You are on page 1of 9

;

EPEKTO NG “PEER PRESSURE” SA AKADEMIKONG PAG-AARAL


NG MGA ESTUDYANTE NG IKA-11 BAITANG
SA HOLY TRINITY ACADEMY TAONG 2017-2018

Ulep, Judycarla Maria V. (5)


Guyo, Sunshine Ellen J. (5)
Liwanag, Ana Marie P. (4)
Planto, Jesmond Harold (1)

11 – STEM (204)
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sinuri ni Deepika at Prema (2017) ang relasyon ng “peer pressure” at “academic

achievement” ng mga “deviant students”. 145 na “deviant students” ang napili upang tumugon

sa pag-aaral na ito. Bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik upang masukat ang “peer

factor” ng mga “deviant students”. Ginamit din ang “cumulative academic assessment scores”

ng mga estudyante sa lahat ng asignatura sa term I. Lumabas sa pag-aaral na ito na ang “peer

pressure” ay ang pangunahing rason ng “deviant behavior” sa mga estudyante, na nagiging

dahilan ng pagbaba ng kanilang “academic achievement”. Ang “peer pressure” ay isa lamang sa

maraming salik at dahilan ng “under achievement” ng kabataan. Lumabas din sa pag-aaral na

ito na ang mga estudyanteng nasa edad 16-18 ay mas naaapektuhan ng “peer pressure” kaysa

sa mas mababang edad.

Inimbestigahan ni Bankole (2015) ang impluwensya ng “peer groups” sa “academic

performance” ng mga estudyante mula sa sekondaryang paaralan sa Ekiti State. 225 na

estudyante mula sa sekondaryang paaralan ang pinili ng “random” at sila ay tumugon sa pag

sagot ng “Peer Group and Adolescents Academic Performance questionnaire.” Sa kanilang mga

nakuhang resulta, natuklasan ng mga mananaliksik na ang edad, kasarian, at pagkakaiba-iba

ng relihiyon ay di nakaaapekto sa “academic performance” ng mga estudyante ngunit ang “peer

relationship, socialization, location, motivation, and drug use” ay malaki ang impluwensyang

dulot sa “academic performance” ng mga estudyante mula sa sekondaryang paaralan.


Lumabas sa pag-aaral ni Peza (2015) ang mga epekto ng pakikipagkaibigan at

pakikisalamuha sa “academic achievements” ng isang estudyante. Pinakita rito ang mga

positibo at negatibong aspeto ng impluwensya ng mga kaibigan pagdating sa “academic

performance.” Ang pamamaraang isinagawa sa pag-aaral na ito ay ang pag-likom ng mga datos

at impormasyon mula sa mga ulat, obserbasyon, at sa “empirical results”. Natuklasan ng

mananaliksik ayon sa kanyang obserbasyon na ang mga kabataan ay patuloy na tumataas ang

“social motivation” habang ang “academic motivation” naman ay bumababa. Binigyang diin sa

pag-aaral na ito na hindi lamang puro negatibong epekto at impluwensya ang dulot nito.

Ayon sa naganap na pag-aaral ni Wortham (2015), natural na sa tao ang naisin na

maging parte ng isang grupo. Kung kaya naiisip nila na palitan ang pag-uugali na meron sila,

pananamit, at iba pa. Para lamang makaramdam ng pagtanggap mula sa iba. Ang pag-aaral na

ito ay nag lalayong galugarin ang ibat-ibang depinisyon ng ‘peer pressure’ sa mga ‘adolescents’

at kung paano ito nakaaapekto sakanila. Sa pamamagitan ng malawakang obserbasyon,

ebalwasyon at ilang mga konektadong teorya sa pag-aaral, nagkaroon ng resulta na kung saan,

mas mataas ang datos na negatibo ang epekto ng ‘peer groups’ sa mga ‘adolescent’.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri sa epekto ng “school environment” at

impluwensya ng mga kaibigan sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Sinuri sa pag-

aaral na ito ang “level of psychological impact” ng iba’t ibang salik ng “school environment” at

impluwensya ng mga kaibigan sa mga mag-aaral. 21 public secondary schools mula sa Sabatia

