You are on page 1of 7

Epekto sa Pag-aaral ng Maagang Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon

ng Bachelor in Elementary Education sa Pamantasan ng Bicol Kampus ng Polangui


Research Discipline

Ang relasyon ay ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. Ang


pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa kapwa na kung saan ipinadadama ng isang indibidwal
ang kanyang saloobin na gusto nitong ipahayag. Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao
ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may
mapagsasabihan tayo ng mga problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag
ng sariling opinion. Marahil na ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga mag-aaral para sa
lubusan nilang makilala ang kanyang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.
Nakadepende na ito sa isang indibidwal kung paano niya papahalagahan ang nasabing sitwasyon.

Ayun sa pag-aaral nila De leon, B. M., et al., (2018) sa pagtuntong ng bata sa kanyang
pagbibinata at pagdadalaga, dito nagsisimula ang mga pagbabagong hormonal sa pisikal,
emosyonal, at mental. Ang mga prayoridad ng bata ay nag-iiba base na rin sa kapaligiran
nakinabibilangan niya.

Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isang estudyante
ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong nalululong sa
pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan natalaga nila ang
pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol angsarili sa kanilang
karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang epekto lalung-lalo
na sa pag-aaral

Ang pakikipagrelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay may mabuti ring naidudulot kung
minsan ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral., dahil dito nagagawa mo ng husto o
mabuti ang iyong pag-aaral nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin ang
ating sariling motibo na mas lalong mapabuti ang pag-aaral.

Ayon kay Ramon Carlos (2008) sa kanyang blog entry, naaapektuhan lamang ng pagiging
“in a relationship” ng isang tao ang mga mahahalagang bagay na lubos niyang kailangan sa
pang araw-araw bilang isang indibidwal. Tinutukoy niya angnegatibong epekto ng
pagkakaroon ng love life sa buhay ng isang estudyante. Una salahat maaapektuhan nang Malaki
ang kaniyang pag-aaral sa halip na 100% ang atensyon natin sa pag-aaralay nalilihis tayo at mas
napagtutuunan natin ng pansinang ating mga kasintahan imbes na mag-aral tayo nang mabuti at
mailaan natin angating oras sa pag-aaral ay nahahati ito kung sakaling may mga
kasintahan tayongnangangailangan din sa ating atensiyon. Malaki ang posibilidad na
dahil dittomawawalan tayo ng pokus at maaaring bumaba ang ating grado.

Ayon kay Latoya Newman (2016) nagiging dahilan ng pagkabahala ang


pakikipagrelasyon sa pamamagitan ng paghahati ng oras sa isa’t isa at oras sa pag-aaral, presyur
na kinakaharap sa lipunan, sa mga kaugalian, sa kapaligiran, at maging sa sarili ay nakakaapekto
din.

Scientific / Theoretical Background of the Study

Mga Teoryang sandigan kaalaman upang tapat na maipagpatuloy ang panukalang pag-aaral na
ito:

The Need to Belong Theory (Baumiester at Leary,1995) ay nangangahulugan na ang lahat ng tao
ay nagbabahagi ng isang karaniwang pangangailangan na maiugnay sa iba. Ayon kay Laslocky
(2013) ang need to belong theory ay malalim na nakaugat sa ating pag-iisip na ang anumang
maranasan ng isang taong pagtanggi ay nagpapahiwatig ng mga reaksyon a katulad sa
nararamdamang pisikal.
Knowledge Gap to be Filled

Ang pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral habang sila ay nag-aaral ay may mga positibo
at negatibong epekto nito sa kanila, kaya nilalayon ng mga mananaliksik na makatulong sa mag-
aaral kung paano nila haharapin at malalagpasan ang mga negatibong epekto ng maagang
pakikipagrelasyon sa pag-aaral. Ito ay makakapagbigay sa kanila ng karagdagang impormasyon
ukol sa pakikipagrelasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay
pinakamainam na magkaroon ng pag-aaral na ito upang masagot ang katanungan ng mga mag-
aaral at ang miskonsepsyon ng mga tao tungkol sa pakikipagrelasyon habang nag-aaral pa
lamang at mapabatid sa mga mag-aaral na mainam na mas tuunan ng pansin ang kahalagan ng
pag-aaral kaysa sa pakikipagrelasyon.

Main Research Objective/s

Ang pananaliksik na ito ay layunin na mabatid ang Epekto ng maagang pakikipagrelasyon sa


pag- aaral ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng BEED sa BUPC. Bukod dito, layunin din ng
mga mananaliksik na makamit ang mga sumusunod;

1.
2. Matukoy ang mga dahilan ng pagpasok ng mga mag-aaral sa maagang pakikipag relasyon
3. Maipaliwanag sa mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon kaysa sa pakikipagrelasyon.

Research Design, Methods and Materials

Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibo o pamaraang paglalarawan sapagkat


ang layunin ay maipabatid ang epekto ng maagang pakikipag relasyon ng mga mag- aaral
na BEED sa ikalawang taon sa kanilang pag-aaral. Isang kuwalitatibo na pamamaraan ng
pag-aaral sapagkat ang gagamitin ay sarbey sa pamamagitan ng talatanungan at interbyu
para makalakap ng mga datos tungkol sa epekto sa pag-aaral ng maagang
pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng BEED sa BUPC. Gamit ang
desinyong deskriptibo o pamaraang paglalarawan, ang mga mananaliksik ay nag desinyo
ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa dalawampung (20) mag-aaral. Sampu (10) sa
kanila ay babae at sampu (10) din sa kanila ay lalaki na parehong nasa ikalawang taon sa
BEED.
Ang pagbibigay ng talatanungan ay magsisilbing datos sa pananaliksik na ito
upang mabigyan ng katibayan ang mga impormasyong nakalap hinggil sa suliranin ng
paksang isinasaliksik. para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng
mananaliksik na mangalap ng mga impormasyon sa mga mag-aaral na nasa ikalawang
taon na BEED na may karelasyon o may karanasan sa pakikipagrelasyon.
Panganlan(opsyunal):_______________
Edad: ________

1. Mayroon kana bang karelasyon?

Oo Wala Wala pero may karanasan

2. Ano-anong mga Positibo at Negatibong dulot ng pakikipagrelasyon sa pag dating sa pag-


aaral?
POSITIBO
Inspirasyon
Kaagapay sa pag-aaral
May makakasama sa oras ng pangangailangan
May masasabihan ng problena o kasiyahan sa buhay
NEGATIBO
Distraksyon sa pag-aaral
Dagdag gastos pambili ng regalo o pangdate
Pagliban sa klase
Pagkawala ng focus sa klase
Nahahati ang oras sa pag-aaral

3. Ano-ano ang dahilan kung bakit pumasok ang isang mag-aaral sa pakikipagrelasyon
habang nag-aaral?
Dahil sa udyok ng kaibigan/barkada
Gusto lamang ng karanasan sa pagkakaroon ng BF/GF
Gusto lamang ng inspirasyon
Sunod sa uso
Para may mapagsasabihan pag may problema
Wala BF/GF habang nag aaral
Ibang kasagutan: _________________________________________________
4.

You might also like