sa problema, sabihin ang mga pangangailangan at tumugon sa mga
pangangailangan ng kapareha (Scanlan et al., 2012).

Bukod dito, sinabi ni Erikson (1968) na ang pagmamahalang pangkabataan ay


mahalaga para sa pagbuo ng pag-unawa sa sarili at pagbuo ng pagkakakilanlan.
Tinukoy pa ng isang pag-aaral ni Luciano at Orth (2017) na ang romantikong relasyon
ay nagpapabuti din sa tiwala sa sarili. Gayundin, sinabi rin nya na maaari itong
magbigay ng isang bagong tungkuling panlipunan na maaaring humantong sa
pagbabago at pag-unlad ng pagkatao ng isang indibidwal.
KAUGNAYAN NG ROMANTIKONG RELASYON SA AKADEMIKONG PAMUMUHAY,
KAUGALIAN AT EMOSYONAL NA ESTADO NG KABATAAN

Ang romantikong relasyon ay ang sinasabing kinakailangan ng tao kaya naman


marami sa kabataan ngayon ang sinusubok ito. Ang mga mag-aaral ay hindi nag-iingat
sa paggawa ng mga pasya sa paksang ito. Dahil sa hindi pa makapag-isip ng tama at
kawalan ng gabay ay maaaring magresulta ito sa ilang mga negatibo at positibong
kinalabasan (Trajano, 2018). Natututo rin ang mga kabataan na maglihim o gumawa ng
lihim sa kanilang mga magulang. Gayundin, ang posibilidad o na mahilig sa
pakikipagtalo. Natuklasan sa isang pagsusuri sa Unibersidad ng Denver na ang mga
kabataang nagkakaroon ng romantikong relasyon ay marahil mayroong problema
katulad ng pagkabalisa o depresyon (Scott, 2015). Dagdag pa rito, sila'y mas lalong
hindi makapokus kapag ang kasama nila'y nasa parehong klase na tinutuluyan
(Mwaura, 2012). Ang masamang epekto ay mas kita sa mga kasangkot sa mga
romantikong relasyon sa mas batang edad.

You might also like