District of Vihiga County ang ginamit sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga talatanugan ay

nakalikom ng datos ang mga mananaliksik. Ayon sa resulta, ang “school environment” at

impluwensya ng mga kaibigan ay may mahalagang papel at makabuluhang kontribusyon sa


akademikong pag-aaral ng mga estudyante. Ang mga “peer level factors” ay may relasyon sa

pag-aaral ng mag-aaral. Kapag ang mga kaibigan ng isang estudyante ay tumatangkilik sa mga

bisyo tulad ng paggamit ng droga, at pagiging “absent” sa eskwela, malaki ang porsyento na

maaaring mas bumaba ang kanyang mga grado na magsisilbing sukatan ng kanyang

akademikong pag-aaral. (Korir and Kipkemboi, 2014)

Ipinaliwanag ni Okorie (2014) sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ang tungkol sa

pagbaba ng linang at pagbabago sa akademikong pagganap ng mga kabataan sa paaralan sa

sekundaryong paaralan ng Nigerian sa pangkalahatan sa Umuahia Education Zone, partikular sa

estado ng Abia. Ayon kay Hartney, (2011) ang peer pressure daw ay impluwensiya na maaaring

makuha sa isat'- isa. Weinfied, (2010) ito daw ay emotional at mental forces na galing sa iisang

grupo kung nasasaan ang kabataan na kaparehas ng kanyang mga gawain sa buhay. Ang mga

kabataan daw sa Umauhia Education Zone ay nagkukulang sa pagganap sa kani-kanilang silid-

aralan at paggamit ng sariling oras sa loob ng silid-aralan kung kaya nagawa nila mag

eksperemento na solusyunan ang problemang ito. Inalam nila ang antas ng paggigipit ng mga

kasamahan sa loob ng paaralan, antas ng pamamahala ng oras ng mga kabataan sa loob ng

paaralan, tinukoy ang relasyon sa pagitan ng peer pressure at akademikong pagganap ng mga

kabataan sa paaralan. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay ipaalam sa publiko sa pamamagitan

ng pag-oorganisa ng mga kumperensya, mga workshop at seminar upang ipaalam sa kanila ang

mga positibo at negatibong epekto ng presyon ng peers at tamang paggamit ng oras.

Ayon kay Mapesa (2013), natuklasan na may positibong impluwensya ang “learning

environment” sa “academic performance” ng isang estudyante. Pinag-aralan ng mananaliksik

ang impluwensya ng “peer group” sa “academic performance” ng mga babaeng estudyante sa


Kanduyi Constituency. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin kung paano nakaaapekto ang mga

“prior achievements” ng kanilang “peer groups” sa kanilang “academic performance”. Sa

pamamagitan ng mga talatanungan ay nakalikom ang mananaliksik ng mga datos at

impormasyon. Sa nakuhang mga resulta, natuklasan din na ang “prior achievements” ng “peer

groups” ng isang estudyante ay malaki din ang impluwensya sa kanyang “academic

performance”.

Ayon din kay Prim Prev. (2012), ang pagsusuri na kanyang isinagawa ay tumutukoy sa

mga impluwensya ng grupo ng peer sa pagdadalang-tao sa paninigarilyo na may partikular na

pagtuon sa mga nai-publish na longhitudinal na mga pag-aaral na sinisiyasat ang paksa. Sa

partikular, sinusuri namin ang mga teoretikal na paliwanag kung paano gumagana ang

impluwensyang panlipunan na may paggalang sa kabataan na paninigarilyo, talakayin ang

ugnayan sa pagitan ng peer at adolescent smoking; isaalang-alang ang pagsasapanahon at

mga proseso ng pagpili na may paggalang sa paninigarilyo; siyasatin ang kamag-anak na

impluwensiya ng mga pinakamatalik na kaibigan, malapit na kaibigan, at mga kaakibat ng

karamihan; at suriin ang mga pag-uugali ng pagiging magulang na maaaring buffer ang mga

epekto ng impluwensya ng peer.

