You are on page 1of 2

IMPERIAL, Kirsten Mireille P.

WIKAKUL A52

24
Inareglong Kasal

Ang buong dokumentaryo ay nakasentro tungkol sa kasunduang pagpapakasal.


Ipinagkakasundo ng kanilang mga magulang ang mga ikakasal sa murang edad pa
lamang, katulad nina Fajad at Olily, na nasa grade school pa lang nang ipagkasundo
sila. Anim na taon pa lang sila nung ipangkasundo sila. Samantalang sina Ibrahim at
Johanifah, mga ipinagkasundo rin, ay naipagkasundo nang maging tinedyer na sila. Sa
pagkakatanda ko, ipinagkasundo sila para matigil ang pag-aaway ng kanilang pamilya,
dahil ang pinsan ni Ibrahim ang pumatay sa kapatid ng tatay ni Johanifah.
Ang tradisyong ito ng kasunduang pagpapakasal ay nagmula sa mga Maranao at
tinatawag na Inareglong kasal. Masasabing ang tradisyong ito ay isa sa mga rason
kung bakit katangi-katangi ang mga Maranao. Kumpara sa ibang tribo sa Mindanao, sila
lang ang nagsasagawa ng tradisyong ito. Ngunit katulad ng madaming tradisyon
katulad ng napanood namin sa Huling Prinsesa tungkol sa mga binukot hindi lahat
ng mga tradisyon ay nasusunod. Kahit gaano pa kaganda ang isang tradisyon at
kayaman ng kultura na pinagmulan nito, maaaring magkaroon ito ng hindi magandang
katangian. Kaya naman ipinakita rin sa dokumentaryo na hindi lahat ng mga Maranao
ay sumusunod sa inareglong kasal katulad ni Minang Sharief. Sinuway niya ang
kahilingan ng ama niya na ikasal siya sa sarili niyang tiyuhin sa edad na 13. Sa tingin ko
ay kahanga-hanga ang ginawa niyang ito dahil nagpalakas ito ng loob sa iba pang mga
kababaihan na ipinagkakasundong ikasal. Maraming kababaihan na rin ang
sumusuway sa mga kahilingan ng kanilang magulang.
Alam nating lahat na mahalagang ipakita natin ang respeto para sa ating mga
magulang sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila. Pero para sa sitwasyong ito, mas
dapat pahalagahan ang karapatan ng mga ipinagkakasundo na makapili ng kung sino
ang nais nilang pakasalan. Dahil para sakin, ang pagpapakasal ay isang sagradong
bagay. Ang pagpapakasal ay dapat parehong sinasang-ayunan ng mga ikakasal nang
kusa, nang hindi ipinipilit o minamanipula. Ang pagpapakasal ay proseso ng pagdeklara
ng iyong pagmamahal, at ito ay permanente na hanggang sa kamatayan. Maaaring
sabihin ng iba na pwede ka namang matuto na magmahal, ngunit kung ikaw ay kagaya
nina Fajad at Olily na ipinagkasundo na agad noong bata pa lang sila, wala ka pang

IMPERIAL, Kirsten Mireille P.


WIKAKUL A52

24

kaalam-alam tungkol sa pagpapakasal. Naisasakripisyo rin ang kabataan nila at ang iba
pang pwede nilang gawin habang bata pa sila. Sa dokumentaryo, hindi lang simpleng
pagkakasundo ng kasal ang ipinakita. Kahit mga musmos ay nasasangkot na dito, Ang
mga musmos na ito ay hindi pa kayang magdesisyon para sa mga sarili nila. Madami
pa dapat silang matutunan. Kaya naman sa tradisyong ito, nawawala ang
pagkasagrado ng pagpapakasal. Nagiging isang bagay na lamang ito na ipinipilit gawin.
Dapat, ang pagmamahal ay hindi ipinipilit. Binigyan tayo ng free will o sariling pag-iisip
para makapagdesisyon sa sarili nating mga kapakanan. At dapat, kung ikaw ay
magpapakasal, hindi para sa mga dahilang katulad ng pagtigil ng pag-aaway ng
dalawang pamilya. Kung magpapakasal, dapat ang dahilan ay pagmamahal.

You might also like