You are on page 1of 1

Ang pananaliksik na ito ay nagbigay pokus sa epekto ng pagkakaroon ng mga mag-aaral

ng romantikong relasyon pagdating sa kanilang pang-akademikong pamumuhay, pag-uugali, at


emosyonal na estado.
Sa paksang pang-akademikong pamumuhay, isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang
resulta ng pag-aaral nina Giordano, Phelps, Manning, at Longmore (2008) at maging ng Early
Romantic Relationship (2016). Ayon sa dalawang pag-aaral na ito, ang pagkakaroon ng
romantikong relasyon ng isang mag-aaral ay nagdudulot sa matagumpay na pang-akademikong
pamumuhay. Ito ay dahil sa pagkakaroon nila ng inspirasyon at motibasyon upang mas
pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral. Liban pa rito, nabanggit din sa Early Romantic
Relationship na maaari itong magdulot ng masamang epekto pagdating sa mga prayoridad ng
isang estudyante na siya namang pinasalungatan ng pag-aaral.
Isinaalang-alang din ng mga mananaliksik ang mga pag-aaral nina Trajano (2018) at
Benales at Colonia (2011). Ayon sa mga ito, dahil sa isang romantikong relasyon, mas
napagbubuti ng isang mag-aaral ang kaniyang pag-uugali. Ito ay mapapansin sa kanilang mga
desisyong ginagawa at ang pagiging mas responsable, mapagpasensya, maalalahanin, at
maintindihin ng mga ito. Salungat naman ito sa naging resulta ng pag-aaral na isinagawa nina
Finkenauer, Engels, & Meeus (2002) na nagpakita ng masamang epekto sa paraang nagiging mas
mapaglihim ang mga mag-aaral sa kanilang mga magulang.
Ang pagkakaroon ng isang romantikong relasyon ay nakapagdudulot ng masamang
epekto sa emosyonal na estado ng isang mag-aaral. Ito ay ang naging resulta ng pag-aaral nina
Chen et al. (2009) at maging ni Scott (2015). Nakararanas umano ng stress, anxiety, at maging
depresyon ang mga mag-aaral na okupado sa kanilang romantikong relasyon. Dagdag pa sa mga
naging basehan ng mga mananaliksik ay ang pag-aaral nina Natsuaki et al. (2009) at Joyner and
Udry (2000). Sinasabi ng mga ito na ang mga kababaihan umano ang mayroong mas mataas na
posibilidad na magpakita ng sintomas ng stress, anxiety, at depresyon kaysa sa mga kalalakihan
na may higit na control sa kanilang emosyon.

You might also like