Masusing inimbestigahan ni Tope (2011) ang impluwensya ng ‘peers’ sa akademikong

paggawa ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng ‘descriptive research’ at ‘random sampling’,

sila ay nakakuha ng isang daan at limampung (150) estudyante o ‘adolescents’ mula sa

ikalawang baitang. Sa pamamagitan rin ng mga talatanungan na ipinakalat ng mga

mananaliksik, sila ay nakakuha ng sapat na datos na nag reresultang ang ’peer group’ ay
maaaring magkaroon ng positibo at negatibong epekto sa akademikong paggawa ng mga

adolescents.

Ipinaliwanag ni Uche (2010) ang relasyon ng ‘peer pressure’ at tamang pamamahala ng

oras patungkol sa akademikong pagganap ng mga ‘adolescent’ sa Delta State. Ang mga

mananaliksik na nag-trabaho sa pananaliksik na ito ay gumagamit ng sarbey na ang pamagat

ay ‘Peer Pressure’ at ‘Time Management’ ng mga nagawang talatanungan. Sa pamamagitan ng

naganap na sarbey ay nakakuha sila ng resulta na kung saan ang mga lalake ang may pinaka

mataas na datos na kung saan sila ang mas nakakaranas ng ‘peer pressure’ kumpara sa mga

babae. At napatunayan din ng pag aaral na ito na mayroong negatibong relasyon sa pagitan ng

akademikong pagganap at ‘peer pressure’.

Masusing ipinaliwanag ni Akhtar (2011) na ang mga bagay na natututunan ng isang

bata mula sa kanyang mga magulang ay maaaring magkaiba sa mga bagay na kanyang

natututunan mula sa mga kaibigan. Sa pag-aaral na ito, masusing ipinakita ang dalawang uri ng

‘pressure’. Ang una ay ang peer pressure at ang pangalawa ay ang parent pressure. Ayon kay

Boujlaleb “peers have a more powerful influence on adolescents as compared to families”. Ang

pananaliksik na ito ay nag-nanais na ipakita kung ano ang epekto ng dalawang uri ng pressure

sa akademikong paggawa ng isang bata. Ang mga mananaliksik ay naglaan ng oras upang

kumuha ng 156 na estudyante para sa pagsasagawa ng sarbey, gumamit sila ng ‘cluster

sampling technique’ bilang isang pamamaraan upang makompyut ang mga datos na nakuha. Sa

pamamagitan nito, malinaw na naipakita na ang ‘parent pressure ay may positibong epekto sa

akademikong paggawa ng isang estudyante samantalang may negatibong epekto naman ang
‘peer pressure’ sa akademikong paggawa ng isang estudyante, ito ang mga resultang lumabas

para sa mga babaeng estudyante.

Sinuri ni Pozzoli (2010) sa pag-aaral na ito ang papel na ginagampanan ng mga saloobin

ng pro-biktima, personal na responsibilidad, paghawak ng mga tugon sa mga obserbasyon sa

pananakot, at hinuhulaan ang pamamalakad ng normadong peer sa pagpapaliwanag sa

pagtatanggol sa biktima at pasibo sa pamamagitan ng pag-uugali sa pang-aapi. Isang kabuuan

ng 462 Italyano sa unang bahagi ng mga kabataan (ibig sabihin edad = 13.4 taon, SD = 9 na

buwan) na nakilahok sa pag-aaral. Ang mga pag-uugali ay sinukat sa pamamagitan ng

dalawang informant: bawat estudyante at mga guro. Ang mga natuklasan ng isang serye ng

mga hierarchical regressions ay nagpakita na, anuman ang informant, paglutas ng problema sa

mga estratehiya sa pag-coping at perceived peer normative presyon para sa interbensyon ay

positibo na nauugnay sa aktibong tulong patungo sa isang bullied peer at negatibong nauugnay

sa passivity.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga alamat na tila iminumungkahi na ang mga

kabataan ay partikular na madaling kapitan sa impluwensya ng mga kasamahan. Gayunpaman,

mula sa panitikan ang eksaktong mga pagkakaiba sa edad sa pagkamaramdamin sa

impluwensya ng peer ay hindi maliwanag. Ang pangunahing pokus ng kasalukuyang pag-aaral

ay upang mapakita ang pag-unlad ng pangkalahatang pagkamaramdamin sa presyon ng peer

sa isang sample ng komunidad na 10-18 taong gulang na may kamakailan na binuo Resistance

to Peer Influence Scale (RPI). Ang isa-factor na istraktura ng RPI ay tinatanggap sa

kasalukuyang sample, at ang RPI ay pantay na maaasahan sa lahat ng edad. Tulad ng


inaasahan, ang pangkalahatang paglaban sa impluwensya ng peer ay nadagdagan habang

nagbibinata. Lubos rin natin itong mapapatunayan sa pamamagitan ng pag survey para sa mga

kabataan. Bilang karagdagan, ang mga pagkakaiba ng kasarian ay mas maliwanag sa panahon

ng pag-adolesyo, kung ang mga batang babae ay higit na lumalaban sa impluwensya ng

kababayan kaysa sa mga lalaki. Ang mga natuklasang ito ay ipinaliwanag sa mga tuntunin ng

psychosocial maturation sa panahon ng pagdadalaga. (Sumter, 2009)

Pinag-aralan nina Burke at Sass (2008) ang epekto ng ‘classroom peers’ sa pagganap ng

isang indbidwal sa loob ng isang klase, pinag-aralan din ang mga posibleng epekto ng ‘peer

pressure’ sa akademikong pagganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsusulit,

aktibidades at pangkatang gawain, nalaman ng mga mananaliksik na ang ang mga baitang na

nasa ika-3-10 ay mas naaapektuhan ng ‘classroom peer pressure’. Nalaman rin na mas malakas

na nagaganap ang ‘peer effect’ sa ‘classroom level’ kumpara sa ‘grade level’.

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng isang lubusang pagrepaso ng 44 peer-reviewed

quantitative o kwalipikadong data na nakabatay sa peer-reviewed na mga pag-aaral na

nakumpleto sa adolescent peer group identification. Ang pagkakakilanlan ng kabataan ng

kasamahan sa kabataan ay ang pinaghihinalaang sarili o iba pang pinaghihinalaang pagiging

miyembro sa mga hiwalay na grupo ng mga tinedyer. Makakadagdag rin sa pag-aaral ang pag

gamit ng survey upang mas madagdagan ang kasiguraduhan sa review na gagawin. Ang pag-

aralan ng pagsusuri ay nagpapahiwatig na ang mga grupo ng mga kabataan ay binubuo ng

limang mga pangkalahatang kategorya na naiiba sa mga katangian ng pamumuhay: Mga Elite,

Atleta, Akademiko, Deviant, at Iba pa. Nalaman namin na ang kategorya ng grupong Deviant
adolescent ay iniulat ng mas malawak na pakikilahok sa paggamit ng droga at iba pang mga

pag-uugali ng problema sa buong pag-aaral, samantalang nagpakita ang mga Akademya at

Atleta ng hindi bababa sa pakikilahok sa mga problemang ito sa pag-uugali. Karagdagang

pananaliksik ay kinakailangan sa arena na ito upang mas mahusay na maunawaan ang

pagpapatakbo ng mga labis na grupo ng mga label. (Sussman, 2007)

You might also like